You are on page 1of 2

TULA: Kahulugan, Elemento, Uri, at  Walang sukat na may tugma 

– mga
tulang walang tiyak na bilang ang
mga Halimbawa ng Tula pantig sa bawat taludtod ngunit ang
Ano ang Tula? huling pantig ay magkakasintunog o
Ang tula o panulaan ay isang masining na anyo magkakatugma.
ng panitikan na naglalayong maipahayag ang 2. Kariktan
damdamin ng makata o manunulat nito. Kilala ito Ito ang malinaw at hindi malilimutang impresyon
sa malayang paggamit ng wika sa iba’t ibang na natatanim sa isipan ng mga mambabasa. Ang
anyo at estilo. Nagpapahayag ito ng damdamin kariktan ay elemento ng tula na tumutukoy sa
at magagandang kaisipan gamit ang maririkit na pagtataglay ng mga salitang umaakit o
salita. Ito ay matalinghaga at kadalasang pumupukaw sa damdamin ng mga bumabasa.
ginagamitan ng tayutay. 3. Persona
Ang tula ay binubuo ng mga saknong at ang mga Ang persona ng tula ay tumutukoy sa nagsasalita
saknong ay binubuo ng mga taludtod. Karaniwan sa tula. Kung minsan, ang persona at ang makata
itong wawaluhin, lalabindalawahin, at lalabing- ay iisa. Maari rin naman na magkaiba ang
animing pantig. Ang kalipunan ng mga taludtod kasarian ng persona at makata. Maaari rin na
ay tinatawag na taludturan o saknong. isang bata, matanda, pusa, aso, o iba pang
Mga Elemento ng Tula nilalang.
Ang tula ay may walong (8) elemento. Ito ay ang 4. Saknong
mga sumusunod: Ito ay tumutukoy sa grupo ng mga taludtod ng
1. Anyo tula. Ito ay maaring magsimula sa dalawa o higit
Tumutukoy sa kung paano isinulat ang tula. Ito ay pang taludtod.
may apat (4) na anyo. 5. Sukat
 Malayang taludturan – walang Ito ang bilang ng pantig ng tula sa bawat
sinusunod na sukat, tugma, o anyo. Ito taludtod na karaniwang may sukat na waluhan,
ay karaniwang ayon sa nais ng labing-dalawahan, at labing-animan na pantig.
manunulat. Ang mga tulang isinulat 6. Talinhaga
ni Alejandro Abadilla ang halimbawa ng Kinakailangan dito ang paggamit ng mga tayutay
mga tulang nasa anyong malayang o matatalinhagang mga pahayag upang pukawin
taludturan. ang damdamin ng mga mambabasa.
 Tradisyonal – may sukat, tugma, at 7. Tono o Indayog
mga matalinhagang salita. Ang ilan sa Tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng bawat
mga halimbawa ng tulang nasa anyong taludtod ng tula. Ito ay karaniwang pataas o
tradisyonal ay ang mga tulang isinulat pababa.
ni Dr. Jose Rizal, isa na dito ang “Isang 8. Tugma
Alaala ng Aking Bayan“. Ito ay ang pagkakasingtunog ng mga salita sa
 May sukat na walang tugma – mga huling pantig ng bawat taludtod ng tula.
tulang may tiyak na bilang ang pantig Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling
ngunit ang huling pantig ay hindi pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay
magkakasingtunog o hindi magkakasintunog. Nakagaganda ito ng
magkakatugma. pagbigkas ng tula. Ito rin ang sinasabing
nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o
indayog.
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
ni Andres Bonifacio

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak


Sa pagkadalisay at pagkadakila Ng kahoy ng buhay na nilanta’t sukat,
Gaya ng pag-ibig sa Tinubuang lupa? Ng bala-balaki’t makapal na hirap,
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala. Muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.

Pagpupuring lubos ang palaging hangad Ipahandug-handog ang buong pag-ibig


Sa bayan ng taong may dangal na ingat, At hanggang may dugo’y ubusing itigis;
Umawit, tumula, kumanta’t sumulat, Kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid,
Kalakhan din niya’y isinisiwalat. Ito’y kapalaran at tunay na langit!

Walang mahalagang hindi inihandog


Ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,
Buhay ma’y abuting magkalagut-lagot.

Bakit? Alin ito na sakdal ng laki,


Na hinahandugan ng buong pagkasi,
Na sa lalong mahal nakapangyayari,
At ginugulan ng buhay na iwi?

Ito’y ang Inang Bayang tinubuan:


Siya’y ina’t tangi sa kinamulatan
Ng kawili-wiling liwanang ng araw
Na nagbigay-init sa buong katawan.

Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan,


Ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal,
Mula sa masaya’y gasong kasanggulan
Hanggang sa katawa’y mapasa-libingan.

Sa aba ng abang mawalay sa bayan!


Gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay,
Walang alaala’t inaasa-asam
Kundi ang makita’y lupang tinubuan.

Pati ng magdusa’y sampung kamatayan


Wari ay masarap kung dahil sa bayan
At lalong mahirap. Oh, himalang bagay!
Lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.

Kung ang bayang ito’y masasa-panganib


At siya ay dapat na ipagtangkilik,
Ang anak, asawa, magulang, kapatid;
Isang tawag niya’y tatalikdang pilit.

Hayo na nga, hayo, kayong nagabuhay


Sa pag-asang lubos ng kaginhawahan
At walang tinamo kundi kapaitan,
Hayo na’t ibangon ang naabang bayan!

You might also like