You are on page 1of 2

Tama na! Ikaw naman!

Ang spoken words na ito ay para sa mga taong piniling masakatan, ginustong masaktan, tiniis
ang sakit dahil sa salitang “Mahal!”

Kaya’t Heto na… sasabihin ko na bibitawan ka


Dahil kailangan mo nang lumaya
Sasabihin ko na.. mahal kita

Tama na! Ikaw naman!

Sabay tayong bumilang tayo ng tatlo


Sa pagdating ng tatlo sabay tayong bibitaw
Isa, Dalawa…
Kaya ko ba?
Isa Dalawa
Hindi ko kayang ituloy ang bilang

Isa, dalawa….

Walang madaling pagbitaw sa mahigpit na kapit sa lubid ng pag-ibig


Lahat ng pamamaalam ay mag-iiwan ng sakit at mga pilat na magpapaalala sa atin na ang
pagmamahal ay hindi laging nagtatapos sa saya.

Mahal galit ako! Galit ako…


Dahil pinili mong angkinin ang lahat
Dahil mag-isa mong ininom ang lason ng mundong nating dalawa
Dahil mag-isa mong nilakbay ang gabing madilim at malamig ng walang sulo
Dahil binasa mo ng luha ng lungkot ang mga panyong parehas tayo.
Galit ako dahil mas pinili mong manahimik at ipinin sa alkansya ng galit at puot ang lahat lahat
ng nasa iyong dibdib.
Galit ako dahil ginawa mo ang lahat nang ito ng mag-isa

Bigla akong napatong sa sarili


Sino ba ako sa iyo?
Masaya ka pa ba?
Mahal mo pa ba ako?

We all know that Love demands too much more than you can give!
Kapag nagmamahal masmakikilala mo ang iyong sarili
At marami ka ring matututunan
Malalaman mong marunon g ka palang magsulat ng tula
Tulang malulunod ka sa pag-ibig. Mga tugmaang pinaniwalaang mong para sa isa’t isa
Malalaman mo ring Marunong ka palang gumuhit
Iguguhit mo ang kanyang mukhang labis mong minahal
Nagpapaalala sa iyo na may dahilan ka para gumising
Marunong kapalang umawit’
Kakantahin mo ang mga awiting magsasalaysay ng inyong kuwento
Marunong ka palang sumayaw
Sasayawan mo ang mga alon ng dagat ng nsuliranin at kakapit para hindi mahulog

Pero isang bagay ang hindi mo kailanman matututunan ang pag-iwas sa sakit dala ng pag-ibig

Isang pakiramdam na paulit ulit mong nakakasama pero hindi ka masanay.


Sino ba naman sa atin ang nanaisin na bumitiw sa pag-ibig na gusto mong ipagpatuloy o
ipaglaban
Ngunit habang tumatagal ay sumisikip at unti-unting pinipigilan kang gumalaw
Ang bigkis ng pagmamahalaan ay naging lubid na sumasakal sa iyo
Dahilan kung bakit lalong lumiit ang mundo mong dating sinlawak ng kalawakan
Piniling maging obra na lamang ang mga pangarap mong matagal mong inasam para sa
pagmamahal.
Makasarili ka. Oo makasarili ka. Dahil pinili mong angkinin ang lahat

Mahal.. ayaw ka nang pakinggan ng aking mga tainga ang mga salitang paulit ulit mong
binibigkas ng iyong puso.

“Pagod na ako!

Pakiramdam mo’y hindi kana makahinga


Dahil sa bigat ng dinadala sa iyong dibdib
Dahil sa mga kamay nakagapos
Dahil sa bibig mong nakabusal
Dahil sa pakpak mong kaya naming lumipad pero piniling manatili

Hindi mo man sabihin… nakikitan ko sa iyong mga mata


Mga luha mong pinilit mong itago para ipakitang masaya ka pa
Mga ngiti mong nagsilbing masakara upang iatago ang lahat
Mga kuwento mong binago mo at makailang ulit mong nirebisa upang sa dulo maging masaya

Mahal galit ako! Galit ako…


Dahil pilili mong angkinin ang lahat
Dahil mag-isa mong ininom ang lason ng mundong nating dalawa
Dahil mag-isa mong nilakbay ang gabi ng walang sulo
Dahil binasa mo ng luha ng lungkot ang mga panyong parehas tayo.
Galit ako dahil mas pinili mong manahimik at ipinun sa alkansya ng galit at puot ang lahat lahat
ng nasa iyong dibdib.
Galit ako dahil ginawa mo ang lahat nang ito ng mag-isa

Pero mas galit ako sa sarili ko dahil hinayaan kitang mag-isa

You might also like