You are on page 1of 2

KARAPATAN

Ni Markgil H. Menguita
Piyesa(Spoken Poetry)

Maraming ng pag-ibig ang aking nasilayan


Mula sa mga pelikulang nagpapakita ng katatagan
Iba’t ibang karakter na pinipilit ipaglaban
At sa huli’y magtatapos sa isang matamis na tagpuan

Nang piliin kita upang mahalin ko


Hindi ako nagalinlangan pa.
Naniwala akong magiging tayo
Maririnig ko ang matamis mong OO

Pinili kita upang mahalin hindi dahil sa iyong ganda


Sa mga tingin mong nangungusap sa tuwing magtatagpo ang ating mga mata
Sa mga labi mong kay tamis at kay pula
Sa talino mong daig pa ako sa Matematika.

Pinili kita upang mahalin hindi dahil sa iyong ganda


hindi dahil sa iyong mga mata
hindi dahil sa labi mong kay pula
hindi dahil sa matalino ka
Pinili kita dahil mahal kita

Pinili kita dahil mahal kita!

at sa pagpili ko sayo upang mahalin


ay binigyan kita ng karapatan
Karapatan na ako ay angkinin
Ang lahat ng sa iyo’y sayo
ang lahat ng akin ay sa iyo
ang lahat ng atin ay sa iyo na rin

Sa pagpili ko sayo mahal binigyan kita ng karapatan


Karapatan na ako ay mahalin
Sa araw-araw ay paligayahin
Pasasayahain sa mga umagang kay madilim

Sa pagpili ko sayo mahal binigyan kita ng karapatan


Nang pinili kita mahal upang mahalin ko
Hindi ko naisip ang katapusang ito
Huli na ng aking mapagtanto
na sa pagmamahal sa iyo
Binigyan kita ng karapatang saktan ako.
Karapatang paikutin ako.
Karapatang lokohin ako.
Karapatang ipag-palit ako.

Mahal, buo ako sinimulan natin ang pag-iibigan


Nag-alay ng iba’t ibang salita ng pagmamahalan
Ngunit ng magtagal, akin ng nakalimutan
Sa relasyong natin ako lamang ang gumagalaw
Ako ang tangung sumasagwan sa pag ay ako nalang
Pinili mong bumaba sa ibang daungan.
Karapatan na ako ay

Mga relasyong sa akin ay

BINHI
Ni Markgil H. Menguita
Piyesa(Spoken Poetry)

Maraming taon ang aking hinintay


upang sa pag-ani, akin ng matikman
ang bunga ng mahabang pagsusumikap,
paghihintay, pagsasakripisyo at paghihirap.

Itinanim ko ang puso kong galak na galak sa unang pagtibok


Dalisay na pag-ibig ang akin nararandaman
Biglaang nagliwanag ang mukha nababakas ang mga ligayang walang katapusan
Mga ttagpong sa pelikula mo masisilayan

Mahal, itinanim ko sa iyo ang puso ko


Sa pag-asang anihin ko ang pag-ibig mo
Di natulog sa araw at gabi sa pagbabantay
sa takot na ika’y manakaw

Mahal, itinanim ko sa iyo ang puso ko


Umaasang aalagaan mo
tulad ng pag-aalaga mo sa cellphone mo
Lagi mong kahawak sa minuminuto, dinaram ang init ng mga palad mo
Lagi mong kinakausap sa maghapon , magkalapit ang mga labi

Hindi inihanda ang sarili sa biglaang pagkabulok

You might also like