You are on page 1of 11

Universidad ng Luzon

Kolehiyo ng Edukasyon
Lungsod ng Dagupan

Curriculum Vitae

A.Personal Data:

Name: Jhamie D. Miserale


Date of Birth: February 1, 1999
Residence: 2958 Pantal West Dagupan City, Pangasinan
Parents: Rogelio T. Miserale Jr.
Imelda C. Dasig

B. Education Attainment:

Elementary: Pantal Elementary School


Secondary: St. John’s Cathedral School
Tertiary: University of Luzon
Ako’y Pilipino

Ni Jhamie Miserale

Ako’y Pilipino sa kulay at anyo


Ipinanganak ako ng may talino

Aking sinasabuhay nag kultura ko

Kahit saan pa man ako magtungo

Aking sasambitin, perlas ng silangan

Buong pusong mamahalin an gating bayan

Irerespeto at buong pusong pagsisibilhan

Nang kusa at walang pag aalinlangan

Maraming bayaning nagbuwis ng buhay

Sila ay namatay ta nag dusang tanuy

Di nag atubili sa tawag ng bayan

Upang kalayaan ay ating makamtam

Mga kasaysayang di ko malilimutan

Mga pangyayaring ating pinagmulan

Gumawa ng kasaysayan sa ating bayan

Para makamit ang tunay na kalayaan

Taas noong aking ipagmamalaki

Na ang Pilipino ang aking lahia

Ang ating bansang Pilipinas ang saksi

Sa buwis na buhay ng mga bayani


Panalangin

Ni Jhamie Miserale

Mahal naming Ama na nasa itaas


Kami po ay nananalangin ng labis

Na kami po ay bigyan ng lakas

At kami rin po ay ilayo sa hinagpis

Kami poy labis na nagpapasalamat

Dahil hindi laylay an gaming balikat

Sa hiram na buhay nagpapasalamat

Mga biyayang bigay lahat ay sapat

Humihingi po kami ng tawad Ama

Sa lahat po ng aming sala

Wag po sanay maghari ang masama

Bagkus ang kabutihan nawa

Mahal naming Ama ikay aming lakas

Lahat ng galaw kamiy ilayo sa dahas

Upang sa buhay naming ay mababakas

Tunay na ligaya nang walang kupas

Ama naming Diyos na makapangyarihan

Ikaw o Diyos ang aming sandigan

Sinasamba ka ng walang alinlangan

Ngayon bukas at magpakailanman


Paraiso

Ni Jhamie Miserale

Aking natatangi inang kalikasan


Kapuri-puri ang iyong kagandahan

Ngunit bakit tila ikay napabayaan

Nag-iiba ang dating kagandahan

Aking naaalala sa gunita noon

Panahong luntian pa ang mga dahon

Kay bilis naman lumipas ng panahon

Ano ang nangyari sa paligid ngayon?

Ito ay unti-unti ng nasisira

Dahil minamaltrato ng bawat isa

Ang dating paligid na puro luntian

Ngayon ay nababalot ng kadiliman

Ngunit mayroon pang pagkakataon

Na baguhin ang mga nangyayari ngayon

Magtulungan tayong tanggalin ang lason

Ating gawaing leksyon ang nangyari noon

Halika na, magtulungan at magabago

Wala tong talo, lahat tayoy panalo

Upang mabalik sa dati ang disyerto

At magawa natin ulit ang ating paraiso


Pangungulila sa Ama

Ni Jhamie Miserale

Napakaraming taon na ang nagdaan


Marami na rin tayong pinagsamahan

Pangako mo noo’y hindi kami iiwan

Ngunit ngayon ama ikaw ay nasaan?

Hinahanap ko ang galak na iyong dala

Kaya naman kami ngayo’y nangungulila

Kami’y nalungkot sa bigla mong pagkawala

Bakit ba biglang lumisan aking ama?

Hindi naming alam kung san ka hahanapin

Ngunit pagsamo ng puso iyong dinggin

Kami’y naghihintay sayong pagdating

Ama, ika’y bumalik sa aming piling

Kami’y takot sa katotohanan

Na sa buhay pang walang hanggan

Na ang lahat ay may katapusan

Nawawalat pwede kang iwanan

Ngayo’y di naming alam aming gagawin

Saan ka kaya naming hahanapin

Sapagkat sa buhay kamiy naninindigan

Kaya isa pang pagkakataon aming hiling


Dakila ka Ina

Ni Jhamie Miserale

Ilaw ng tahanan kung siya’y tagurian


Dakilang handog ng diyos sa tanan;

Sinuman ay tiyak na maliligayahan

Sa taglay na buti ng kanyang katauhan

Ako, ikaw at siya sadyang mamamangha

Sa mapag-arugang puso niya na isang biyaya

Alin pa kayang pag-ibig ang makakahangga

Sa ganoong pag-ibig na may hiwaga

Saan man at kailanman, siya’y masasandalan

Kahit sino pa man ay siya’y di mapapantayan

Mahal na ina ikaw ang aking kahilingan

Sakripisyo mo sadyang di matutumbasan

Lahat ng problema ay malalampasan

Kailanman ay di ka namin malilimutan

Ang pagmamahal mo sa amin ng lubusan

Hindi mapapang-iiwanan kalian pa man

Dakila ka ina, higit ninuman

Sa puso namin, ikaw ay mananahan

Salamat sa lahat, sadyang di malilimutan

Inyong mga bigay mula nang kami’y isilang


Exotic na Tula

Ni Jhamie Miserale

Hindi ko maisip bakit minsan ako’y makulay


At minsan ako’y itim at walang buhay

Minsan ay makikita sa isang sulok

Na mayroong napakaraming buhok

Paminsan minsan ako’y iyong sinasaktan

Walang araw at oras itong naranasan

Ako’y lagging pinagdidiskitahan

At ako’y palaging nahihirapan

Ako’y lagi mong sinusundot-sundot

Hindi ko alam kung ikaw ay may galit

Ako rin ay pilit mong inaabot

At hindi ko rin alam kung bakit

Lagi kong nararanasan ang pait

Dahil palagi mo akong inililigpit

Kung saan saan mo lang idinidikit

Sapagkat ako ay napakalagkit

Nais ko mang magtago habang buhay

Ngunit hindi ako maaring mabuhay

Ako’y kulangot na kailangan humiwalay

Dahil ang aking mundo ay walang malay


Para Sayo

Ni Jhamie Miserale

Simula noong ikaw ay makilala


Labis ang tuwa na aking nadarama

Para itong itinakda ng panahon

Kaya’t di sasayangin ang pagkakataon

Ibibigay ang lahat lahat saiyo

Ako man ay saktan nariyan parin sayo

Hindi ko sasayangin ang pag-ibig mo

Asahan ako’y lagging nasa tabi mo

Hinding hindi ka iiwan kahit kailan

Ikaw rin ay hindi malilimutan

Sa bawat sandal ikaw ay kasama

Labis ang saya na aking nadarama

Ikaw lagi ang nandiyan sa aking tabi

Kahit ang oras ay maghahating gabi

Ikaw parati ang masasandalan

Sa lahat ng oras ikaw ay nariyan

Salamat dahil ikaw ay nakilala

Salamat at ikaw ay nagtiwala

Sa pagmamahal ko saiyong tunay

Asahan ikaw lang at walang kapantay


Pangarap

Ni Jhamie Miserale

Ito ay nagsimula sa paghihirap


Na kailangan mong magsumikap

Upang iyong matamo at malanghap

Mga iba’t iba mo pang mga pangarap

Huwag sumuko at wag itigil ang laban

Sabi nga nila tiyaga ang kailangan

Kailangang magsikap at manalangin

Upang iyong makamit ang mga hangarin

Huwag makakalimot sa pinangalingan

Pag ang pangarap iyo ng nakamtan

Ika’y bumalik sa pinangalingan

Para sila rin ay iyong matulungan

Aking pangarap ay isang maging guro

Na mayroong mga layoning totoo

At sa bawat pagtuturo ay may puso

Na kailangan ibigay sa pagtuturo

Iyong tulungan ang iba’t-ibang tao

Upang ang pangarap nila’y maging totoo

At kanilang makamit ang minimithi

Na kailangan nila sa bawat sandali


Malayong Kaibigan

Ni Jhamie Miserale

Simula pa noong tayo ay bata


Tayo na lagi ang magkakasama

Kaya ng magkalayo’y di ko inakala

Na aking mararamdaman ay malala

Ika’y umalis na may ngiti sa labi

At ako’y naghahangad na makita muli

Mga tawanan na di ko malilimutan

Mga tanawing ating nasaksihan

Ikaw ang aking tunay na kaibigan

Kahit malayo ikaw lagi ang andiyan

Sa lahat ng problema ika’y nariyan

Ika’y nandiyan sa lahat ng panahon

Hindi ko maramdaman ika’y malayo

Sapagkat ikaw lagi ang karamay ko

Walang sino man ang makakapantay sayo

Ikaw ang aking kaibigang totoo

Ang tulang ito ay para saiyo

Inaalay para sa kabaitan mo

Maraming salamat sa pagiging tapat mo

Kahit ikaw ay malayo sa piling ko


Kung Sino Ako

Ni Jhamie Miserale

Ako’y isang anak ng dalita


Aking nararanasan butas na bulsa

Madalas ay laylay ang balikat

Ako’y Mahirap ngunit hindi buto’t balat

Madalas akong sabihang kilos pagong

Sapagkat ako’y lakad pagong

Hindi ako mahayapang gatang

Bagkus ako’y isang mabait na nilalang

Madami akong alam na balitang kutsero

Tulad na lamang ng isang babaeng lahing kuwago

Ati sa ring lalaking lumaki ang ulo

Lahat ng basag ulo sa amin ay alam ko

Hindi ko masasabi na ako’y may busilak na puso

Sapagkat ako rin ay pusong bato

Ngunit ganun pa man aking itataga sa bato

Kailanman ako’y hindi magiging mahangin ang ulo

You might also like