You are on page 1of 2

"SALAMAT"

Mga alaala ng kahapon

Masarap ibalik na basta mo nalang itinapon,

Tiniis ko lahat ng sakit

At nilunok ko lahat ng pait,

Ngumingiti kahit pilit, Maitago lang ang sakit na iyong dulot,

Mahal, sabi mo tayo hanggang dulo

Pero umpisa palang bigo nako,

Mga pangako mo na napako

Hindi ko alam kung bat umasa pako,

Pinipilit kitang kalimutan, Kahit mahirap kang palitan,

Pero salamat at dumating ka sa buhay ko

Nang dahil sayo ako'y natuto,

Na walang permanente sa mundo

Lahat nagbabago, Na lahat ng bagay may katapusan

Lahat ng bagay may hangganan,

Pero heto parin ako patuloy na umaasa

Kahit alam kong umpisa palang wala ng pag-asa,

Pero mahal, salamat sa pagpapasaya, Kahit ito'y pansamantala,

Pero hanggang kailan ako aasa sayo?

Kung parte nako ng nakaraan mo,

Siguro, hanggang dito nalang

Panahon na para tuluyan ka ng kalimutan.


"HANGGANG DITO NA LANG BA?"
Rinig tagaktak ng tubig sa katawan

Dumadaloy mula ulo hanggang paa

Tumitingin sa kalawakan

Hanggang dito nalang ba ating pagmamahalan?

Mga yapak na marka ng kahapon

Saya na di matapos maghapon

Maging ang araw na di lumulubog sa hapon

Hanggang dito nalang ba ang ating pagsasama?

Kasama ka ligaya laging nadarama

Lungkot napapawi sa gabay mo sinta

Problemang animo'y lason na nakakamatay iyong napapawala

Hanggang dito nalang ba na kaagapay ka sa lahat ng pagsubok?

Nasan kana?

Babalik ka pa ba?

Sapagkat ako? Naghihintay lang

Na baka sakaling bumalik ka

At maipagtuloy ang nasimulang alala nating dalawa

Hanggang dito nalang ba?

You might also like