You are on page 1of 2

PANGUNGULILA

Isang taon at limang buwan na ang nakalipas


Ngunit andito parin ang sakit na dinadanas
Paulit ulit na bumabalik hindi mawakaswakas
Sa mga araw at linggong lumipas
Pag-ibig ‘ko para sayo’y di kumukupas
Kahit anong gawing pagiwas
Bumabalik parin ang mga alaalang nakalipas
Pilit kong pinipikit ang aking mga mata
Nagbabakasakaling sa muling pag dilat
‘Di na ikaw ang tanging nakikita
At sa aking pagpikit
Dinama ang sakit
Pero ako parin ay napasambit
‘Mahal, pwede bang ako nalang ulit?’
Kay sakit isipin na ako’y iyong pinagpalit sa iba
Iniwan mong nagiisa at nadurusa
Bakit? Bakit mo nagawa sakin to?
Minahal naman kita ng totoo pero bakit mo ‘ko niloko?
Hindi ‘ko lubos na maisip kung ano ba talaga ang tunay na rason mo
Puso ko’y litong lito at nasasaktan
Sa mga pangako mong tila akin paring pinanghahawakan
Ako ba talaga’y minahal mo o ginamit mo lang upang makalimot sa nakaraan mo?
Kaya din siguro naging madali para sayo ako’y iwan
Dahil wala naman talagang nabuong pagmamahalan
Bakit ka nga ba lumisan ng walang paalam?
Bakit mo ‘ko iniwan?
Bakit mo’ ko pinagpalit sa kakakilala mo lang?
Bakit ‘ka nagbago?
Bakit naging malabo?
Bakit tayo nagkaganito?
bakit ka sumuko?
Gulong gulo na ko
Sagot mo ang tanging makakapag panatag ng loob ko
Ang hirap pala...
Ang hirap pala magpanggap na masaya
Dahil sa totoo lang mahal parin kita kahit ang sakit sakit na
Mahal parin kita kahit may mahal ka ng iba
Yung ‘iba’ na sinabi mong kaibigan lang at wala akong dapat pag selosan
Ay yung iba na girlfriend mo na ngayon
Bakit?
Kapalit palit ba ‘ko?
Binigay ko naman ang satingin kong kaya ‘ko
Pero bakit hindi parin naging sapat para manatili ka sa piling ‘ko?
Ako ba ang nagkulang o ikaw ang di lumaban?
Sa pag subok sa ating pagmamahalan kay bilis mong sinukuan
Damdamin ay labis na nasaktan at puso’y tila nasugatan
Ikaw ang puno’t dulo pero bakit parang kasalanan ‘ko?
Ikaw ang nagpatalo sa tukso kaya’t nasira tayo
Di ‘ko alam kung hanggang kailan kong tiisin pa
Lahat ng sakit na iyong ipinadama
Ako parin ay tila nagluluksa
Hindi man halata
Dahil mas mabuti ng itago ang tunay na nadarama kaysa mag mukang kaawawa
Kapalit ng sakit na iyong ginawa
Hindi ‘ko maitatanggi na namimiss pa rin kita
Sa bawat segundong pumapatak
Lalo akong nangungulila sayong mga halakhak
Sa mga akap mong kay higpit
Sa mga halik mong walang kasing tamis
Sa pag aaruga mong nakakakilig
At sa pagmamahal mong walang hihigit
Ang mga masasayang araw na ating pinagsamahan
Ay di na mauulit kailanman
Ngunit eto pa din ako
Pipiliting kumapit sa mga pangako mo
Umaasang balang araw ika’y babalik at sasambiting ako parin ang mahal mo
Kay sakit man isipin na
Ang ating mga pinagsamahan ay nauwi lang sa hiwalayan
Mahirap isipin na ganito ang ating kinahantungan
Batid ko’y tayo ay pang matagalan
Napakarami pang tanong sa aking isipan ngunit alam kong ito ay wala ng paroroonan
Sana kung ano man ang tinahak mong desisyon ay maging masaya ka na lamang
Patawad sa hindi pagiging sapat
Hanggang sa muli,
Paalam mahal.

You might also like