You are on page 1of 9

50 Tula Para Sayo (Unang Kabanata)

1. Sa mundong to tayo'y napapaligiran ng maraming tao

Ngunit di ko akalain na tayo'y magtatagpo

Sa panahong lumilipas

Ngiti mo saking mga mata'y walang kupas

2. Sa bawat pagsulyap

Mata'y ayaw nang kumurap

Sa bawat tingin sa iyo

Ayaw mawalay kahit isang Segundo

3. Ito bang aking nadarama

Kapag inialay sayo'y kulang pa?

Binibining aking natagpuan

Handang samahan kahit malakas ang ulan

4. Ulan na patuloy na nararamdaman sa bawat patak

Sa aking braso ako'y iyong hinatak

Naglakad ng di ininda ang pagod

Mangalay man ang aking tuhod

5. Sa muling pagkikita di inaasahang ka'y saya

Muli ulit kitang nasulyapan napaka swerte ko di ba?

Sa lahat ba naman ng taong makakasama ka ako pa?

Grabe mapagbiro talaga ang tadhana

6. Paglipas ng ilan pang mga araw, linggo, at buwan

Tila ba ikaw na lagi ang nasa puso't isipan

Aabot ako sa puntong makiki-usap sayong wag ka nang lumisan

Na dito ka nalang sa tabi ko at wag mo kong iwan


7. Hindi ko kakayanin kapag ika'y nawala

Kakapusin ang mga bawat salita

Mga hakbang patungo sa daang di ka makikita

Babalik nalang ako sa ulan at doon magpapatila

8. Makasama ka man kahit saglit

Mga oras na walang kapalit

Kung pwede lang patigilin ang oras

Sa pag-ibig kong ito'y wala nang lunas

9. Ako'y isang simpleng lalaki na naghahangad ng pagmamahal

Pagmamahal na nagtatagal

Di papansinin ang bawat salitang pagbigkas man ay pautal-utal

Ang mahalaga ay ikaw lang ang aking minamahal

10. Wala nang rason para lumingon sa iba

Kuntento na ako sa prinsesa kong nakita

Siya na lamang ang sa paningin ko'y maganda

At siya ang babaeng gusto kong makasama hanggang pagtanda

11. Magkaroon man ng mali sa kanya

Ugali, pisikal na kaanyuan, oh kung ano pa

Iintindihin at uunawain kita at para sa akin?

Siya na talaga at wala nang iba

12. Sa bawat pagkakataong ika'y nahahagkan

Halik sa noong aking gustong balikan

Paghawak sa kamay mong tila ba ayaw nang bitawan

At sa pagngiti mong nakakapawi ng pagod at kalungkutan


13. Siya na ba talaga siya?

Talaga bang siya na?

Tanong sa aking isipan na nasagot na

pala pangalan niya.

14. Away na di napag-usapan

Iyak na tila ba ulan

Sana lahat ng problema ay kalimutan

Dahil kapag nagpatuloy ay lalong masasaktan.

15. Sakit na nararamdaman

Sana'y tumila na ang iyak na ulan

Mahigpit na yakap sa mga unan

Sana'y ikaw nalang ang nahahagkan

16. Sa paglipas ng oras ang tanging iniisip ay ikaw

Nalulungkot sa pagkat ang mga ngiti mo'y di matanaw

Sa mga titig mo ako'y natutunaw

Handang harapin ang lahat maging bumabagsak na bulalakaw

17. Bakit ba ang pag-ibig na ito'y ka'y sakit

Sa bawat pagkagalit ay may pait

Pero hindi parin ako maghahanap ng kapalit

Makita ka lang masaya lang ang gustong kong makamit

18. Bawat salitang aking binaybay

Pakiramdam ng nalulumbay

Pag siya'y nawala sa aking buhay?

Ang mundo ko'y mawawalan ng kulay.


19. Iyong nasabi sa akin na ako'y ngumiti di ba?

Ako'y ngingiti para sayo at para makita ng iba

Na kaya ko bumangon, tumayo sa sarili kong paa ngunit di ko ata kaya

Bumangon, sapagkat di ko kayang mag-isa, paki-usap wag kang mawawala.

20. Ako'y nadadala ng damdamin at nakakasambit ng masakit na salita

At bulag para hindi iyon makita

Subalit ako'y humihingi ng kapatawaran sa inasal at ginawa

Pero nagmamakaawa akong ako'y iyong patigilin sa pag-agos ng aking nga luha.

21. Sa aking mga mata ikaw lamang sinta

Kung papipiliin sa lahat, sa kanila

Bakit ako mamimili kung ikaw na talaga?

Kahit magbago man ang takbo ng oras, ikaw na lang ang mamahal ko wala nang iba.

22. Sana sa pagmulat ng iyong mga mata ako parin ay Makita

Matanaw sa bawat araw tuwi tuwina

Sa bawat pagtapos ng araw ay makasama

Hihiling ako sa milyong milyong mga tala, na pasayahin ka at punasan ang mga luha

23. Sa mga problema mong pilit na kinakaya

Handa akong kunin ang bigat na nadarama

Sa bawat lungkot na hatid ko at problema

Wag ka mag-alala pipilitin kitang pasayahin kasi mahal kita

24. Ang tanging hiling ko nalang talaga

Ay mahalin ka ng buo kahit ang mga ngiti ko'y di na makita

Sapagkat ang mga ngiting ito'y nakalaan na sa babaeng nagbibigay sa akin ng saya

Babaeng nagparamdam sakin kung gaano ako kahalaga.


25. Basta lagi mong tatandaan sinta

Mahal na mahal na mahal kita

Ikaw nalang ang gustong mahagkan, mahawakan, at makasama

Hindi ko man maibigay ang mundo, ang tanging maibibigay ko lang sayo ay mga ngiting ito Ngiting
nagsasabi "ayan, ayan ang babaeng dahilan kung bakit ngumingiti ako."

26. Sa aking pagtulog ika'y nasa aking isipan

Mga ngiti mong dulot sakin ay kasiyahan

Pinagsamahan sa saya man o kalungkutan

Patuloy tayo gagawa ng mga ala-alang hinding hindi natin malilimutan

27. Sinta sa bawat oras ng paghihintay

Pasensya at pagiintindi ang binibigay

Dahil ang pagmamahal mo ay walang ka-pantay

Kaya sayo, ayaw nang mawalay

28. Sa dami ng ating ginagawa

Oras para sa isa't isa ay di parin nawawala

Di hahayaan sa bawat araw na mawalan ng oras

Dahil kung wala ka hindi ko kaya harapin ang bukas

29. Iniisip ka araw man o gabi

Ang nais ko lang naman ako'y nasa iyong tabi

Makasama ka at masdan ang mga tutubi

Malayang lumilipad pero hindi magpapahuli

30. Segundo, Oras, minuto, buhay ko’y para sa’yo

Linggu-linggo, buwan-buwan, hindi kita iiwan

At lumipas man ang mga taon

Mahal kita mula noon hanggang ngayon.


31. Mahirapan man sa problema kakayanin para sayo

Sa hirap man o ginhawa magkasama tayo

Iniibig ng tapat at totoo ng puso kong ito

Dahil ikaw ang magiging tahanan at mundo

32. Sa aking bawat paggising

Mukha mo saking mata'y nagniningning

Ikaw, ikaw nalang ang aking tanging hiling

Na balang araw ang iyong daliri'y aking lalagyan ng singsing

33. Ang oras ay sobrang tulin

Pero gaano man kabilis oras mo'y hahabulin

Atensyon mo'y pilit kukunin

At lahat ng iyong ngiti ay iipunin

34. Pag-ibig kong to para sayo ay wagas

Pilit babangon dahil ikaw ang nagbibigay lakas

Puso ko man iyong pigain pagmamahal ko sayo'y ibang ang katas

Lahat ng aking sinasambit ay totoo at alam ng nasa itaas

35. Sa bawat simoy ng hangin na aking nadarama

Alaala ng pagdapo ng iyong kamay ay hinahanap pa

Hinahanap ka kung di ka makita at makasama

Dahil ang puso ko'y iyong hawak at ito'y nasa iyo na

36. Sa bawat pagbigkas ay paglahad ng gustong sabihin

Sa bawat problema at paghihirap ay tatapusin

Magtampo, magalit man ng paulit ulit ika'y aking susuyuin

Mahalin ka, pasayahin ka, ingatan at protektahan yan ang aking tungkulin
37. Di ko maiwasang isipin ka

Ikaw ang nais makasama tuwing nag-iisa

Nais hawakan ang kamay kahit prinsensya mo'y wala

Ang pag-ibig kong to'y totoo at tama

38. Kapag nagkatampuhan mundo'y kumukulimlim

Tuwing nagtatalo'y dumidilim

Sa aking pag-iyak pilit naghahanap ng lilim

Pero aking sinta sayo'y walang itatago at ililihim

39. Ikaw lamang ang aking pakamamahalin

Ang matang ito'y sayo lang titingin

Hanggang kahit ako pa'y tangayin ng hangin

Ikaw lamang, ang s'yang iibigin

40. Sobra ang saya, nakikita sa aking mga labi

Sa pag-ibig mo'y sinisigurado at di minamadali

Nais ipaalam na ika'y king pag-aari

Mahalin ang isa't isa at pag-ibig natin ay maghahari

41. Sa tamis ng iyong ngiti baka ako'y langgamin

Pagmamahal na kulang handang punuin

Bawat tanong na gumugulo sayo'y handang sagutin

Puso nagsasabing mahalin ka ng sobra ay aking susundin

42. Lahat ng sakit na madarama ay aking tatanggapin

Lungkot sa iyong mukha'y pilit aalisin

Daga't ng luha'y kakayaning languyin

Ngunit sa lahat ng ito'y ikaw parin ang nais mahalin


43. Sa pag-ibig ako'y malalasing

Walang paki-alam basta maiparamdam ang lambing

Pagmamahal sayo ay nang galing

Nagpapasalamat at pinagpalang ika'y dumating

44. Ang pagmamahal ko para sayo'y buong pusong aaminin

Balak ko sana ang aking pagmamahal sayo'y alukin

Sa lahat ng manghuhusga satin ay aking sasalagin

Sapagkat ikaw, ikaw ay aking aangkinin

45. Lalayuan ko ang bawat tukso

Ang nais lamang ng pusong ito

Manatili sa tabi at piling mo

Hindi ako naghahangad pero ikaw ang hihilingin ko

46. Ako sayo'y nahihibang

Tila ba una kang nakita at naiilang

Sa bawat tibok ako'y nagbibilang

Ang puso'y hindi magkukulang

47. Sinta ako ang piliin mo

Ikaw, ikaw ang magiging prinsesa ko

Ngunit pagpasensyahan ang maliit na kastilyo

Tanging yakap at lambing ko pa lamang ang pundasyon nito

48. Hindi mo na mapipilit ang puso'y tumigil

Dahil ang pag-ibig kong to'y walang makakapigil

Tuwing nakikita ka ang oras ay tumitigil

Kaya bawat oras ay sinusulit na may kasamang gigil


49. Sa bawat hakbang ng iyong paa

Nandito ako sa likod mo aalalayan ka

Susuportahan ko ang gusto ng aking prinsesa

Sasamahan kita kahit nahihirapan ka na

50. Ito ang aking singkwentang tula

Ngunit ako parin sa kanya ay titingala

Dahil nagbigay ang nasa itaas ng isang tala

Mahal, nagsisimula palang ang ating unang kabanata

You might also like