1.
PROGRAM: MAMA QUE MAY KWENTO AKO
STATION: 69.9 PUNTO RADYO
DIRECTOR: Lea Paralejas
WRITER: Riah Raguingan and Kenneth Marcaida
EPISODE: MQMK: Casual Friday
TITLE: SIPOL
CAST: STEPHEN,21- pangunahing tauhan
CA,21- kasintahan ni Stephen
NANAY,35- ina ni Stephen na lagging abala sa trabaho
TATAY,39- ama ni Stephen na madalas uminom ng alak
ANGELICA,20- makikilala ni Stephen sa isang club
RON,22- makikilala ni Stephen sa isang club
2. DJ MAMA QUE G-O-O-D Good afternoon mga beshieszzz and cystt. Ayan! Eto na naman
tayo. Nandirito at inyong muling makakasama at maririnig.
3. DJ MAMA QUE Mga nanay, tatay, pare, mare, ka-barbeque, bananaque, kamoteque and
I’m your Mama Que for this afternoon. Time check, it’s 30 mins
passed in the hour of 6.
4.SFX CLOCK
5.DJ MAMA QUE Andito na naman tayo sa isang episode ng Mama Que May Kwento Ako:
Mga kwentong totoo at walang harong biro. Para sa ating radyo serye
ngayon, ang ating sender ay mula sa Ilo-ilo. Siya si Stephen Palattao.
Official hashtag po natin para sa kwentong ito ay #MQMKCasualFriday.
6. MUSIC LAST FRIDAY NIGHT
7. DJ MAMA QUE Dear Mama Que May Kwento Ako, tuwing Friday night mahilig kaming
gumimik ng aking mga friends.
8. MUSIC PARTY IN THE USA
9.DJ MAMA QUE Pumunta kami sa mga high-end clubs sa BGC. Tipikal na may dance floor,
maingay na paligid, usok ng sigarilyo sa apat na sulok ng club, mga
elitista at burgis na may hawak ng kani-kanilang mamahaling inumin at
mga tao sa VIP room na halatang sosyalin.
10. SFX PARTY SOUND
11. DJ MAMA QUE Nagsimula ang bisyo kong ito noong Grade 7 ako.
12 SFX *PAGDABOG* BROKEN GLASS
13. TATAY *nag-aaway* Putangin*!
14. NANAY Wala kang kwentang hayop ka! Anong oras ka na naman umuwi? Lagi ka
na lang bang ganito? Pagod na pagod na ako! Gabi-gabi na lang. Hindi ka
na nagsawa sa alak!
15.TATAY Mabuti nga ito lang ginagawa ko. Kaysa naman mangbabae ako edi mas
lalo kang naging dragon diyan.
16.NANAY So anong pinapalabas mo? Utang na loob ko pang nag-iinom ka ng alak?
Gag* ka ba?! Anong klaseng utak meron ka?
17. DJ MAMA QUE Tuwing gabi na lang kami nagkikita-kita ng aking mga magulang dahil
busy sila sa work nila ngunit wala na silang ibang ginawa kundi mag-
away. Nawawalan na ako ng peace of mind kaya mas pinili ko na lang
sumama sa aking mga kaibigan.
18.MUSIC HUMAN
19. STEPHEN Ma, pa, may sasabihin po ako sa inyo.
20. NANAY Mamaya na yan anak may ginagawa pa ako.
21. STEPHEN Tungkol lang naman po sa school, mabilis lang po.
22. TATAY Makapaghihintay naman yan, wag kang magulo ha!
23. STEPHEN Ano ba naman yan Mom and Dad minsan na nga lang po akong magsabi
sa inyo ng mga problema tungkol sa school lagi pa kayong may
ginagawa.
24. NANAY Hindi ka ba makapaghintay? Kita mong busy pa nga diba, tanga ka ba?
Ang baba na nga ng grado mo dati e, ano ba yang problema mo?
25. STEPHEN Bumagsak po kasi ulit ako sa...
26. NANAY Ano? bumagsak ka na namang bata ka? Hindi mo ba alam na ang hirap
kumayod ng pera? Kaya nga lagi kaming may ginagawa ng dad mo tapos
pag-aaral mo na lang iniintindi mo hindi mo pa magawa. Hindi ko nga
alam kung anak ka ba talaga namin eh, ang hina-hina kasi ng utak mo.
27.STEPHEN Sorry, Ma.... *naiiyak*
28.SFX PAGSARA NG PINTO
29. DJ MAMA QUE Pagkatapos ng araw na iyon, naging iba ang pakikitungo ko sa aking mga
magulang.
30.MUSIC SAD SONG
31. DJ MAMA QUE Nagsimula akong maglibang kasama ang aking mga barkada. Mula sa pag-
cu’cutting classes para magbilyar ay natuto na kaming mag club.
32. SFX PARTY SOUNDS
33. CA Babe! Kanina pa tumitingin sakin yung lalaki dun oh.
34. DJ MAMA QUE Nilingon ko ang itinuro ni CA, ang girlfriend ko, at nakita ko ang isang
lalaking kakaiba ang tingin sa kanya.
35. STEPHEN Gusto mo alis muna tayo dito? Tara sayaw tayo.
36. MUSIC DANCE TO THIS
37. CA Babe! Balik na tayo sa upuan wala naman na yung lalaki eh tsaka para
makapagpahinga tayo. Medyo nahihilo na rin ako.
38. STEPHEN Okay sige sabi mo eh.
39. DJ MAMA QUE Pumunta nga kami sa VIP room upang magpahinga at makapag-usap.
40. SFX PAGBUBUKAS NG PINTO
41.DJ MAMA QUE Nakatulog kaming dalawa ni CA. Hindi namin namalayan na may ibang
taong pumasok sa silid. Unti-unting hinipuan ng isang lalaki si CA at saka
pinasok ang kanyang ari kay CA. Ngunit hindi pa rin nakuntento ang
manggagahasa kaya naman pumunta siya sa pwesto ko.
42. RAPIST *pag-ungol* Grabe! Intense naman ‘tong dalawa! Mukhang birhen ‘tong
mga to ah.
43.DJ MAMA QUE Pagkatapos ng insedenteng ito Mama Que, ay walang kamalay-malay
kaming natagpuan ng dalawang bouncer sa VIP Room na wala nang
saplot sa katawan. Tumawag ako ng pulis upang paimbestigahan ang
pangyayaring ito dahil hindi pa rin kami makapaniwala sa nangyari.
44.CA *umiiyak* Parang sobrang dumi kong tao dahil sa nangyari. Pano ko 'to
sasabihin sa mga magulang ko?
45.STEPHEN Babe! Andito lang ako. Malalampasan din natin ‘to at hindi ako titigil
hangga’t ‘di nahuhuli ang may salang gumawa sa atin nito.
46.CA Buti nalang talaga nakilala kita. Paniguradong hindi mo ‘ko iiwanan.
47. PULIS Ma’am at Sir, hangga’t maaga po pa-check up na po kayo sa hospital dahil
maaari kayong mahawaan ng sakit ng gumahasa sa inyo.
48.DJ MAMA QUE Sa sandaling iyon, kinabahan ako sa posibilidad na magkaroon nga kami
ng sakit kaya naman ay ginawa nga namin ang sinabi ng pulis. Pumunta
kami sa pinakamalapit na hospital upang magpa-test sa doctor.
49.SXF HIGHWAY SOUND
50.DJ MAMA QUE Pagkalipas ng ilang linggo ng paghihintay, sa wakas ay nalaman na namin
ang resulta.
51.DR. JANINE Mr. Palattao and Ms. Bolodo, congratulations. Your results are negative,
it means wala kayong STD.
52.STEPHEN Thank you po Doc!
53.DJ MAMA QUE Para akong nabunutan ng tinik sa dibidb ng mga panahong iyon Mama
Que at gumaan ang aking pakiramdam.
54. STEPHEN: Babe, gutom ka na? Ilang oras na tayong walang kain parang nakalimutan
na natin kumain dahil sa mga inasikaso natin. Mabuti pa kumain muna
tayo sa labas ng 7- eleven, dun oh.
55.CA Sige Babe, medyo kumakalam na rin sikmura ko eh, di ko lang napansin
bunga ng nangyari sa ating dalawa.
56. DJ MAMA QUE Hep Hep Hep pare, mare, ka-barbeque, kamoteque, bananaque, bibitinin
ko muna kayo. This song is brought to you by Doree Soap, “Ang maitim
mong budhi ay puputi.”
57. MUSIC PILLOWTALK
58. DJ MAMA QUE Yes Yes Yes! Lakas maka-pillowtalk! Oh, kamusta naman kayo dyan mga
ka-barbeque, kamoteque, bananaque? Okay pa ba kayo dyan? At
nagbabalik ang ating radyo serye.
59.STEPHEN Isa nga pong sisig, isang order din po ng siomai, at isang tubig. Ano sayo,
Babe?
60.CA Ah, ano na lang sa akin hotdog na lang tsaka tubig din.
61.STEPHEN Sigurado ka Babe? Dagdagan ko na rin ng donut ah.
62.CA Sige Babe, ayos lang.
63. STEPHEN Babe, parang ang tahimik mo ah.
64. CA *umiiyak* Kung alam ko lang na mangyayari ‘to, sana ‘di na lang tayo
pumunta dun sa Club. Sana ‘di na lang ako sumama.
65.STEPHEN Ano ba naman yan, Babe. Kala ko ba ayos ka na, para naman akong
sinisisi mo niyan eh.
66.CA *tumataas ang boses* Hindi naman, sinasabi ko lang na sana hindi na
lang tayo dun pumunta para ‘di nangyari ‘to diba.
67.DJ MAMA QUE Bunga na rin ng pagod, biglang uminit ang ulo ko at sinagot si CA.
68.STEPHEN *Nagtatalo* Pasensya ka na ha, diba gf kita? Kaya nga tayo pumunta ng
club eh, para kahit papaano mabawasan man lang ‘tong hinanakit ko na
dinadala.
69.CA Bakit pa kasi tayo dun pumunta? Ang dami-daming lugar naman na
maaaring pagbawasan ng kalungkutan, yun pa talaga napili mo. Nice
choice!
70.STEPHEN Ewan ko sayo, kala ko naman naiintindihan mo ang nararamdaman ko.
71.CA Naiintindihan ko, pero yung mga desisyon mo kasi parang tanga!
Magbabawas na nga lang ng sama ng loob dun pa sa club, alam mo
naman mga tao dun.
72. STEPHEN Edi sana ‘di ka na lang sumama. Puro kasi sisi porke nangyari ‘to, kung
hindi nangyari ‘to panigurado nag-e’enjoy ka rin naman diba.
73.CA Makauwi na nga wag, mo na ako ihatid.
74.STEPHEN Sige umuwi ka! Akala mo naman ihahatid kita?
75.CA Talaga! Ako pa.
76. DJ MAMA QUE Umuwi na ngang mag-isa si CA bunga ng pagtatalo namin. Simula noon,
Mama Que, ay nagsimula nang lumabo nang lumabo ang aming
relasyon. Naging toxic ang aming pagsasamahan kung kaya ay minabuti
na lang naming maghiwalay.
78. MUSIC ANONG NANGYARI SA ATING DALAWA
79.DJ MAMA QUE Gayunpaman, hindi ko maiwasang isipin ang nangyari sa amin ng lalaki sa
club.
80.STEPHEN Ano ba ‘tong nangyayari sa’kin? Bakit hindi mawala wala sa isip ko iyon?
81. MUSIC PUSONG LITO
82.DJ MAMA QUE Hindi ko maintindihan ang aking sarili, Mama que. Ilang buwan na ang
lumipas matapos ang insidente na iyon, may parte sa akin na
kinakasuklaman ko ang aking sarili dahil wala akong nagawa at
pakiramdam ko ay ang dumi-dumi kong tao ngunit bakit parang
pakiramdam ko, nagugustuhan ko ang nangyari?
83. STEPHEN Posible kayang?
84. MUSIC PUSONG LITO CONT
85.DJ MAMA QUE Sa sobrang gulo ng aking isipan, pumunta ako sa club upang magisip-isip.
86. SFX PAGBABA NG TAXI
87.STEPHEN *Mag-isa si Stephen na pumunta sa club upang mabawasan din ang
kaniyang mga iniisip na problema* Kuya eto po 200, keep the change.
Pababa na lang po ako diyan sa tapat ng club.
88. MUSIC PARTY SOUNDS (background)
89. STEPHEN Hays! *pagod* Ano ba ‘tong nararamdaman ko, hindi ko mawari.
90. DJ MAM QUE Habang ako ay umiinom, Mama Que, ay may lumapit sa akin na babae na
nagngangalang Angelica. Inalok ako nito na uminom at sumayaw.
91.MUSIC PARTY SOUNDS (CONT.)
92. ANGELICA Hey! Wanna go for a drink?
93. STEPHEN Sure! My treat.
94. DJ MAMA QUE Nakailang shots din kami at inabot kami ng alas-12 ng gabi.
95. ANGELICA Woah! Gosh! I think I’m tipsy.
96.DJ MAMA QUE Unti-unti siyang lumapit sa akin at nagtangkang halikan ako ngunit tinabig
ko siya.
97.STEPHEN Ano ‘yang ginagawa mo? Kala ko iinom lang tayo ah ibang usapan na yan.
98.ANGELICA The fuc*, it’s just a kiss no biggie. Are you gay?
99. DJ MAMA QUE Sa tanong na ito ni Angelica ay hindi ako kaagad nakasagot. Dala na rin ng
aking pagkalasing at pagkahilo, umalis ako ng club. Pagkalabas ko,
maghahanap na sana ako ng taxi ngunit may lumapit sa akin. Sa isang
iglap ay naghahalikan na kami ng isang taong hindi ko kilala. Lumalim ang
aming paghahalikan at dumako sa iba’t ibang parte ng aking katawan ang
kanyang kamay.
100. MUSIC VERSACE ON THE FLOOR
101. DJ AMA QUE Hindi ko namalayan na nag-e’enjoy na pala ako sa aming ginagawa. Hindi
ko rin namalayan na nakikipaghalikan ako sa isang stranger, sa isang
estrangherong lalaki.
102.SFX SUSPENSE SOUNDS
103.DJ MAMA QUE Oo, tama kayo ng basa, Mama Que. Isang lalaki ang aking kahalikan.
104. MUSIC PARE? MAHAL MO RAW AKO
105. STEPHEN Teka, teka, teka! Hindi yata 'to tama.
106.BOY Ha? Kala ko ba gusto mo din?
107. DJ MAMA QUE Para akong nabuhusan ng malamig na tubig at natauhan sa kanyang
sinabi. Gulong gulo ako sa mga pangyayari.
108. STEPHEN Hindi 'yan totoo!
109. BOY Oh, in denial? That’s okay, ganyan din ako nun. By the way, I’m Ron, you
are?
110. STEPHEN I’m Stephen. Sorry gulong gulo na ako. I need to go.
111. DJ MAMA QUE Sasakay na sana ako sa paparating na taxi ngunit pinigilan niya ako.
112. BOY Wait! Here’s my number. Just call me when you need someone to talk to.
Anyway, I enjoyed what happened a while ago.
113.DJ MAMA QUE Umirap ako sabay pasok sa taxi. Bago ako tuluyang makaalis ay nakita
kong ngumiti siya sa akin at kumaway. Di ko mawari ang aking
nararamdaman noong panahon na iyon. Parang may mga paru-paro sa
aking tiyan.
114. MUSIC THIS GUY'S IN LOVE WITH YOU PARE
115.DJ MAMA QUE Hep, hep, hep! Siguro halo-halo ng emosyon ang inyong nararamdaman,
kaya niyo pa ba? Time check? Aww, so sad. Nabitin tayo sa oras, but wait
may susunod pa! Abangan sa susunod na radyo serye ng Mama Que May
Kwento Ako: Mga kwentong totoo at walang halong biro.
116. MUSIC HAPPY