You are on page 1of 8

“Larawan”

Tila wala sa sarili at malalim ang iniisip ng isang matandang babae habang aligagang

naninigarilyo, ngunit napukaw ang kaniyang atensyon sa kaniyang narinig na tinig na

nanggagaling sa telebisyon

Ina: teka, tila kaboses niya ang tinig ng aking anak! Ikaw ba yan anak?!(gulat na gulat)May balat

din siya sa noo na tila krus ang hugis katulad ng anak ko! (umiiyak) kung ikaw man yan,

patawarin mo sana ako, Nagsisisi ako na pinabayaan kita na naghirap sa kalagayan mo, oh Diyos

ko! Ibalik niyo na ang anak ko sa aking piling… naalala ko pa tuloy nung sampung taong gulang

ka pa lamang…

Sa pagbabalik-tanaw niya sa nakaraan, naalala niya kung gaano niya minaltrato ang nag-iisang

anak.

Ina: (habang naglalagay ng kolorete sa mukha) hoy! Ana! gumising ka na diyan! Tanghali na!

(pasigaw na sinabi nito)

Ana: o.. opoo. Inay, a..andyan na po. (bigla siyang napabalikwas sa pagkakahiga at aligagang

kumilos)

Ina: aba! Dalian mo! Kailangan ko ng pera ngayon at may malaking sugalan sa kabilang baryo,

hindi pupwedeng wala ako roon! Bilisan mo! kung hindi malilintikan ka sa aking bata ka!

Ana: ah.. ehh. Inay hindi pa po kase ako kumakain ng umagahan eh.

Ina: eh kumain ka naman kagabi diba? Kaya ayos na yan, naku pumunta kana at mamalimos,

andami mo pang satsat! (pasigaw niyang sabi)

Ana: Inay hindi ko po makita ang tungkod ko para makapa ko po ang aking dadaanan.
Ina: eh pano mo makikita e bulag ka nga, tsaka may kamay ka Ana, gamitin mo yan hindi yung

lagi kang nakaalalay sa akin, osya aalis na ako at mahuhuli na ako, bilisan mo diyan!. Huwag

kang tatamad-tamad!

Ana: opo inay. (halos pabulong nalang nitong sinabi)

Habang siya’y namamalimos sa harap ng plaza, kumanta ito upang makuha ang atensyon ng mga

taong dumaraan.

Ana: iingatan ka, aalagaan ka, sa puso ko ikaw ang pag-asa, sa ‘ting mundo, may gagabay sayo,

ang alay ko’y itong pagmamahal ko. May nagmamahal, aakay sayo, aking ina’y ikaw ang

nagbigay ng buhay ko, buhay na kay ganda, pangarap ko na makamtan kitaaa. (kinanta niya ito

na buong puso at may damdamin)

Hindi nga siya nagkamali,maraming naantig naantig sa mala ibon niyang boses, manghang-

mangha ang mga ito sa taglay niyang talento, ngunit puro papuri lamang ang natnggap ni Ana sa

mga tao, sa kasamaang palad, kakaunti lang ang nagmalasakit na bigyan siya ng barya, maya

maya pa ay bumuhos na ang napakalakas na ulan.

Ana: naku! (natataranta)Paano ako nito?, lagot ako kay Inay kapag kakaunti lang ang perang

maibibigay ko sa kaniya, pano ito? ano ang gagawin ko?.. (nanginginig)

Walang nagawa si Ana kung hindi umuwing basa na iyon lamang ang dala.

Ina: halika nga dito! (piningot ang tenga ni Ana) bakit ngayon ka lang?!

Ana: i.. inaayy masakit po, a.. arayy.. (halos maiyak sa sakit na nadarama)

Ina: o asan ang pera?! (pagalit at nagtataka nitong sinabi)

Ana: ahh.. ehh.. Inay eto po oh. (kinakabahan at nanginginig)


Ina: oh bakit ito lang?!(binato ang barya kay Ana) aanhin ko yan?!wala pa sa kalahati ang

pangbili ko niyan sa sigarilyo! Anong gagawin ko diyan?!

Ina: alam mo bang nagkaroon pa ako ng utang dahil sa iyo? Wala akong pang bayad ng sugal

kanina!, malas ka talaga sa buhay ko! Natalo pa ako kanina sa sugal e antagal tagal mo! kahit

kailan talaga wala kang silbi!.

Ana: inay umulan kase ng malakas kanina, tsaka wala akong payong inay.

Ina: kasalanan ko pa ba yun? E tatanga tanga ka eh! Kung ginamit mob a naman ang utak mo edi

hindi ka sana mababasa ng ulan?

Ana: inay maawa naman po kayo sa akin, hindi pa po ako kumain. (kasabay nito ang pagtunog

ng tiyan)

Ina: yan tayo eh! Wala ka na ngang nalimos, hihingi ka pa ng pangkain mo? Wala kang kwenta!

Nagiging palamunin ka lang dito sa bahay eh!

Ana: maawa naman po kayo sa akin inay. (pahikbing sabi)

Ina: naku naku! Huwag mo akong inaartehan diyan dahil hindi na uubra ang pag-iyak mo sa

akin, nararapat lang sa iyo yan! Para mag tanda ka, para sa susunod pag iigihan mo na yung

panglilimos mo!

Kinabukasan, maagang nagising si Ana para mamalimos, dala dala niya ang kaniyang tugkod na

aalalay sa kaniyang dadaanan.

Dating gawi, nagsimula ng kumanta at mamalimos si Ana, laking tuwa ni Ana dahil napakadami

ng pera na nalimos niya.


Ana: hayyyy oh diyos ko! Maraming salamat po… tiyak na matutuwa si Inay rito. Maraming

salamat po.(halos lumandog sa tuwa)

Habang naglalakad si Ana ay may humarang na mga batang lansangan sa kaniyang daan.

Ana: s. sino kayo? ( iwinawasiwas niya ang kaniyang tungkod)

Sapagkat siya ay hindi nakakakita, sinamantala ng mga batang lansangan ang kaniyang

kapansanan, kinuha nila ang perang nalimos ni Ana.

Ana: parang awa niyo na.. ibalik niyo sa akin yan, (umiiyak)

Imbis na tulungan na maawa sa kaniya ang mga bata ay pinagsusuntok pa siya hanggang sa hindi

makatayo.

Ana: a.. arayy… bakit ba nangyayari sa akin ito… ano bang nagawa kong mali! Hindi nanga ako

makakita, hindi ko pa kaya ipaglaban ang sarili ko! Sumpa ba ito!. (humagulgol sa iyak)

Iika-ika na umuwi si Ana, takot na takot siyang mapagalitan ng kaniyang Ina, ngunit naglakas-

loob pa rin siyang salubungin ang ina na may malaking ngiti.

Ina: oh mukhang masaya ka ah? Siguro marami kang nalimos noh? oh! Ano pang hinihintay mo?

ibigay mo na sa akin at ipangbili natin ng makakain.

Ana: ina, kase nagulpi po ako ng mga batang lansangan sa plaza, ansakit po ng katawan ko.

Ina: oh edi magpahinga ka na lang e tatanga tanga ka nanaman siguro. Oh! ano papng hinihintay

mo! Ibigay mo na ang nalimos mo.

Ana: inay.. patawad po ngunit nakuha po kase nila yung nalimos ko pero inay sinubukan ko

naman po silang pigilan pero…


Ina: yan na naman ang sinasabi ko e! (pinaso ng sigarilyo si Ana) ikaw bata ka! Kailan ka ba

magtatanda ha! Wala ka nangang naitutulong sa akin.. dahil sa iyo wala na rin tayong makain!

Ana: a.. arayy.. inay masakit po.. (paos at lumuluha niyang sambit)

Ina: ang hirap kase sayo ang boba boba mo! Wala ka na ngang makita, wala ka ring utak para

mag-isip ng tama!

Ana: inay, patawarin niyo na po ako, inay dapat po nagtratrabaho rin kayo para magtulungan po

tayo..

Ina: ah ganon? Ako pa inuutusan mo?! wala kang karapatang sumumbat! diba ang sabi ko sayo

na wag na wag kang uuwi kapag wala kang ibibgay sa akin na pera?!

Ana: inay saan po ako titira? Inay patawarin niyo na po ako di ko na po..

Ina: ano? Hindi mo na uulitin? Haynako! Binigyan na kita ng isang pagkakataon at wala ng

kasunod yun!. Lumayas ka na rito!

Ana: inay… wag po. Parang awa niyo na. (humahagulgol sa iyak)

Ina: (kinuha ang lahat ng gamit ni Ana) itong lahat ng gamit mo itatapon ko na sa labas.. kayo

ikaw? Lumayas ka na at wala na akong mapapala sa iyo!

Ana: inayyyyyyy.. Inayyy! (humahagulgol)

Wala ng nagawa pa si Ana kung hindi mag palaboy-laboy sa daan, walang masisilungan at ni

walang makain, matumal na rin ang kaniyang panglilimos. Dumating nanga ang kinakatakutan ni

Ana, ang buhos ng malakas na ulan.


Ana: naku! Kailangan ko ng humanap ng pagsisilungan, ana, kaya natin ito! Pakatatag lang

tayo!. (pampalakas niya sa sarili)

Hindi alintana ni Ana ang panganib na puwede niyang makasalubong sa daanan ng mga kotse.

Maya-maya lang ay may biglang tumilapon na bata sa kalsada at ang batang iyon ay walang iba

kung hindi si Ana. Hindi naman tinakbuhan ng nakabangga ang kanilang responsibilidad kay

Ana sumakatwid dinala siya sa pinakamalapit na hospital, malakas ang pagkabangga sa kaniy at

napuruhan ang ulo nito kaya siya ay nagkaamnesia, tanging pangalan lamang niya ang kaniyang

naaalala.

Ana: si.sinoo po kayo? (nagtataka niyang tanong sa kanila)

Nagpakilala sila bilang magulang ni Ana,dahil na rin walag anak ang mag-asawang ito.

Namuhay si Ana sa mundo ng kasinungalingan ngunit minahal ng mag-asawa si Ana at trinato

bilang tunay na anak.

Makalipas ng sampung taon…

Sa simbahan…

Ana: natupad na rin ang pangarap kong kumanta sa telebisyon, isa na akong sikat na mang-aawit,

o diyos ko, maraming salamat po sa mga biyayang ipinagkaloob niyo po sa akin, maraming

maraming salamat po. (maluha-luha at madamdamin niyang sabi)

Pagkatapos magdasal ni Ana ay lumabas na siya ng simbahan. Habang naglalakad ay may nakita

siyang mga bata na namamalimos at kumakanta naantig ang puso ni Ana kaya nilapitan niya ang

mga ito at sinabahyang kumanta.

Ina: (napatigil sa paglalakad) te..teka.. boses ng anak ko yun ah..


Napukaw ang atensiyon ng ina ni ana kaya agad niyang nilapitan ang mga ito.

Ina: a. anaa.. ikaw na ba yan anak? A.. Anaa.. ako ito ang iyong ina. (maluha-luha niyang

pagkasabi)

Ana: ano? Ina? Ikaw ang nanay ko? (naguguluhan niyang tanong)Patawad ah pero hindi ko po

kayo kilala.

Ina: nakikita mo ba ako? (winagayway nito ang kamay sa mata ni Ana at hinaplos ang noo nito

na tila krus ang hugis)

Ana: (nagtataka sa ikinikilos ng matanda na tila nawiwirduhan) malamang, eh may mata po ako

eh. At tsaka bakit alam mo ang pangalan ko?, bakit ganiyan ho ang itsura niyo? haynako

nawawala lang po siguro kayo sa sarili niyo.Osya mga bata, mauna na ang ate ha? May lakad pa

kase ako.. oh eto ang mga pagkain at ito naman ang pera para may maiuwi kayo. paalam.

(nagmamadaling umalis)

wala nang nagawa ang Ina ni Ana kung hindi ang umiyak ng umiyak, sising-sisi ito sa mga

nagawa niya noon,araw-araw niya itong inaalala ngunit wala na siyang magagawa dahil tila

burado na ang alaala nito.

Ina: hindi ako susuko! Gagawin ko ang lahat upang mapalapit ang loob nito sa akin at muli niya

akong ituring na Ina.

Ina: naku! Mayroong magaganap na concert si Ana, at pagkatapos non ay bibigyan daw ng

pagkakataon ang mga umiidulo sa kaniya upang siya’y makita sa personal at pirmahan ang mga

albums nito! Ito na ang aking pagkakataon! (sabik at tuwang-tuwa nitong sinabi)

Dumating na ang pinakahihintay niya na araw…


Ina: sana kapag naipakita ko ito sa kaniya ay maaalala niya na ako.

Pagkatapos ng concert, oras na para pumirma si Ana sa mga umiidolo sa kaniya, hindi nagpahuli

ang kaniyang ina.

Sa pilahan…

Ina: hayan na! ako na ang susunod sa pila, hindi ako magpapapirma, itong larawan namin ang

aking Iaabot! (sabik nitong pagkasabi)

Pagkakuha ni Ana, napatitig ito sa larawan at biglang bumalik ang lahat ng masasakit at

mapapait na alaala nito sa kamay ng kaniyang Ina. Tumingin ito sa babaeng nag-abot ng larawan

at kasabay nito ay ang pagbagsak ng kaniyang mga luha mula kaniyang mga mata.

You might also like