You are on page 1of 2

HINDINABAHAY'TOINTERNETCAFENA!

Wala pang pagkain?! Bahay pa ba to? Sigaw ko sa kusina sabay kalampag


ng mga pinggan at kaldero.
Inay, nagtatanim ka na naman! Makakain ba namin yang mga
pinagtatanim mo sa FarmVille? Pagbubunganga ko sa Nanay ko. Pa-Tetris
naman oh. Hirit ko.
Tigil-tigilan mo ako dyan Totoy ha. Pagod ako sa maghapong paglalaba.
Nag-a-unwind lang ako. At malalanta na mga tanim ko kaya nag log in na
ako. Kaya ikaw na magsaing dyan.
Pa-Tetris muna. Isang level lang. Please! Ungot ko.
Wala ka sa pila. Maglalaro pa daw si Kuya mo ng Clash of Clan pagkatapos
ko dito.
Padabog akong bumalik ng kusina. Tiningala ko ang lagayan ng mga
panggatong na kahoy. Walang kahoy. Sumandok ako ng tubig sa tapayan.
Walang tubig. Inalog ko ang lalagyan ng bigas. Walang bigas.
Nasaan si Itay?! Sigaw ko sa pagkainis. Huwag mong hanapin ang nagdoLOLOL! Pasinghal ding sagot ni Mamaw, ang kapatid kong baby bakulaw.
Apo, i-like mo naman bago kong profile pic sa FB. Tingnan mo na rin yung
cover photo ko sa timeline. Lambing ni Lola Gets sakin.
Lola, binuksan ko na po FB mo. Di ko na ma-open profile nyo eh. Baka
naman kasi kung anu-ano ang pinaglalagay ninyong pictures dun kaya nireport ng ibang users.
Natigilan siya. Tahimik. Guilty? Hmp, inggit lang sila sa mga pose ko at mga
lingerie na ginamit ko. Weh! Lingerie? Spell lingerie. Oo, lingerie na nabili
ko sa ukay-ukay.
Lingerie galing ukay-ukay? Good luck sa singit mo Lola! Eh pano naman
pose na ginawa mo? Ah eh, ginaya ko lang naman yung pose ni Kristine
Reyes sa FHM.
Nagmuwestra ang mahadera kong Lola. Legs wide open, left arm down, right
arm across the chest. Bongga di ba! Lola Gets, na-blocked na po kayo.
What do you expect? Bakit ganun? Paramihan pa naman sana kami ng
like ng pictures ni mareng Ising.
Ni Lola Ising? Naku naman Lola Gets, ia-unfriend kita pag nagka-FB ka ulit.
At huwag na huwag mo akong ma-tag sa anumang pictures mo. Gets mo
Lola? Kaloka! Pilyang ngiti naman ang drama ng lola mo. Kung na-blocked
na FB ko, follow mo na lang ako sa Twitter.

Aba, akalain mo yan! Twitter daw. Nagmamaasim pa talaga si Lola! Sige po.
Ano Twitter username mo?
I-type mo na lang sexygrannybunnyhoney@yahoo.com.
Pak! Pak na pak! Lola, you already! Ikaw na! Eh sino naman mga pinafollow mo sa Twitter?
Piling-pili ko lang. One Direction, Miley Cyrus, Kathryn Bernardo, at Enrique
Gil.
Bakit mo pala naisipang mag-Twitter? Ako nga halos hindi ko nabubuksan
account ko. Eh, kesa mangapit-bahay pa ako, sa Twitter na lang ako
nakikipagtsismisan. International pa ang mga tsismosa. Syempre ako ang
reyna! The fairest of them all.
Buti naman at nagka-Twitter na. Kasi noon, binabato bahay namin ng halos
lahat ng kapitbahay kasi Lola ko ang pasimuno ng tsismis sa barangay
namin.
Siyanga pala apo, ikaw na magsabi sa tatay mo na bumili na ng bagong
camera para sa desktop natin. Di na kasi ako nakakagamit ng Skype.
Dalawang buwan na. Baka hanapin na ako ni Hideyoshi.
Hideyos-ko! At sino naman siya sa buhay mo?
Chatmate kong Hapon. Bakit ba.
Makalipas ang isang oras. Nay, ikaw na lang ang hindi pa kumakain. Tama
na yang Facebook. Siguro naman nakapag-harvest ka na sa FarmVille mo.
Tapusin ko lang itong isang level ng Tetris. Tatalunin ko kasi itong ka-match
up ko. Hala! Eh sino po ba kalaban nyo? Si Gary, kaklase mo.
Nay, naman! Bigyan mo naman ako ng kahihiyan. Pano kung natalo ka
nyan, baka ako ang asarin sa klase.
Pumasok ako sa kwarto at nag-lock ng pintuan. Madilim ang paligid sa
paningin ko. Maitim ang mga balak ko. This has to stop! Hindi na bahay to.
Internet caf na! Wala nang kaayusan sa pamamahay na ito. Mamayang
gabi, puputulin ko ang kordon ng internet connection. Pupuntahan ko ang
kapitbahay namin at pagsasabihang lagyan na ng password ang Wi-fi para
hindi na makasagap ng signal ang mga tao sa bahay. Bukas na bukas.
Magbabago ang lahat.

You might also like