You are on page 1of 3

Sosyedad at Literatura

“Ang Pamilya ng OFW”


Dula-Dulaan

Tauhan:
1. Tonton – Tatay
2. Anak
3. Asawa
4. Assistant
5. Amo
6. Katrabaho ni Tonton
7. Kaibigang Babae ni Tonton
Narrator: Ang pamilya ni Tonton Lopez ay mahirap lamang kaya kailangan ay
makapag trabaho siya, dahil sa kahirapan sa buhay. Siya ay nag aaply at siya ay
natanggap na mekaniko sa Saudi Arabia. At nang kanyang araw ng pag-alis nasa
Naia Airport ang buong pamilya ni Tonton.
Tonton: Mahal kong asawa at anak mag ingat kayo ha. Mamimiss kayo ng tatay.
Mahal na mahal ko kayo. Mga anak laging sumunod sa utos ng nanay niyo ha. Mag
aral ng mabuti.
Anak: Itay, mamimiss po naming kayo. Mahal ka po namin, mag aaral po kayo ng
mabuti. Ingat po. (Naiiyak)
Asawa: Mahal; mag ingat ka ha. Basta lagi mong tandaan andiyan lang si God
laging nakabantay sayo. Mag text ka kapag nakarating ka na ha. Mamimiss kita.
(Naiiyak)
Narrator: Umalis na nga si Tonton papuntang Saudi Arabia, kasama ang mga
pangarap niya na maiahon ang pamilya mula sa kahirapan ng buhay. At nang siya’y
makalapag na sa kanyang destinasyon, init agad ng ulo dahil sa tagal ng proseso ng
papel. Tinext na lang niya ang kanyang pamilya na nakarating na siya ng Saudi.
Assistant: Sir, wait until your papers is completely finished. Wait an hour to finish
these papers.
Tonton: *sumimangot* *bumulong* Ang tagal tagal naman ng papel na yan. Gusto
ko na magpahinga.
Narrator: At nang matapos na ang pag poproseso sa papel, naghintay ulit siya dahil
hinihintay niya ang magsusundo sa kanya papuntang kanyang pansamantalang
tirahan. At ang kanyang pahinga lamang ay isang linggo. Kailangan pa I medical
para masigurong kaya niya ang kanyang trabaho. Nahirapan din siya dahil ang mga
salita ng mga tao sa Saudi ay puro Arabic, kaunti lamang ang nag Iingles. At
makalipas ang isang linggo siya ay nagsimulang magtrabaho.
Tonton: Ito na, kailangan ko maging masipag para maiahon ko ang aking pamilya.
Gagalingan ko ang aking pagtatrabaho.
Sosyedad at Literatura
Kasamahan sa Katrabaho: Pilipino ka rin, galingan mo ang iyong unang trabaho
dahil kung hindi mo inayos bawas ito sa sahod mo.
Narrator: Makalipas ang ilang buwan, araw na iyon ng sahod ni Tonton.
Amo: 17 thousand pesos, that is your whole profit in this month.
Tonton: Thank you very much.
Narrator: Pagkakuha ni Tonton ng kanyang sahod, hindi niya alam kung saan niya
ito ilalagay.
Tonton: Saan ko ba ito ilalaan? Marami pa akong utang na kailangang bayaran.
Kulang pa itong sahod ko pambayad sa utang na naiwan ko sa Pilipinas. Ipapadala
ko na lang ang kalahati nito sa aking pamilya. At ang kalahati ay ipambibili ko ng
aking kailangan.
Narrator: Bumili si Tonton ng cellphone upang makausap ang kanyang pamilya.
Laging kausap ni Tonton ang kanyang asawa.
Tonton: Oh, hello kamusta na kayo diyan? Namimiss ko na kayo. (Medyo naiiyak)
Asawa: Namimiss ka narin naming ng anak mo. Naglalako pala ako ng gulay para
makatulong sa inyo.
Tonton: Maganda yan. Sabik na sabik ako makausap kayo. Namimiss ko na kayo.
Ang hirap pala ng buhay dito ang init. Kamusta pala yung pinadala ko sayong pera?
Asawa: Sapat lang ang pera sa amin. Binayaran ko na ang mga utang natin kaso
sobrang laki pa rin.
Tonton: Nakaka homesick na dito, sobrang init. Ang hirap intindihin ng salita nila.
Asawa: Hay. Mahal na mahal kita pati nang mga anak mo, Mag iingat ka palagi
diyan. Nandito lang kami ng mga anak mo. Osiya sige babye na aasikasuhin ko
muna sila, at maya maya maglalako pa ako.
Tonton: Sige sige. Babye.
Narrator: At sa palaging pagka abala lagi ng kanyang asawa naghanap ng
mapaglilibangan si Tonton. Nagkaroon siya ng kaibigang babae. Gamit ang kanyang
social media account. Palagi silang nag uusap ng kanyang kaibigang babae.
Tonton: Hindi ko na makausap ang aking asawa sa Pilipinas palagi na lamang
siyang busy sa kanyang paglalako ng gulay.
Kaibigang Babae: Andito lang ako para sayo, hayaan mo na lang siya. Basta kapag
may problema ka sa akin ka lumapit. Papahiramin kita ng pera kung gusto mo.
Narrator: Palagi na lamang sila nag uusap hanggang sa nagustuhan na ni Tonton
ang kanyang kaibigan. Nakakalimutan na rin niya ang tumawag kapag naman
tumawag ang kanyang asawa hindi niya ito sinasagot. Pinapadalhan na lamang niya
ng kaunting pera ang kanyang asawa. At isang araw nalaman ng asawa ni Tonton
Sosyedad at Literatura
ang ginagawang kalokohan ng kanyang asawa. Nalaman niya ito sa pamamagitan
ng kasamahan ni Tonton sa trabaho.
Kasamahan ni Tonton: Hindi na ako makatiis na hindi sabihin sayo ang totoo,
palagi na lamang may kinakausap si Benny sa cellphone. At ito pa nagustuhan na ni
Tonton ang babae na nakilala niya sa social media account.
Asawa: Hirap na nga ako mag budget ng pera, dahil paunti na ng paunti ang
kanyang pinapadala, hindi ko alam kung saan na ito napupunta. Ano bang
kalokohan tong pinaggagawa niya?!
Kasamahan ni Tonton: Siguro dahil sa homesick kaya siya nagkaka ganyan. Palagi
ka na lang daw kasi busy sa paglalako mo ng gulay.
Narrator: Nakaramdam ng galit ang asawa ni Tonton at dahil sa pangyayaring iyon.
Nagkanda sira sira ang kanyang pamilya. Hindi na naayos pa ito. Nagkaroon na ng
lamat ang kanilang pag iibigan. Pati ang kanilang anak ay nahihirapan na rin. Hindi
na natupad ni Tonton ang kanyang pangarap na maiahon ang pamilya niya mula sa
kahirapan.

You might also like