You are on page 1of 1

Ang magkakapatid

Magkakapatid sina Ana, Maria at Isabel. Pinakamatanda si Ana at si Isabel ang pinakabata sa tatlo. Ang
kanilang ama ang pinakamayaman sa kanilang kaya ang pamilya nila ang nananahan sa isang malaki at
magandang tahanan. Ang kanilang ina ay lagi lamang sa tahanan upang pagyamanin ang mga gawaing
bahay na ginagawa ng marami nilang katulong. Sina Maria at Isabel ay kapwa masipag at laging handang
tumulong sa kanilang ina, SAmantalang si Ana ay mapagmataas, makasarili at tamad gumanap ng kahit
an simpleng gawain lamang.

Hindi nagtagal, tumanda kanilang magulang at nagkasakit. Sa kanialng huling sandali, hinabilin ng ama
ang kanilang bahay sa panganay na anak na si Ana at pantay na pinaghati-hati naman sa tatlo ang natira
pang kabuhayan. Isang araw, kinausap sila ni Ana. “Nais kong malaman n’yo ang aking saloobin. Hindi na
ako masaya na magkakasama tayo sa iisang bubong. Hindi na kayo pwedeng mamalagi sa aking bahay.
Umalis na kayo’t maghanap ng matitirhan.”

Nalungkot ang magkakapatid. “Masusunod ang gusto mo, Ana.” Sagot ng napakabait na si Maria.
“Ngayon din ay aalis kami ni Isabel at mamumuhay nang magkasama.”

At iniwan nga nilang dalawa si Ana. Bumili sila ng maliit ngunit maayos na bahay. Nagtayo sila ng
tindahan at gumawa ng isang gulayan. Naging matipid at simple ang magkapatid. Hanggang umunlad sila
at namuhay nang masagana. Si Ana sa kabilang banda, ay namuhay nang marangya at walang habas sa
paggasta ng kanilang salapi. Paminsan-minsan, nagdaraan ang kanyang magarang karwahe sa sa tapat
ng sa tingin nito’y mahirap na bahay nila Maria at Isabel. Naging sakim at mapagmataas si Ana kaya’t
hindi nagkaroon ng kaibigan.

MAkalipas lamang ng ilang taon, ang lahat ng kanyang salapi ay naubos at nalubog sya sa pagkakautang.
Nilayasan sya ng kasambahay. Hindi siya marunong magtrabaho at mag-isang mamuhay.

Nagtaka sina Maria at Isabel nanag hindi na nila nakita si Ana. Napag-alaman nilang itoy may lubhang
karamdaman at nasa kahabag-habag na kalagayan. Mahina ang katawan at halos wala maipambili ng
pagkain. Ngayon hindi na siya mapagmataas. Lumuluha niyang tinanggap ang mga kapatid.

“Ana, sumama ka sa amin” yaya ni maria.

“Huwag kang mag-aala. Aalagaan ka naming,” sabi ni Isabel.

“Paano ko kayo mapapasalamatan? Sa kabila ng napakalaki kong kasalanan sa inyo, handa pa rin niya
akong kupkupin. Mapatawad sana ninyo ako, “ wika ng lumluhang si Ana.

“Matagal ka na naming pinatawad. Kalimutan na natin ang lahat. Sumama ka na sa amin.”mabilis na


sagot ni Isabel.

Mula noon ang tatlong magkakapatid ay sama samang namuhay at nagsalo-salo sa kanilang magandang
kapalaran.

You might also like