You are on page 1of 4

Ang Alamat ng Talisay

ni: Enamithce Flor Bendanillo

Sa isang lugar ng Barangay Calpidong, tahimik na namumuhay ang isang


pamilya. Ito ay ang pamilyang puno ng pagmamahal, saya, at pagka kuntento sa
buhay na meron sila. Ang pamilyang Talisay ay hindi tinuturing na tao ng kanilang
mga kapitbahay, at lahat ng taong nakapaligid sa kanila ay panandidirian sila at
tinataboy pa nga. Mahirap lang sila, kaya wala silang magawa kundi tiisin ang mga
hindi magandang bagay na ginagawa at trato sa kanila ng mga tao. Tinitiis nila ang
mga kasamaan nito at binabalewala lang. Wala silang pakialam kung ano ang turing
ng mga tao sa kanila ang importante ay hindi sila gumaganti.

Isang araw, lumabas si aling Nesa upang magbenta ng mga gulay. Sumama
rin sa kanya ang kanyang anak na si Esay upang siya ay tulungan sa pag bitbit ng
kanyang mga panindang gulay. Habang nag lalakad sila sa may kalsada, laking
gulat nalang nila na may mga batong pumunta sa kanila. At sa inaasahan, ang mga
tao ang nambabato sa kanila. Iyak ng iyak si Esay habang tumatago sa likud ng
kanyang ina. Agad silang tumakbo palayo at naiwan ang kanilang mga paninda.
Umuwi silang bigo at walang nabenta. Sinalubong sila ni Manong Nestor na asawa
ni Aling Nesa, na galing pa sa gulayan nila at may takang mukha na nakatingin sa
kanila. Sa mata palang ni Esay at Aling Nesa ay alam na ni Manong Nestor ang
nangyari. Awang-awa si Manong Nestor sa asawa't anak niya, kaya niyakap niya
nalang ang mga ito. Pagkatapos ng araw na iyon hindi na sila pumupunta sa baryo
at umaalis sa kanilang bahay. Nagtatanim nalang sila ng kahit ano upang marami
silang mapagkukunan ng pagkain sa araw araw.

Dahil sa kagustuhan ni Esay na lumabas, palihim siyang umalis ng kanilang


bahay. Pumunta si Esay sa isang ilog na kung saan masaya siyang naligo at
naglalaro sa ilog. Habang siya ay naliligo, hindi niya namalayan na may paparating
na tao. Nang makita siya nang tao, agad siyang sinigawan. "Hoy! Anak ng mga
taong nagdadala ng malas! Umalis ka diyan sa ilog! Baka bumaha pa at madala ang
mga sakahan namin sa kamalasan niyo! Umuwi ka! Alis! Alis! " Sigaw ng isang Ali
Kay Esay. Tumakbong umuwi si Esay at umiyak ng pahagulhol. Nang nakita niya
ang kanyang magulang sinumbong niya ang nangyari. Galit na galit si Manong
Nestor dahil sa sinapit ng kanyang anak. Pero hindi siya pwedeng gumanti.
Pinatahan niya nalang si Esay. Dahil binigay nina Aling Nesa at Manong Nestor ang
kanilang oras sa pagtatanim hindi nila namalayan na napakarami na ng kanilang
mga gulay at abunda pa sa lusog. Nagtaka sila Kung bakit ganun nalang ka lusog
ang kanilang pananim at hindi naman sila naglalagay ng mga pataba. Kahit sobrang
init at hindi umuulan ay napakaganda parin ng tubo ng kanilang mga pananim.

Dahil gustong bumili ng bigas ni Aling Nesa ay napilitan siyang lumabas.


Upang hindi siya makilala, binalot niya ang kanyang mukha upang iwasan ang mga
tao. Nang nasa baryo na siya, nakita niyang nagtitipon ang mga tao. Lumapit siya
doon, at nakinig sa usapan. "Naku! Sirang sira na ang aming mga pananim, patay
lahat at wala na kaming maaani." Sabi ng isang Ali. "Ang pamilyang Talisay talaga
ang may kasalan nito! Sila ang malas sa ating baryo!" Dagdag pa ng isang Ali.
Parang nanikip ang dibdib ni Aling Nesa sa narinig. Bakit sila ang ginawang dahilan
sa mga nangyari, eh hindi naman nila kontrolado ang panahon. Agad na umalis si
Aling Nesa at bumili na ng bigas. Nang makauwi siya,sinabi niya sa kanyang asawa
ang mga narinig. Hindi matanggap ni Manong Nestor na sila ang sinisisi. Pero
nagtaka siya kung bakit ang kanilang pananim ay malulusog. Ilang linggo ang
lumipas ay hindi kinaya ni Manong Nestor ang dami ng kanilang mga pananim.
Sobrang sobra na ito sa kanilang pang araw araw. Kaya na isipan ni Manong Nestor
na anihin ang lahat ng gulay at ipamigay sa mga tao. Pumunta ang pamilyang
Talisay sa Baryo dala ang kanilang mga inani. Pagkarating nila doon, tinititigan sila
ng masama ng mga tao. ” Ano yan? Mamimigay kayo? Baka may lason yan!” Sigaw
ng isang Ali. Hindi na sumagot ang pamilyang Talisay at iniwan nalang nila ang
kanilang dala. Nang palakad na sila paalis, ibinato sa kanila pabalik ang mga gulay.
Nag patuloy nalang sila at pinabayaan ang pang babato. Galit ang nararamdaman ni
Manong Nestor at aling Nesa pero mas pinili nilang mapagkumbaba. Nakita ni Esay
ang dismayadong mukha ng kanyang mga magulang. Gusto niyang gumanti sa mga
tao, pero mas naisip niya na kahit gaano kasama ang mga tao sa kanila ganoon din
sila ka swerte dahil hindi sila pinapabayaan ng Dios at hindi sila nakararanas ng
malas gaya ng sinasabi ng mga tao. Siguro nga mas mabuting magpakumbaba dahil
sila ‘yong pinagpapala.

Kinalimutan nila ang lahat ng nangyari na parang wala lang. Nagpatuloy sila
sa kanilang pananim. Isang araw, habang nagtatanim sila ay may isang liwanag na
biglang tumambad sa kanila. Isang liwanag na may diwatang lumabas. Hindi
makapanila ang pamilyang Talisay. Ngumiti sa kanila ang magandang babae at
nagsalita. “Ako’y masaya dahil ang pamilya niyo ay napaka buti sa kapwa. Alam
kong hindi maganda ang tingin at pakikitungo sa inyo ng inyong kapwa tao. Ngunit
ako ay inyong napahanga sa kabutihan ng inyong mga puso. Kaya binibigyan ko
kayo ng magagandang ani. Magagandang kalusugan at lagi ko kayong
binabantayan. Nais kong sabihin sa inyo na ipagpatuloy niyo ang inyong kabutihan
sa inyong kapwa hannggang maging ganoon din sila kagaya niyo. Huwag kayong
mawalan ng pag asa dahil darating din ang panahon na maisip nila ang mga
kabutihan na inyong pinapakita.” Sabi ng diwata. Dahan dahang Nawala ang liwanag
at Nawala rin ang magandang babae. Tulala ang pamilyang Talisay at nagkatitigan
pagkatapos. Umuwi silang lutang at wala sa sarili. Nang makarating sila sa kanilang
bahay ay sumalubong sa kanila ang mga tao na taga Baryo at nagwawala ang mga
ito. Sinugod sila at sinaktan. Niyakap ni Manong Nestor ang asawa at anak, at siya
ang sumalo sa mga pagbabato, at pananadyak sa kanila ng mga taga Baryo. Tiniis
ni Manong Nestor ang sakit ngunit bigla nalang lumakas ang hangin. Sa sobrang
lakas ay halos madala ang mga tao ngunit sila ay hindi natatamaan ng hangin.
Nagpatuloy ang lakas ng hangin at biglang bumuhos ang napakalakas na ulan.
Patakbong nagsiuwian ang mga tao. Umulan ng umulan. Hindi ito tumugil at sobrang
lakas pa. Nagtagal ang ulan hanggang sa bumaha ng Malaki. Sumunod ang
pamilyang Talisay at pumunta na rin sa Baryo. Nakita nilang naghirap ang mga tao
at kanya kanya silang naghahanap ng paraan upang makaiwas sa baha. Lumaki ang
baha at umabot na ang baha sa beywang ng tao. Agad na humanap si Manong
Nestor ng lugar kung saan magiging ligtas silang pamilya. Hindi huminto ang
napakalakas na ulan at mas lalong lumaki ang baha. May Nakita si Manong Nestor
na isang Ali na nahihirapang makalangoy dahil karga nito ang kanyang anak. Ngunit
mas lalong lumaki ang tubig kaya agad lumangoy si Manong Nestor pamunta sa
mag inang malapit na malunod. Nahirapan si Manong Nestor sa pagligtas. Kinuha
niya ang bata at nilagay sa ligtas na lugar. Nakatingin lang ang mga tao sa kanila
dahil wala ring magawa dahil sa lakas ng baha. Binalikan ni Manong Nestor ang Ali
at iniligtas. Ngunit nakalimutan niya ang kanyang mag ina at agad niya itong
pinuntahan. Nang marating niya na ang mga ito, hirap na hirap na ang kanyang mag
ina. Niyakap niya ang kanyang mag ina, at sumigaw si Manong Nestor na itigil na
ang ulan at baha. Biglang lumabas ang liwanag at huminto ang ulan at unti unting
nawala ang tubig. Tumapat sa pamilyang Talisay ang liwanag ngunit nagtaka ang
mga tao nang biglang nawala ang pamilyang Talisay at sa kinatatayuan ng mga ito
ay biglang tumubo ang isang kahoy at unti unting lumaki ng lumaki. Naging hegante
ang puno. Gulat na gulat ang mga tao. Natauhan silang lahat. May isang matanda
na dahan dahang nilapitan ang heganteng puno at yumuko doon. Sumunod ang iba
pang tao at lahat sila ay yumuko na din. Mula sa araw na iyon, hindi alam ng mga
tao kung saan napunta ang pamilyang Talisay pero nagpapasalamat sila milagrong
dala ng mga ito. Mula noon, naging mabuti na ang mga tao at nagsisipag na sa
kanilang pagsasaka at tuwing ani ay nag aalay sila sa Heganteng puno.

Makalipas ang isang taon, nagplano ang mga tao na ipagdiriwang ang
kabayanihan at himalang dala ng Pamilyang Talisay sa Barangay ng Calpidong. May
handaan na naganap at doon ginanap ang pagdiriwang sa harap ng Heganteng
puno. At doon, naisipan nila na sa lugar na iyon tatawagin nila itong Purok Talisay
na kung saan nagpapaalala sa kabutihan at sakripisyo ng Pamilyang Talisay at taon
taon nilang ipagdiriwang bilang pasasalamat sa mga ito.

At dito nagtatapos ang kuwento ng Pamilyang Talisay. Ang alamat ng Talisay.

You might also like