You are on page 1of 2

Ang Gantimpala

Ni: Marylove Sclon

Sa isang malayong nayon, nakatira ang mag-inang si Aling Anisa at Ava.


Tanging si Aling Anisa ang nagtataguyod sa kanilang pamumuhay dahil pumanaw ang
kanyang asawa noong maliit pa lamang si Ava. Palagi niyang pinaalalahanan si Ava na
maging magalang at matulungin sa kapwa. Mapagmahal at mabuting anak naman si
Ava, lahat ng mga pangaral ng kanyang ina ay kanyang sinusunod. Namumuhay silang
payak sa kanilang sariling lupain, marami silang tanim at mga alagang hayop na siyang
pinagkukunan nila ng kabunayan sa araw araw.

Isang araw ay nagkasakit si Aling Anisa, lumubha pa ang kanyang karamdaman


kaya napilitan siyang ibinta ang kanilang lupain at ilang mga alagang hayop upang
magpagamot. Ang natitira nilang lupa ay yun na lamang tinitirikan ng kanilang bahay at
ang bakuran. Nang gumaling na si Aling Anisa, malaking hamon para sa kanila ang
magsimulang muli.

“ Inay, ano kaya kung mangunguha ako ng kahoy upang ibinta sa bayan?
Nakasiguro ako na mabenta yun.”

“Naku anak, panlalaking trabaho ‘yan, mabigat ang mga kahoy,” sagot ni Aling
Anisa sa anak. “ Okey lang po inay, sanay naman ako sa mga trabahong panlalaki, dito
nga sa bahay ako ang nag-iigib ng tubig at nagsisibak kaya alam kong kayang-kaya ko
‘yan. Hindi ko naman bubuhatin ang mga malalaking kahoy, mga malilit lang na sanga
ang kukunin ko at nandyan naman si Masipag ang ating kalabaw sa kanya ko isasakay
ang mga kahoy patungo sa bayan.”

Kinaumagahan, maagang nagtungo sa gubat si Ava kasama si Masipag. Malayo


na ang kanilang nalalakad at masakit na ang sikat ng araw kaya nagpahinga muna sila
sa lilim ng isang kahoy. Pinainom din ‘nya ng tubig si Masipag dahil mayroon namang
batis sa di kalayuan. Naisip ni Ava na doon na muna magpalipas ng ilang saglit at
mananghalian.
Habang nakaupo sa nakausling ugat ng punongkahoysi Ava, nagulat siya dahil
may tinig siyang narinig, “Ineng, maari mo ba akong tulungan?” Napalingon siya, wala
namang ibang tao na nandun. “Ineng, narito lang ako,malapit na malapit sayo. Ako ito,
ang kahoy na pinagpasilongan ‘nyo,” sabi ng tinig. “Ano pong maitutulong ko sa inyo?”
tanong niya sa puno sabay lingon nito. “Maari mo bang kunin ang mga tuyong baging
na nakapalupot sa mga sanga ko? sagot ng puno. “Opo, sabi ni Ava. “Salamat Ineng
napakabuti ng iyong puso nararapat lamang na ika’y gantimpalahan. Kumuha ka ng
mga bunga ko, kahit ilan. Kainin mo ito kung nais mo, gawin mo lang ang sasabihin ko,
itanim mo ang buto n‘yan dahil iyan ang gantimpala ko sayo.

”Kumain si Ava sa prutas, masarap at matamis ito, ngayon lamang sya nakatikim
ng ganung klaseng kasarap na prutas. Kung titingnan ay hindi naman ito naiiba sa
prutas na nandun sa lupain nila noon pero ang lasa nito ang siyang kakaiba.

Hindi na nagpatuloy pa sa gubat sina Ava at Masipag. Umuwi na sila dala ang
mga bunga ng prutas na ibinigay ng puno. Pagdating sa bahay ay sinabi lahat ni Ava sa
kanyang ina ang nangyari. Nasasabik sila kung ano ba ang sinasabing gantimpala ng
puno. Itinanim agad ni Ava ang buto sa kanilang likod-bahay. Kinaumagahan ay laking
gulat niya na may malaking puno ng umusbong at malapit ng mamunga sa kung saan
niya itinanim ang buto kahapon. Sa ikalawang araw, ay malaki na ang mga bunga nito
at malapit ng mahinog. Sa pangatlong araw ay hinog na ang mga bunga at napakarami
nito kaya naisip nila na ibenta ito sa bayan.

“Naku anak, ito pala ang gantimpala na sinasabi ng puno sa iyo!” Ubos lahat ang
prutas na paninda natin at ang ating kinita ay sobra-sobra pa para sa atin,” maluha-
luhang sambit ni Aling Anisa. “Opo inay. at hindi na kailangan pupunta pa kami ni
Masipag sa gubat upang manguha ng kahoy at ibenta,” sagot naman ni Ava.

Tuwing Linggo, pupunta si Ava sa bayan upang magtitnda ng prutas kasama si


Masipag. Mula sa kanilang kita sa patitinda ng prutas ay nakapag-ipon sila ng pera
upang bumili ng lupa at tinaniman din nila ng mga prutas. At simula noon ay namuhay
sila ng matiwasay gaya ng dati.

You might also like