You are on page 1of 4

Ang Alamat ng Paru-paro

ni: Lynn H. Pañares


Iginuhit ni:
Jhoane B. Olanda
Ikinuwento : RFMES Team Grade 6
Tagapagsalaysay: Teresa C. Cayapos
Nena: Jovie Elipio
Aling Sisay: Nelia C. Cadiong
Pedro: Donald Alemania
Pablo: Ronaldo R. Pino
Amparo: Sharina Love R. Failden

Noong unang panahon, may isang matandang babae na nakatira sa isang liblib sa
nayon ng Mindanao. Mayroon siyang maraming tanim na prutas. Ito ang pinagkukunan niya
nang pangkabuhayan. Marami naman siyang mga kapitbahay na natulungan dahil ang
kanyang mga puno ay hitik sa bunga. Nagbibigay ang matanda sa kanila nang iba’t-ibang
klaseng matatamis na prutas. Marami siyang kapit-bahay na nasisiyahan dahil hindi naman
ito maramot sa kanila sa tuwing humihingi sila.
Bilang ganti sa matanda ang kanyang mga kapitbahay sa nayon ay bumibisita na may
dalang bigas at sariwang isda na nahuli nila sa ilog. Kung siya ay nagkakasakit ay dinadalaw
rin ito ng mga ka-nayon para siya ay maalagaan. Masaya ang kanilang samahan sa kanilang
lugar dahil sa kanilang pagmamalasakit sa isa’t-isa.
Maliban sa mga namumungang puno ay mayroon din siyang iba’t-ibang uri nang mga
bulaklak sa hardin. Minsan pumunta si Nena sa bahay nang matanda para bumili ng bulaklak
na sampaguita at Ilang-ilang para ibenta sa bayan sa labas ng simbahan.
“Aling Sisay, magandang umaga po. Napag utusan po ako ni nanay na bumili ng sampaguita at
kaunting Ilang-ilang po para ibenta namin sa bayan.”
“Magandang umaga naman Nena. O, sige mamitas na muna ako.” Sabi ni aling Sisay.
“Tulungan ko na po kayo.” Dagdag ni aling Sisay. “O sige, ikaw ang bahala, basta dahan-
dahan ka lang.”

“Opo, Aling Sisay gustong- gusto ko po ang pamimitas.” Ayon kay Nena.

“Medyo, hindi marami ang mga bulaklak ngayon dahil may pumunta dito kahapon upang ibigay sa
mga dayuhang bisita tanda ng malugod na pagtanggap nang ating Punong Barangay at kababayan
sa kanila.”

“Ganun po ba? Okay lang po Aling Sisay. Sa palagay ko tama lang ito sa aming mga
suki.”
“Mabuti naman. Magtatanim pa ako ng marami nitong sampaguita.”

“ Talaga po? Ang galling naman. Babalik ako dito para tulungan ko po kayo.”

“Salamat Nena.” Pangiting sambit ni Aling Sisay.

“Walang anuman po.” Nakangiti din niyang sagot.

Matapos nilang inilagay sa basket ang mga bulaklak ay dali-daling umalis si Nena
para gawin itong kwentas kasama ang kanyang nanay para ipagbili sa bayan.

Isang araw , may mag-asawang nagawi sa kanilang nayon. Binalaanan sila nang
kanilang kamag-anak;

“Pablo at Amparo iwasan ninyo ang pumunta sa kapitbahay. Huwag kayong


pumitas ng kahit anong prutas na walang pahintulot. Mahirap na baka may mga bantay na
di natin nakikita at mapaparusahan kayo. At bawal pumitas ng mga buaklak ng matanda.”

“Huwag kang mag-alala pinsan.” Sabi ni Pablo.

“Salamat sa babala kuya Pedro.” Dagdag naman ni Amparo.

“O sige, aalis muna ako. Pupunta ako sa sakahan. Kumain lang kayo kung kayo’y
nagugutom. Kayo muna ang bahala dito.” Paalala ni Pedro sa mga nakababata.

“ Walang problema kuya. Sige, Salamat po.” Sambit ni Pedro.

”Gusto ko maligo sa ilog at maglaba ng ating mga damit.” Sabi ni Amparo.

“O sige, maligo tayo doon.” Ang pag sang-ayon ni Pedro.

Pumuna sila sa ilog naligo at naglaba. Pagkatapos ay umuwi sila at nagpahinga.

“Pablo parang gusto kung maglibot-libot dito.”

“ Huwag na, dito nalang tayo sa bahay.”

Amparo: Sige na gusto ko makakilala ng mga tao dito.

Pablo: Wala naman sila. kasi pumunta sila sa sakahan. Ang iba ay nangingisda doon sa ilog.
Malayo pa doon sa pinuntahan natin.

Ampara: O sige, maglakad-lakad nalang tayo sandali. Nakakabagot naman.

Pablo: Sige, pero balik kaagad tayo ha?


Amparo: Okay.

Habang sila ay naglalakad malapit sa nasasakupan ng matandang si Aling Sisay. Hindi


naiwasan ni Amparo gusto niyang kumain nang ng mga hinog na prutas.

Amparo: Pablo kumuha ka nang hinog na bayabas. Ang sarap naman niyan.

Pablo: Hindi nga pwede.

Amparo: Parang awa mo na. Kahit isa lang.

“Pambihira diba binalaan tayo?” napakamot sa ulo’ng sabi ni Pablo.

Amparo: Huwag mo nang isipin iyon. Hindi naman tayo makikita ng matanda.

Pablo: Isa lang ha.

Amparo: Okay

Kumuha si Pablo ng isa. Ngunit nagustuhan ito ng asawa kaya humingi pa ito. Sa kulit niya
ay nalimutan na ni Pablo ang babala ng kanyang pinsan. Sila ay pumitas at tinikman lahat ng
prutas. Sa malayo, nakita ni Amparo ang hardin ng matanda. Siya ay lumapit dito at biglang
pumitas. Nakita siya ng matanda at pinakiusapang umalis. Ngunit, hindi niya pinansin ang
matanda. Kinuha niya ang lahat ng uri na kanyang nagustuhan. Umiyak ang matanda.
Naririnig ito ng diwata. Kaya nagalit ito sa kanila.

Dahil sa kanilang kalapastangan ang dalawa ay ginawang kulisap. Nakita nang mga
taga nayon na may kakaibang malalaking kulisap na lumilipad sa hardin nang matanda.
Napansin ng kamag-anak ang pagkawala ng mag-asawa. Umaaligid ang mga lumilipad na
kulisap kay Pedro sa tuwing bumisita siya sa matanda at may hawig ang mga kulay nito sa
mga damit na huling sout ni Pablo and Amparo. Kalaunan ay pinangalanan nila itong Paru-
paro hango sa pangalan nina Pablo at Amparo. Hanggang ngayon sa kasalukuyan ay
tinatawag natin itong Paru-paro.

-Wakas-

Tanong: Ano ang magandang-aral na nakukuha mo sa kwento?

Posibleng Sagot:
Respetuhin natin ang ibang tao lalo na ang mga matatanda.
Iwasan ang manakit nang kapwa.
Dapat humingi tayo nang pahintulot sa may-ari.
Ang hindi paghingi nang pahintulot sa may-ari ay isang pagnanakaw.
Ang kasamaan ay may kabayarang hindi mabuti sa gumawa nito.
o May kabayaran ang bawat kasamaang nagawa.
Ang pagkakaisa ay tanda ng matiwasay na pagsasama.

You might also like