You are on page 1of 4

Si Anna at ang mga gantimpala

Sa isang munting bahay, doon nakatira ang dalaga na nagngangalang Anna. Kasama nya dito ang
kanyang pangalwang ama at ang kanyang anak, pati nadin ang kayang ina may malubhang sakit. Si Anna
ay isang masipag, mapagmahal at maalagang anak, samantalang salbahe naman ang kanyang ama at ang
kanyang anak. Habang inaalagaan ni Anna ang kanyang ina, ay nagpapakasaya naman ang kanyang ama
at kapatid.

Isang araw, naka isip si Anna na maghanap ng trabaho upang matustusan ang pangangailan ng
kanyang ina. Nung nagpaalam siya sa kanyang ama at kapatid, siya ay tinawanan lamang ng mga ito at
sinabing walang tao na nasa matinong pag iisip ang tatanggap sa kanya. Ngunit hindi nagpatinang si
Anna sa panlalait at pangkukutya ng kanyang ama at kapatid, sapagkat naisip niya na para ito sa
ikabubuti ng kanyang ina.

Nang magsimula si Anna sa kanyang paglalakbay mayroon siyang natugpuan na isang puno ng mangga
na nanganga ilangan ng tulong.

Puno: magandang dalaga, maari mo ba akong tulungang alisin ang mga ligaw na halaman sa aking
paligid?

Anna: Lubos kong ikagagalak ang matulungan ka sa iyong panganga ilangan.

Puno: Sigurado ka bas a iyong desisyon, magandang dalaga? Madudumihan ang iyong mga kamay at
maaring mamantyashan ang ang iyong magandang bistida.

Anna: Maari naman akong maghugas ng aking mga kamay at ang aking kasuotan.

At tinulungan nga ni Anna ang puno na matanggal ang mga ligaw na halaman sa paligid nito. Pagkatapos
tanggalin ni Anna ang mga ligaw na halaman ay nagging maganda at maaliwalas ang paligid ng puno.
Napuno din ang kanyang mga kamay at bistida, ngunit masaya nyang nginitian ang puno.

Puno: Maraming salamat magandang dalaga. Magagantimpalaan din ang iyong kabutihan.

Nagpasalamat din si Anna at nagpatuloy na sa kanyang paglalakbay. Maka lipas ang ilang minuto, may
natagpuan si Anna na isang bangin na puno ng lumot.

Bangin: magandang dalaga, maari mo ba akong tulungang alisin ang mga lumot na nakadikit sa akin?

Anna: Ikinagagalak kong ikaw ay matulungan na mag tanggal ang mga lumot.

Bangin: Sigurado ka ba, magandang dalaga? Maaring madumihan ang iyong makinis na balat.

Anna: Maari ko naming linisin ang aking katawan pagka ito ay nadumihan.

At tinanggalan nga ni Anna ng lumot ang bangin at napuno ng dumi ang kanyang katawan. Nang
matapos si Anna na linisin ang mga lumot, nagmukhang bago muli ang bangin dahil sa kintab at linis
neto.

Puno: Maraming salamat magandang dalaga, balang araw magbubunga din ang iyong kabutihan.
Ngumiti si Anna at nagpatuloy sa kanyang paglalakbay. Maya maya pa’y may nakita siyang ibon na
nahingi ng tulong.

Ibon: Magandang araw binibi, nahulog ang aking anak sa may putik at hindi sya maka alis doon. Maari
mo ba akong matulungan?

Ngumiti si Anna at masiglang sinabi: Masaya akong mag abot ng tulong sa iyo at sa iyong anak

Ibon: Ngunit maaaring madumihan ang makintab mong sapatos.

Anna: Maari kong punasan ang aking mga sapatos pagka ito ay naputikan.

Lumakad si Anna patungo sa putikan upang makuha ang anak ng ibon. Pinunasan nya ito gamit ang
kanyang bistida at ibinalik nya ito sa piling ng kanyang ina.

Ibon: Lubos akong nag papasalamat sa iyong kabutihan. Nawa ay mas dumami pa ang gantimpalang nag
iintay para sa iyo.

Nakangiting nag paalam si Anna sa mag-inang ibon at tumuloy na sa kanyang paglalakbay. Sa di


kalayuan, ay may nakita siyang isang leon na puno ng galos at hirap lumakad.

Leon: BInibini, maari mo ba akong tulungan na linisin ang aking mga sugat doon sa may ilog?

Anna: Halika at aakayin kita papunta sa ilog upang malinisan ang iyong mga sugat.

At ganun nga ang nangyari. Inakay ni Anna ang leon patungo sa ilog upang malinisan nito ang kanyang
mga sugat. Nilinisan na din ni Anna ang kanyang sarili sapagkat napuno sya ng dumi at mantsya.

Leon: Maraming salamat sa iyong mabuting kalooban. Masusuklian din kita balang araw.

Nagpasalamat din si Anna sa Leon bago lumisan para ituloy ang kanyang paglalakbay. Dumidilim na at
naghahanap na si Anna ng lugar na pwede nyang matuluyan.

Sa di kalayuan ay may nakita siyang isang mansion, pumasok siya doon at natagpuan na ito pala ay
mansion ng mga dwende. Naki-usap si Anna na kung pwede ay manulungan sa doon.

Dwende: Pumapayag kami na manulungan ka sa amin, ngunit may isang kondisyon. Araw-araw mong
lilinisin ang mga kwarto dito sa mansion maliban na sa pang limang kwarto. Iyong kwart na iyon ay di
maaring buksan kahit kalian.

Masayang pumayag si Anna sa kondisyon na ibinigay sa kanya at di na nya kwinentsyon kung bakit hindi
maaring buksan ang pang limang kwarto.

Araw-araw ginawa ni Anna ang paglilinis ng mga kwarto at ni isang beses hindi sumagi sa isip niya na
buksan ang pang limang kwarto. Matapos ang isang taon ay malugod na sinabi ng mga dwende na sa
kanya na maari nang umuwi si Anna sa kanyang ina. Ngunit bago sya tuluyang pauwiin ng mga dwende
ay may tinanong sila.

Dwende: Bakit ni isang beses hindi mo sinubukang buksan ang pang limang kwarto?

Anna: Tinuruan po kasi ako ng aking ina na sumunod sa utos na wag gagalawin ang anunang bagay na
hindi naman sa akin.
Natuwa ang mga dwende sa sagot ni Anna.

Dwende: Kung ganon, sumunod ka sa amin at ikaw ay bibigyan namin ng gantimpala.

Pumunta sila sa pang limang kwato at binuksan iyon. Bumungad kay Anna ay isang kwarto na puno ng
ginto at pilak.

Dwende: Sapagkat marunong kang sumunod sa kasunduan, gumulong-gulong ka sa kwartong ito. Kung
ano ang dumikit sa iyo ay maaari mong iuwi sa iyong ina.

Ganun nga and ginawa ni Anna, sya ay nagpagulong-gulong at sya ay napuno ng gito at pilak. Masaya
siyang nagpa alam sa mga dwende na naglakbay na pabalik sa kanyang ina.

Habang naglalakbay sya, nakita nya muli ang leon sa may ilog. Ngunit ito ay puno na nang
nagkikintabang perlas.

Leon: Magandang binibini, kumuha ka ng mga perlas hanggat makakaya mo. Ito ang gantimpala ko para
sa Iyo.

Kumuha nga si Anna at nilagay sa ito sa kanyang katawan. Pinasalamatan niya ang leon at nagpatuloy sa
kanyang paglalakbay.

Sa di kalayuan ay natanaw niya ang mag-inang ibon na kanyang tinulungan.

Lumipad sa kanya ang mga ibon at sinabi: Narito ang pinaka-sariwa at magandang bulaklak sa buong
sudad. Ito ang aming gantimpla para sa iyo.

Tinanggap niya ang mababangong bulaklak at nagpa salamat sa mag inang ibon. Maya-maya pa’y nakita
niya ulit ang bangin na kanyang tinulungan, ito ngayon ay puno na ng malinis na tubig.

Bangin: Halika magandang dalaga, uminom ka ng tubig para maibsan ang iyong uhaw.

Uminom nga si Anna ng tubig at nagbaon pa sya para sa kanyang ina. Masayang nagpasalamat si Anna sa
bangin at nagpatuloy ito sa kanyang paglalakbay.

Sa di kalayuan ay natagpuan nya ulit ang puno ng mangga na kanyang tinulungan noon. Punong-puno na
ito ng sariwa at matatamis na bunga ng mangga.

Puno: Magandang dalaga, lumapit ka at pumitas ng mga sariwang mangga para sa iyo.

Kumuha si Anna ng basket na malapit sap uno at pinuno ito ng mangga upang maiuwi ito sa kanyang ina.
Kumain din muna sya bago siya nagpasalamat at nagpatuloy sa paglalakbay nya pabalik sa kanyang ina.

Nang maka-uwi na sya, masaya syang sinalubong ng kanyang ina, ngunit puno naman ng inggit at galit
ang kanyang ama at kapatid. Inakusahan siya ng kanyang ama na ito ay kanyang ninakaw lamang at hindi
naman nararapat para sa kanya.

Naka-ngiting hinarap ni Anna ang kanyang ama at kapatid at kanayng sinabi na, “Ang lahat ng ito ay
aking pinaghirapan at nagging sukli sa aking kabutihan. Nais kong malaman ninyo malayo ang nararating
ng kabutihan at kasipagan”.
Pagkatapos noon ay sinabi ni Anna sa kanyang ina na mag-impake na sapagkat sya pag ipapagamot ni
Anna at maninirahan sila sa mas magandang lugar.

Sa huli ay gumaling ang kanyang ina at ginamit nila ang natitirang gantimpala upang makapagpatayo
nang magandang bahay at isang pang bahay para sa mga nangangailangan.

You might also like