0% found this document useful (0 votes)
605 views5 pages

Esp Script

Ang dokumento ay tungkol sa buhay ni Anya na isang estudyante na nabuntis ng kanyang ama. Naglalaman ito ng iba't ibang eksena kung saan ipinakita ang paghihirap ni Anya sa kamay ng kanyang mga ka-eskwela at kamag-anak. Nagtatapos ito nang matulungan na si Anya ng kanyang mga kaibigan at naging mabuti na rin ang mga kaaway niya.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
605 views5 pages

Esp Script

Ang dokumento ay tungkol sa buhay ni Anya na isang estudyante na nabuntis ng kanyang ama. Naglalaman ito ng iba't ibang eksena kung saan ipinakita ang paghihirap ni Anya sa kamay ng kanyang mga ka-eskwela at kamag-anak. Nagtatapos ito nang matulungan na si Anya ng kanyang mga kaibigan at naging mabuti na rin ang mga kaaway niya.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 5

ESP SCRIPT – GROUP 3

Kapwa ko, Gagawan ko ng kabutihan

Scene 1
Narrator: Nang dahil sa panggagahasa kay Anya ay nasira ang buhay nya, naging magulo at
puno ng pag subok, maraming tao ang nandiri sa kaniya ng dahil walang nakakaalam sa
pang
gagahasang nangyari sakanya kaya lahat ng tao ay inakalang kalandian niya ang lahat ng
iyon.

Narrator: Makalipas ang tatlong linggong hindi pag pasok ni anya sa eskuwelahan, ay
marami nang gurong naghahanap sakanya, nag tataka kung anong nangayari. Nang
sumunod na araw ay nalaman nilang buntis pala ito.

Rose mary: Hoy yung kaklase daw naten buntis HAHA, grade 8, 13 yrs old may sumisipa na
sa tyan.

Jennifer: Kalandian moments HAHAHA nakakadiri talaga.

Rose mary: Diba yung ganun daw eh like mother like daughter?

Jennifer: Pokpok ata nanay nun HAHAHA kawawang bata, may dinadala na agad.

Narrator: Maraming estudyanteng kinamumuhian si anya ng dahil sa pagbubuntis nya,


maraming ring tao ang hinuhusgahan at pinag-uusapan siya.

(dumaan si Anya, sabay hawak sa kamay niya si Rose mary at hinusgahan siya)

Rose mary: Hoy anya ano musta sumisipa dyan sa tyan mo? Kapokpokan mo yan noh?
Jennifer: ‘WAG KA MAINGAY (pasigaw) AT BAKA MAY MAKARINIG NA NAGPAPABUNTIS
AGAD SIYA SA LALAKE, tapos single pa, edi kalandian nga HAHA.

Anya: Ano ba tumigil na nga kayo (nagmamakaawa) hindi niyo naman alam ang kwento at
dahilan na meron ako, kaya wag niyo ako husgahan. (Tumakbo)

Narrator: Labis ang pagtatangis ni Anya ng dahil sa mga panghuhusga sa kaniya, gusto niya
mang sabihin sa mundo ang katotohanan ngunit natatakot siya sa mang husga sa
nakabuntis sa kaniya.
Scene 2
Narrator: Kahit papaano may mga kapwa tao padin ang naawa at tumulong kay Anya, hindi
siya hinusgahan kundi mas piniling intindihin at hindi na dumagdag sa mga panghuhusga
sa kaniya.

Yanna: Kawawa naman si Anya marami ng mga estudyante ang kinakawawa siya.

Kaden: Kaya nga, sana naman intindihin nila si Anya.

Yanna: Lapitan natin si Anya upang tulungan siya, di natin kailangan manghusga ng tao,
lalo na at pare-pareho lang tayong tao nag kakamali kaya mas mainam na maging
mabuting kapwa na lamang tayo.

Narrator: Hinanap nila Yanna at Kaden si Anya upang kausapin at tulungan ganun nadin
upang pagaanin ang mabigat at malungkot na loob ni Anya.

Kade: Anya?

Yanna: Anya gusto ka namin makausap, pwede ba?

Anya: ‘Wag na baka husgahan niyo din ako.

Yanna: Hindi namin gagawin yun , tatabi kami sayo (tumabi), handa kaming tulungan ka
para kay baby girl o boy man yan, gusto naming maging mabuti sayo lalo na buntis ka
dapat hindi ka nagpapakastress.

Kaden: Oo baka may masamang mangyari sa anak mo.

Anya: Di ko alam ano nang gagawin ko ee (umiiyak) sobra sobra na yung problemang
meron ako sa pamilya at sumabay pa sa eskuwelahan , gusto ko lang magpatuloy ng pag-
aaral para hindi kawawa ang magiging anak ko, pero bakit ganun. (hagulgul ng iyak)
Scene 3
Narrator: Hindi na umuuwi si Anya sa bahay kaya lubos na ang pagaalala ng nanay niya sa
kaniya at sa dinadala niyang bata, ngunit ng isang araw ay bumalik si Anya sa kanila upang
kunin ang mga gamit nya.

Kris: Anak buti naman at dumating kana lubos akong nagalala sayo

Anya: ‘Nay? Alis na po ako ng bahay, mas mainam pong umalis na ako rito upang hindi na
makasama sa anak ko ang stress ko.

Kris: Anak hindi, dito lang kayo ng anak mo ha? Dito kalang aalagaan ko kayo ng apo ko.

Narrator: Lubos na naaawa ang nanay sa kaniyang anak at nalulungkot. Pagkalipas ng ilang
araw, pumasok na ulit si Anya sa eskuwelahan, sa kasamaang palad nakasabay niya
nanaman ang dalawang nang-aapi sa kaniya.

Jennifer: Hoy buntis! (Hinawakan ni Jennifer at Rose mary si Anya sa dalawang kamay)

Anya: Ano ba bitawan niyo nga ako! (Lalo pa humigpit ang hawak)

Rose mary: Ano ka? chick?

Jennifer: Galit kasi kami sa mga malalandi.

Rose mary: ‘Wag ka ngang malikot, sisigaw kami para sayo (sumigaw) mga estudyante ito
yung malandi sa school naten na labing tatlong taong gulang pa lang may anak na!!

Jennifer: huwag niyo halintuladan ha? (Napikon na si anya, tinanggal ang hawak na kamay
sakanya ng dalwa)

Anya: Ano ba? Tigilan niyo na nga ako hindi niyo alam ang problemang meron ako,
kalandian? kapokpokan? Ganyan ba talaga tingin niyo sa akin? Hindi niyo naman alam
problema ko e, sige na oo buntis ako pero hindi ko ‘to ginusto, ayaw kong sabihin kung
sino nakabuntis sakin dahil ayokong mapahiya siya ngunit kailangan, Sige! Tatay ko ang
nanggahasa sakin, masaya na kayo? Tatay ko ang nakabuntis sakin! ang sakit lang na sarili
ko pang tatay ang sumira sa buhay ko (hagulgul ng iyak, napaluhod sa hingal) Sana naman
maging mabuting kapwa kayo, hindi yung kayo pa mismo magpapahiya sa sarili niyong
kapwa tao.
Narrator: Pagkatapos ng gulo, naglalakad si Anya nang makasalubong niya ang
pinakamatalik niyang kaibigan na si Joseph.

Joseph: Anya?

Anya: Joseph?

Joseph: Anya ikaw nga! kamusta ka na, pasensya ka na at ilang araw ako nawala, wala ka
tuloy masandalan o matakbuhan sa mga problema mo, teka umiyak ka ba?

Anya: Buntis ako e at si tatay nanggahasa sakin, ayun hinuhusgahan ako sa eskuwelahan

Joseph: Ano!! ang samang tao naman ni tito, pasensya ka na at nawala ako, hayaan mo
hindi na ulit ako mawawala sa tabi mo, kaibigan moko e.

Scene 4
Narrator: Marami nang tao ang natatanggap at naiintindihan si Anya kaya naman si Rose
mary at Jennifer ay humingi na ng paumanhin sa ka niya at tinulungan na siya sa mga
kailangan niya, nakita ng mga tao ang paghihirap ni Anya kaya’t nirespeto nila siya.

Anya: Salamat sa inyo ha? Lalo na sa inyo Kaden at Yanna, tinulungan niyo ako makaangat.

Yanna: Ano ka ba wala yun! mahalaga ok na ikaw, ‘wag kana papakastress ha?

Anya: HAHA oo naman!

Kaden: Yan! palagi ka ngumiti, mamaya ee maging kamukha ni sassa gurl yang anak mo

(Biglang dumating sina Jeniffer at Rose mary.)

Jennifer: Anya.

Rose mary: Anya paumanhin uli ha? Sa mga kasalanan namin sayo

Anya: Ano ba kayo ok na iyon!

Jennifer: Ito love gift namen para yan kay baby girl, sana mapatawad mo kami.
Rose mary: Sana magustuhan mo at mapatawad mo na kami, kahit alam namin hindi sapat
ang materyales sa mga kasalanan naming nagawa.

Jennifer: Hindi rin sa materyal na bagay makikita ang kabutihan ng tao kundi sa puso, sa
pagiging Mabuti, hindi sa pang huhusga.

Anya: Uy ano ba kayo ok na yun mahalaga naunawaan niyo na gawan natin ng kabutihan
ang kapwa tao natin, salamat pala sa love gift ha?

Joseph: ‘Wag niyo na aawayin bespren ko ha? Kundi suntok kayo saken (pinakita muscle)

Kaden: Group hug?

Lahat: Group hug! (nagyakapan)

Kris: Sali niyo naman tita niyo aba, dapat kasali ako diyan.

Yanna: Of course tita! (Sinama sa yakapan yung nanay)

Narrator: Naging maayos at masaya na ang buhay ni Anya at nagbago na rin sina Jennifer
at Rose mary, nakulong na din ang tatay ni Anya at napalaki niya ng maayos ang kaniyang
anak na babae sa tulong ni Kaden, Yanna, Joseph, at ganun na din sa pagiging mabuting ina
ni Kris.

Narrator: Sa aral nating natutunan, tandaan po nating lahat na bigyang tulong ang isa’t isa
dahil ang pagtutulungan ay mahalaga para sa ating mga Pilipino lalo na at nagpapakita ito
ng kabutihang asal sa kapwa-tao. Bago na rin tayo manghusga, alamin muna natin ang mga
hirap na pinagdadaanan nila para walang masaktan. Kami ang ikatlong grupo at dito namin
tinatapos ang aming dula-dulaan.

Lahat: Salamat sa inyong panonood! (Bow)

You might also like