You are on page 1of 12

Maria(narrator): Ako si Maria, anak ng isang mayaman na sugeon, pinasok ako ng

tatay ko sa isang Universidad upang makamit ko ang pangarap ko na maging


neurologist. Hindi lang ako mayaman, matataas din ang mga grado ko sa lahat ng
mga paksa at , palagi ako iginagawarandg bilang isang honor student sa dating
kong eskwelahan. At dahil sa mga matataas kong mga grado lagi akong binibigyan
ng tatay ko lahat ng mga hinihingi ko sakanya kahit hindi ko naman gaano ka
kailangan. Kung tutuusin maganda ang buhay ko pero nag bago lahat ng makilala
ko siya..
(nagkabanggaan sa koridor si Maria at Gerald at kumalat ang mga gamit ni Maria
sa lapag)
Maria: AYYY!! Sorry kuya sorry!
Gerald: Sorry din, hindi kita napansin (saglit tutulungan siyakita)
(Tinulungan ni Gerald na kunin at ayusin ang mga gamit ni Maria, ng kukunin ni
Maria sana yung ang kanyang pencil case nagkahawakan ng mga kamay si Maria
at Gerald. Nagkatinginan sila ng matagal, bigla kinuha ni Gerald ang pencil case at
binigay kay Maria. Tinulungan niya makabangon si Maria at binigay ang ibang
nakuha niyang papeles na galling kay Maria)
Gerald: Uh eto nga pala yung pencil case at mga papel mo
Maria: Salamat kuya (kinuha ang mga papeles) Ako nga pala si Maria. Maria
Ocampo (tumingin si Maria kay Gerald at nilabas ang kamay niya)
Gerald: Gerald. Gerald De Guzman (nakipagkamayan sila)
Maria (narrator): At doon na nag simula ang aming magandang naming relasyon.
Pagkatapos naming makilala ang isa’t isa lagi na kaming magkasama sa pa.
Pagpauntasok sa esEkwela,ahan … bBago magsimula ang klase, ...rRecess at
lunch, h…pPagkatapos ng klase e… aAt uwian. Llagi kami magkasama mga ng ilang
buwan na kami ganyan. Tapos hanggang sa iIsang araw may sinabi siya sa akin na
hindi ko makakalimuatn.
( Sa ilalim ng isang puno kung saan sila naka upo. Bigla kinuha ni Gerald ang
kamay ni Maria at sinabing )
Gerald: Maria, noong makilala kita minahal kita agad pero noong h tumagal tayo…
Ayoko na.
Maria: huh?! (nagging malungkot ang mukha ni Maria)
Gerald: Ayoko na mag mahal ng iba maliban sa isang babae na hawak ko ang
kanyang kamay…
(Tumingin si Maria kay Gerald ng gulat)
Gerald: Maria alam ko na mahal mo din ako, at kung sa gitara maririnig mo ang
musika, dito sa puso ko, maririnig mong mahal kita. Kaya Maria maari ba na
saakin ka nalang?
Maria:(napangiti si Maria at niyakap si Gerald) Oo, Gerald sayo lang ako.
(yumakap din si Gerald kay Maria at lumayo ang kamera papunta sa langit)
Maria( narratorMaria(narrator): Simula ng araw na pumayag ako na maging
girlfriend ni Gerald mas naging malapit kami sa isa’t isa, pag naglalakad kaming
dalawa lagi niya hawak ang kamay ko, tuwing klase lagi kami magkatabi, at palagi
niya ako binibigyan ng mga bulaklak bago matapos ang linggo naminaming.
n…Tatlong buwan na simula naging kami. Nagsimula na si Gerald na mag-yaya na
makipagtalik ako sa kanya pero humindi pa ako noong una, pero patuloy niya ako
tinatanong. At sa isang araw binantaan niya ako na hihiwalayan daw niya ako pag
hindi daw ako pumayag at doon na ako sumuko sa kanya...
(pumasok si Gerald at si Maria sa isang classroom na walang tao at lumabas na
magulo uniform at buhok)
Maria(narrator): baka tapos ng ilang araw doon ko na naramdaman…
(habang nagkaklase bigla tumayo si Maria sa kanyang upuan at tumakbo sa labas
ng classroom papunta sa CR at sumuka)
Maria (narrator): Pagkatapos ko sumuka nanalangin ako sa Diyos na sana ayman
hindi matupad angd aking aking pinakakinakatakutanpinakamalubha kong
kinakatakot at upa. Bago ako umuwi sa bahay bumili ako ng pregnancy test at pag
uwi ko dumiretso ako sa sa banyo at sinubukan ko. Sa matagal ko na paghihintay
ng resulta ng pregnancy test, pinakita saakin ang resulta ng aking
kabalastugan…Dalawa ang linya..Buntis ako..ng malaman kung tama ang aking
hinala ay sinubukan kong gumamit ng pregnancy test.
(napaiyak si Maria habang yakap yakap ang kanyang mga tuhod) (ipakita yung
positive test)
Maria: Paano ko ito sasabihin kay Gerald? d…Paano ko to sasabihin sa aking tatay.
y..Ano na ang gagawin ko(ko? ( sinabi ni Maria habang nakayakap sa tuhod niya
tapos nag zoom out yung kamera)
Maria (narrator): tatlong na buwan na lumipas simula nailang araw pa ang
lumipas nang malaman ko na buntis ako. Sinabi ko na itomuna sa kay Gerald dahil
siya ay mas may karapatankarapatan pa rin na malaman tungkol sa anak
namin.niya itong malaman.
(Si Maria at si Gerald nasa ilalim ng puno kung saan sinabi ni Gerald ang kanyang
damdamin kay Maria)
Maria: Gerald may kailangan ako sabihin sayong importante..
Gerald: bakit? Okay ka lang? (sinabi ni Gerald at nilagay niya ang kamay niya sa
balikat ni Maria)
Maria:(napabuntong hininga si Maria) Gerald, ld…Buntis ako! sa anak natin..
Gerald: (bigla niya inalis ang kanyang kamay sa balikat ni Maria) )…totoo ba?
(um-oo si Maria)
Gerald: Ipalaglag mo yan...
Maria: Anong nais mo iparating saakin?sinasabi mo?
Gerald: Hindi pa ako handa maging tatay! Ano ba naman yan Maria nag aaral pa
tayo!!
Maria: Eh sino ba ang nagyayaya satin dalawa?!diba ginusto mo yun?
Gerald: Hindi ko naman hiningi sayo na maging tatay ako!!!
Maria: BAKIT KASALANAN KO BA NA NABUNTIS AKO?!?!?
Gerald: IPAPALAGLAG MO NALANG KASI YAN!!!
Maria: Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, sa tingin mo ba gusto ko maging
nanay ng ganitong edad?. Hindi, pero hindi ako ganun kasama na pumatay ng
sanggol dahil sa sariling kong kalokohan!!
Gerald: HINDI KO NA PROBLEMA YAN!!! KUNG YAN ANG DESISYON MO EDI
AYOKO NA. A…AYOKO NA TALAGA SAYO!!!ITIGIL NA NATIN ITO!
(umalis si Gerald at iniwan si Maria.Bumagsak si Maria sa tuhod niya at umiyak)

Maria(narrator):Ang): Ang punongkahoy kung saan ko nalaman na mahal niya ako


ay iyon din ang punongkahoy kung saan ko nalaman na hindi niya talaga ako
minahal. Ibinigay ko na lahat pero hindi pa rin sapat.. Ilang beses ba pwedeng
tangkaing makalimutan ang nakaraan kung araw araw naman akong nasasaktan.
Saan ako huhugot ng lakas para takbuhan ang kahapon kung palagi kang nasa isip
ko. Paano ko ibabaon ang lahat ng alaala mo kung patuloy kapa din nasa puso ko?
Aanhin ko pa ang magandang bukas ngayong wala ka na sa buhay ko. Ang sakit na
iniwan mo lang ako ng basta basta ni-e hindi ka man nag dalawang isip na iiwan
lang akong lapag na umiiyak. para bumalik ka saakin. Ang lupit mo talaga!

…..Pagkatapos ng eskwelahan sinabi ko na din sa tatay ko na buntis siyempre


nagalit saakin kaya pinaalis ako ng bahayPag-uwi sa bahay ay ipinaalam ko na sa
aking tatay na ako’y nagdadalangtao na. Nagalit siya at pinalayas ako. Mabuti
nalang at naunawaan ako ng aking tiyahin at hinayaan niya akong manirahan
kasama niya. Makalipas ng siyam na buwan, nanganak na ako sa aking kambal na
pinangalanan kong Joyce at Jess.
Maria: Papalakihin ko kayo ng mabubuting bata, patawad at wala kayong ama na
makikilala. (humuni nalang si Maria sa kanyang kambal)

Maria(narrator): makalipas ang labingwalong taon, Si Joyce ay nag-aaral na ng


pag-aabugasya ngunit si Jess ..(napabuntong hininga si Maria)
Jess: Ma! Pahingi ng pera!! (sinabi ni Jess na papunta sa kainan siya sa kung
nasaan sila Maria at Joyce)
Maria: Saan mo nanaman yan gagastusin alam mo na mahirap kumita na ng pera
sa panahon ngayon (galit na tono)
Jess: Basta bigyan mo nalang ako! (galit na tono)
Maria: Hindi kita bibigyan hangga’t hindi ko nalalaman kung saan mo ito
gagastusin.
Jess: Ma, para kasi sa project namin ito.
Maria: (napabuntong-hininga) O Sya basta para sa project lang ito ha (binigay niya
pera)
Jess: (kinuha ng mabilis ang pera at ngumiti) Love you, Ma! Salamat (biglang
tumakbo na si Jess papunta sa kwarto niya)
Joyce: Hay naku ma, alam mo naman na hindi mapupunta yan sa project eh bakit
mo binigyan (sinabi niya habang tumingin siya kay Maria mula sa kanyang libro)
Maria: Pinagbigyan ko lang siya sa susunod hihindi na ako
Joyce:(ginulong ang kanyang mata) Yan din yung sinabi mo dati eh
Maria:Ayoko lang ng away satin magpamilya..Hindi ko na kaya mawala ang mga
taong mahalko .
Joyce: Okay lang yan Ma, hindi ako si tatay hindi kita iiwan( Ngumiti si Joyce at
inakbayan si Maria)
Maria: Salamat anak
Joyce: wait lang Ma, may pupuntahan lang ako
Maria: Saan ka pupunta? Akala ko sabi mo na hindi mo ako iiwan (pabiro na sinabi
ni Maria)
Joyce: May entrance exam ako sa UP diba
Maria: Ay oo nga pala, good luck anak!
Joyce: Sige ma! Good luck din sa mahal kong kapatid
Jess: OY NARINIG KO YON!!! (sinabi niya mula sa kwarto niya)
Joyce: WALA AKO PAKE ALAGAAN MO SI MA, HA!!
Jess: BYE JOYCE!!
Joyce: Bye Ma! Bye Jess (sinabi niya at umalis siya)
Maria (narrator): Mga ilang oras pa ang lumipas may naramdaman ako na kakaiba
na sa puso ko
(hinawakan ni Maria ang kanyang dibdib habang naghuhugas ng pinggan pero
binalewala niya lang ito)
Jess: (habang nasa telepono) Hi babe…Nasaan ka?…ay sige sige papunta na ako
diyan.
(pumunta si Jess sa living room/ kainan)
Jess: Ma, pwede ba ako-
Maria: Hindi
Jess: ano ba naman yan Ma wala pa nga akong sinasabi eh hindi na agad
Maria:ayoko na kasama mo iyong lalaking iyon
Jess: Anong lalaki?
Maria: hindi ako pinanganak kahapon anak narinig ko kausap mo siya sa telepono
kaya wag ka ngayon magtanga-tangahan saakin.
Jess: Eh Ma, kaibigan ko lang naman siya eh
Maria:(pinigil ni Maria ang paghuhugas ng pinggan at tumingin kay Jess) Babe ba
ang tawag mo sa mga kaibigan mo?
Jess: Ma-
Maria: Sinabi ng hindi pumunta ka na sa kwarto mo.
Jess: UGHHHH..Nakakainis ka panira ka ng araw ko!!
(Ng pumunta si Jess sa kwarto niya biglang napaupo si Maria sa upuan hawak
hawk ang kanyang dibdib)
Maria: Wala ito, wala ito hinga hinga (inhale exhale 5x)
Maria: Higa muna nga ako (humiga si Maria sa sofa)
(humiga si Maria sa sofa at nakatulog, ng nakatulog siya makikita si na si Jess
tumakas na sa background..Nagising si Maria ng gabi na tumingin sa orasan at
nakitang niya gabi na..Sumilip si Maria sa kwarto ni Joyce at nandoon tulog
pagkatapos sumilip si Maria sa kwarto ni Jess Nakita niyang wala siya doon.
Lumipat ang point of view kay Jess na kasama niya si James papunta palang sa
bahay nila Maria)
James: Salamat na sinamahan mo ako sa bahay ng kaibigan ko wala kasi ako
magawa eh
Jess: Wala ka naman magagawa sa bahay ng kaibigan mo pag wala ako eh
James: Totoo hindi ko nga alam kung bakit nga ako doon pumunta at hindi nalang
sa bahay mo
Jess: Gusto mo ba dun nalang tayo sa bahay naming?
James: haha baka magalit nanay mo
Jess: Tulog naman nay un kaya hindi niya malalaman na nandun ka
James: Baka magising yun
Jess: Mantika matulog yun wag ka mag-alala
James: Sige pero hindi ko kasalanan kapag nahuli tayo ah
Jess: Hay hindi ko nga alam kung bakit ang tingin niya sa lahat ng lalaki ay parang
ang tatay ko eh
James: ano ba ang nangyari?
Jess: Basta mahabang kwento siya saka ko nalang siya ikukwento
James: sige eto na yung bahay mo diba? ( sinabi niya habang tinuturo niya ang
pintuan ng apartment ni Maria)
Jess: tara na wag kang maingay para hindi si mama magising.
(Maria nasa sofa nakaupo nakatingin kay Jess at James habang pumapasok ng
pintuan)
Maria: Saan ka galling? At sino yang kasama mo? Hindi ba sinabi ko sayong bawal
kang umalis ng bahay? Sinuway mo nanaman ako!
Jess: ah Ma, bakit gising ka pa?
Maria: sagutin mo ang tanong ko sino yan? (tatayo at lalapit kay Jess)
Jess: Ma –
Maria: Hindi ka na nakikinig sakin! Ikaw(nakaturo at nakatingin kay James)
Umuwi ka na at wag mo na lalapitan ang anak ko kahit kalian! (pasigaw na sabi ni
Maria)
James: (aalis lang siya ng mabilis)
Jess: James, teka lang ( pipigilan si James kaso hahawakan sya ni Maria) (titingin
kay Maria) Bakit ba nangengealam ka sa buhay ko?! Kung miserable ka sa Ex mo,
wag mo idamay yung saakin!
Maria:(sasampalin si Jess) Wala ka nang galang sa akin hah?!
Jess: alam mo sa ating dalawa lang, inaakala mo na gagawin ko yung katangahan
mo noon nagkakamali ka.
Maria: sa tingin mo ba ginusto ko to?
Jess: so pagkakamali mo lang kami? Ganun ba?
Maria: OO! Pero noong pinanganak ko kayo minahal ko kayo agad at ginawa ko
ang lahat bilang nanay niyo
Jess: hindi mo naman kami talaga minahal ni isang beses hindi kita nakita bilang
nanay ko. Sana hindi nalang ikaw ang nanay ko, galit ako sayo, sana mawala ka na
sa buhay ko.
Maria(nagulat at napahawak sa dibdib at napalakad patalikod)
Jess: Ma?
Maria (nahihirapan nang huminga)
Jess: Ma! Hindi magandang biro yan. (tatwagin si Joyce) JOYCE! Si mama
Maria(bumagsak si Maria sa sahig)
Jess: tulong Joyce! (nilagay ang ulo ng nanay niya sa kanyang hita)
Joyce: Ma! Ano nanamang ginawa mo?
Jess: wag mo na nga akong sisihin. Hindi ko alam!
Joyce: (nalilito sa gagawin) tatawag ako ng ambulansya.
Jess: Ma, gumising ka ma!
Joyce: Ma, wag kang bibitaw malapit na yung ambulansya. (iiyak si Joyce at Jess)
Maria (narrator): Nagising nalang ako sa ospital at hawak hawak ni Joyce at Jess
ang mga kamay ko. Bigla nila akong niyakap ng makita nilang gising na ako.
Joyce: Ma, akala namin mawawala ka na.
Maria: … (akmang magsasalita)
Dr. Navarro: Hi, ako ang doctor niya, Mr.Navarro. Wag kayong mabibigla sa
ibabalita ko, ang inyong ina ay nagkaroon ng premature ventricular contractions, Formatted: Font: (Default) +Body (Calibri), 14 pt, Font
color: Auto
or known as Arrythmia which is heart disease in layman’s term.
Joyce: Ha! Paano nangyari yun?
Dr. Navarro: marahil nagkaroon siya nito dahil sa pag-inom ng alcohol at kape.
Jess: Pero, pero, pero
Dr. Navarro: isa pa dulot din ito ng matinding stress.
Jess: (silence…) (nakapokus ang kamera sa mukha ni Jess)
Dr. Navarro: Maswerte siya na naagapan niyo siya agad. Pero hindi na siya tatagal
sa ganitong kondisyon. Meron na lamang siyang ilang buwan para mabuhay.
Joyce: wala na ba kayong pwedeng gawin para mabuhay pa siya ng matagal?
Dr. Navarro: Sa kanyang kondisyon ikinalulungkot ko pero wala na kaming
magagawa pa. I am very sorry. Pwede na kayong lumabas pagkatapos ng ilan pang
tests sa kanya. (aalis na si dok)
Jess: (nagwalk out pagkalabas ni dok)
Joyce: Jess san ka pupunta? (wala na si Jess)
Maria: Hayaan mo muna siya anak.
Joyce: (buntong Hininga umiyak) Ma…Ayaw kita mawala..Ayoko ng buhay na hindi
ka kasama..gusto ko makita mo akong maging abogado at matupad ang aking mga
pangarap. Pangako mo saakin na hindi ka mawawala
Maria: Anak hindi ko kaya ipangako iyan, pero ang kaya kong ipangako ay hindi ko
kayo titigilang mahalin ni Jess. (sinabi niya habang yakap yakap si Joyce) (camera
zoom out)
Maria( narrator): Nung araw ding iyon ay dinala nila ako sa bahay. Marami na rin
ang nagbago sa buhay ko, si Jess ang nag-aalaga sa akin at ramdam ko na nagsisisi
na siya sa lahat ng kanyang sinabi noon. (ipapakita na inaalagaan ni Jess si Maria
at malambing sa isa’t-isa kasama si Joyce)
Isang araw habang nagbabasa ng libro sa sofa, tumabi sa akin si Jess at niyakap
ako.
Jess: Ma, gusto ko malaman na nagsisisi ako sa mga sinabi ko nung araw na iyon.
Maria: Alam ko naming nabigla ka lang kaya nasabi mo ang mga bagay na yun.
Jess: Ma, sorry ma(parang yung scene ni Teddies a four sisters and a wedding). At
Salamat din dahil hindi ako naging mabuting tao kung hindi dahil sayo. Pinaalala
mo sa akin ang responsibilidad ko bilang isang anak at kapatid. Kahit na hindi ako
naging mabuting anak patuloy mo pa rin akong minahal at kahit hindi ako
karapat-dapat sa kabutihan mo ay ibigay mo parin ito sa akin.
Maria: (hinimas ang mukha ni Jess) Syempre anak kita. Mamahalin kita kahit ano
pang gawin mo, kapag naliligaw ka ng landas ibabalik kita sa kabutihan.
Sisiguraduhin kong hindi mo magagawa ang mga pagkakamali ko noon at hindi ko
papayagang masira ang iyong kinabukasan. Dahil mahal kita anak mahal ko kayo
ni Joyce.
Jess: Ma! (Ni yakap ng mahigpit si Maria) mahal na mahal din kita!
(dumating I Joyce galling sa eskwela at nakitang nagyayakapan sila Maria at Jess)
Joyce: Sali naman ako dyan oh.
(natawa silang lahat at nagyakapan)
(sumunod na araw, akala nila Joyce at Jess na natutulog lang si Maria pero wala
na itong pulso)
Jess: Ma, ma gumising ka ma!
Joyce: Ma wag mo kaming iwan! Kailangan ka pa namin.
Jess: Ma, (iyak)
(improv na kung paano ang mga reaction)
Maria(narrator): mga anak, nagawa ko na ang aking mga kailangang gawin. Sana’y
hindi na niyo gawin ang aking mga pagkakamali.

You might also like