You are on page 1of 3

“THE LIBING THINGS”

May mga pagkakataon talaga sa buhay natin na nawawalan tayo ng mahal sa buhay. At may
mga pagkakataon din na napipintasan natin ang ibang tao base sa kanilang panlabas na anyo.

Mayroong isang pamilya na nagmula sa Maynila ang lumipat sa malayong probinsya ng Negros
Occidental upang makapagsimula ng bagong buhay, ngunit paglipat nila dito’y nagsimula ang
malagim na yugto ng kanilang buhay…

Nay Joan: Bakit?! (Pasigaw) Bakit? (Pahina ang boses) Bakit? (garalgal na boses at umiiyak)

Maria: Tama na anak, hindi ko alam Nay kung bakit nangyayari ito sa atin, pero Nay alam ko ay
may dahilan ang Diyos kung bakit nangyayari ito.

Nay Joan: Bakit ang tatay mo pa Maria?! (Umiiyak)

Maria: Tama na ho Nay, wala na ho tayong magagawa. (nagpipigil ng luhang sinabi sa kanyang
ina)

(Darating si Jose na kapatid ni Maria na malungkot sa kanilanag bahay na may dala-dalang bag,
siya'y uupo at iiyak, darating din si Maria at lalapit kay Jose)

Maria: Jose, tama na huwag ka ng umiyak lalo mo lamang ang pinapahina ang loob ni nanay.

Jose: Hindi mo naiintindihan eh. Hindi mo ba nakita Maria wala na si tatay! (Umiiyak)

Maria: Tara na kuya at samahan mo ako sa bayan para asikasuhin ang mga dapat na ayusin para
sa burol at libing ni tatay.

Jose: Mauna ka na at susunod na lamang ako, hindi ko pa kaya, sasamahan ko muna si nanay
ditto)

(Naglakad na papunta sa bayan si Maria upang asikasuhin ang burol at libing ng kaniyang ama,
Habang naglalakad si Maria ay aksidenteng nabunggo nya ang isang matandang babae na
kakaiba ang itsura at may mga hawak na papel)

Maria: Pasensya na po kayo lola, hindi ko po sinasadya.

Matandang babae: Ayos lang iha. (mahinang sagot ng matanda)

(Tinulungang pulutin ni Maria ang mga papel at iniabot sa matandang babae, ngunit siya’y
nagulat ng pagtayo nyang i-aabot sa matandang babae ang mga papel ay mayroong mga balat
na itim sa kaniyang mukha. Nakakatakot at kakila-kilabot ang itsura nito.)

(Pagka-abot ng papel ay nagmamadaling pumunta na si Maria sa kaniyang destinasyon.)

(Papauwi na si Maria ngunit biglang umulan kaya natagalan siya dahil nakalimutan niyang
magdala ng payong, hindi narin sumunod ang kanyang kuya na si Jose marahil hindi nito
maiwan ang nagluluksa nilang ina. Ginabi na si Maria dahil siya’y sumilong muna sa isang
carinderia. Ngunit pag-uwi nya’y nagulat siya...)

Maria: Hala!!! Bakit nandito sa labas ng bahay namin yung matandang nabunggo ko kanina?
(Kinikilabutang bulong sa kanyang sarili)

(Nakita niyang nakatingin ng may nanlilisik na mata ang matanda kaya’t nagmadali na siyang
dumeretso sa loob ng kanilang bahay at hindi na pinansin ang matanda)

(Kinabukasan pagkagising ni Maria ay nakita niya nanaman ang matanda ngunit sa


pagkakataong ito ay kausap na ng matanda ang kanyang ina kaya’t lumapit siya)

Maria: Nay, sino ho yang matanda nayan?

Nay Joan: Anak, kapitbahay naten siya.

Maria: Ano ho??? (Napasigaw na tila ba gulat ni Maria) Eh nakita ko ho siya sa bayan kahapon,
hindi nyo ho ba nakikita, mukha ho siyang masama at tila mangkukulam pa.

Nay Joan: Ano kaba nak huwag kang magsalita ng ganyan! (nabiglang sabi ni Nay Joan kay
Maria)

Maria: Totoo naman ho nay.

Nay Joan: Mabait si Lola Narsing, katunayan siya’y nag-aalok ng murang kabaong satin, kaya
magiging maayos na ang pagbuburol at paglilibing sa iyong ama. Katunayan siya’y mayroong
sariling shop ng kabaong sa may bayan at tinatawag itong “The Libing Things”.

Lola Narsing: Ayos lang Joan, sanay na akong mapagkamalang mangkukulam dahil sa aking itim
na mga balat sa mukha. (nakangiting sabi pa ni Lola Narsing kay Joan)

Nay Joan: Pagpasensyahan nyo na ho ito Nay Narsing, ganto ho talaga itong anak ko nato. (sabi
ni Joan kay Lola Narsing) At ikaw naman Maria, huwang kang agad-agad nanghuhusga base sa
panlabas na anyo ng isang tao, humingi ka ng pasensya kay Lola Narsing. (sabi ni Nay Joan kay
Maria)

Maria: Pasensya na ho Lola Narsing, umiral po yung pagiging pintasera ko at nahusgahan ko ho


kayo agad. (nagsisising sabi ni Maria kay Lola Narsing)

Lola Narsing: Ayos lang yun iha, hindi naman na nabago sakin yun, basta magpapakabait ka ha.
(nakangiting sabi ni Lola Narsing kay Maria)

Maria: Pasensya na ren ho Nay Joan dahil naging mapanghusga ako sa kapwa ko.

Nay Joan: Basta sa susunod nak ha huwag mo na uulitin yun! Ang mahalaga nagsisi ka at alam
mo yung kamalian mo, sa susunod kilalanin muna natin ang ibang tao bago tayo manghusga.
(pangaral ng kanyang ina kay Maria)
Maria: Opo nay, pasenysa na ho ulit.

: Lola Narsing, shop nyo ho pala yung nakalagay sa mga papel na dala-dala nyo kahapon.

Lola Narsing: Ay oo iha, nagpapamigay ako ng mga ‘flyers’ ng “The Libing Things” ng mga oras
na iyon.

Maria: Ano po yung ‘flyers’?

Lola Narsing: Yun yung mga papel na ipinamimigay upang i-endorso at mag-advertise ng isang
produkto o serbisyo. Bukod padon, ito’y labis na nakakatulong lalo na sa isang negosyanteng
tulad ko dahil mas nakikilala ang aking serbisyo.

Maria: Ahh yun po pala iyon.

Nay Joan: Oo anak, ngayong alam mo na mangako tayo kay Lola Narsing na tutulungan naten
siya sa kanyang negosyo di lang sa pambawi para sa utang na loob kundi sa pasasalamat naren
sa kanya.

Maria: Opo nay! Ipinapangako ko pong tutulungan naten siya. (nakangiti at tila nasasabik sa
sagot ni Maria sa kanyang Ina)

Lola Narsing: Ay salamat naman kung ganoon mga iha. (nakangiting sabi ni Lola Narsing sa mag-
ina)

(Nairaos nila ang burol at libing ng Haligi ng kanilang tahanan. Bukod pa roon, tinuring na nilang
kabilang at tunay na pamilya si Lola Narsing, tinupad nila ang pangakong tutulungan ito sa
kanyang negosyo na pagseserbisyo ng kabaong.)

(Naging matagumpay ang negosyo nila at dumami ang kanilang suki dahil sa kabutihang taglay
ni Lola Narsing. Naging killa rin ang kanilang serbisyo sa buong bansa.)

(Makaraan ang 6 na taon ay binawian na si Lola Narsing ng buhay kaya’t inahabilin niya ang
negosyo kina Nanay Joan. “The Libing Things Kabaong” paren ang kanyang gamit, ang
serbisyong kanyang nai-ambag sa kasaysayan. Marami ang nakiramay at nakidalamhati sa
kanyang pagkawala. Malungkot ang pamilyang kanyang tinulungan ngunit sa mga puso nila’y di
mawawala ang minsang matandang tumulong kahit pa siya’y nahusgahan at nadiskrimina.

Pinagpatuloy nila ang negosyo ni Lola Narsing, At dahil dito’y alam nila na masayang nakangiti si
Lola Narsing mula sa Kalangitan.)

You might also like