You are on page 1of 4

KABANATA 7:PAG-UULAYAW SA ASOTEA

NARRATOR:Hindi mapa lagay si Maria Clara sa simbaha.Alam nyang sa araw na iyon darating si
Ibarra sa kanilang bahay.Patingin-tingin sa pamangkin si Tiya Isabel.Alam na alam nito kung
bakit alumpiha sa pagka upo si Maria Clara.
MARIA CLARA: “Tiya,tiya..bumaba na sa altar ang kura.Pwede bang umuwi na tayo?”
TIYA ISABEL:”Ay naku!Pag-ibig nga naman.
NARRATOR:Sa bahay, matapos makipag almusal naggaganchilyo si Maria Clara upang hindi
mabagot sa kahihintay.Nakaramdam si Kapitan Tiyago at si Tiya Isabel patayo-tayo ang dalaga
kapag may hihinto na karwahe saharap ng karsada.
MARIA CLARA:”Bakit ganito po tiya?Kinakabahan ako sa pag dating nya.”
TIYA ISABEL:”Sh…Baka marinig ka ng tatay mo.”
MARIA CLARA:”Hi…hindi po, nagbabasa sya ng dyaryo.”
TIYA ISABEL:”Baka magalit sya dahil sa buhos ng pag ibig mo kay Crisostomo”
MARIA CLARA:”Dapat nya pong ma intidihan ang dmdamin ko.”
TIYA ISABEL:”Santiago,may mga nakapansing nangangayayat daw si Maria”
KAPITAN SANTIAGO:”Yan ang naoobserbahan ko. Alam mo bang ipinayo ng doctor na makaka
buti raw na pagbabakasyunin ang batang yan para manumbalik ang pamumula ng pisngi.”
TIYA ISABEL:”Pag babakasyunin?Saan?”
KAPITAN SANTIAGO:”E di sa lalawigan.Sa Malabon o sa San Diego kaya.”
MARIA CLARA:”Sa San Diego?Sa San Diego?Narinig nyo ba?Sa San Diego raw!”
TIYA ISABEL:”Shh..Tumahmik ka at baka marinig ka ng ama mo kung bakit masayang-masaya ka
sap ag banggit ng San Diego.”
KAPITAN SANTIAGO:”Nag ka intindihan ba tayo Isabel?Sa lalong madaling panahon,samahan
mo ang iyong pamangkin sa kumbento para mag empake ng mga gamit.”
TIYA ISABEL:”Hayaan mo’t pupunta kami sa beataryo matapos ang Todos Los Santos”
MARIA CLARA:”Tiya,tiya,may karwaheng pumarada!”
TIYA ISABEL:”Baka si Crisostomo iyan iha.”
MARIA CLARA:”Bi…bilisan mo tiya tulongan mo akong mag ayos.Dali tiya.”
TIYA ISABEL:”O sige,hintayin moa ko…baka ma hulog tayo Maria.Huwag mo akong hilain bata
ka, oo, Santiago ikaw muna kumausap kay Crisostomo.Sasamahan muna tong anak natin sa
kwarto.”
SCENE:Mabilis na pumasok si Maria kasunod ang kanyang tiya.
MARIA CLARA:”Naku,tiya, mahahalikan ko talaga ang lahat ng santo sa loob ng kwartong
ito.Sawakas tiya nandito na sya s apitong taong aking pag hihintay sa kanya.”
TIYA ISABEL:”Shh..Maririnig tayo sa labas”
NARRATOR:Dinig ni Maria ang pag-uusap ni Ibbara at ang ama nya.Naulinigan niya ang boses ni
Ibarra na tinatanong sya.Sa kasabikang makita ang binata sinilip niya ito sa butas ng
susian.Nakita niya ang nag-alay ng korona na ngayo’y isang makisig na binate.
MARIA CLARA:”Sumilip kayo,tiya,sumilip kayo.”
TIYA ISABEL:”Maria, makikita mo, isusumbong kita sa ama mo. Heto ang bagay sa iyo. Hmm....”
MARIA CLARA:”Aray,tiya!. Huwag mo kong kurutin, araaay!"
TIYA ISABEL:”Magbihis ka na, talagang ikaw bata ka,Hindi mo ba alam na nag-uusap si
Crisostom at ang ama mo? Heto't nagtatagal ka sa kwarto sa kasisilip sa butas ng susian mo."
NARRATOR: Bumalik tayong muli sa sala. Sa pag-uusap ni Kapitan Tiago at ni Ibarra, maraming
itinanong ang matanda sa mga bansang nilakbay ng binata.Habang inilalarawan ni Ibarra ang
klima sa Europa, sa bababa naman si Tiya Isabel na hatak-hatak si Maria Clara. Hindi na naituloy
ng binata ang paglalarawan nang makaharap ang prinsesa.
IBARRA:”Magandang umaga, Ma... Ma... ria?"
MARIA CLARA:”I... Ibarra?"
KAPITAN SANTIAGO:"Bakit hindi mo siya ayain sa asotea, Maria. Mas malamig ang simoy ng
hangin doon."
IBARRA:“Tama ang Tiya Isabel mo, Maria. Bilang kababata mo, nakasisiguro akong marami
kayong pagkwekwentuhan."
MARIA CLARA:"Ha... halika sa asotea."
IBARRA: "Salamat, Maria."
NARRATOR:Napangiti si Ibarra nang muling makita ang paligid ng asotea. Naroroon pa rin ang
balag na ginagapangan ng maraming namumulaklak na halaman. Naroroon pa rin ang mga
parol ng Intsik na naka-adorno sa kapaligiran. At kahit marami nang malalabay na dahon ay
matitingalamo pa rin mula sa asotea ang asul na kalangitan.Sabik na sabik na sanang mag-uusap
ang magkababata subalit di nila malaman kung bakit matapos magkatitigan ay parang napipipi
na naman sila kapwa. Bunga ng hinanakit sa di pagsulat ng kababata, nagkaroon ng lakas ng
loob na unang magsalita si Maria Clara.
MARIA CLARA:”Paano kita malilimutan. May pangako ako sa iyo.Na.. natatandaan mo ba nang
makita mo akong umiiyak sa tabi ng bangkay ng ina ko? Lumapit ka sa akin at inakbay ang
kamay mo at nagsabing. 'Nawalan ka ng ina pero higit akong sawimpalad sapagkat hindi ko siya
kailanman nakita. Hindi ba sa sobrang kalungkutan ay magkasabay tayong nag-iyakan?
Natatandaan mo ba? Natatandaan mo ba? Minahal mo ang nanay ko tulad ng pagmamahal sa
di man lang nakitang ina mo. Itinuringka rin ng nanay ko bilang isang tunay na anak. Nadama
mo ang pagmamahal niya sa yo, di ba”
MARIA CLARA: Natatandaan mo rin ba nang pisilin ko ang kamay mo at ipangako ko sa bangkay
nanay ko na paliligayahin kita? Lumakas ang ulan at kumidlat noon pero sa gitna kalungkutan ay
alam kong maligaya ang nanay ko sa pagkakaroon ko ng isang kababatang mamahalin
habambuhay. Inuulit ko Maria, saan mang lugar ako mapunta, lagi kitang kasama sa alaala."
IBARRA: "Totoo ba? Totoo Maria. Kung tutuusin, higit na may init ang iyong mga ngiti kaysa sa
araw ng Italya higit na may kulay ang iyong mga mata kaysa sa mga bukirin ng Andalucia. At
alam mo ba Mari na kung napupunta ako sa Itim na Kagubatan o namamangka kaya sa Ilog ng
Rhines nangangarap akong ikaw at ikaw lamang ang kasa-kasama ko sa paglalakbay? Kabaliwan
masasabi mo. Pero yan ang totoo."

MARIA CLARA:” "Wa... wala pa akong napupuntahang malalayong lugar, , kundi Maynila
Antipolo at San Diego. Pero lagi rin kitang naaalala kahit sabihin ng kura na kasalanan daw na
isip-isipin kita."
IBARRA: "Marami tayong magagandang karanasan noong kabataan. Natatandaan mo ba
natatandaan ko. Kapag natatalo kita sa siklot at sungka at pipitikan na kita, alam mong
hinihinaan ko ang pagpitik at baka masaktan ka. At nung minsang lumusong tayo sa ilog?
MARIA CLARA: "Aba, oo, masayang-masaya nga tayo kasama ng nanay mo na naglalaba noon
ng mga baro mo. Nawala ka nga noon at nang magbalik ay may dala nang korona ng mga dahon
m inadornohan mo ng mga bulaklak ng dalanghita. Ipinutong mo ang korona sa ulo ko at
tinawag mo akong Chloe. Gumawa ka rin noon ng korona mo mula sa baging na ipinakiusap
mong iputong ko sa iyo. Pero napangisi ako nang hablutin ng nanay mo ang korona ko at pigain
ito sa gugong ipinangkuskos sa ulo mo at ulo ko. Sapagkat tumatawa ako ay umahon ka, umupo
sa batuhan at umiyak. Sinabi mong hindi marunong magpahalaga sa mga alamat ang nanay mo.
Alam kong galit ka kaya tumahimik na ako.Hindi ka kumikibo nang naglalakad na tayo.
Mangiyak-ngiyak ako noon. Naisip kong baka sumakit ang ulo mo sa init ng araw kaya ipinigtal
kita ng dahon ng sambong na ipinalagay ko sa loob ng sumbrero mo. Napangiti ka kaya
hinawakan ko ang mga kamay mo at nagkaba na tayo.
IBARRA: "Heto... heto ang mga tuyong dahon ng sambong mo, Maria."
MARIA CLARA: "Ha? Naitago mo pa sa iyong pitaka? He... heto naman ang sulat mo."
IBARRA: "Su... sulat ko, na... naitago mo rin? Ano nga ba ang sinasabi ko sa sulat? Pwede bang
mabasa?
MARIA CLARA: "Huwag Sulat ito ng pamamaalam."
IBARRA: "Yan ba Maria yung sulat ko sa yo bago ko umalis?"
MARIA CLARA: "Oo”
IBARRA: "Pitong taon na ang nakararaan Maria, pwede bang malaman kung ano ang isinulat ko
diyan?”
MARIA CLARA: "Pakinggan mo at babasahin ko. Pero lalaktawan ko ang mga kasinungalingani
hindi naman masabing binibilog mo lamang ang ulo ko. O, pakinggan mo.Una yan sa mga
kasinungalingan mo pinapupunta ako ng ama Ang desisyon niyang mangibang bansa ako ay
makabubuti raw sa kinabukasan ko. Kailangang matutuhan ko raw ang maraming masalimuot
na bagay upang mabuhay. Kailangan daw ko raw makita ang mga problema sa paligid sa isang
malawakan at obhektibong pana Kung mamamatay raw siya, matutulad daw ako sa sinabi ni
Balagtas na "isang halamang k sa tubig, dagling nalalanta, kung hindi nadidilig sa sandaling init."
Malaki na raw al nagbibinata na. Nagdahilan ako sa kaniya. Sinabi ko Maria, na di kita maiiwan
na s lahat-lahat ko sa buhay.
Pero nilapitan ako ng ama ko at inakbayan. Sinabi niyang may katandaan natin obligasyon
niyang ihanda ako sa hinaharap. Isang hinaharap na magbibigay ningning bansang aking
kinamulatan. Isang bansang dapat pag-ukulan ng pag-ibig at pagkalinga luhang tumulo sa
kanyang mga mata. Napakagat-labi ako at nayakap siya. Buong pag ayong sinunod ko ang gusto
niya. Sinabi ko sa kanyang handa na akong umalis."
IBARRA:"I... ihinto mo ang pagbasa, Maria."
MARIA CLARA:"Ha? Ba.. bakit?"
IBARRA:"Naalala ko ang. Kailangang umuwi na ako ngayon din. Todos los Santos na bula "
MARIA CLARA:"Tama ka Crisostomo. Hindi kita pipigilin. Magkikita naman tayo sa mga darating
naaa Ipipigtal lang kita ng mga bulaklak para sa magulang mo."
NARRATOR:Ilang sandali pa ay pababa na sa hagdan si Ibarra kasama si Kapitan Tiago at Tiya
Isabel.Bago sumakay ang binata sa karwahe ay nagpasalamat siya sa mainit na pagtanggap ng
dalawa.
TIYA ISABEL:"Don Crisostomo, pakisabi nalang ninyo kay Andeng na ihanda ang bahay at doon
si Maria Clara. Maligayang paglalakbay. Biyayaan sana kayo ng Panginoon ng kapayapayapaan
sa daan."
NARRATOR:Nang makaalis na si Ibarra, dali-daling pinuntahan ni Kapitan Tiago si Maria Clara.
TIYA ISABEL:"Maria, Maria... buksan mo ang pinto, iha."
MARIA CLARA:"Ba... bakit po?
TIYA ISABEL:"Aba! Maria, bakit mukhang namumula yata ang mga mata mo?"
MARIA CLARA "Napuwing lang po ako."
TIYA ISABEL: "Maria, nakaalis na si Crisostomo. Ipagtulos mo siya ng pinakamahal na kandila
kay Roque at San Rafael. Napakaraming bandido sa daan. Mabuti na ang magbayad ng
mamahal kandila kaysa magbayad ng tubos sa mga ulupong na yan."

You might also like