You are on page 1of 6

SA PAGTATAKIPSILIM

Malaki ang handaan sa malapalasyong bahay ni Kapitan Tiago. Totoong


magarbo ito sa pamumuhay. Gusto niyang ipangalandakang taga-Maynila
siya at nakauungos sa mga taga probinsiya. Ipinagmamalaki rin niya na bukod
sa makakasamang anak, magiging panauhin din niya ang binatang
mamanugangin. Ang pagpapatayo nito ng paaralan ay pinag-uusapan na ng
buong bayan. Malaking papuri kay Ibarra ang napublikang artikulo na may
pamagat na "Tularan Ninyo Siya". Binabanggit sa akda na si Ibarra ay
mayamang kapitalista, mapagkawanggawang manga- ngalakal at
makabayang mamamayang nagpapatayo ng isang paaralan para sa mga
kabataan. Sa balitang nalimbag, parang nakikini-kinita ni Kapitan Tiago na
pag-uusapan din siya kung sa halip na paaralan ay kumbento naman ang
ipatatayo niya.

Sa gabing iyon ng kapistahan

KAPITAN TIYAGO: "May ibiigay akong handog para sayo Clara"


MARIA CLARA:" Ano po iyon ama?
KAPITAN TIYAGO: "Ito" Sabay bigay kay Maria Clara. Namilog ang mga mata
ni Maria Clara nang handugan siya ng ama ng isang gintong laket na
naaadornohan ng mga dyamante at esmeralda.
MARIA CLARA: "Maraming salamat po ama" Masayang paghaharap ang
naganap sa pagkikita ni Ibarra at ni Kapitan Tiago. IBARRA: "May ipapatayong
paaralan ho ako"

Nang mabanggit ang itatayong paaralan, nagbigay ng suhestiyon si Kapitan


Tiago

KAPITAN TIYAGO: "Mabuti iyon Ibarra. Ang aking suhestiyon ay pangalanan


mo itong San Francisco"
IBARRA :"Mabuting patron po si San Francisco. Walang magiging malalim na
kahulugan ang pangalang Mababang Paaralan, sino po ba ang Mababang
Paaralan?"
IDAY: Maria Clara, Ibarra, halina't sumama kayo samin, pupunta kami sa
plaza.
MARIA CLARA: Sige Iday. Ama, maaari po ba?
TIAGO: O siya sige, ngunit umuwi ka kaagad, mag dadaraos tayo ng hapunan,
at si Padre Damaso ay pupunta rito. Ibarra, magiging magalak ako kung
sasamahan mo kami sa hapunan mamaya.
Masayang-masaya ang paligid. Mapapansing patuloy ang mga banda sa pag-
ikot. Kasakasama si Ibarra, naglakad ang mga kababaihan sa nagliliwanag na
lansangan. Sa pamamasyal, napapagitnaan ni Victoria at ni Iday si Maria
Clara. Susunud-sunod naman si Tiya Isabel. Napakaganda ni Maria Clara
nang gabing iyon. Ngiti ng pagbati ang sukli ng dalaga sa mga
nakakasalubong na kababatang ngayon ay mga tagahanga niya. Ang
malulungkot na mga mata ng dalaga na nasanay nang makita ang makikipot
na pader ng beateryo ay nagniningning ngayon at masayang-masaya. Para
siyang isang paruparong kalalabas lamang sa kukon. Tuwang-tuwang
masisilayan ang makukulay na petalya ng mga bulaklak. Maligayang-
maligayang maoobserbahan ang mga kulay ng kalikasan sa kaniyang
kapaligiran. Pinakikinggan nito ang maiingay na halakhakan, ang liwanag ng
lansangan, ang tuwa ng mga kababayang nagdiriwang Huminto sa
paglalakad ang grupo nang mapatapat sa bahay ni Kapitan Basilio. Binati sila
ng iba pang kaibigang naglalaro ng baraha sa naiilawang tarangkahan.

FRITZ: O, Ibarra!, Maria Clara! Iday, Victoria, napakaganda ng gabi!


SINANG:"Panhik kayo at sasama ako sa inyo," Si Sinang iyon na anak ni
Kapitan Basilio.
SINANG:"Naku, sawa na akong makita ang mga manok na panabong at mga
baraha."

Nagpaunlak sina Maria Clara upang magchokolate. Puno ng mga bisita ang
sala. Lahat ay nabihag ng angking ganda ng dalaga. "Para siyang birhen!"
bulungan ng mga babaeng nagnganganga ng buyo. Pamuling nagkadaupang
palad si Ibarra at si Kapitan Basilio.

KAPITAN BASILIO:Nakita ko ang telegramang ibinigay mo sa aking anak at


nasabi doon na nahatulan na ang kaso gayundin pabor ang hukuman tungkol
sa yumao mong ama.

IBARRA: Ah e,opo
KAPITAN BASILIO: Ipagwalang bahala na lamang natin ang kaso.
CRISOSTOMO: Patawarin nyo ho ngunit akoy sang-ayon sa desisyong
ipawalang bahala yung kaso tungkol sa aking ama. Habang nagchochokolate
ang lahat, nakatawag pansin ang magandang pagtugtog ng pyanistang
pambayan na dinig na dinig sa sala nina Kapitan Basilio.
SINANG:"Talagang nagtataka ako, " Pagbibigay diin ni Sinang.
SINANG:" Kapag naririnig ko ang pyanistang iyan sa simbahan, para akong
napapasayaw. Ngayon namang nasa bahay ako, gusto ko namang magdasal.
Ay naku! Makasama na nga sa inyo."
KAPITAN BASILIO:"Iniimbita ko kayo," Bulong ni Kapitan Basilio kay Ibarra
nang bumababa na sa hagdan.
KAPITAN BASILIO:"magiging bangkero raw si Padre Damaso."

Napangiti ang binata at nagpahayag ng isang sagot na di matiyak kung oo o


hindi. Pumanaog na ang mga kadalagahan kasabay si Ibarra at si Tiya Isabel.
Nang mapadaan sila sa tapat ng kumbento.

SINANG: Ako'y lubos na nagtataka, bakit pinayagan ni Padre Salving


sindihan ang matatandang lampara. Subra kung mag tipid ang taong iyon.

Sa paglalakad ng grupo, mapapansing may dalawang binatang susunud-


sunod.

MARIA CLARA:"Sino siya?" Tanong ni Maria Clara kay Victoria sabay sulyap
sa binatang bubuntut-buntot sa dalaga.
VICTORIA:"Pin... pin... san ko, " Pangiting sagot ni Victoria.
MARIA CLARA:"At sino naman siya, Sinang?"
SINANG:"Hindi ko siya pinsan, anak siya ng tiya ko, "

Mabilis na sagot ng dalaga ni Kapitan Basilio sabay kurot sa nagtatanong


Mula sa karsada, mapapakinggang mataginting ang halakhakan ng mga
panauhin sa kumbento. Makikita ring palakad-lakad na nakikipagbalitaan
ang mga pare. Nagkakasabay. sabay silang magtaas at magyuko ng ulo
habang nakasupalpal naman sa mga bibig nila ang mga tabako. Ang mga
bisitang nangaroroon ay para bang nanggagaya sa anumang gawin ng mga
pare. Kapag nananabako ang mga pare, nananabako rin sila. Kapag
humalakhak ang mga pare, humahalakhak din sila. Nakadamit Europeo sila
at maaaring naninilbihan bilang mga empleyado o awtoridad kaya sa
lalawigan. Kahit malayo, nakilala ni Maria Clara ang hugis ng pangangatawan
ng bilugang si Padre Damaso, ang malusog na si Padre Sibyla at ang walang
katinag-tinag sa pagkakaupong si Padre Salvi, Napansin ng grupong kakaiba
naman ang makikita sa bahay ng alperes. Madilim ito at nakapinid ang mga
bintana. Galit na galit na naalala ni Sinang ang panghihimasok ng mga
gwardiya sibil sa kasayahang pambukid.
SINANG:"Impaktal Ano ang pakialam niya sa pagsasaya natin? Maghahanda
at magpapakain lang yan kung may epidemya ng kolerang darating sa bahay
niya. Pwe!"
VICTORIA:"Tama na yan Sinang"
SINANG:"Anong tama na, hindi ko makakalimutan ang pang-iistorbo sa
pagsasaya natin. Kung ako ang arsobispo, ipakakasal ko yan kay Padre Salvi at
tingnan natin kung anong klaseng anak magkakaroon sila. Sobra talaga sa
kasamaan. Pati bangkerong pagkabait-bait ay ipinaaresto. Hayun! Sumisid
tuloy sa ilog!"

Bumagal ang mga hakbang ng magkakasama nang mapakinggan nila mula sa


isang sulok ng plasa ang isang bulag na umaawit. Kinakanta nito ang
makabagbag damdaming Awit ng mga Isda sa saliw ng gitara.

MARIA CLARA: "Si.. sino siya at bakit nilalayuan siya ng mga tao?" Tanong ni
Maria Clara.
IDAY:"Isa siyang ketongin," Paliwanag ni Iday.
IDAY:"May nagsasabing nahawa raw siya sa pag-aalaga sa kaniyang ina. May
nagsasabing nakuha niya ang sakit sa malamig na piitan. Nakatira sila sa
bukid. Naglalagay siya ng isang basket sa daan at lalayo itong huhuni ng
malungkot na himig Sapagkat kilala ng maraming kababaihan, ang basket ng
ketongin ay nililimusan nila ng prutas, isda o bigas. Kapag nakalayo na ang
naglimos, lalapit na ito sa basket upang kunin ang grasya. Lalayo ito at aawit
na naman ng Awit ng mga Isda sa ibang lugar na may mga kababaihang
maaawa."
IDAY:"May malungkot na karanasang pinagdaanan ang ketongin. Isang araw,
may isang batang nahulog sa kanal. Tinulungan itong makaahon ng ketongin.
Nalaman ito ng ama ng bata. Nagsumbong ito sa alkalde. Ipinatawag ang
ketongin at pinarusahan. Ipinahagupit ito nang anim na ulit sa gitna ng kalye.
Ang ipinanghagupit na ratan ay ipinasunog. Sa sakit at kahihiyan,
nagtatakbong papalayo ang ketongin. Maririnig mo naman ang lakas ng
halakhak ng alkalde na sumisigaw na, "Matuto ka! Hindi na baleng malunod
kaysa maging ketonging tulad mo!"
MARIA CLARA:"Kawawa naman siya"
Malungkot na sabi ni Maria Clara. Sa matinding pagkahabag ng dalaga,
lumapit siya sa basket ng may sakit. Nagulat ang mga kaibigan ng dalaga
nang ilabas niya ang gintong laket at ihulog sa basket bilang handog.”
VICTORIA,SINANG,IDAY:"Bakit mo ibinigay ang laket?" Tanong ng mga
kaibigan nang magbalik sa grupo ang dalaga.

MARIA CLARA: "Wala akong maibibigay sa kaniya," Pangiting sagot ni Maria


Clara habang ikinukubli ang nangingilid na luha. VICTORIA;"At ano ang
gagawin niya sa laket mo? Hindi naman niya ito makakain." Diin ni Victoria
VICTORIA: "hinulugan daw minsan ang basket ng salapi pero ipinabalik ito ng
ketongin sa pamamagitan ng mahabang piraso ng kahoy. Walang silbi ang
salaping ipambabayad ng isang ketongin. Anumang galing dito ay
pinandidirihan ng tao”.

Napatingin si Maria Clara sa mga tindera ng pagkaing nakapaligid sa kanila.


Naiinggit siya sa mga ito na may pagkakataong mahabag, tumulong at
makapagpaligaya ng isang kaluluwa. Sa isang kisapmata, nagulat ang lahat
nang lapitan ng ketongin ang basket. Madali nitong dinukot ang laket.
Sinipat-sipat niya ito. Nang makita niyang kumikinag ito sa tama ng liwanag
ng ilaw, tinanggal niya ang salakot at isinubsob ang sugatang mukha sa mga
bakas na naiwan ng dalaga. Ikinubli ni Maria Clara ang mukha sa likod ng
pamaypay at pinahiran ng panyolito ang ilang patak ng luhang hindi niya
napigilan. Nagulat ang lahat nang lapitan ng isang babaeng may humpak na
pisngi ang ketonging mukhang nagdarasal. Si Sisa ang babaeng iyon na
nagliwanag ang mukha sa tama ng mga naiilawang mga parol. Para bang may
kung sinong hinahanap ito. Hinawakan ng baliw ang ketongin na
napahagulgol ng iyak. Sa kauna-unahang pagkakataon, may lumapit sa
kaniya. May isang kaluluwang hindi nangilag sa sakit niya.

SISA:"Magdasal tayo! Magdasal tayo! " Ana ng baliw.


SISA:"Ngayon ang araw ng mga patay. Ang nagliliwanag na mga ilaw na
nakikita ninyo ay mga buhay ng tao. Sumama kayo sa akin. Ipagdasal natin
ang mga anak ko. Ipagdasal natin. Ipagdasal natin."
MGA TAO:"Paghiwalayin sila. Mahahawa ang baliw! Mahahawa ang baliw!"

Sigawan ng lahat, subalit wala kahit isa man ang nangahas na lumapit sa
kanila.

SISA:"Nakikita mo ba ang ilaw sa kampanarayo? " Tanong ni Sisa sa ketongin.


SISA:" Si Basilio yon na nagpapadahusdos sa lubid ng kampana. At ang
nagliliwanag na ilaw sa kumbento, alam mo ba kung sino yon? Si Crispin
yon, ang bunso ko. Pero hindi ko sila nakikita. May sakit daw ang kura.
Marami itong onsang ginto, mga onsang gintong nawawala. Ipagdasal
natin, ipagdasal natin ang kaluluwa ng kura. Dinalhan ko siya ng ampalaya
at sarsalida. Maraming bulaklak sa halaman ko, dalawa ang anak ko,
dalawa ang anak ko!"
Binitiwan ng baliw ang ketongin, humagulgol, tumawa at umawit nang
umawit.

MARIA CLARA:"Ano ang maitutulong mo sa kaawa-awang babaeng yan? "


Tanong ni Maria Clara kay Ibarra.
IBARRA:"Wala pa. Nawala siya at hindi napagkikita sa bayan," Tuliro ang
isip na sagot ng binata.
IBARRA: "Naging lubhang abala ako, pero huwag kang mag-alala, nangako
ang kura. Kailangan daw ang maayos na pag-iimbestiga. Maaaring may
kinalaman daw dito ang gwardiya sibil. Intresado ang kura sa kaso ng
kahabag-habag na baliw."
MARIA CLARA:"Hindi ba nangako ang alperes na hahanapin ang dalawang
bata?"
IBARRA:"Nangako pero mukhang nakainom siya noon."
Nagulat ang dalawang nag-uusap sampu ng mga kasama nang kaladkarin
ng gwardiya sibil ang nagsisigaw na baliw. Sapagkat nasasaktan, nanlaban
si Sisa. .
IBARRA:"Bakit inaaresto ninyo?" Matapang na tanong nito
GWARDIYA SIBIL: "Hindi ba ninyo nakita ang gulong ginawa niya?" Dali-
daling kinuha ng ketongin ang basket at kaagad umalis. Malungkot na
inihatid ni Ibarra si Maria Clara sa tinitirahan ng dalaga.
MARIA CLARA: "Ikaw ba sy sigurado nang hindi ka dadalo sa aming
hapunan?"
IBARRA:"Huwag na at hindi dapat, at ako'y uuwi na, magkaroon ka ng
magandang gabi Maria." Walang ganang umakyat ang dalaga na para bang
nagsasabing walang kabuhay-buhay ang pyesta lalo na't hindi inaasahang
panauhin sa tahanan ninyo ang bumibisita.

You might also like