You are on page 1of 26

Noli Me Tangere

Kabanata 21-25
KABANATA 21
Ang Kasaysayan ng
Isang Ina
 
Tauhan:
Sisa
Mga guwardiya
Crispin at Bacilio
Alperes

 
Nang malaman ni Sisa na wala si
Crispin, agad-agad siyang umalis at
umuwi, gulo ang isip at hindi alam kung
ano ang gagawin upang mailigtas ang
kanyang mga anak.  Natanaw ni Sisa
ang mga gwardiya sibil na galing sa
kanyang bahay na hindi kasama
sinuman sa kanyang dalawang anak.
Samakalawa, narinig niyang tinatawag
siya at na may kasama nang paghamak,
na nakatutok sa kanya ang baril  
BUOD:
at nagtanan na siya’y nagsinungulangin na siyaý  ang
ina na magnanakaw.. pero hindi yun totoo.  Walang
kaalaman si Sisa sa pagnanakaw. Puwersang
pinuntahan siya kasama ng sibil sa bayan at
dalawang oras na si Sisa sa bilangguan nang
dumating ang alperes at pinakawalan siya dahil
gawa-gawa lamang daw iyan ng mga prayle at kung
gusto ng gwardiya ang ninakaw na pera, hihingi sila
kay San Antonio. Pagkalabas ni Sisa, agad siya
tumakbo patungo sa kalye at nagpalakad-lakad na
hindi alam ang tinutungo at patuloy sa pagtawag sa mga
pangalan ng kanyang anak na sina Crispin at Basilio.
 
Umiiyak na parang bata na nawawala. Naging
palaboy na si Sisa sa kalye. Umiyak, tumatawa at
nikikipag-usap sa kalikasan.

SYMBOLISMO: Ang mabilis na agos ng tubig. –


Kung mabilis ang agos ng tubig, kumpara sa
pagkakagulo ng isip at di alam anong gawin.
Hindi kalmado.
MENSAHE: Dapat maging kalmado at may
pagtitiwala sa Diyos upang hindi ka mawala sa
iyong sarili.
Kabanata 22
Ang Liwanag at Karimlan

Tauhan:
Padre Salvi
Maria Clara
Tiya Isabel
Ibarra
BUOD:
Malapit na ang pista ng San Diego. Naging usap-usapan
ang pagdating ni Maria Clara at Tiya Isabel. Labis
katuwaan ng mga tao sa pagdating ni Maria Clara dahil
sa kanyang kagandahan. Napatahimik lang si Padre
Salvi. Kapunapuna din ang kanyang pangangayat at
pagiging malulungkutin. Si Padre Salvi ay  gustong
dumadalaw sa bahay ni Maria Clara. Habang si Ibarra ay
nasa daan, binati niya si Padre Salvi na patungo rin sa
tahanan ni Clara. Inaayos na ni Ibarra ang kakailanganin
para sa pagdiriwang. Hindi sang-ayon si Ibarra sa gusto
ni Clara na hindi imibitahin ang kura na si Padre Salvi
dahil takot si Clara sa tuwing kinakausap siya ay parang
hindi niya maintindhihan. Lagi siyang itinatanong na
minsan daw ba ay napapanaginipan daw niya
 
ang liham sa kanyang ina. Parang ang kanyang titig ay
puno ng kalungkutan at parang sira ang ulo. Dumating
si Padre Salvi at nakita silang dalawa nag-uusap.
Nagpaalam si Clara at naiwan ang dalawa. Inimbita si
Padre Salvi para sa piknik bukas ng umaga sa gubat na
malapit sa balite sa bukiran. Matapos ang kanilang
pag-uusap, nagpaalam si Ibarra agad para
paghandaan. Habang siya’y naglalakad sa gitna ng
dilim, may isang lalake na hindi niya kilala na lumapit
sa kanya. Ang sabi ng lalake na halos dalawang araw
siya naghihintay kay Ibarra, sa dahilan na walang
tumulong sa kanya na nawawala ang kanyang
dalawang anak at nababaliw ang kanyang asawa.
Pinakinggan ni Ibarra ang kuwento ng
lalaki habing sila’y naglalakad.

SYMBOLISMO: Aklat – Kapag ikaw ay may


kaalaman at pagiging “open” sa ibang tao
at handang tumulong.

MENSAHE: Dapat maging malasakit sa


kapwa kahit hindi mo alam ang taong iyon
na nangangailangan ng tulong.
Kabanata 23
Ang Pangingisda

Tauhan:
Ang limang magagandang
binibini at mga kalalakihan
Tiya Isabel
Albino
Kaptian Tiago
Leon
Ibarra
Piloto (Elias)
Nagsilakad patungong lawa ang mga masasayang
pangkat ng mga kababaihan at mga magulang.
Masayang nag-uusap ang mga magagandang limang
babae na sina Maria Clara, Sinang, Victoria, Iday at
Neneng, habang ang mga matatanda at mga utusang
babae ay nasa likuran sumusunod. Pinatahimik ni
Tiya Isabel ang mga binibini dahil baka
makabubulahaw nila ang mga taong natutulog. May
isang binata ang dumating na naglalakad sa saliw ng
gitara. Ang mga kalalakihan nama’y nangag-uusap at
nakangiting bumati. Nagmamalaking tugon si Albino,
isang seminarista na marunong siyang lumangoy, at
kapansin-pansin ang pagiging tahimik ni Ibarra
subalit siya’y nakiumpok ra rin sa
kasiyahan ng grupo. Sila ay nakarating sa lawa.
May dalawang malalaking bangka ang nakatali.
Inihiwalay ng mga magulang ang mga lalaki at
babae nang sila’y nigsipagluhan na sa bangka.
Ngunit, malakas na sambit ni Albino sa lalaking
katabi niya na itakpan na mabuti ang butas na
nasa kanyang paa para hindi pumasok ang
tubig dahil maraming butas ang Bangka. Maya-
mayang sumigaw ang mga babae dahil sa takot
na lulubog ang kanilang bangka. Nagulo ang
mga manlalakbay at sa dahilan nito, ang mga
lalake ay nagkaroon ng pagkakataon na
makatabi nila ang kani-kanilang nililigawan
gayundin si Ibarra kay Maria Clara.
Nang sila’y matapo na mag-agahan,
nagpapatuloy sila patungo sa dalawang
baklad na pag-aari ni Kapitan Tiago. Nang
sila’y dumating na sa baklad ni Kapitan. Sila’y
naghahandaan at ipinapakanta si Maria Clara.
Ang tinig ni Maria Clara ay napakagandang
kinggan at lahat ay napatulala at napaiyak
dahil sa kanyang kanta. Pagkatapos, ang lahat
ay umaasam-asam na makahuhuli sila ng
maraming isda. Inilubog ang salok sa tubig at
wala ni isa mang isdang nahuli. Kinuha ni
Leon ang salok at muli niyang inilubog ang
salok at subalit nakasigaw siya dahil sa gulat
na buwaya ang kanyang nakuha.
Halos lahat ay nahintakutan. Dahil dito’y
tumayo ang piloto at kumuha ng tali para
hulihin ang buwaya, habang pinagmamasdan
ang lahat kung anong nangyari sa ilalim ng
tubig. Umakyat ang piloto at tinapakan niya
ang likod nito at tinali ang bunganga sapagkat
agad ito nagpumiglas at tumalon sa tubig.
Nagsisigawan ang mga binata dahil sa takot.
Biglang tumalong si Ibarra upang tulungan ang
piloto. Muntik namatay si Elias at nailigtas ni
Ibarra ang kanyang buhay. Napata yang buwaya
at nagpasalamat si Elias kay Ibarra. Naging
nagulat si Clara at namumutlang alang-ala nab
aka mamatay si Ibarra sa kanyang ginawa.
Pero and sabi ni Ibarra ay huwag na siya aalahanin
dahil dito rin ang nakalagak ang bangkay ng
kanyang ama sa lawang ito. Pagkatapos, muling
naghanda si Andeng ng isang pansinigang. Pumunta
sila sa isang baklad at nakahuli sila ng maraming
isda at iniluluto.
 

SYMBOLISMO: Leon – Pagiging matapang.

MENSAHE: Dapat Tulungan mo ang nangangailangan


kahit ang buhay mo ay nasasabit sa kamatayan.
Kabanata 24
Sa Gubat

Tauhan:
Padre Salvi
Ibarra at Sisa
Sibil ng Sarhento
Maria Clara at
mga kakampi
Maaga pa at nagmisa si Padre Salvi. Nawalan
siya ng ganang kumain dahil sa liham na
dumating. Nag-iisip siya habang hawak-
hawak ang liham na kanyang tinitingnan.
Subalit siya’y nag-ayou at inutos na ihanda
ang karwahe upang siya ay maihatid sa
gubat kung saan nagaganap ang piknik.
Nang siya’y nakarating sa madilim at
masukal na gubat, nakarinig siya ng isang
magandang tinig na boses na palapit lapit.
Nagtago si Padre sa isang malaking puno at
nakikinig. Ang narinig niya ay “Pag-ingatan
mo dahil ang pagseselos ay nakakapayat at
ang mata mo’y lalalim pa!”.
Subalit nakita ni Padre Salvi sina Maria Clara,
Victoria at si Sinang na naglalakad sa ilog na
hinahanap ang mahiwagang pugad ng gansa.
Siya’y patuloy nagtatago at tumingin sa
kanilang ginagawa at pagpapaalis. Hindi niya
muling narinig ang mga tinig ng mga binibini.
Gusto niya sundin, pero nagpatuloy siya sa
paglakad upang hanapin ang iba pang kasama
ng gurpo. Binati siya sa lahat ng magalang.
Pagkatapos nilang mananghalian tinanong ni
Padre Salvi ang alperes kung may alam ba siya
sa taong may kagagawan ng paglapastangan
kay Padre Damasco. Ang taong ito na
pinaghahanap ay ang bumugbog kay Padre
Damasco.
Sabi pa ng kura na ito ang dahilan ng
kanyang pagkakapahinga at idinugtong pa
niya na ito din raw ang taong nagtapon sa
alperes sa hukay sa lupa. Mayang-maya’y
may isang babae na payat at namumutla
ang mukha ang biglang dumating. Iniutos
ni Ibarra na siya’y pakainin. Sinabi ni Don
Filipo Lino na ang babaing baliw ay si Sisa.
Apat na araw na itong nasisisraan ng bait
dahil sa takot at mga hirap na dinanas sa
buhay.
Hindi nasunod ang utuos ni Ibarra na pakainin si
Sisa dahil nang Makita niya ang alperes bigla
siyang kumaripas ng takbo at hindi na nakita sa
gubat. Dahil dito’y pinahanap ni Ibarra ang
babaing baliw sa mga alila dahil naipangako niya
na hahanapin niya ang mga nawawala niyang
anak. Sinabi ng alperes na ayon kay Don Filipo,
hindi matagpuan ang dalawang anak ni Sisa.
Pinagtanongan niya si Padre Salvi kung totoo
ngang nawawala ang kanyang mga sakristan.
Hindi nasagot ni Padre Salvi ang tanong ng
alperes. Nagalit si Padre Salvi sa sinasalita nig
alperes at nagging mainit ang pagtatalo ng
dalawang taong ito at pumagitna na si Ibbara sa
pamamagitan ng pagbabago ng paksang pag-
uusapan
Sinabi niya pagamutin niya si Sisa sa isang
manggagamot. Bumalik ang mga alipin at hindi
nila raw mahanap ang baliw. Pagkatapos ng
tanghalian, sila’y naglalaro ng mga baraha at
ahedres at ang mga kadalagahan ay nahikayat
sa Gulong ng Kapalaran (upang alamin ang
kanilang haharapin). Nakatanggap ng liham si
Ibarra na hindi niya binabasa. Habang ang mga
binibini ay naglalaro, si Sinang ay nakakuha ng
malas at si Maria Clara ay nakakuha ng swerte.
Lumapit si Ibarra sa kanya at nagtanong sa
Gulong ng Kapalaran kung magiging maganda
ba ang kalalabasan ng kanyang binabalak.
Ngunit, ang inalabas ay pangarap lng raw.
Dahil dito, bibigyan ng regalo ang nakakuha ng
pinakamagandang kasagutan at hinati niya ang
sulat sa dalawang bahagi. Ang isang piraso ng
papel ay magtatayo siya sa bayan ng isang
bahay-paaralan para sa mga kababaihan at
kalalakihan at ito ang kanyang regalo. Subalit sa
isa naman ay para sa mga taong may
pinakapangit na kasagutan. Lumapit si Padre
Salvi sa pulutong ng mga kabataan Natigil ang
kasiyahan ng kababata dahil sa kura, at kinuha
ng kura ang aklat at nagsasabi na kasalanan ang
maniniwala sa aklat na ito. Muling sinagot ni
Albino na may kasalanan ba ang kumuha ng
gamit na hindi sa kanya lalo pa’t ito’y labag sa
kalooban ng may-ari. Umalis agad si Padre Salvi.
Umuwi sana si Padre Salvi sa bayan ngunit
may apat na sibil ng sarhento ang biglang
dumating. Si Ibarra ay nagtatanong sa sibil
kung anong gusto nila. Sabin g sibil na ibigay
sa kanila ang pilotong pinaghahanap ng batas
na nagngangalang Elias. Si Elias ay
naakusahan ngayon ng pagbubuhat kamay sa
isang kura, ayon sa reklamo, tinanggap si Elias
sa kasiyahan, dugtong ng mga sibil. Nagalit si
Ibarra at pinagsalitaan. Iniutos ng sarhento na
hanapin sa lahat ng sulok ang piloto subalit
hindi nila ito nakita. Natapos ang kasiyahan
habang unti-unting nagdidilim, lumisan ang
lahat ng manlalakbay.
SYMBOLISMO: Gubat- misteryoso,
hindi mo alam kung anong
mangyayari sa iyo, maging
mamatay ka o ma buhay sa mga
dinadaanan mo.

MENSAHE: Dapat may respeto ka


sa tao at huwag lang magsasalita
ng kung anu-ano na maaring
masaktan at magalit sila.
Kabanata 25: Sa Bahay ng Pilosopo
Tauhan: Ibarra, Pilosopo Tasyo

You might also like