You are on page 1of 23

NOLI

ME
TANGERE
JOYCE ANN M. ODANGO
IX-FRANKLIN
KABANATA 41
DALAWANG PANAUHIN

• Hindi dalawin ng antok si Ibarra ng gabing iyon. Balisa ito sa kaguluhang naganap kung
kaya't nilibang ang sarili sa paggawa sa kanyang laboratoryo. Ilang sandali ay dumating si
Elias sa tahanan ni Ibarra. Layunin ni Elias na ipagbigay-alam kay Ibarra na may sakit si
Maria Clara, at kung may ipagbibilin ang binata bago siya pumunta sa Batangas. Ipinaliwanag
din ni Elias kay Ibarra kung paano niya nasugpo ang kaguluhan ng nagdaang gabi. Sinabi
nito na kilala niya ang magkapatid at napakiusapan niya na itigil ang kaguluhan.
Napahinuhod naman ang magkapatid na gwardya sibil dahil sa kanilang utang na loob kay
Elias. Umalis na rin si Elias makalipas ang ilang sandali. Nagmamadali naman na gumayak si
Ibarra upang tumungo sa bahay ni Kapitan Tyago. Sa daan ay nasalubong ni Ibarra ang
kapatid ng taong dilaw na si Lucas. Kinulit nito si Ibarra tungkol sa salapi na makukuha ng
kanyang pamilya dahil sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Sinagot ito ng maayos ni Ibarra na
magbalik na lamang sa isang araw sapagkat siya ay patungo sa maysakit. Ngunit sadyang
mapilit si Lucas at kinukulit si Ibarra. Bago pa man mawala ang pagtitimpi ng huli ay
tumalikod na lamang ito. Naiwan si Lucas na nagpupuyos ang kalooban, at sa kanyang isipan
ay iisa ang dugong nananalaytay sa ugat ni Ibarra at ang lolo nito na nagparusa sa kanilang
ama. Maari lamang silang maging magkaibigan kung magkakasundo sila sa salaping ibabayad
ni Ibarra.

TALASALITAAN SIMBOLISMO
•Katipan – kasintahan
•Laboratoryo – isang lugar kung saan
gumagawa ng mga eksperimento
•Mababalasik – mababangis
•Maiwaglit – maialis
KABANATA 42
ANG MAG-ASAWANG
DE ESPADANA

Lahat ay hindi mapanatag at nalulungkot dahil sa pagkakasakit ni Maria Clara. Tumawag na ng


doktor si Kapitan Tyago at ngayon ay kasalukuyang pinagpipilian nila ni Tiya Isabel kung saan
maglilimos: sa Krus ng Tunasan na himalang lumaki, o sa Krus na Matahong na nagpapawis. Sa
bandang huli ay napagpasyahan ng dalawa na parehong lumisan ang mga ito upang gumaling
kaagad si Maria Clara. Dumating na ang doktor na si Tiburcio de Espadana at ang kanyang
maybahay na si Victorina. Nagmiryenda muna ang mag-asawa bago tingnan ng 'doktor' ang
kalagayan ni Maria. Kasama rin nila ang kamag-anak na si Linares na dumating pa mula sa
Espanya. Kasunod nilang dumating si Padre Salvi at ipinakilala ng mag-asawa si Linares, nag-
aaral ng pagka-manananggol sa Espanya at pamangkin ni Don Tiburcio. (Dumating ito sa
Pilipinas sa gastos na rin ni Donya Victorina.) Nabanggit ni Kapitan Tyago na kadadalaw lamang
ng Kapitan Heneral sa kanilang tahanan. Lubos na nanghinayang ang ambisyosang ginang at
nahiling na sana ay nuon pa nagkasakit si Maria Clara disin sana ay nakadaupang palad nila ang
Heneral. Hinanap naman ni Linares si Padre Damaso kay Padre Salvi, upang ibigay ang hatid
niyang sulat mula sa Espanya. Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay pinuntahan nila si Maria na
binabantayan ng mga kaibigan nito. Sinimulang eksaminin ng doktor si Maria at sinabing
maysakit nga ito. Inirekomendang igamot kay Maria ang liquen at gatas, Jarabe de altea at
dalawang pildoras de Cinaglosa. Si Linares naman ay natulala at nabighani ng husto kay Maria, na
ipinakilala naman ni Victorina sa dalaga. Tila nagising pa si Linares sa pagkatulala ng ibinalita ni
Padre Salvi na dumating na si Padre Damaso.

•TALASALITAAN
•Napatiwalag – humiwalay, umalis
•Nasilo – nabulag
•Quinto – panglima
•Upaw – kalbo, panot
KABANATA 43
MGA BALAK O PANUKALA

• Halatang halata ang lubos na pag-aalala sa mukha ni Padre Damaso at tuloy-tuloy itong
pumasok sa silid ni Maria Clara. Nananangis ang Pari at sinabi sa anak na hindi ito
mamamatay. Lahat ay nagtaka sa ipinakita ni Padre Damaso, hindi nila akalain na sa kabila
ng magaspang nitong ugali ay marunong pala itong umiyak at malambot ang kalooban.
Naisip din nila na mahal na mahal talaga ng pari si Maria. Pamaya-maya ay tumindig ang
pari at nagtungo ito sa silong ng balag upang managhoy. Nang naibsan ang damdamin ni
Padre Damaso ay sinamantala ito ni Donya Victorin at ipinakilala si Linares. Sinabi ng huli
na inaanak siya ni Carlicos, ang bayaw ni Damaso. Iniabot ni Linares ang sulat at dito ay
nakasaad na siya ay humahanap ng mapapangasawa at trabaho. Madali lamang na
matatanggap ang binata ayon kay Padre Damaso sapagkat ito ay naging abogado sa
Universidad Central. At sa mapapangasawa ay iminungkahing kakausapin niya si Kapitan
Tyago. Bagay naman na ikinalungkot ni Padre Salvi. Sinadya naman ni Lucas si Padre Salvi
upang isangguni ang marapat na katarungan para sa kanyang kapatid. Umarte itong kaawa-
awa at pilit na pinapatulo ang luha upang mabaghan sa kanya ang pari. Sinabi nito na
binigyan lamang siya ng P500.00 ni Ibarra kapalit ang buhay ng kanyang kapatid. Hindi
naman ikinatuwa ng pari ang kaartehan ni Lucas kung kaya't pinagtabuyan niya iyon.
Walang nagawa ang oportunistang si Lucas kung hindi bumulong bulong at napahiyang
nilayasan ang pari

TALSALITAAN SIMBOLISMO

•Balag – gapangan ng mga tanim


•Hampaslupa – mahirap, patay gutom
•Ibinulalas – humagulgol
•Kulang-palad – walang swerte
•Nabagabag – nabalisa
KABANATA 44
PAGSUSURI NG BUDHI

• Patuloy na mataas pa rin ang lagnat ni Maria Clara at kapag ito ay nagdedeliryo ay walang binabanggit kundi
ang pangalan ng kanyang ina. Patuloy naman siyang inaalagaan nni Tiya Isabel at mga kaibigang dalaga. Si
Kapitan Tyago naman ay walang tigil na nagpapamisa at nag-aabuloy, ang pinakahuli ay ang pagbibigay ng
tungkod na ginto sa Birhen ng Antipolo. Makalipas ang ilang araw, kasabay ng pag-inom ng gamot na nireseta
ni Don Tiburcio ay humupa ang mataas na lagnat ni Maria. Ikinatuwa naman ito ng mag-asawang Tiburcio,
kung kaya't hindi muna pinagdiskitahan ni Donya Victorina ang kanyang asawa. Magkakaharap sina Padre
Salvi, Kapitan Tyago at mag-asawang Espadana at napag-usapan na malilipat sa parokya ng Tayabas si Padre
Damaso. Ayon kay Kapitan Tyago, ikalulungkot ito ni Maria Clara sapagkat para na rin niyang ama ang pari.
At ang pagkakasakit ng dalaga ay bunga ng mga kaguluhan na nangyari noong gabi ng pista. Ikinasiya naman
ng kura na mainam nga na hindi nagkikita sina Ibarra at Maria Clara dahil tuluyan itong gumaling. Sinalungat
naman ito ni Donya Victorina at sinabing ang nakapagpagaling kay Maria ay ang panggagamot ni Don
Tiburcio. Hindi naman siyempre nagpatalo ang pari at sinabing higit na nakagagaling ang pagkakaroon ng
malinis na budhi kaysa mga gamot. Napikon ang Donya at iminungkahi sa pari na gamuting ng kanyang
kumpisal ang nakakabanas na si Donya Consolacion. Wala namang naisago ang Pari kung kaya't tinagubilinan
na lamang niya si Kapitan Tyago na ihanda na si Maria para sa pangungumpisal. Ipinabigay rin niya ang
beatico upang lubusan itong gumaling. Oras na para uminom ng gamot si Maria Clara at ininom nga nito ang
pildoras na mula sa bumbong ng kristal. Ititigil lamang niya ang pag-inom nito kapag siya ay nakaramdam na
ng pagkabingi. Nalaman ni Maria kay Sinang na abala si Ibarra na mapawalang bisa ang pagiging
ekskomulgado nito kung kaya't hindi pa ito makasulat sa dalaga. Dumating naman si Tiya Isabel upang ihanda
si Maria sa pangungumpisal at pati na rin ang kalooban nito tungkol sa paglimot kay Ibarra. Nagsimula na ang
pangungumpisal ni Maria Clara. Sa obserbasyon ni Tiya Isabel, Si Padre Salvi ay halatang hindi nakikinig sa
sinasabi ni Maria Clara bagkus ay matiim itong nakatitig kay Maria na tila ba inaalam ang nasa isip ng dalaga.
Matapos ang kumpisalan ay lumabas si Padre Salvi na nakapangunot noo, namumutla, pawisan at kagat-labi.

TALASALITAAN SIMBOLISMO
•Ibinulalas – inilabas
•Impit – mahina at pigil na tunog
•Mahinay – malumanay
•Matiwasay – payapa
KABANATA 45
ANG MGA PINAG-UUSIG

• Sa wakas ay natagpuan ni Elias si Kapitan Pablo sa isang yungib sa kagubatan pagkatapos ng anim na buwan
na hindi pagkikita. May dalawang linggo na rin ang nakalipas nang malaman ni Elias ang sinapit ng kapitan.
Malapit ang loob niya sa matanda at itinuturing niya itong ama. Pareho rin silang nag-iisa na sa buhay.
Sinubukang kumbinsihin ni Elias ang Kapitan na maisama ito sa mga lupain ng katutubo. Malayo man ito sa
sibilisasyon ay makakapamuhay ng mapayapa ang matanda at makakalimot sa sinapit ng kanyang pamilya.
Tinanggihan naman ito ng matanda at matiim itong nanindigan na ipaghiganti ang masaklap na nangyari sa
kanyang mga anak sa kamay ng mga dayuhan. Hindi siya matatahimik hanggat hindi nagkakaroon ng
katarungan ang kaawa-awang sinapit ng kanyang pamilya. Tatlo ang anak ni Kapitan Pablo, isang babae at
dalawang lalake. Pinagsamantalahan ng isang alagad ng simbahan ang kanyang anak na dalaga. Ang isa niyang
anak na lalaki ay nag-imbestiga sa nangyari kung kayat nagpunta ito ng kumbento. Tila nagkaroon naman
diumano ng nakawan sa kumbento kung kaya't pinagbintangan ang kanyang anak na lalaki. Hindi man
napatunayan ang nasabing nakawan, hinuli pa rin ito at ibinitin at nakatikim ng pagpapahirap sa kamay ng mga
awtoridad. Hindi tinugon ni Kapitan Pablo ang mga sigaw ng pagtawag ng kanyang anak sapagkat noon ay mas
nanaig ang kanyang kaduwagan at pagnanais sa mapayapang buhay. Ang kura naman ay hindi man lamang
naparusahan kundi inilipat lamang ng panibagong lugar. Ang isa naman niyang anak na lalaki ay pinaghinalaang
maghihiganti. Sa kasamaang palad, may isang pagkakataon na hindi nito nadala ang kanyang sedula kung kaya't
hinuli ito ng mga sibil. Pinahirapan din ito at ng hindi na makayanan ay kinitil nito ang sariling buhay. Kung
kaya para kay Kapitan Pablo, wala nang mahalaga sa kanya kundi ang ipaghiganti ang sinapit ng kanyang mga
anak. Lulusob sila sa bayan sa tamang oras, kasama ng iba pang mga kapus-palad na pinag-uusig ng
pamahalaan. Lubos naman itong nauunawaan ni Elias, kaya't ang simpatya niya ay nasa matanda. Minsan na
ring hinangad ni Elias ang paghihiganti, ngunit sa kagustuhang wala ng madamay pa sa kanyang paghihiganti,
kinalimutan na lamang niya ito. Ayon kay Kapitan Pablo, madali itong gawin para kay Elias sapagkat magkaiba
naman sila ng sinapit. Si Elias ay bata pa at walang namatay na mga anak. Pinangakuan naman niya si Elias na
walang madadamay na inosente sa gagawin nilang paghihiganti. Isinawalat din ni Elias kay Kapitan Pablo ang
naging pagkikita at pagkakaibigan nila ni Ibarra. Ikinuwento rin nito ang mga katangian ni Ibarra at ang pang-
aaping sinapit ng pamilya nito sa kamay ng pari. Sinabi nito kay Kapitan Pablo na makakatulong si Ibarra sa
pagpapa-abot sa Heneral tungkol sa mga hinaing ng bayan. Sumang-ayon naman ang matanda at malalaman
niya ang resulta ng pakikipag-usap ni Elias kay Ibarra tungkol dito pagkatapos ng apat araw. Ang mga tauhan
ng Kapitan Pablo ang kakatagpuin ni Elias upang maipag-bigay alam sa matanda ang sagot ni Ibarra. Kapag
sumang-ayon si Ibarra, magkakaroon ng katarungan ang kanilang mga hinaing at kung hindi naman, nangako
si Elias na sasama sa kanilang layunin.

• TALASALITAAN SIMBOLISMO
•Binalingan – hinarap, nilingon
•Dumanak – dumaloy
•Magalugad – marating, mahanap
•Natunton – natagpuan
KABANATA 46
ANG SABUNGAN

• Hindi mawawala ang sabungan sa anumang bayan na nasasakupan ng mga Espanyol. Ang sabungan sa San
Diego ay katulad din ng mga sabungan sa ibang mga bayan. Nahahati ito sa tatlong bahagi: ang papasok na
pintuan kung saan nakatao ang taga-singil sa bawat isang pumapasok sa sabungan. Ang ulutan na siyang
ikalawang bahagi naman naririto ang daanan ng mga tao at dito rin nakahanay ang mga nagtitinda ng
samu't-saring paninda. Kalapit ito ng isa pang lugar para sa mga tahur, magtatari at mga karaniwang
parokyano ng sabungan. Dito nagaganap ang pustahan, tayaan at bayaran ng mga tao bago magsimula at
pagkatapos ng bawat sabong na magaganap. Ang ikatlong bahagi ay ang ruweda, na pinagdarausan ng mga
sultada. Ito ang pwesto ng mga may matataas na katungkulan at iba pang tinitingala sa lipunan. Ng araw na
iyon, ilan lamang sa naparoon sa sabungan sina Kapitan Tyago, Kapitan Basilio at Lucas. Dala ng tauhan ni
Kapitan Tyago ang isang malaki at puting lasak na manok, samantalang kay Kapitan Basilio ay isang bulik
na manok. Bago magsimula ang sabong at pustahan ay nagkumustahan muna ang magkaibigan. Pagkatapos
ay nagkasundo sa pustahan sa halagang P3000.00. Naging matunog ang ginawang pustahan kayat nakipag-
pustahan na rin ang iba pang mga sabungerong naroroon. Lumilitaw naman sa sabong na llamado ang puti
at dehado ang pula. Naiinggit naman ang magkapatid na Tarsilo at Bruno sapagkat wala silang salapi upang
makipusta. Lumapit sila kay Lucas upang manghiram ng salaping maipansusugal, ngunit nagbigay naman
ang huli ng kundisyon. Ang kundisyon ay kung sasama sila sa paglusob sa kwartel, at kung sila ay makapag-
aakay pa ng iba ay may mas malaki ang kwartang kanilang makukuha. Ayon din kay Lucas, hindi niya
magagalaw ang perang inilaan para doon ni Ibarra kung kaya't ipauuutang lamang iyon kung sila ay papayag
sa kasunduan. Noong una ay hindi pumayag ang magkapatid sapagkat kilala nila si Ibarra at kadikit nito ang
Kapitan Heneral. Ngunit pagkalipas ng ilang sandali, namataan nila si Pedro na binibigyan ni Lucas ng
salapi kung kayat higit silang nanghinayang. Bandang huli ay hindi na rin nakatiis ang magkapatid sa tawag
ng sugal. Lalo na at umiinit na ang labanan ng mga oras na iyon: ang bulik ni Kapitan Basilio at ang lasak ni
Kapitan Tiyago. Lumapit sila kay Lucas at inihyag ang kanilang pagsang-ayon sa kondisyon. Tinagubilinan
sila ng huli na ang mga sandata ay paparating din kinabukasan, ang utos ay kanilang matatanggap sa ikawalo
ng gabi nang ikalawang araw. Pagkatapos ng pakikipagkasundo ay naging abala na ang lahat sa labanan.
• TALASALITAAN SIMBOLISMO
•Lasak – maagna, mabulok
•Llamado – pinapanigang mananalo
at maraming pusta
•Sentensyador – humahatol
KABANATA 47
ANG DALAWANG
SENYORA
• Habang mainit ang labanan sa sabungan, ang mag-asawang Donya Victorina at Don Tiburcio ay namamasyal.
Ginagawa nilang libangan ang pag-alipusta sa maralitang tahanan ng mga Indio. At lalo pang naasar ang Donya
sa hindi pagbibigay galang sa kanila ng mga nakakasalubong. Napadaan ang mag-asawa sa tapat ng bahay ng
alperes, na nagkataon naman na naroroon si Donya Consolacion. Ng magtama ang kanilang paningin,
sumibangot at dumura ang maybahay nang alperes na malaking ikinayamot ni Donya Victorina. Sinugod nito si
Donya Consolacion at nagkaroon ng balitaktakan. Inalipusta ng Donya ang alperes habang ang huli naman ay
tinungayaw ang kapansanan at pagpapanggap nang asawa nang Donya. Hindi na rin pinaligstas ni Donya
Consolacion ang pagkakataong iyon, dinala ang latigo ng asawa at sinugod si Donya Victorina. Ngunit hindi
naman nagpang-abot ang dalawang Donya sapagkat namagitan ang kanilang mga asawa. Nasaksihan ito ng
taong-bayan sapagkat ang kanilang away ay sadyang nakakabulahaw. Dumating din ang kura at inawat ang
dalawa. Sinagot naman ng alperes ang kura at tinawag itong ‘mapagbanal-banalang Carliston’. Si Victorina
naman ay inutusan ang kanyang asawa na hamunin ang alperes ng barilan, na tinanggi naman ng huli. Anupa't
dahil dito ay nahablot na naman ang kanyang pustiso. Pamaya-maya ay nakarating sa bahay ni Kapitan Tyago
ang mag-asawa. Nadatnan naman nila si Linares na kausap si Maria Clara at mga kaibigan nito. Napagbalingan
ng Donya ang binatang si Linares, at inutusan ito na hamunin ang alperes at kung hindi ay sasabihin nito sa
lahat ang tunay niyang pagkatao. Hindi naman malaman ni Linares ang kanyang gagawin. Habang humihingi
ng paumanhin ang binata sa Donya ay siya namang dumating ang Kapitan. Sinalubong kaagad ito ng Donya at
nagdadaldal tungkol sa nangyari. Inipit din nito si Linares sa Kapitan, at sinabing kung hindi ito gagawin ng
binata ay marapat lamang na walang kasalang magaganap sapagkat hindi bagay si Maria Clara sa isang duwag.
Nagpahatid naman sa silid si Maria Clara dahil sa narinig mula sa Donya. Madilim na ng umalis ang mag-
asawang Tiburcio at Donya Victorina, dala ang ilang libong piso na salaping bayad ni Kapitan Tyago sa
panggagamot ni Tiburcio kay Maria Clara. Si Linares naman ay hindi matahimik sa gipit nitong sitwasyon

• TALASALITAAN SIMBOLISMO
Nang-uuyam – nagpaparinig o nang-aasar
Naudlot – biglang natigil
Parunggit – pagpapasaring o pagpaparinig
KABANATA 48
ANG TALINGHAGA

• Dumating ng araw na iyon si Ibarra at masayang dinalaw si Maria Clara at Kapitan Tyago.
Sinabi nito sa huli na tinanggal na ang kanyang pagiging excomulgado, at ipinabasa ang sulat
kay Tiya Isabel. Tuwang tuwa naman ang tiyahin sapagkat magiliw siya kay Ibarra. Nabigla
naman ang binata ng siya ay mapunta sa balkon. Nandoon si Maria Clara at si Linares
naman sa gawing paanan nito na nag-aayos ng mga bulaklak. Nagulat si Linares at si Maria
Clara naman ay namutla, at sinikap mang tumayo ngunit ito ay hindi pa lubos na magaling.
Ipinaalam ni Ibarra ang dahilang ng kanyang pagdalaw. Banaag naman sa mukha ni Maria
Clara ang pagkalungkot at dahil dito, ay nagpaalam kaagad si Ibarra. Sinabi ng binata na
dadalaw itong muli kinabukasan. Umalis si Ibarra na may kaguluhan ang isip at damdamin.
Sa kanyang paglalakad ay napadaan siya sa ipinapagawang paaralan. Ipinaalam niya sa lahat
lalo na kay Nol Juan na wala silang dapat ipangamba sapagkat siya ay tanggap na muli ng
simbahan. Sinagot naman siya ni Nol Juan na ang pagiging excomulgado ay hindi mahalaga
para sa kanila, sapagkat lahat sila ay mga excomulgado rin. Namataan ni Ibarra si Elias na
nagkakarga ng bato sa kariton at nabasa nito sa mukha ng huli na may nais siyang ipaalam sa
binata. Inutusan ni Ibarra si Nol Juan na ibigay sa kanya ang talaan ng mga obrero.
Iminungkahi ni Elias na sila ay mamangka sa lawa upang mapag-usapan ang isang
napakahalagang bagay, na sinang-ayunan naman ni Ibarra. Dumating naman si Nol Juan at
ibinigay ang listahan, ngunit hindi nakalista doon ang pangalan ni Elias.

• TALASALITAAN SIMBOLISMO
•Bugso – piglang pagdami
•Ihasik – ikalat
•Maampat – mapatigil
KABANATA 49
ANG TINIG NG MGA
PINAG-UUSIG
• Nang lumulan si Ibarra sa bangka ni Elias, waring ito ay hindi nasisiyahan. Kaya, kaagad na humingi ng
paumanhin si Elias sa pagkagambala niya sa binata. Sinabi ni Ibarra ang dahilan, nakasalubong niya ang
alperes at gusto nitong muli na magkausap. Dahil nag-aalala siyang makita si Elias, nagdahilan na lamang
siya. Nanghinayang naman ang binata ng sabihin ni Elias na di siya matatandaan ng alperes. Saglit na
napabuntonghininga si Ibarra sapagkat biglang pumasok sa kanyang isip ang kanyang pangako kay Maria.
Hindi na nag-aksaya ng panahon si Elias sinabi niya kaagad kay Ibarra na siya ang sugo ng mga
sawimpalad. Ipinaliwanag niya ang napagkasunduan ng puno ng mga tulisan (Si Kapitan Pablo) na hindi
na binanggit pa ang mga pag-aalinlangan at pagbabala. Ang kahilingan ng mga sawimpalad, ani Elias ay
(1) humingi sila ng makaamang pagtangkilik sa gobyerno na katulad ng mga ganap na pagbabago sa mga
kawal na sandatahan, sa mga prayle, sa paglalapat ng katarungan at sa iba pang pangangasiwa ng
gobyerno (2) pagkakaloob ng kaunting karangalan sa pagkatao ng mga tao, ang kanilang kapanatagan at
bawasan ang lakas at kapangyarihang taglay ng mga sibil na madalas na nagiging puno’t dulo ng
paglapastangan sa karapatang pantao Tumugon si Ibarra na anumang pagbabago na sa halip na
makakabuti ay lalo pang makakasama. Sinabi nitong maaari niyang pakilusin ang kanyang mga kaibigan sa
Madrid sa pamamagitan ng salapi at pati na ang Kapitan-Heneral ay kanyang mapapakiusapan, ngunit
lahat sila ay walang magagawa. Siya man ay hindi gagawa ng anumang pagkilos ukol sa mga bagay na iyon
sapagkat kung may kasiraan man ang korporasyon, ay matatawag naman nilang masasamang kailangan.
Nagtaka si Ibarra, hindi niya sukat akalaing ang isang tulad ni Ibarra ay naniniwala satinatawag na
masamang kailangan na para bang nais palabasin nito na kailangang gumawa muna ng masama upang
makapagdulot ng mabuti. Naniniwala siya na kapag ang sakit ay malala, kailangang gamutin ng isang
mahapding panlunas. Ang sakit ng bayan ay malubha kaya’t kailangan ang kaparaanang marahas kung ito
ay makakabuti. Ang isang mabuting manggagamot, anya ay sinususri ang pinagmulan ng sakit at hindi
ang mga at hindi ang mga palatandaan nito na sinisikap na bigyan ng lunas.

• TALASALITAAN SIMBOLISMO
•Napahinuhod – napapayag o napasang-ayon
•Pandarambong – panggugulo
KABANATA 50
ANG MGA KAANAK
NI ELIAS
• Isinalaysay ni Elias ang kanyang kasaysayan kay Ibarra upang malaman nito na siya ay
kabilang din sa mga swimpalad.May 60 taon na ang nakakalipas, ang kanyang nuno ay isang
tenedor de libros sa isang bahay- kalakal ng kastila.Kasama ng kanyang asawa at isang anak
na lalaki, ito ay nanirahan sa Maynila.Isang gabi nasunog ang isang tanggapang
pinaglilingkuran niya. Isinakdal ang kanyang nuno sa salang panununog. Palibhasay maralita
at walang kayang ibayad sa abogado, siya ay nahatulan. Ito ay ipinaseo sa lansangan na
nakagapos sa kabayo at pinapalo sa bawat panulukan ng daan. Buntis noon ang asawa,
nagtangka pa ring humanap ng pagkakakitaan kahit na sa masamang paraan para sa anak at
asawang may sakit. Nang gumaling ang sugat ng kanyang nuno, silang mag-anak ay
namundok na lamang. Nanganak ang babae, ngunit hindi nagtagal namatay ito. Hindi
nakayanan ng kanyang nuno ang sapin-saping pagdurusang kanilang natanggap. Nagbigti
ito. Hindi ito naipalibing ng babae. Nangamoy ang bangkay at nalaman ng mga awtoridad
ang pagkamatay ng asawa.Nahatulan din siyang paluin.Pero, ito ay hindi itinuloy at
ipinagpaliban sapagkat dalawang buwan siyang buntis nuon. Gayunman, pagkasilang niya,
ginawa ang hatol. Nagawang tumakas ng babae mula sa malupit na kamay ng batas, lumipat
sila sa kalapit na lalawigan. Sa paglaki ng anak na panganay, ito ay naging tulisan. Gumawa
siya ng panununog at pagpatay upang maipaghiganti nila ang kaapihang natamo. Nagpalitan
pa ng iba’t-ibang pananaw ang dalawa hanggang sa sabihin ni Ibarra kay Elias na sabihin
niya sa mga sumugo sa kanya na siya (Ibarra) ay taus-pusong nakikiisa sa kanilang mga
damdaming. Lamang, wala siyang magagawa kundi ang maghintay pa sapagkat ang sama ay
di-nagagamot ng kapwa sama rin. Dagdag pa rito, sa kasawian ng tao siya man ay matroong
kasalanan din. Nang makarating na sila sa baybayin, nagpaalam na si Ibarra at sinabi kay
Elias na siya ay limutin na at huwag babatiin sa anumang kalagayang siya ay makita nito.
Nagtuloy si Elias sa kuta ni Kapitan Pablo at sinabi sa kapitan na siya kung di rin lamang
mamamatay ay tutupad sa kanyang pangako na aanib sa kanila sa sandaling ipasiya ng
pinuno na dumating na ang oras ng pakikibaka sa mga Kastila.
KABANATA 51
ANG PAGBABAGO

• Sakmal ng pagkabalisa at di pag-igmik si Linares sapagkat nakatanggap siya ng liham mula


kay Donya Victorina. Alam ni Linares na hindi nagbibiro ang Donya. Kailangang hamunin
niya ang alperes subalit sino naman kaya ang papayag na maging padrino niya, ang kura kaya
o si Kapitan Tiyago. Pinagsisisihan niya ang kanyang paghahambog at pagsisinungaling sa
paghahangad lamang na makapagsamantala. Labis siyang nagpatianod sa kapritso ng
Donya. Dumating si Pari Salvi at nagmano sa Kapitan Tiyago. Masayang ibinalita niya ang
tungkol sa sulat na padala ng arsobispo tungkol sa pagalis ng excommunion kay Ibarra
kasabay ng kanyang pagpupuring and binata ay kalugod lugod ngunit may kapusukan ng
kauniti. Tanging ang sagabal na lamang sa pagpapatawad ay si Pari Damaso. Pero anya ay
hindi makatanggi kung si Maria ang kakausap sapagkat inaama niya ang pari. Narinig ni
Maria ang usapan at nagtungo ito sa silid kasama si Victoria. Sa bahaging iyon ng usapan ng
pari at Kapitan Tiyago pumasok si Ibarra na kasama si Tiya Isabael. Binata niya ang kapitan
at yumukod naman kay Linares. Si Pari Salvi ay buong lugod na kumamay kay Ibarra at
sinabi nitong katatatapos pa lamang niyang papurihan ito. Nagpapasalamat ang binata at
lumapit kay sinang upang itanong kung lumapit kay Sinang upang itanong kung galit sa
kanya si Maria. Ipinasasabi raw ni Maria ani Sinang na limutin na siya ng binata ngunit
sinabi ni Ibarra ng gusto niyang makausap ng sarilinan ang kasintahan. Di nagluwat, umalis
na si Ibarra.

• TALASALITAAN SIMBOLISMO
Ekskomulgado – ang kalagayan kung saan itinitiwalag
o itinatakwil mula sa relihiyon
Nababalisa – hindi mapalagay
Sagabal – hadlang
KABANATA 52
ANG BARAHA NG PATAY
AT ANG MGA ANIMO

• Madilim ang gabi at malamig ang ihip ng hangin pumapaspas sa mga dahong tuyo at
alikabok ng makipot ng daang patungo sa libingan. May tatlong anino na paanas na
naguusap sa ilalim ng pinto ng libingan. Itinanong ng isa kung nakausap na niya ng kaharap
si Elias. Hindi raw pero siguradong kasama ito sapagkat nailigtas na minsan ni Ibarra ang
buhay nito. Tumugon ang unang anino na ito nga ay pumayag na sumama sapagkat
ipapadala ni Ibarra sa Maynila ang kanyang asawa upang ipagamot. Siya ang sasalakay sa
kumbento upang makaganti siya sa kura. Binigyang diin naman ng ikatlong anino na kasama
ng lima lulusob sila sa kwartel upang ipakilala sa mga sibil na kanilang ama ay may mga anak
na lalaki. Isa pa, sinabi ng alila ni Ibarra na sial ay magigng 20 na katao na. Saglit na huminto
sa pagaasanan ang mga anino nang mabanaagan nilang may dumarating na isang anino na
namamaybay sa bakod. Pagdating sa lugar ng tatlo, nagkakilala sila. Ipinaliwanag ng bagong
dumating na anino na sinusubaybayan siya kaya’t naghiwa-hiwalay na sila at tinagubilinan
ang mga dinatnan ng kinabukasan ng gabi nila tatanggapin ang mga sandata kasabay ng
sigaw na "Mabuhay Don Crisostomo"! ang tatlong anino ay nawala sa likod ng pader. Ang
bagong dating naman ay naghintay sa sulok ng pintuan. Nang gabing iyonn dalawang sibil
ang naglalakad sa tabi ng simbahan. Pinaguusapan nila ang tungkol sa paghuli kay Elias
sapagkat sinumang makahuli rito ay hindi mapapalo sa loob ng tatlong buwan.
Nakasalubong nila si Lucas at itinanong kung saan ito pupunta. Sa simbahan ani Lucas
upang magpamisa. Pinabayaan nila sapagkat ayon sa alperes walang pilat si Elias. Ilang saglit
lamamg, si Elias mismo ang nakasalubong ng mga sibil. Dinala siya sa liwanag upang
kilalanin. Sinabi ni Elias na hinahabol niya ang lalaking may pilat sapagkat siyang bumugbog
sa kanyang kapatid. Ang mga sibil ay patakbong nagtungo sa simbahang pinasukan ni Lucas.

• TALASALITAAN SIMBOLISMO
Puntod – nitso, libingan
Sinusubaybayan – pinagmamasdan
KABANATA 53
ANG MABUTING ARAW AY
NAKIKILALA SA UMAGA
• Kinabukasan ng umaga, kumalat ang balita tungkol sa mga ilaw na nakita sa libingan ng
nakaraang gabi. Sa paniniwala ng mga puno ng mga kapatiranh ni San Francisco, may 20
ang nakita niyang kandila na sinindihan. Panaghoy at pahikbi naman ang narinig ni Ermana
sipa kahit na malayo ang kanyang bahay sa libinga. Sa pulpito, binigyang diin naman ng
kura sa kanyang sermon ang tungkol sa kaluluwa sa purgartoryo. Ang usapan ay hindi
nakaligtas sa matalas na paningin nina Don Filipo at Pilosopong Tasyo na ilang araw na
ilang araw ngt naghihina. Nasabi ni Don na tinaggap ng alkade ang kanyang pagbibtiw sa
tungkulin. Hindi namn mapakali si Tandang Asyo sapagkat naniniwala siyang ang
pagbibitiw ay hindi nararpat at napapanahon. Sa panahon ng digmaan, anya, ang puno ay
dapat na manatili sa kanyang tao. Sa pagiisip ni Pilosopong Tasyo. Ayon sa kanya, nag iba
ang bayan na di na katulad noon na may 20 na taon na ang nakalipas. Ang nakaraan ay
nagbigay ng aralin. Namamalas na nag naging bunga ng pagdayo sa Pilipinas ng mga
Europeo at ang pagdayo naman ng mga kabataan sa Europa ay nadadma na rin .
Nagkaroon pa ng palitan ng katwiran ang dalawa tungkol sa bayan, sa relihiyon, sa
kahihinatnan ng bayan, ugali ng mga binata at dalaga ang ng mga naglilingkod sa Simbahan
hanggang sa tanungin ni Don Filipo si Tandang Tasyo kung hindi nangangailangan ng mga
gamot sapagkat napansin nitong hinang-hina na sya. Pero tinugon sya ni Tandang Tasyo na
ang mga mamamatay ay hindi na nangangailangan ng gamot at sa halip ang mga maiiwan
ang mangangailangan. Ipinakiusap din niya sa Don na sabihin kay Ibarra na makipagkita sa
kanya sa loob ng ilang araw sapagkat malapit na siyang yumao. Sa kabila ng karamdaman ni
Tandang Tasyo ang kapakanan ng bayan ang kanyang inaalagata. Matibay ang kanyang
paniniwala ng ang Pilipinas ay tumatahak parin sa karimlan. Hindi nagluwat, nagpaalam na
si Don Filipo.

• TALASALITAAN SIMBOLISMO
•Inusig – pinarusahan
•Moog – matayog na tore o pader
KABANATA 54
LAHAT NG LIHIM
NABUBUNYAG AT WALANG DI
NAGKAKAMIT NG PARUSA

• Orasyon. Pahangos na patungo ang kura sa bahay ng alperes. Ang mga taong gustong humalik
sa kanyang kamay ay hindi niya pinapansin. Tuloy-tuloy na pumanhik ito ng bahay at malakas
na tinwag ang alperes. Lumabas agad ang alperes kasunod ang asawang si Donya Consolacion.
Bago makapag salita ang kura, inireklamo agad ng alperes ang mga kambing ng kura na
naninira sa kanyang bakod. Sinabi naman ng pari na nanganganib ang buhay ng lahat.
Katunayan, anya ay mayroong napipintong pag-aalsa na gagawin nang gabing iyon. Nalaman
ito ng pari, anya sa pamamagitan ng isang babae na nangumpisal sa kanya na nagsabi sa kanya
na sasalakayin ang kuwartel at kumbento. Dahil dito nagkasundo ang kura at alperes na
paghandaan nila ang gagawing paglusob ng mga insurektos. Humingi ang kura ng apat na sibil
na nakapaisana ang itatalaga sa kumbento. Sa kuwartel naman ay palihim ang pagkilos ng mga
kawal upang mahuli nang mga buhay ang mga lulusob. Layunin nito na kanilang mapakanta
ang sinumang mahuhuling buhay. Ika-walo ng gabi ang nakatakdang paglusob, kuna kaya
nakini-kinita ng alperes at kura ang pag-ulan ng kurus at bituin sapagkat ganap silang
nakahanda. Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan. Sa mga kasulatan, nabasa
niya ang tungkol kay Don Pedro Eibarramendia at tinanong niya kay Ibarra kung ano ang
relasyon nito sa kanya. Halos nayanig ang buong pagkatao ni Elias nang sabihin ni Ibarra na
iyon ang kanyang nuno na ipinaikli lamang ang apilyido. Isa pa, ito ay isang Baskongado.
Natagpuan na ng piloto ang lahing lumikha ng matinding kasawian sa kanilang buhay. Biglang
bumunot ng balaraw si Elias at naisip niyang gamitin iyon kay Ibarra. Ngunit, saglit lang ang
pagkadimlan ng kaisipan ng biglang siyang matauhan. Binitiwan niya ang hawak na balaraw at
tulirong tumingin ng tuwid kay Ibarra at saka mabilis na pumanaog ng bahay. Nagtaka si
Ibarra. Itinuloy ang pagsunog sa mga mahahaagang papeles at dokumento.

TALASALITAAN SIMBOLISMO
•Nagkukumahog – nagmamalabis
•Nangangatal – nanginginig
KABANATA 55
ANG PAGKAKAGULO

• Oras ng hapunan pero nagdahilan si Maria na wala siyang ganang kumain. Kaya niyaya niya
ang kaibigan ni Sinangsa piyano. Nagbulungan silang dalawa habang palakad lakad si Pari
Salvi sa loob ng bulwagan. Hindi mapakali si si Maria sa paghihintay nilang magkaibigan ang
pagdating ni Ibarra. Kasalukuyan kumakain noon ang argos na si :Linares at isinadasal nilang
umalais na ang "multong" si Pari Salvi. Nakatakdang dumating sa ikawalo ng gabi si Ibarra.
Ika-walo rin ng gabi ang nakatakdang paglusob sa kumbento at sa kwartel. Nang sumapit ang
ikawalo, napaupo sa isang sulok ang pari samantalang ang magkaibigan ay hindi malaman ang
gagawin. Nang tumugtog ang kampana, silang lahat ay tumindig upang magdasal. Sya
namang pagpasok ni Ibarra na luksang luksa ang suot. Tinangkang lapitan ni Maria ang
kasintahan ngunit biglang umalingawngaw na lamang ang sunod sunod na putok. Napapatda
si Ibara, hindi makapagsalita. Ang Kura naman ay nagtago sa likod ng haligi. Ang mga tao sa
bahay ni Kapitan Tiyago ay nakakarinig ng puro putokan, sigawan at pinagbuhan sa may
kumbento. At mga nagsisikain na kumedor ay biglang pumasok at panay na
‘tulisan…tulisan…Si Tiya Isabal ay panay ang dasal samantalang ang magkaibigan ang
nagyakapan. Si Ibarra ay walang tinag sa kinatatayuan. Nagpatuloy ang putukan atsilbatuhan
kasabay ng pagsasara ng mga pintuan at bintana ng biglaan. Nang mawala ang putukan,
pinapanaog ng alperes ang kura. Inakala ng mga nasa bahay na nasugatan ng malubha sa pari
Salvi. Tiniyak ng alperes na wala ng panganib kaya lumabas na sa pinagtataguan ang kura,
nanaog ito. Si Ibara ay nanaog din. Pinasok naman ni Tiya Isabel ang magkaibigan sa silid.
Hindi nagkausap si Ibarra at Maria, basta nagpatuloy nalamang sa paglakad ng binata,
mabilis. Napadaan siya sa hanay ng mga sibil na naka bayoneta pa. Sa may bandang tribunal,
nangingibabaw ang tinig ng alperes sa pagtatagubilin sa kapitan na wag niyang pabayaan
makatakas ang mga nahuling lumusob.

• TALASALITAAN SIMBOLISMO
•Balaraw – panghiwa, panaksak
•Humihiging – di tiyak ang naririnig
KABANATA 56
ANG MGA SABI
AT KURO-KURO
• Hanggang sa kinabukasan sakmal pa rin ng takot ang buong bayan ng San Diego. Ni isa
mang tao ay walang makitang naglalakad sa gitna ng daan. Tahimik na tahimik ang buong
paligid. Pamaya-maya, isang bata ang naglakas loob na magbukas ng bintana at inilibot ang
paningin. Dahil sa ginawa ng bata, nagsisunod ang mga iba na magbbukas ng bintana. Ang
mga magkakapit-bahay ay nagbalitaan. Lubhang kalagim-lagim daw ang nagdaang gabi tulad
noong mandambong si Balat. Sa kanilang pag-uusap, lumilitaw na si Kapitan Pablo raw ang
sumalakay. Ipinapalagay naman ng iba na ang mga kuwadrilyero raw kaya dinakip si Ibarra.
Ang mga lalaki ay nagpunta naman sa kuwartel at sa may tribunal. Lumitaw pa sa usapan ng
mga tao na tinangka raw ni Ibarra na itanan ang kasintahang si Maria upang hindi matuloy
ang pakikipag-isang dibdib niya kay Linares. Kaya lang sinansala ni Kapitan Tiyago ang
kanilang pagtatanan sa tulong ng mga sibil. Samantala, nakausap ni Hermana Pute ang isang
lalaking kagagaling lamang sa tribunal. Sinabi nitong nagtapat na si Bruno. Pinatunayan nito
ang balita tungkol sa magkasintahang sina Ibarra at Maria. Sa ngitngit daw ni Ibarra, pati
simbaha’y nais niyang paghigantihan, mabuti na lamang at nasa bahay ni Kapitan Tiyago si
Pari Salvi. Ang mga sibil daw ang sumunog sa bahay ng binata. May isang utusang babae
naman ang nagpahayag na nakita niyang nakabitin sa ilalim ng puno ng santol si Lucas.

• TALASALITAAN SIMBOLISMO
• Balaraw – panghiwa, panaksak
• Humihiging – di tiyak ang naririnig
• Ibinunton – itinumpok
• Malamlam – malabo
• Sulingin – nagugulumihanang lakarin
KABANATA 57
Vae Victus! Sa Aba ng Mga
Manlulupig
• Balisa ang mga sibil na nasa kwartel. Panay ang kanilang pagbabanta sa mga batang sumisilip
sa puwang ng mga rehas upang tingnan ang mga nadakip. Naroroon ang alperes, direktorsillo,
Donya Consolation at nag kapitan na halatang malungkot. Bago mag-ikasiyam dumating ang
kura at wala sa loob na naitanong niya sa alperes sina Ibarra at Don Filipo. Kasunod niya ang
isang parag batang umiiyak at duguan ang salawal. Hinarap sa kura ang dalawang tanging
buhay na nabihag ng mga sibil. Tarsilo Alasigan ang tunay na pangalan ni Tarsilo. Pilit siyang
tinatanong kung kaalam si Ibarra sa nasabing paglusob. Ngunit, iginigiit din niyang walang
kamalay-malay si Ibarra sapagkat ang ginawa ay upang ipaghiganti ang kanilang amang
pinatay sa palo ng mga sibil. Dahil dito, iniutos ng alperes na dalhin si Tarsilo sa limang
bangkay, ito ay umiling. Nakita niya ang kanyang kapatid na si Bruno sa tadtad ng saksak, si
Pedro na asawa ni Sisa at ang kay Lucas na may tali pang Lubid sa leeg. Dahil sa patuloy itong
walang immik kahit sa sunod-sunod ang pagtatanong sa kanya. Nagpuyos sa galit ang alperes.
Iniutos na paluin ng yantok si Tarsilo hanggang sa magdugo ang buong katawan nito. Hindi
maoakanta si Tarsilo, kaya ito ay ibinalik sa bulwagan. Nadatnan niya ang isang bilanggo ring
nagpapalahaw sa iyak at tumatawag sa mga santo. Ipinasino kay Tarsilo ang dinatnan. Sinabi
niyang nuong lamang niyua nakita. Dahil dito, muli siyang pinalo hanggang sa mabalot ng
dugo ang buong katawan. Hindi nakayanan ng kura ang gayong tanawin kaya lumabas siya sa
bulwagan na namumutla. Nakita ng kura ang isang dalagang parang nagbibilang ng mga
naririnnig sa loob ng tribunal, humahalinghing at nanananghoy ng malakas. Ang babaing ito
ay ang kapatid na dalaga nina Bruno at Tarsilo. Samantala, nang di mapansin si Tarsilo, lalong
nagngitngit ang alperes. Binulungan pa siya ni Donya Consolacion na lalong pahirapan ang
binata. Pero, hiningi na lamang ni Tarsilo na madaliin ang kanyang kamatayan. Walang
makuhang anumang impormasyon at di mapaamin si Tarsilo kaya ito ay itinimba sa isang
balong nakakabaligtad ng sikmura ang tubig at amoy. Kung ilang bese ibinulusok ang katawan
ni Tarsilo sa balon. Hindi niya natagalan ang pagpapahirap hanggang sa takasan siya ng
hininga sa gayong uri ng kalupitan. Nang matiyak na patay na si Tarsilo ang binalingan naman
ay ang isa pang bilanggo.
KABANATA 58
ANG SINUMPA

• Tuliro at balisa ang mga pamilya ng mga bilanggo. Sila ay pabalik-balik sa kumbento, kuwartel
at tribunal. Ngunit, hindi sila makapagtamo ng luna sa kanilang mga inilalakad. Palibhahsa wala
silang kilalang malakas at makakapitan na makakatulong upang palayain ang kanilang kaanak na
bilanggo. May sakit ang kura at ayaw na lumabas ng kanyang silid at ayaw daw itong makipag-
usap kahit kanino. Ang alperes naman ay nagdagdag ng mga bantay upang kulahatin ang mga
babaingh nagsusumamo sa kanaya. Ang kapitan naman ay lalong nawalan ng silbi. Nakakapaso
ang sikat ng araw, ngunit ang mga babae ay ayaw umalis. Palakad-lakad umiiyak ang mag-ina ni
Don Filipo. Inusal-usal naman ni Kapitana Tinay ang pangalan ng kanyang anak na si Antonio.
Si Kapitana Maria naman ay pasilip-silip sa rehas upang tignan ang kambal niyang anak. Ang
biyenan ni Andong ay nanduroon din at walang gatol na ipinagsasabio na kaya raw hinuli si
Andong ng mga sibil ay dahil sa bago nitong salawal. Amy isang babae naman ang halos
mangiyak-ngiyak na nagsabing si Ibarra ang may pakana at kasalanan ng lahat. Ang suro ng
paaralan ay kasama-sama rin ng mga tao. Samantalang si Nol Juan ay nakaluksa na sapagkat
ipinalagay niyang wala ng kaligtasan si Ibarra. Mag-iikalawa ng hapon ng dumating ang isang
kariton na hila ang isang baka. Tinangka ng mga kaanak ng mga bilanggo na sirain at kalagan
ang mga hayop na humihila sa kariton. Pero, ipinagbawalan sila ni Kapitana Maria at sinabing
kapag ginawan nila iyon, mahihirapan sa paglakad ng kanilang ka-anak ng bilanggo.

• TALASALITAAN SIMBOLISMO
•Gapusin – itali
•Inusal-usal – binabanggit-banggit
•Nagisnan – nakita
•Nakakapaso – sobrang init
KABANATA 59
PAG-IBIG SA BAYAN

• Ang ginawang pagluson ng mga naapi o sawimpalad ay nakarating at napalathala sa mga


diyaryo sa Maynila. Iba rin ang balitang nagmula sa kumbento. Iab-iba ang estilo ng mga
balitang lumaganap. At ang pang-unawa sa mga ito ay batay sa talas ng isip, kuro-kuro,
damdamin at paniniwala. Ang mga tauhan ng kumbento ay higit na naliligalig. Ang mga
provincial ay palihim na nagdadalawan at gumagawa ng mga pagpapanayam hinggil sa nangyari.
Ang ilan naman ay nagpunta sa palasyo at naghahandog ng tulong sa pamahalaang nasa
panganib. Nabanggit pa nga na na maging ang munting heneral o generalillo daw MAG-
AGUERO ay napagkuro ang kahalagahan ng korporasyon. Samantala, ipinagbubunyi naman si
Pari Salvi at sinabing ito ay karapat-dapat na bigyan ng isang mitra. Sa ibang kumbento naman
ay iba ang pinag-uusapan. Ang mga nag-aaral daw sa mga heswita sa Ateneo ay lumalabas na
nagiging pilibustero. Sa isang bahay naman sa Tundo, hindi mapakali si Kapitan Tinong dahil
minsan ito ay nagpakita ito ng kagandahang loob kay Ibarra. Kaya panay ang sisi sa kanya ng
asawang si kapitana Tinchang. Ang kanilang dalawang anak na dalaga ay sa isang tabi lamang at
di umiimik. Nasabi pa ni Tinchang na kung siya ay naging lalaki lamang, disin sana ay haharap
siya sa Kapitan-Heneral at ihahandog nito ang kanyang paglilingkod laban sa mga
manghihimagsik. Malapit ng mabanas ng husto si Tinong sa kakulitan ng asawa nang dumating
ang kanilang pinsan si Don Primitivo. Ito ay isng lalaking may edad at mahilig magsasalita ng
Latin. Siya ay ipinasundo ni Tinchang upang hingan ng payo sapagkat marunong itong
mangatwiran. Kaagad na nag-umpisa ng pagsasalita si Tinchang pagkakita sa pinsa. Ayon sa
kanya, pinakain ni Tinong si Ibarra sa kanilang bahay at niyukuran pa niya ito nang makita sa
may tulay ng Espanya sa gitna ng maraming tao at sinabing sila magkaibigan.

• TALASALITAAN SIMBOLISMO
•Di-mapakali – balisa, di-mapalagay
•Kumbento – simbahan
KABANATA 60
IKAKASAL NA
SI MARIA CLARA
• Tuwang-tuwa si Kapitan Tiyago sapagkat hindi siya nahuli o natanong man lamang. Hindi rin siya
nakuryente o nabilanggo sa ilalim ng lupa. Dahil dito, siya ay nagpamisa sa Mahal na Birhen sa
Antipolo, Birhen del Rosario at sa Birhen del Carmen. Kung hindi naimbita si Kapitan Tiyago ng
pamahalaan, masamang kapalaran naman ang dumapo kay Kapitan Tinong. Tulad ng karamihan siya
ay inimbitahan ng pamahalaan. Di nakabuti ito sa kanya ang ‘paglalakbay’ sa ibat-ibang tanggapan nito
sapagkat ng siya ay lumabas. Siya ay may sakit, putlain, namamanas at di palaimik. Hindi na rin siya
bumaba ng bahay, dahil nangangamba itong baka batiin siya ng isang pilibustero. Alam ni Tiyago ang
ganitong sinapit ni Tinong. Dumating sa bahay ni Tiyago si Linares at ang mag-asawang de Espadaña
na kapwa itinuring na pangkat ng makapamahalaan. Sinarili ni Donya Virtorina ang usapan. Sinabi na
kung babarilin si Ibarra, iyon ang nararapat sapagkat siya ay isang pilibustero. Bagama’t namumutla at
mahina si Maria, kanyang hinarap ang mga bisita. Humantong ang usapan tungkol sa pagpapakasal
nina Maria at Linares. Nagkayarian din na magpapapista si Tiyago. Sinabihan niya si Tiya Isabel na
kung ano ang nasa loob ni Maria tungkol sa napipinto nitong pakikipag-isang dibdib. Sa wari, desidido
na si Tiyago na ipakasal si Maria sapagkat nakini-kinita niyang siya’y maglalabas-masok sa palasyo sa
sandaling maging manugang niya si Linares. Si Linares ang tagapayo ng Kapitan Heneral, kaya’t
inaakala ni Tiyago na siya ay kaiinggitan ng mga tao. Kinabukasan, ang bulwagan ni Tiyago ay puno ng
mga bisitang kastila at intsik. Nangunguna sa mga ito si Pari Salvi, Pari Sibyla, ilang pransiskano at
dominikano, ang alperes na ngayon ay tinyente at may grado ng komandante, ang mag-asawang de
Espadaña, si Linares na nagpatihuli ng dating at si tenyente Guevarra ng mga sibil. Mangyari pa, ang
paksa ng mga babae ay si Maria na kahit malungkot siya ay magalang na tinanggap ang mga bisita.
Sinabi ng isang babae na maganda nga raw si Maria, pero ito raw ay tanga naman. Kayamanan lang
daw habol ni Linares. Sinabi rin na marunong daw siya sa buhay sapagkat kaya siya ikakasal dahil
bibitayin ang unang katipan ni Ibarra. Sa narinig ni Maria lalo siyang nasaktan at naghirap ang
kalooban. Iniwan niya ang mga babaing nag-uusap.

• TALASALITAAN SIMBOLISMO
•Inilahad – ipinahayag, sinabi
•Lulan – sakay
•Nahihibang – nababaliw
KABANATA 61
ANG BARILAN SA LAWA

• Habang mabilis na sumasagwan si Elias, sinabi niya kay Ibarra na itatago siya sa bahay ng
isang kaibigan sa Mandaluyong. Ang salapi ni Ibarra na itinago niya sa may puno ng balite sa
libingan ng ninuno nito ay kanyang ibabalik upang may magamit si Ibarra sa pagpunta nito sa
ibang bansa. Nasa ibang lupain daw ang katiwasayan ni Ibarra at hindi nababagay na
manirahan sa Pilipinas, dahil ang buhay niya ay hindi inilaan sa kahirapan. Inalok ni Ibarra na
magsama na lang sila ni Elias, tutal pareho na sila ng kapalaran at magturingan na parang
magkapatid. Pero, tumanggi si Elias. Nang mapadaan sila sa tapat ng palasyo, napansin nilang
nagkakagulo ang mga bantay. Pinadapang mabuti ni Elias si Ibarra at tinakpan ng maraming
damo. Nang mapadaan sila sa tapat na polvorista, sila’y pinatigil at tinanong ng bantay si Elias
kung saan ito nanggaling. Ipinaliwanag ni Elias na siya’y galing ng Maynila at rarasyunan niya
ng damo ang hukom at ang kura. Kumbinsido ang bantay sa paliwanag ni Elias kaya
ipinatuloy niya ito sa pagsasagwan at pinagbilinan na huwag magpapasakay sa bangka
sapagkat katatakas pa lamang ng isang bilanggo. Kung mahuhuli raw ito ni Elias, siya ay
bibigyan ng gantimpala. Inilarawan ng bantay ang bilanggong tinutukoy ay nakalebita at
mahusay magsalita ng Kastila. Nagpatuloy sa pagsasagwan si Elias. Lumihis sila ng landas.
Pumasok sila sa may ilog-Beatang inawit ni Balagtas upang akalaing siya ay taga-Peñafrancia.
Itinapon ni Elias ang mga damo sa pampang, kinuha ang isang mahabang kawayan at ilang
bayong at sumige sa pagsagwan. Nagkuwentuhan muli sina Elias at Ibarra. Nakalabas na sila
sa ilog-Pasig

• TALASALITAAN SIMBOLISMO
•Babariling-ibon – madaling patayin
•Ikinubli – itinago
•Itatwa – talikuran
•Nakatutulig – nakabibingi
KABANATA 62
ANG PAGTATAPAT
NI PADRE DAMASO
• Umaga, hindi pansin ni Maria ang maraming regalo na nakabunton sa itaas ng hapag.
Ang mga mata niya ay nakapako sa diyaryong nagbabalita tungkol sa pagkamatay o
pagkalunod ni Ibarra. Pero, hindi naman binabasa ni Maria ang Diyaryo. Pamaya-
maya dumating si Pari Damaso na hinilingan kaagad ni Maria na sirain ang
kasunduan ng kanyang kasal kay Linares at pangalagaan ang kapakanan ng ama.
Sinabi ni Maria na ngayong patay na si Ibarra walang sinumang lalaking kanyang
pakakasalan. Dalawang bagay na lamang ang mahalaga sa kanya, ang kamatayan o
ang kumbento. Napagmuni ni Pari Damaso na pinaninindigan ni Maria ang kanyang
sinabi, kaya humingi ito ng tawad sa kanya. Napahagulgol pa ito ng malakas habang
binibigyan diin niya ang walang kapantay na pagtingin kay Maria. Wala siyang nagawa
kundi pahintulutan na pumasok sa kumbento si Maria kaysa piliin nito ang
kamatayan. Umalis si Pari Damaso na sakbibi ng lumbay. Tumingala ito sa lagit at
pabulong na sinabing totoo ngang may Diyos na nagpaparusa. Hiniling niya sa
Diyos na siya ang parusahan at huwag ang walang malay niyang anak na
nangangailangan ng kanyang pagkalinga. Damdam na damdam ng pari ang
kasiphayuang dinaranas ni Maria.
• TALASALITAAN SIMBOLISMO
• Himutok – daing
• Inosente – walang malay
• Magpapatiwakal – magpapakamatay
• Malagim – nakakatakot, nakapanghihilakbot
• Misteryo – himala

You might also like