You are on page 1of 2

Grade 9

Ikaapat na Markahan
Noli Me Tangere

Aralin 41 - Dalawang Panauhin


Buod ng Aralin
Samantala, nang makauwi sa bahay si Ibarra ay halos hindi siya dalawin ng antok. Iniisip
niya ang kaguluhang naganap kaya’t minabuti niyang gumawa na lamang sa kanyang aklatan. Una
siyang dinalaw ni Elias at sinabi nitong may sakit si Maria Clara at kung may ipagbibilin ba si Ibarra
dahil pupunta siya sa Batangas. Sumunod na dumalaw sa kanya si Lucas na nagungulit sa kanya
tungkol sa perang makukuha ng kanyang pamilya dahil sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Sinabi
nitong maaari lamang silang maging magkaibigan ni Ibarra kung malaki ang perang ibabayad ni
Ibarra para sa kanyang namatay na kapatid.

Aralin 42 - Ang Mag-asawang De Espadanya


Buod ng Aralin
Madarama mo ang lungkot ng mga tao sa bahay ni Kapitan Tiyago habang hinihintay nila
ang doctor na titingin kay Maria Clara, si Dr. Tiburcio de Espadanya , ang asawa ni Donya Victorina.
May kakaiba at kakatwang kuwento ang buhay ng mag-asawa bago pa nila napagkasunduang
magpakasal at sa pagsasalaysay ng kanilang kuwento masasalamin mong hindi sila masaya sa
kanilang pag-iisang dibdib. Ang dahilan ng kanilang pagpapakasal ay upang matugunan ang
kanilang magkaibang pangangailangan. Sa pagdating ni Don Tiburcio kasama ang kanyang
maybahay ay binigyan nila ng pag-asa ang pamilya ni Maria Clara upang maibsan ang kanilang
kalungkutan.

Aralin 43 - Mga Balak


Buod ng Aralin
Si Padre Damaso ay labis na nabalisa sa pagkakasakit ni Maria Clara. Naibsan panandalian
ang kanyang pagkabalisa nang ipakilala sa kanya ni Donya Victorina si Alfonso Linares, ang inaanak
ng bayaw ni Padre Damaso. May liham na dala si Linares para kay Padre Damaso. Habang sila ay
nag-uusap ay siya namang pagdating ni Lucas na pakaraang masabi ang sadya ay sinigawan at
pinagtabuyan ni Padre Salvi.
Aralin 44 - Ang Pangungumpisal
Buod ng Aralin
Nabinat si Maria Clara matapos mangumpisal. Nag-usap-usap ang mga tao sa bahay ni
Kapitan Tiyago upang lubusang gumaling ang dalaga. Magkaiba ang opinyon ni Padre Salvi at
Donya Victorina, ngunit sa huli ang hatol ng kura ang nanaig---mangongomunyon ang dalaga. Nang
gabing iyon ay nagumpisal si Maria Clara, may kakaibang napuna ang nagbabantay sa malayo na si
Tiya Isabel. Umalis si Padre Salvi nang nakapaniim ang mga labi. Ang pangungunot at pamimigta
sa pawis ng kanyang noo ay tila nagsasabing siya ang nangumpisal at hindi napatawad.

Aralin 45 - Ang mga Api


Buod ng Aralin
Hinanap ni Elias sa gitna ng kabundukan ang isang matandang lalaking tumulong sa kanya
ilang buwan na ang nakalilipas. Ang lalaking ito ay si Pablo na kasalukuyang nagtatago dahil
itinuring siyang rebelde ng pamahalaang Espanyol. Ibinahagi ni Pablo kay Elias ang mapait na
pinagdaanan niya at ng kanyang pamilya. Hinimok siya ni Elias na magbagong-buhay at
pinangakuang kakausapin ang isang lalaking mayamang pinaglilingkuran niya na sa tingin niya ay
makatutulong sa kanilang mga api. Bagama’t may duda si Pablo ay nanalig siya kay Eliaas.

Sulatin Mo!

1. Ano ang mabisang paraan upang ipaglaban ang karapatan?


2. Sa iyong palagay, ano ang mabisang gamot sa sakit na dulot ng pagkalungkot?
3. Anong aral sa buhay ang natutuhan mo mula sa kabanata 43?
4. Bakit mahalagang pakiharapan nang maayos ang sinumang panauhin?

You might also like