You are on page 1of 3

Balisa at di makatulog si Ibarra dahil sa nangyari sa dula.

Dumating si
Elias upang ipabatid na may sakit si Maria. Tinanong nito ang binata
kung may nais sabihin sa dalaga bago dalhin sa Batangas.

Isinalaysay din ni Elias kung paano huminto ang kaguluhan. Kilala niya
raw ang dalawang nanggulo at napahinto dahil na rin sa pakiusap niya.

Nagbihis si Ibarra at pupunta sa bahay ni Kapitan Tiago. Nakasalubong


niya sa daan ang kapatid ng lalaking madilaw na yumao sa
paghuhugos ng unang bato sa paaralan, si Lucas. Kinukulit nito si
Ibarra sa perang makukuha sa pagkamatay ng kapatid.

Sinagot siya ni Ibarra na sa susunod na lamang sila mag-usap dahil


pupunta siya sa maysakit. Nangulit si Lucas ngunit tinalikuran lang siya
ni Ibarra.

Sumama ang tingin ni Lucas kay Ibarra. Napabulong ito na apo raw
talaga ng matandang nagpahirap sa ama ni Lucas itong si Ibarra. Pero
magkakasundo pa rin daw sila basta magbayad si Ibarra.

Aral – Kabanata 42
May mga taong kayang kalimutan ang paninidigan at ipinaglalaban
para lamang sa pera. Para sa kanila, may katumbas na halaga ang
kanilang desisyon at pananaw sa buhay.
Sa kabanata na ito ipinakilala ang tatlong katauhan nina Don Tiburcio,
Donya Victorina at Linares. Sila ang mga karakter na puno ng
pagkukunwari at kasinungalingan.

Ang dating tahanan ni Kapitan Tiyago na masaya at maingay ay


napalitan ng lungkot at katahimikan. Ang mga bintana ay nakapinid
upang harangan ang hangin na makapasok sa silid ng maysakit na si
Maria Clara.

Tahimik na nag-uusap tungkol sa mga santo at santa ang mag-pinsan


na Tiago at Isabel nang biglang dumating ang mga hinihintay na
panauhin. Sila ang mag -asawang Tiburcio at Victorina, kasama ang
binatang si Linares.

Si Don Victorino ay kilala bilang isang doktor na espesyalista sa lahat


ng uri ng karamdaman. Ngunit ang katotohanan siya ay isang huwad
na manggagamot. Sa katunayan ay minsan na siyang nakulong dahil sa
kanyang kasinungalingan.

Sa kabila nito ay napakalaki pa rin ang tiwala ni Tiyago sa huwad na


doktor dahil sa mga mapaglinlang na pananalita ng asawa na si Donya
Victorina.

Aral – Kabanata 44
Ang mundo ay puno ng mga taong huwad at mapagbalatkayo. Maging
mapanuri at mabusisi upang sa huli ay hindi magsisisi.

You might also like