You are on page 1of 18

Tata Selo

ni Rogelio R. Sikat Maliit lamang sa simula ang kulumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit nang tumaas ang araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay napuno na ang bakuran ng bahay-pamahalaan. Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May nakaalsang putok sa noo. Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. Kupas ang gris niyang suot, may mga tagpi na ang siko at paypay. Ang kutod niyang yari sa matibay na supot ng asin ay may bahid ng natuyong putik. Nasa harap niya at kausap ang isang magbubukid, ang kanyang kahangga, na isa sa nakalusot sa mga pulis na sumasawata sa nagkakaguluhang tao. Binabawi po niya ang aking saka, sumbong ni Tata Selo. Saan pa po ako pupunta kung wala na akong saka? Kumumpas ang binatang mayaman. Hindi katwiran iyan para tagain mo ang kabesa. Ari niya ang lupang sinasaka mo. Kung gusto ka niyang paalisin, mapaaalis ka niya anumang oras. Sa pagkakahawak sa rehas, napabaling si Tata Selo. Nakita niya ang isang batang magbubukid na na nakalapit sa istaked. Nangiti si Tata Selo. Narito ang isang magbubukid, o anak-magbubukid, na maniniwala sa kanya. Nakataas ang malapad na sumbrerong balanggot ng bata. Nangungulintab ito, ang mga bisig at binti ay may halas. May sukbit itong lilik. Mag-iikapat na ng hapon. Padahilig na ang sikat ng araw, ngunit mainit pa rin iyon. May kapiraso nang lilim sa istaked, sa may dingding sa steel matting, ngunit si Tata Seloy wala roon. Nasa init siya, nakakapit sa rehas sa dakong harapan ng istaked. Nakatingin sitya sa labas, sa kanyang malalabo at tila lagi nang nag-aaninaw na matay tumatama ang mapulang sikat ng araw. Sa labas ng istaked, nakasandig sa rehas ang batang inutusan niya kangina.

Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa kanila, lahat, ay! ang lahat ay kihuan na sa kanila...

Kabanata XXXIII Malayang Kaisipan Buod

Panauhin ni Ibarra si Elias. Hiningi ni Elias sa binata na ipaglihim nito ang pagbibigay niya ng babala sa kanya. Isapa, si Elias ay nagbabayad lamang ng utang na loob sa kanya. Ipinaliwanag din niya na dapat pa ring mag-ingat si Ibarra sapaglkat sa lahat ng dako ito ay mayruong kaaway." Batas ng buhay ang di pagkakasundo. Lahat tayoy may kalaban, mula sa pinakamaliit na kulisap hanggang sa tao; mula sa pinakadukha hanggang sa lalong mayaman at makapangyarihan," pagdidiin pa ni Elias. Ang mga kaaway ni Ibarra ay naglilipana sa halos lahat ng lugar, dahil sa kanyang mga ninuno at ama na nagkaroon don ng mga kagalit, dahil na rin sa kanyang balak na pagpapatayo ng paaralan. Isa sa mga kaaway ni Ibarra ay ang taong madilaw. Umanoy narinig ni Elias ang taong madilaw ng sinundang gabi nakikipag-usap sa di kilalang tao at sinabing "hindi kakanin ng isda ang isang ito (Ibarra) tulad ng kanyang ama, makikita ninyo."

Kabanata XXXIV Ang Pananghalian Buod

Ang mga kilalang tao sa San Diego ay magkaharap na nanananghalian sa isang malaking hapag. Nakaluklok sa magkabilang dulo ng mesa sina Ibarra at ang alkalde. Nasa bandang kanan ni Ibarra si Maria at nasa kaliwa naman ang eskribano. Sa magkabilang panig naman nakaluklok sina Kapitan Tiyago, kapitan ng bayan, mga prayle, kawani at kaibigang dalaga ni Maria. Ganadong kumain ang lahat ng makatanggap ng telegrama sina Kapitan Tiyago, siyay kaagad na umalis. Darating ang Kapitan Heneral at magiging panauhin ni Kapitan Tiyago sa kanyang bahay. Hindi nasasabi sa kable, kung ilang araw na mananatili ang Kapitan Heneral sapagkat ito umano ay mahilig sa bagay-bagay na kataka-taka. Kung saan napasuot ang usapan ng mga kumakain. Ang hindi pag-imik ni Pari Salvi, ang hindi pagdating ni Padre Damaso, kawalan ng kaalaman ng mga magbubukid ng kobyertos at kung anong kurso ang ipapakuha nila sa kanilang mga anak.

Kabanata XXXV Mga Usap-usapan Buod

Ang mga pangyayaring namagitan kina Ibarra at Padre Damaso ay madaling kumalat sa buong San Diego. Sa mga usapan, hindi matukoy kung sino ang may katwiran sa dalawa. Nagkakaisa ang lahat na kung naging matinpi si Ibarra, hindi sana nangyari ang gayon. Pero, ikinatwiran ni Kapitan Martin na walang makapigil kay Ibarra sapagkat wala itong kinatatakutang awtoridad. Handa ang binata na dungisan ang kamay nito sa sinumang lumapastanganan sa kanyang ama. Dahil sa maagap na pagsansala ng kanyang itinanggi at minamahal na si Maria. Kaya, hindi niya itiniloy ang balak na kitlan hininga si Padre Damaso. Ipinapalagay naman ni Don Filipo na hinihintay daw ni Ibarra na tulungan siya sa taumbayan bilang pagtanaw ng utang na loob sa kabutihang nagawa niya at ng kanyang ama. Nanindigan naman ang kapitan ng bayan na wala silang magagawa sapagkat laging nasa katwiran ang mga prayle. Ang ganito, anang Don Filipo ay nangyayari sapagkat hindi nagkakaisa at watak-watak ang mga taumbayan samantalang ang mga prayle at mayayaman ay nagkakabuklod-buklod.

Kabanata XXXVI Ang Unang Suliranin Buod

Isang malaking gulo ang nangyayari sa bahay ni Tiyago dahil sa hindi inaasahang pagdating ng Kapitan-Heneral. Si Maria ay panay ang pagtangis at hindi pinakikinggan ang payo ng kanyang ale at ni Andeng. Paano nga, pinagbawalan si Maria ng kanyang ama na makipag-usap kay Ibarra habang hindi pa inaalis ang eskomonyon sa binata. Saglit na umalis si Kapitan Tiyago sapagkat pinapupunta ito sa kumbento. Pinatuloy na inaalo naman ni Tiya Isabel si Maria sa pagsasabing susulat sila sa Papa at magbibigay ng malaking limos. Madali namang mapapatawad si Ibarra sapagkat nawalan lamang ng ulirat si Padre Damaso. Si Andeng ay nagboluntaryong gagawa ng paraan para magkausap ang magkasintahan.

Kabanata XXXVII Ang Kapitan-Heneral Buod

Pagkadating ng Kapitan-Heneral, ipinahanap niya kaagad si Ibarra. Samantala, kinausap muna niya ang binatang Taga-Maynila na nagkamaling lumabas habang nagsesermon sa misa si Padre Damaso. Ang paglabas ng binata sa simbahan ay ikinagalit ni Damaso. Namumutla at nginig ang buong katawan ng binata ng pumasok siyang kausapin ng Heneral. Ngunit, ng lumabas na ito, nakangiti na siya. Ito ay tanda ng mabuting ugali ng Kapitan-Heneral;. Mayroon siyang panahon basta sa katarungan. Pagkalabas ng binata, ipinapasok na ng kagawad ang mga reverencia na sina Pari Sibyla,Pari Martin,Pari Salvi at iba pang mga prayle. Yumuko ang mga ito at nagbigay galang sa HeneralDahil hindi kasama si Padre Damaso, hinanap siya ng heneral. Sinabi nina Pari Sybila at Pari Salvi na may sakit ang hinahanap. Ang sumunod na nagbigay galang sa heneral ay sina kapitan tiyago at Maria.
Kabanata XXXVIII Ang Prusisyon Buod

Ang nakakatulig na paputok at sunod-sunod na pagdupikal ng mga batingaw ay nagbabadyang inilabas na ang prusisyon. Ang mga binata na halos lahat ay mayroong dalang sinding parol. Kasamang naglalakad ni Kapitan Heneral ang mga kagawad, si Kapitan Tiyago, ang alkalde, ang alperes at si Ibarra at patungo sa bahay ng kapitan. Nagpatayo ang kapitan ng isang kubol sa harap ng kanyang bahay upang pagdausan ng pagbigas ng tulang papuri o loa sa pintakasi ng bayan. Kung hindi lamang sa imbitasyon ng Kapitan Heneral, mas gusto ni Ibarra na manatili na lamang sa tahanan ni Kapitan Tiyago upang makasama niya si Maria.

Kabanata XXXIX Si Donya Consolacion Buod

Kahit na napatapat ang prusisyon sa bhay ni Donya Consolacion ay pinid na pinid. Nang umagang iyon, ang asawa na alperes at paraluman ng mga guwardiya sibil ay hindi nakapagsimba. Paano hindi siya pinayagang lumabas ng kanyang asawa. Ikinahihiya ng alperes ang katawa-tawang pagdadamit nito. Ang kanya namang amoy katulad ng kalaguyo ng mga guwardiya sibil. Pero, para sa sarili ni Donya Consolacion siya ay higit pa ngang maganda kaysa kay Maria Clara.

Ang ipinagpuputok pa ng damdamin ng Donya bukod sa siya ay hindi pinayagang lumabas ng bahay ay ang pangyayaring sobra kung alipustain at murahin siya ng alperes. Suklam na suklam ang Donya at iniisip kung paano makapaghiganti. Ang pagdili-dili niya ay nakapagbigay sa kanyang ng ibayong ngitngit.

Kabanata XL Ang Karapatan at Lakas Buod

Mag-iikasampu na ng gabi ng paisa-isang sindihan ang mga kuwitis. Ang huling pailaw ay parang bulkan habang ang daan ay naliliwanagan ng luces de Bengala na siyang nagsisilbing ilaw sa mga taong naglalakad patungo sa liwasang bayan. Malaki ang entabladong pagdarausan ng dula. Ang nangasiwa sa palabas ay ang Tinienti Mayor na si Don Filipo sapagkat ang Kapitan ay nasa sugalan. Kausap ng Tiniente si Pilosopong Tasyo at nakasentro ang kanilang pag-uusap na nagbibitaw na ang Don sa kanyang tungkulin. Dangat nalamang hindi tinanggap ng alkalde ang pagbibitiw nito. Saglit naputol ang pag-uusap ng dalawa ng dumating si Maria Clara kasama ang mga kaibigan. Kasunod nilang dumating ang kura at ilang kastila. Isa-isa silang inihatid sa upuan ng tiniente.
Kabanata XLI Dalawang Dalawa Buod

Dahil sa nangyari hindi dalawin mg antok si Ibarra, kaya naisipan nitong gumawa sa kanyang laboratoryo. Pamaya-maya pumasok ang kanyang utusan at sinabing mayroon siyang panauhing taga-bukid. Pinapatuloy niya ito ng hindi man lamang lumilingon. Ang kanyang panauhin ay si Elias. Tatlo ang pakay ni Elias sa pagpunta niya kay Ibarra. Una, ay upang ipaalam na nilalagnat o may sakit si Maria Clara. Ikalawa, magpapaalam na siya kay Ibarra sapagkat nakatakda siyang magtungo sa Batangas at ikatlo, itatanong niya sa binata kung wala itong ipagbibilin sa kanya. Hinangad ni Ibarra ang maluwalhating paglalakbay ni Elias.

Kabanata XLII Ang Mag-asawang De Espadaa Buod

Malungkot sa bahay ni Kapitan Tiyago sapagkat may sakit si Maria. Pinag-uusapan ng magpinsang Tiya Isabel at Kapitan Tiyago kung alin ang mabuting bigyan ng limos, ang krus sa Tunasan na lumaki, o ang krus sa Matahong na nagpapawis. Nais malaman ni Tiyago kung alin sa dalawang ito ang higit na mapaghimala. Napagdesisyonan na parehong bigyan ng limos ang dalawang ito upang gumaling kaagad ang karamdaman ni Maria. Natigil ang pag-uusap ng magpinsan nang mayroong tumigil sa harap ng bahay. Ang dumating ay sina Dr. Tiburcio de Espadana, na inaanak ng kamag-anak ni Pari Damaso at tanging kalihim ng lahat ng ministro sa Espanya.
Kabanata XLIII Mga Balak o Panukala Buod

Tuloy-tuloy si Padre Damaso sa kamang kinahihigan ni Maria at luhaang sisnabi sa "Anak ko, hindi ka mamamatay."Nagtaka si Maria sa nakitang anyo ng pari. Ang mga nakakakilala sa prayle ay halos hindi rin makapaniwala na ang paring may magaspang na ugali at matipunong anyo ay mayroon palang gayong kalambot na damdamin ng pari. Tumindig si Pari Damaso at nagpunta sa silong ng balag sa ilalim ng balkkonahe at umiyak na parang batang ibunulalas ang lahat ng sama ng loob. Dahil dito, nasabi ng lahat na talagang mahal na mahal ng pari ang inaanak na si Maria.

Kabanata XLIV Pagsusuri sa Budhi Buod

Nabinat si Maria pagkatapos na makapagkumpisal. Sa kanyang pagkahibang walang sinasabing pangalan kundi ang pangalan ng kanyang inang hindi man lamang nakikilala.Siya ay binabantayang mabuti ng kanyang mga kaibigang dalaga. Si Tiyago naman ay nagpamisa at nangako na magbibigay ng tungkod na ginto sa Birhen ng Antipolo. Unti-unti namang bumaba ang lagnat ni Maria. Takang-taka naman si Don Tiburcio sa naging epekto ng gamot na inireseta niya sa dalaga. Sa kasiyahan ni Donya Victorina hindi niya nilabnot ang pustiso ng asawa.

Kabanata XLV Ang mga Pinag-uusig Buod

Nagpunta sa Kagubatan si Elias at hinanap si Kapitan Pablo. Siya ay sinamahan ng isang lalaki sa yungib na tila nasa ilalim ng lupa. Nag makita ni Elias ang Matandang Pablo natatalian ang ulo ng isang bigkis na kayong may bahid ng dugo. Kayat na nagkilala silang dalawa. May anim na buwan na nang huli silang magkita. Noon, ayon Kay matandang Pablo siya ang naaawa Kay Elias. Subalit, ngayon nagkapalit sila ng puwesto. Si Elias ay malakas samantalang ang matanda ay sugatan at lugami sa hirap ng katawan at kalooban. May 15 araw na araw na naibalita kay Elias ang sinapit ni Kapitan Pablo. Katunayan, pinaghanap siya nito sa kabundukan ng dalawang lalawigan. At ngayon nga ay kanyang natagpuan.

Kabanata LVI Ang mga Sabi at Kuro-kuro Buod Hanggang sa kinabukasan sakmal pa rin ng takot ang buong bayan ng San Diego. Ni isa mang tao ay walang makitang naglalakad sa gitna ng daan. Tahimik na tahimik ang buong paligid. Pamaya-maya, isang bata ang naglakas loob na magbukas ng bintana at inilibot ang paningin. Dahil sa ginawa ng bata, nagsisunod ang mga iba na magbbukas ng bintana. Ang mga magkakapit-bahay ay nagbalitaan. Lubhang kalagim-lagim daw ang nagdaang gabi tulad noong mandambong si Balat. Sa kanilang pag-uusap, lumilitaw na si Kapitan Pablo raw ang sumalakay. Ipinapalagay naman ng iba na ang mga kuwadrilyero raw kaya dinakip si Ibarra. Ang mga lalaki ay nagpunta naman sa kuwartel at sa may tribunal. Lumitaw pa sa usapan ng mga tao na tinangka raw ni Ibarra na itanan ang kasintahang si Maria upang hindi matuloy ang pakikipag-isang dibdib niya kay Linares. Kaya lang sinansala ni Kapitan Tiyago ang kanilang pagtatanan sa tulong ng mga sibil. Kabanata XLVII Ang Dalawang Senyora Buod
Habang nakikipaglaban ang lasak ni Kapitan Tiyago, magkaakbay naman na namamasyal sina Donya Victorina at Don Tiburcio upang malasin ang bahay ng mga Indio. Ayon sa Donya pangit ang mga bahay ng mga Indio. Sa kanilang paglakad, nababanas siya ng husto kapag hindi nagpupugay sa kanila ang mga nakakasalubong. Dahil dito, inutos niya sa Don na mamalo ng sumbrero. Pero, tumanggi ang Don bunga raw ng kanyang kapansanan. Nang mapadaan ang Donya sa tapat ng bahay ng alperes nagkatama ang kanilang mga paningin. Parehong matalim. Tiningnan ng alperes ang Donya mula ulo hanngang paa, ngumuso at dumura sa kabila. Sinugod ng Donya ang alperes at nagkaroo

Kabanata XLVIII Ang Talinhaga Buod Dumating kinabukasan si Ibarra na gaya ng pagkakabalita ni Lucas sa magkapatid na Tarsilo at Bruno. Ang unang sinadya ng binata ay ang tahanan ni Kapitan Tiyago upang ibalita na siya ay hindi escomulgado at dalawin si Maria. May dala siyang sulat mula sa arsobispo na ibinigay nito sa kura at nagsasaad na inaalis na ang excomunion. Tuwangtuwa si Tiya Isabel, sapagkat boto siya kay Ibarra at ayaw din niyang mapangasawa ng kanyang pamangkin si Maria ang kastilang si Linares. Tinawag ni Isabel si Maria at pinatuloy si Ibarra. Kabanata XLIX Ang Tinig ng mga Pinag-uusig Buod Nang lumulan si Ibarra sa bangka ni Elias, waring ito ay hindi nasisiyahan. Kaya, kaagad na humingi ng paumanhin si Elias sa pagkagambala niya sa binata. Sinabi ni Ibarra ang dahilan, nakasalubong niya ang alperes at gusto nitong muli na magkausap. Dahil nagaalala siyang makita si Elias, nagdahilan na lamang siya. Nanghinayang naman ang binata ng sabihin ni Elias na di siya matatandaan ng alperes. Saglit na napabuntonghininga si Ibarra sapagkat biglang pumasok sa kanyang isip ang kanyang pangako kay Maria.

Kabanata L Ang mga Kaanak ni Elias Buod Isinalaysay ni Elias ang kanyang kasaysayan kay Ibarra upang malaman nito na siya ay kabilang din sa mga swimpalad.May 60 taon na ang nakakalipas, ang kanyang nuno ay isang tenedor de libros sa isang bahay- kalakal ng kastila.Kasama ng kanyang asawa at isang anak na lalaki, ito ay nanirahan sa Maynila.Isang gabi nasunog ang isang tanggapang pinaglilingkuran niya. Isinakdal ang kanyang nuno sa salang panununog. Palibhasay maralita at walang kayang ibayad sa abogado, siya ay nahatulan. Ito ay ipinaseo sa lansangan na nakagapos sa kabayo at pinapalo sa bawat panulukan ng daan. Buntis noon ang asawa, nagtangka pa ring humanap ng pagkakakitaan kahit na sa masamang paraan para sa anak at asawang may sakit. Nang gumaling ang sugat ng kanyang nuno, silang mag-anak ay namundok na lamang. Nanganak ang babae, ngunit hindi nagtagal namatay ito. Hindi nakayanan ng kanyang nuno ang sapin-saping pagdurusang kanilang natanggap. Nagbigti ito. Hindi ito naipalibing ng babae. Nangamoy ang bangkay at nalaman ng mga awtoridad ang pagkamatay ng asawa.Nahatulan din siyang paluin.Pero, ito ay hindi itinuloy at ipinagpaliban sapagkat dalawang buwan siyang buntis nuon. Gayunman, pagkasilang niya, ginawa ang hatol.

Kabanata LI Mga Pagbabago Buod Sakmal ng pagkabalisa at di pag-igmik si Linares sapagkat nakatanggap siya ng liham mula kay Donya Victorina na nagsasaad ng ganito: Mahal kong pinsan, Sa loob ng tatlong araw, kailangang malaman ko kung kayo ay magtuos ng alperes at naglaban. Kapag natapos na ang taning na ito at hindi mo pa siya nakakalaban ay, ipababatid ko kay kapitan Tiyago na ikaw ay di naging kalihim, hindi mo nabibiro si Canovas at hindi nakakasama ni Heneral Martinez sa anumang kasayahan. Ibubunyag ko rin ang iyong lihim kay Clarita (Maria) at hindi rin kita bibigyan ng salapi. Lahat ng magustuhan mo ay ibibigay ko basta kalabanin mo lamang ang alperes. Ako ay hindi tatanggap ng anumang paumanhin o dahilan.

Kabanata LII Ang Baraha ng Patay at ang mga Anino Buod Madilim ang gabi at malamig ang ihip ng hangin pumapaspas sa mga dahong tuyo at alikabok ng makipot ng daang patungo sa libingan. May tatlong anino na paanas na naguusap sa ilalim ng pinto ng libingan. Itinanong ng isa kung nakausap na niya ng kaharap si Elias. Hindi raw pero siguradong kasama ito sapagkat nailigtas na minsan ni Ibarra ang buhay nito. Tumugon ang unang anino na ito nga ay pumayag na sumama sapagkat ipapadala ni Ibarra sa Maynila ang kanyang asawa upang ipagamot. Siya ang sasalakay sa kumbento upang makaganti siya sa kura. Binigyang diin naman ng ikatlong anino na kasama ng lima lulusob sila sa kwartel upang ipakilala sa mga sibil na kanilang ama ay may mga anak na lalaki. Isa pa, sinabi ng alila ni Ibarra na sial ay magigng 20 na katao na. Saglit na huminto sa pagaasanan ang mga anino nang mabanaagan nilang may dumarating na isang anino na Kabanata LIII Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga Buod Kinabukasan ng umaga, kumalat ang balita tungkol sa mga ilaw na nakita sa libingan ng nakaraang gabi. Sa paniniwala ng mga puno ng mga kapatiranh ni San Francisco, may 20 ang nakita niyang kandila na sinindihan. Panaghoy at pahikbi naman ang narinig ni Ermana sipa kahit na malayo ang kanyang bahay sa libinga. Sa pulpito, binigyang diin naman ng kura sa kanyang sermon ang tungkol sa kaluluwa sa purgartoryo.

Ang usapan ay hindi nakaligtas sa matalas na paningin nina Don Filipo at Pilosopong Tasyo na ilang araw na ilang araw ngt naghihina. Nasabi ni Don na tinaggap ng alkade ang kanyang pagbibtiw sa tungkulin. Hindi namn mapakali si Tandang Asyo sapagkat naniniwala siyang ang pagbibitiw ay hindi nararpat at napapanahon. Sa panahon ng digmaan, anya, ang puno ay dapat na manatili sa kanyang tao. Sa pagiisip ni Pilosopong Tasyo. Ayon sa kanya, nag iba ang bayan na di na katulad noon na may 20 na taon na ang nakalipas. Ang nakaraan ay nagbigay ng aralin. Namamalas na nag naging bunga ng pagdayo sa Pilipinas ng mga Europeo at ang pagdayo naman ng mga kabataan sa Europa ay nadadma na rin .

Kabanata LIV Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang Di Nagkakamit ng Parusa Buod Orasyon. Pahangos na patungo ang kura sa bahay ng alperes. Ang mga taong gustong humalik sa kanyang kamay ay hindi niya pinapansin. Tuloy-tuloy na pumanhik ito ng bahay at malakas na tinwag ang alperes. Lumabas agad ang alperes kasunod ang asawang si Donya Consolacion. Bago makapag salita ang kura, inireklamo agad ng alperes ang mga kambing ng kura na naninira sa kanyang bakod. Sinabi naman ng pari na nanganganib ang buhay ng lahat. Katunayan, anya ay mayroong napipintong pag-aalsa na gagawin nang gabing iyon. Nalaman ito ng pari, anya sa pamamagitan ng isang babae na nangumpisal sa kanya na nagsabi sa kanya na sasalakayin ang kuwartel at kumbento. Dahil dito nagkasundo ang kura at alperes na paghandaan nila ang gagawing paglusob ng mga insurektos. Humingi ang kura ng apat na sibil na nakapaisana ang itatalaga sa kumbento. Sa kuwartel naman ay palihim ang pagkilos ng mga kawal upang mahuli nang mga buhay ang mga lulusob. Layunin nito na kanilang mapakanta ang sinumang mahuhuling buhay. Ika-walo ng gabi ang nakatakdang paglusob, kuna kaya nakini-kinita ng alperes at kura ang pag-ulan ng kurus at bituin sapagkat ganap silang nakahanda.

Kabanata LV Ang Pagkakagulo Buod Oras ng hapunan pero nagdahilan si Maria na wala siyang ganang kumain. Kaya niyaya niya ang kaibigan ni Sinangsa piyano. Nagbulungan silang dalawa habang palakad lakad si Pari Salvi sa loob ng bulwagan. Hindi mapakali si si Maria sa paghihintay nilang magkaibigan ang pagdating ni Ibarra. Kasalukuyan kumakain noon ang argos na si :Linares at isinadasal nilang umalais na ang "multong" si Pari Salvi. Nakatakdang dumating sa ikawalo ng gabi si Ibarra. Ika-walo rin ng gabi ang nakatakdang paglusob sa kumbento at sa kwartel. Nang sumapit ang ikawalo, napaupo sa isang sulok ang pari samantalang ang magkaibigan ay hindi malaman ang gagawin. Nang tumugtog ang kampana, silang lahat ay tumindig upang

magdasal. Sya namang pagpasok ni Ibarra na luksang luksa ang suot. Tinangkang lapitan ni Maria ang kasintahan ngunit biglang umalingawngaw na lamang ang sunod sunod na putok. Napapatda si Ibara, hindi makapagsalita. Ang Kura naman ay nagtago sa likod ng haligi. Ang mga tao sa bahay ni Kapitan Tiyago ay nakakarinig ng puro putokan, sigawan at pinagbuhan sa may kumbento. At mga nagsisikain na kumedor ay biglang pumasok at panay na tulisantulisanSi Tiya Isabal ay panay ang dasal samantalang ang magkaibigan ang nagyakapan. Si Ibarra ay walang tinag sa kinatatayuan. Nagpatuloy ang putukan atsilbatuhan kasabay ng pagsasara ng mga pintuan at bintana ng biglaan.

Kabanata LVI Ang mga Sabi at Kuro-kuro Buod Hanggang sa kinabukasan sakmal pa rin ng takot ang buong bayan ng San Diego. Ni isa mang tao ay walang makitang naglalakad sa gitna ng daan. Tahimik na tahimik ang buong paligid. Pamaya-maya, isang bata ang naglakas loob na magbukas ng bintana at inilibot ang paningin. Dahil sa ginawa ng bata, nagsisunod ang mga iba na magbbukas ng bintana. Ang mga magkakapit-bahay ay nagbalitaan. Lubhang kalagim-lagim daw ang nagdaang gabi tulad noong mandambong si Balat. Sa kanilang pag-uusap, lumilitaw na si Kapitan Pablo raw ang sumalakay. Ipinapalagay naman ng iba na ang mga kuwadrilyero raw kaya dinakip si Ibarra. Ang mga lalaki ay nagpunta naman sa kuwartel at sa may tribunal. Lumitaw pa sa usapan ng mga tao na tinangka raw ni Ibarra na itanan ang kasintahang si Maria upang hindi matuloy ang pakikipag-isang dibdib niya kay Linares. Kaya lang sinansala ni Kapitan Tiyago ang kanilang pagtatanan sa tulong ng mga sibil.

Kabanata LVII Vae Victus! Sa Aba ng Mga Manlulupig Buod Balisa ang mga sibil na nasa kwartel. Panay ang kanilang pagbabanta sa mga batang sumisilip sa puwang ng mga rehas upang tingnan ang mga nadakip. Naroroon ang alperes, direktorsillo, Donya Consolation at nag kapitan na halatang malungkot. Bago mag-ikasiyam dumating ang kura at wala sa loob na naitanong niya sa alperes sina Ibarra at Don Filipo. Kasunod niya ang isang parag batang umiiyak at duguan ang salawal. Hinarap sa kura ang dalawang tanging buhay na nabihag ng mga sibil. Tarsilo Alasigan ang tunay na pangalan ni Tarsilo. Pilit siyang tinatanong kung kaalam si Ibarra sa nasabing paglusob. Ngunit, iginigiit din niyang walang kamalay-malay si Ibarra sapagkat ang ginawa ay upang ipaghiganti ang kanilang amang pinatay sa palo ng mga sibil. Dahil dito, iniutos ng alperes na dalhin si Tarsilo sa limang bangkay, ito ay umiling.

Nakita niya ang kanyang kapatid na si Bruno sa tadtad ng saksak, si Pedro na asawa ni Sisa at ang kay Lucas na may tali pang Lubid sa leeg. Dahil sa patuloy itong walang immik kahit sa sunod-sunod ang pagtatanong sa kanya. Nagpuyos sa galit ang alperes. Iniutos na paluin ng yantok si Tarsilo hanggang sa magdugo ang buong katawan nito.

Kabanata LVIII Ang Sinumpa Buod

Tuliro at balisa ang mga pamilya ng mga bilanggo. Sila ay pabalik-balik sa kumbento, kuwartel at tribunal. Ngunit, hindi sila makapagtamo ng luna sa kanilang mga inilalakad. Palibhahsa wala silang kilalang malakas at makakapitan na makakatulong upang palayain ang kanilang kaanak na bilanggo. May sakit ang kura at ayaw na lumabas ng kanyang silid at ayaw daw itong makipag-usap kahit kanino. Ang alperes naman ay nagdagdag ng mga bantay upang kulahatin ang mga babaingh nagsusumamo sa kanaya. Ang kapitan naman ay lalong nawalan ng silbi.

Kabanata LIX Pag-ibig sa Bayan Buod

Ang ginawang pagluson ng mga naapi o sawimpalad ay nakarating at napalathala sa mga diyaryo sa Maynila. Iba rin ang balitang nagmula sa kumbento. Iab-iba ang estilo ng mga balitang lumaganap. At ang pangunawa sa mga ito ay batay sa talas ng isip, kuro-kuro, damdamin at paniniwala. Ang mga tauhan ng kumbento ay higit na naliligalig. Ang mga provincial ay palihim na nagdadalawan at gumagawa ng mga pagpapanayam hinggil sa nangyari. Ang ilan naman ay nagpunta sa palasyo at naghahandog ng tulong sa pamahalaang nasa panganib. Nabanggit pa nga na na maging ang munting heneral o generalillo daw MAG-AGUERO ay napagkuro ang kahalagahan ng korporasyon. Samantala, ipinagbubunyi naman si Pari Salvi at sinabing ito ay karapat-dapat na bigyan ng isang mitra.

Kabanata LX Ikakasal na si Maria Clara Buod Tuwang-tuwa si Kapitan Tiyago sapagkat hindi siya nahuli o natanong man lamang. Hindi rin siya nakuryente o nabilanggo sa ilalim ng lupa. Dahil dito, siya ay nagpamisa sa Mahal na Birhen sa Antipolo, Birhen del Rosario at sa Birhen del Carmen. Kung hindi naimbita si Kapitan Tiyago ng pamahalaan, masamang kapalaran naman ang dumapo kay Kapitan Tinong. Tulad ng karamihan siya ay inimbitahan ng pamahalaan. Di nakabuti ito sa kanya ang paglalakbay sa ibat-ibang tanggapan nito sapagkat ng siya ay lumabas. Siya ay may sakit, putlain, namamanas at di palaimik. Hindi na rin siya bumaba ng bahay, dahil nangangamba itong baka batiin siya ng isang pilibustero. Alam ni Tiyago ang ganitong sinapit ni Tinong.

Kabanata LXI Ang Barilan sa Lawa Buod

Habang mabilis na sumasagwan si Elias, sinabi niya kay Ibarra na itatago siya sa bahay ng isang kaibigan sa Mandaluyong. Ang salapi ni Ibarra na itinago niya sa may puno ng balite sa libingan ng ninuno nito ay kanyang ibabalik upang may magamit si Ibarra sa pagpunta nito sa ibang bansa. Nasa ibang lupain daw ang katiwasayan ni Ibarra at hindi nababagay na manirahan sa Pilipinas, dahil ang buhay niya ay hindi inilaan sa kahirapan. Inalok ni Ibarra na magsama na lang sila ni Elias, tutal pareho na sila ng kapalaran at magturingan na parang magkapatid. Pero, tumanggi si Elias.

Kabanata LXII Ang Pagtatapat ni Padre Damaso Buod Umaga, hindi pansin ni Maria ang maraming regalo na nakabunton sa itaas ng hapag. Ang mga mata niya ay nakapako sa diyaryong nagbabalita tungkol sa pagkamatay o pagkalunod ni Ibarra. Pero, hindi naman binabasa ni Maria ang Diyaryo. Pamaya-maya dumating si Pari Damaso na hinilingan kaagad ni Maria na sirain ang kasunduan ng kanyang kasal kay Linares at pangalagaan ang kapakanan ng ama. Sinabi ni Maria na ngayong patay na si Ibarra walang sinumang lalaking kanyang pakakasalan. Dalawang bagay na lamang ang mahalaga sa kanya,

Kabanata LXIII Ang Noche Buena Buod May isang kubo na yari sa balu-baluktot na sanga ng kahoy ang nakatayo sa libis ng isang bundok. Sa dampa ay mayroong nakatirang mag-anak na tagalog na nabubuhay dahil sa pangangaso at pangangahoy. Sa lilim ng isang puno mayroong isang matanda na gumagawa ng walis. Sa isang tabi naman mayroong isang dalaga na naglalagay ng mga itlog ng manok, gulay at dayap sa isang bilao. Sa di-kalayuan, may isang batang lalaki at batang babae ang naglalaro sa tabi ng isang payat at putlain. Ang batang nakaupo sa nakabuwal na kahoy ay si Basilio, may sugat ito sa paa. Inaaliw siya ng dalawang batang naglalaro. Nang utusan ng matanda ang apong dalaga na ipagbili ang mga nagawang walis, sinabi niya kay Basilio na may dalawang buwan na ang nakakaraan nang ito ay kanilang matagpuang sugatan at kalingain pagkatapos. Isinalaysay naman ang tungkol sa buhay nilang mag-anak. Kaya, nang ito ay magpaalam na uuwi na sa kanila, siya ay pinayagan ng matanda at ipinagbaon pa niya ng pindang na usa para sa kanyang inang si Sisa.

Kabanata LXIV Katapusan Buod

Magmula ng pumasok sa kumbento si Maria, nanirahan na si Padre Damaso sa Maynila. Di nagtagal, aiya ay inilipat ng padre provincial sa isang malayong probinsiya. Kinabukasan, siya ay nakitang bangkay sa kanyang higaan. Sa pagsusuri ng doktor, sama ng loob o bangungot ang sanhi ng kanyang ikinamatay. Sa kabilang dako, si Pari Salvi habang hinihintay niya ang pagiging obispo ay nanungkulan pansamantala sa kumbento ng Sta. Clarang pinasukan ni Maria Clara. Kasunod nito ay umalis na rin sa San Diego at nanirahan na sa Maynila. Ilang linggo naman bago naging ganap na mongha si Maria, si Kapitan Tiyago ay dumanas ng sapin-saping paghihirap ng damdamin, nangayayat ng husto, naging mapag-isip at nawalan ng tiwala sa mga kainuman. Pagkagaling niya sa kumbento, sinabihan niya si Tiya Isabel na umuwi na ito sa Malabon o sa San Diego sapagkat gusto na lamang mabuhay mag-isa. Ang lahat ng mga santo at santang kanyang pinipintakasi at nalimot na niya. Ang kanyang inaatupag ay ang paglalaro ng liyempo, sabong at paghitit ng marijuana. Madalas tuwing takip-silim ay makikita siya sa tindahan ng intsik sa Sto. Cristo. Di nagtagal, napapayaan niya ang kanyang katawan at kabuhayan. Ang kanyang dating marangyang tahanan ay mayroong nakasulat sa pintuan na: Fumadero Publico de Anfion. Ganap na siyang nalimot ng mga tao. Wala ni isa mang nakakaalala sa kanya, siya na isang tanyag at dating iginagalang.

Sa Tabi ng Dagat ni ILDEFONSO SANTOS Marahang-marahang Manaog ka, Irog at kata'y lalakad Maglulunoy katang Payapang-payapa sa tabi ng dagat Di na kailangang Sapinan pa ang paang binalat-sibuyas, Ang daliring garing Sa sakong na waro'y kinuyom na rosas! Manunulay kata Habang maaga pa, sa isan pilapil Na nalalatagab Ng damong may luha ng mga bituin; Patiyad na tayo Ay maghahabulang simbilis na hangin, Ngunit walang ingay, Hanggang sumapit sa tiping buhangin. Pagdating sa tubig, Mapapaurong kang parang nangingimi, Gaganyakin kata Sa nangaroong mga lamang - kati; Doon ay may tahong Talaba't halaang kabigha-bighani, Hindi kaya natin Mapuno ang buslo bago tumanghali? Pagdarapit-hapon Kata'y magbabalik sa pinanggalingan, Ugatan ang paa At sunog ang balat sa sikat ng araw Talagang ganoon; Sa dagat man, Irog, ng kaligayahan, Lahat, pati puso, Ay naaagnas ding marahang-marahan. By: johnpaul christian O.dela cruz III-Magnolia

Ang Pamana Ni Jose Corazon de Jesus Isang araw ang ina koy nakita kong namamanglaw Naglilinis ng marumit mga lumang kasangkapan. Sa pilak ng kanyang buhok na hibla na katandaan Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan; Nakita ko ang ina koy tila baga nalulumbay At ang sabi itong pyano sa iyo ko ibibigay, Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan, Mga silyat aparador ay kay Tikong nababagay Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman. Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa, Subalit sa aking matay may namuong mga luha Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa; Tila kami iiwan nat may yari nang huling nasa at sa halip na magalak sa pamanang mapapala, Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita Napaiyak akong tila isang kaawaawang bata Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika. Ang ibig ko sana, Inay ikaw aking pasiyahin at huwag nang Makita pang ikay Nalulungkot mandin, O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin? Wala naman, yaong sagot baka ako ay tawagin ni Bathala Mabuti nang malaman mo ang habilin? Iyang pyano, itong silyat aparador ay alaming Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw. Ngunit Inang, ang sagot ko, ang lahat ng kasangkapan Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan Ang ibig koy ikaw ina, ang ibig koy ikaw inang Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana koy ikaw Aanhin ko iyong pyano kapag ikaw ay mamatay At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay? Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman Pagkat di ka maaaring pantayan ng daigdigan Pagkat, ikaw O Ina ko, ikay wala pang kapantay.

Buod ng sinag sa karimlan?


May isangbinatang nagngangalang Tony na nakulong dahil sa pagnanakaw. Natuto siyang magnakaw dahil sa naospital ang ina at nagkasakit ang bunso nito na namatay rin. Sa kulungan ay kanyang nakasama sina Bok na nakulong dahil sa panghoholdap, si Doming na nakulong dahil sa pagpatay sa kaibigang tinaksilan siya at nagkarelasyon sa kanyang asawa, at si Erman na walang anak. Nakilala niya rin doon sina Miss Reyes na isang nars at napalapit sa kanya at si Padre Abena na nagtuturo sa kanya at nagsilbi na ring ama-amahan niya. Kinasusuklaman ni Tony ang kanyang ama na si Mang Luis. Ito ay dahil sa si Mang Luis ang kanyang sinisisi sa lahat. Nang binisita siya ng kanyang ama ay kanyang ipinalabas ang kanyang sama ng loob. Nagpaliwanag ang kanyang ama. Pinuntahan na rin nito ang kanyang ina na gumaling na pala at siya ay pinatawad nito. Kaya hinanap niya si Tony para humingi rin ng tawad. Hindi siya pinakinggan ni Tony. Kaya umalis na lang siya. Dumugo ang sugat ni Tony kaya ito ay ginamot ni Miss Reyes at pinagbilinan siya na huwag gumalaw. Kinausap ni Mang Luis si Padre Abena. Kinausap ni Padre Abena si Tony ngunit talagang ito'y galit na galit. Nang makita ni Miss Reyes si Tony ay kanya itong sinabihan kaya humingi ng tawad si Tony at tinanggap naman ito ni Miss Reyes. Sinabihan ni Padre Abena na kung si Miss Reyes nga ay nakapagpatawad e siya pa kaya.. Nakita ni Mang Luis ang mukha ni Tony na may luha kaya nilapitan niya ito. Niyapos, sinuyo at niyakap niya ng napakatagal ang anak.

Banyaga ni Liwayway Arceo?


Mula nang dumating is Fely kangina ay hindi miminsang narinig niya ang tanong na iyon na tila ngayon lamang siya nakita. Gayong umuuwi siya dalawang ulit sa isang taon - kung Araw ng mga Patay at kung Pasko. O napakadalang nga iyon, bulong niya sa sarili. At maging sa mga sandaling ito na wala nang kumukibo sa tumitingin sa kanya ay iyon din ang katanungang wari ay nababsa niya sa bawat mukha, sa bawat tingin, sa bawat matimping ngiting may lakip na lihim na sulyap. At mula sa salamin sa kanyang harapan ay nakita niya si Nana Ibang sa kanyang likuran. Hinahagod ng tingin ang kanyang kaanyuan. Matagal na pinagmasdan ang kanyang buhok Hindi ito makapaniwala nang sabihin niyang serbesa ang ipinambasa sa buhok niya bago iyon sinuklay. Nandidilat si Nana Ibang nang ulitin ang tanong. "Serbesa ba 'kama, bata ka, ha?" Nguniti siya kasabay ang mahinang tango. At nang makita niyang nangunot ang noo nito, idinigtong niya ang paliwanag. "Hindi masama'ng amoy, Nana." Ngayon, sa kanyang pandinig ay hindi nakaila sa kanya ang pagtuon ng tingin nito sa kanyang suot. Sa

leeg ng kanyang terno na halos ay nakasabit lamang sa gilid ng kanyang balikat at tila nanunuksong pinipigil ang pagsungaw ng kanyang malusog na dibdib. Sa kanyang baywang na lalong pinalantik ng lapat na lapat na saya. Sa laylayan naito na may gilit upang makahakbang siya. "Ibang-iba na ngan ngayon ang...lahat!" at nauulinigan niya ang buntung-hiningang kumawala sa dibdib ng matandang ale. Napangiti siya. Alam niyang iyonm din ang sasabihin ng kanyang ina kung nakabuhayan siya. Pati ang kanyang ama na hindi naging maligoy minsan man, sa pagkakaalam niya, sa pagsasalita. Iyon din ang narinig niyang sabi ng kanyang Kuya Mente. At ang apat niyang pamangkin ay halos hindi nakahuma nang makita siya kanginang naka-toreador na itim at kamisadentrong rosas. Pinagmasdan siya ng kanyang mga kanayon, mula ulong may taling bandanna, sa kanyang salaming may kulay, hanggang sa kanyang mag mapulang kuko sa paa na nakasungaw sa step-in na bukas ang nguso. "Sino kaya'ng magmamana sa mga pamangkin mo?" tanong ngayon ng kanyang Nana Ibang. "Ang panganay sana ng Kua mo...matalino..." "Sinabi ko naman sa Inso...ibigay na sa 'kin papapag-aralin ko sa Maynila. Nag-iisan naman ako. Ang hirap sa kanila...ayaw nilang maghiwa-hiwalay. Kung sinunod ko ang gusto ni Inang...noon...kung natakot ako sa iyakan..." Tumigil siya sa pagsasalita. Alam niyang hindi maikukubli ng kanyang tinig ang kapaitang naghihimagsik sa kanyang dibdib.

You might also like