You are on page 1of 4

Jaycee V.

Capuno
3rd Year BSIT

Noli Me Tangere
Kabanata XLV: Ang Pinag-uusig (Buod)
Ang ika-limang kautusan sa bibliya ang lubos na iniyakan ng dalagang si Maria Clara.
Sa paglipas ng araw ay unti-unti na ring humupa ang lagnat ni Maria. Nagalak ang lahat lalo na
si Victorina. Sinabi niya na kung hindi sa kanyang asawa ay namatay na si Maria. Agad naman
itong kinontra ni Padre Salvi, para sa kanya ay Diyos ang nagpagaling sa dalaga.
Pinayuhan ni Padre Salvi si Kapitan Tiyago na ihanda si Maria na makapagkumpisal upang siya
ay makapag-kumonyon. Ito raw ang kanyang kailangan upang tuluyang gumaling ang kanyang
karamdaman. Agad naman na tumalima ang huli.
Sa loob ng silid ni Maria ay pabulong niyang kinakausap ang kaibigan na si Sinang. Tinatanong
niya ang kalagayan ng kasintahan na si Ibarra. Pinagbilin niya dito ang mga mensaheng “sabihin
mo sakanya na huwag akong alalahanin”.
Naputol ang kanilang bulungan nang pumasok si Isabel upang ihanda siya sa pagsuri ng kanyang
budhi.
Mga Tauhan:
Maria Clara
Donya Victorina
Padre Salvi
Kapitan Tiyago
Sinang
Ibarra
Isabel
Tagpuan:
Simbahan
Pagpapaliwanag:
Si Maria Clara ay nagkasakit at pagkahupa nito ay ang lahat ay natuwa. Sinabi ni Donya
Victorina na malamang ay wala nang buhay si Maria kung hindi lang dahil sa kanyang asawa na
si Kapitan Tiyago, Ito naman ay hindi sinangayunan ni Padre Salvi dahil aniya ang Diyos ang
nagpagaling kay Maria. Pinayuhan nang Padre si Maria na mangumpisal dahil ito ang
makakapag pabilis ng kanyang pag galing. At sa loob ng silid ni Maria ay kinakamusta nito ang
kanyang kasintahan na si Ibarra sa pamamagitan ni Sinang.

Kabanata XLVI: Ang Sabungan (Buod)


Dito lubos na makikilala ang katauhan at katalinuhan ng pilotong si Elias.
Pagkalipas ng maraming araw ng paghahanap ay natunton din ni Elias ang pinagtataguan ni
Tandang Pablo. Siya ang matandang mayaman sa bayan na tumulong at nag-aruga sa pobreng si
Elias.
Si Tandang Pablo ay biktima ng karahasan ng mga mapang-aping dayuhan. Naubos ang lahat ng
kayang kabuhayan dahil sa pananamantala ng mga nasa poder. At ang pinakamasaklap, ay
pinatay ang lahat ng miyembro ng kanyang pamilya.
Si Pablo lang ang tanging nakaligtas, kaya siya nagtago dahil ang akala sa bayan ay patay na rin
siya. Madiin at matapang ang pasya ng matanda na isakatuparan na ang plinaplanong
rebolusyon, subalit hindi ito sinang-ayunan ni Elias.
Buong pagpapakumbaba na sinabi ni Elias na isantabi muna ang rebolusyon. Sa halip ay daanin
muna ang lahat sa diplomasya upang maiwasan ang pagdanak ng dugo at ng mga magiging
biktima ng kaguluhan.
Mga Tauhan:
Elias
Tandang Pablo
Tagpuan:
Sabungan
Pagpapaliwanag:
Sa tagal ng panahon ay nahanap ni Elias ang kumupkop sa kanya na si Tandang Pablo. Si
Pablo ay biktima ng karahasan ng mga dayuhan na kung saan ang kanyang mga pagaari at
sariling pamilya ay Nawala sa kanya. Nais nitong isakatuparan ang planong rebolusyon ngunit
sinaway ito ni Elias. Pinakiusapan ni Elias na isantabi muna ang rebolusyon upang maiwasan
ang kaguluhan at pagdanak ng dugo.

Kabanata XLVII: Ang Dalawang Senyora (Buod)


Habang nasa sabungan si Kapitan Tiago, magkaakbay namang namamasyal sina Don Tiburcio at
Donya Victorina. Tinitingan nila ang bahay ng mga Indio.
Nababalisa ang Donya kapag nagbibigay-pugay sa kaniya ang mga Indio. Inutusan niya ang
asawa na mamalo ng sombrero ngunit umayaw ito dahil sa kaniyang kapansanan.
Nang mapadaan ang dalawa sa bahay ng alperes, nagkatinginan sina Victorina at Consolacion.
Inistima nila ang isa’t isa at tinitigan mula ulo hanggang paa. Dumura pa sa harap ng bahay ng
alperes si Victorina na lalong ikinaasar nito.
Sumugod si Consolacion at nagsagutan ang dalawa. Nilait ni Victorina ang alperes habang
minaliit naman ni Consolacion ang kapansanan ni Tiburcio. Pumasok sa bahay at kumuha ng
latigo si Consolacion ngunit inawat na ang dalawa ng kanilang mga asawa.
Narinig ng buong bayan ang away. Inutusan ni Consolacion ang asawa na barilin ang Don
habang si Victorina naman ay inutusan ang asawang barilin din ang alperes. Pero tumanggi ito at
nahablot ang pustiso ng asawa.
Bumalik na sa bahay ni Tiago ang mag-asawa. Nagdadadaldal ang Donya sa nangyari.
Nagpahatid naman si Maria Clara sa silid habang inaabot ni Tiago ang bayad niya sa mag-asawa
at umalis na ang mga ito.
Mga Tauhan:
Kapitan Tiago
Don Tiburcio
Donya Victoriana
Mga Indio
Consolacion
Alperes
Maria Clara
Tagpuan:
Sabungan, Bahay ng Alperes
Pagpapaliwanag:
Si Don Tiburcio at Donya Victorina ay namasyal habang tinitignan ang mga bahay ng
mga indio. Ang Donya ay nairita sa pagbibigay pugay ng mga indio kaya inutusan niya ang
kanyang asawa na mamalo ng sombrero ngunit ito ay tumanggi. Napadaan ang dalawa sa bahay
ng Alperes at nagkatitigan sina Victorina at Consolacion. Ang dalawa ay nagalitan at nagsagutan
at ito ay narinig ng buong bayan. Pagbalik ng mag-asawa sa bahay ng kapitan ay nagdaldal ang
Donya sa nangyari. Si Maria naman ay nagpahatid sa silid.

Kabanata XLVIII: Ang Talinghaga (Buod)


Dumalaw si Ibarra sa bahay ni Kapitan Tiago upang dalawin si Maria. Ibinalita niya rin dito ang
pagkakatanggal niya bilang eksokuminikado. Gayunman, napalitan ang saya ni Ibarra nang
makita niya sina Maria at Linares na masayang nag-aayos ng mga bulaklak.
Nagulat ang binatang si Linares habang namutla naman si Maria Clara. Nais sanang tumayo ng
dalaga para pumunta kay Ibarra ngunit hindi pa siya lubusang magaling. Nakipagkuwentuhan
naman siya kay Maria ngunit umalis din agad.
Magulo ang isip ni Ibarra dahil sa nakita. Napadaan siya sa ipinatatayong paaralan. Nakita niya
si Nol Juan at ibinalita rito na tanggap na siyang muli ng simbahan.
Nakita niya si Elias na abala sa paghahakot ng bato at kariton. Ipinag-utos ni Ibarra kay Nol Juan
na kunin ang mga talaan ng obrero.
Inaya ni Elias si Ibarra na mamangka upang doon pag-usapan ang isang mahalagang bagay.
Pumayag siya at naiabot naman ni Nol Juan ang talaan. Nakita niyang wala roon si Elias.
Mga Tauhan:
Ibarra
Kapitan Tiago
Maria Clara
Ibarra
Linares
Nol Juan
Elias
Tagpuan:
Bahay ni Kapitan Tiago
Pagpapaliwanag:
Si Ibarra ay dumalaw sa bahay ng kapitan upang dalawin si Maria at binalita nito ang
kanyang pagkawala sa eksokumunukado. Si Linares at Maria ay nagulat nang makita si Ibarra.
Nakita ni Ibarra si Nol Juan nang siya ay pauwi at ibinalita nito na tanggap na siya muli ng
simbahan. Nakita niya na abala si Elias sa paghahakot ng bato at karton at inaya ni Elias si Ibarra
na mamangka upang doon sila magusap.

You might also like