You are on page 1of 2

KABANATA 56.

Ang Kapahamakan

TALASALITAAN.
humihiging – di tiyak ang naririnig
balaraw – panghiwa; panaksak
malamlam – malabo
sulingin – nagugulumihanang lakarin
ibinunton – itinumpok

TAGPUAN
• Bahay ni Kapitan Tiyago
• Kagubatan
• Bahay ni Ibarra

TAUHAN.
Mahahalaga:
Crisostomo Ibarra Nabanggit/Di gaanong mahalaga:
Elias Maria Clara
Tiya Isabel
Kapitan Tiyago
Linares
Padre Salvi
Mga Ninuno ni Elias
Mga Katulong ni Ibarra
MAHAHALAGANG PANGYAYARI.
1. Sa oras ng hapunan ay may kanya-kanyang ginagawa ang bawat isang
naroon.
2. Nang mag-ikawalo na ng gabi ay pinamununan ni Padre Salvi. Dumating si
Ibarra na halos di pa natatapos ang dasal. Sasalubungin sana ni Maria Clara
si Ibarra ngunit biglang umalingawngaw ang maraming mga putok mula sa
labas.
3. Paluhod at umiiyak na nagdasal si Tiya Isabel ng Kyrie Eleison
samantalang inialay ni Kapitan Tiyago ang atay ng manok na nasa kanyang
tinidor sa Birhen sa Antipolo.
4. Dumating ang alperes, tumatakbo’t sumisigaw siya sa pagtawag kay Padre
Salvi. Inakala ng mga naroon na lubhang nasugatan ang alperes at nais
mangumpisal, pero nais lang niyang palabasin si Padre Salvi sa
pinagtataguan niya dahil wala ng panganib.
5. Pinapasok ni Tiya Isabel sina Maria at Sinang sa kuwarto at pinigil niya si
Ibarra sa pag-alis pero lumabas pa rin si Ibarra. Nagmamadali siyang umuwi
at balisang naghihintay sa kanya ang mga katulong.
6. Tatlong sunud-sunod na katok ang narinig niya at nang malaman niya
kung sino ang kumakatok ay ikinasa niya ang kanyang baril pero nagbago
siya ng isip at binuksan ang pinto.
7. Gulung-gulo ang isip ni Elias nang magtatakbo siyang palayo sa bahay ni
Ibarra. Naguni-guni niya ang sinapit ng kanyang angkan.
8. Bumalik siya sa kabayanan at tinungo ang bahay ni Ibarra. Narinig niya
mula sa mga katulong ang nangyari kay Ibarra, dahil dito ay nilukso niya ang
pader sa may likuran ng bahay upang mapasok ito.
9. Binunton ni Elias ang mga damit at papeles ni Ibarra, binuhusan ng gas
mula sa lampara at sinindihan. Ipinasok niya sa isang sako ang ilang sandata
at ang larawan ni Maria Clara. Siya namang pagdating ng mga guardia civil
para samsamin ang mga papeles ni Ibarra.
10. Nilamon ng apoy ang bahay at napilitang umurong ang mga guardia civil.

ARAL.
• Sa mga oras ng biglang kagipitan ay dapat nating matutuhang
gumawa ng mabilisang solusyon.
• Ang tunay na pagtanaw ng utang na loob ay hindi nasasakluban ng
anumang kondisyon.

KAUGNAYAN SA KASALUKUYAN.
Ang pag-aresto at paghalughog sa bahay nang walang warrant, gaya ng
ginawa kay Ibarra ay itinuturing na hindi makatwiran.

ABANGAN SA SUSUNOD NA KABANATA...


Kabanata 57 – ANG MGA SABI-SABI
Tunghayan natin ang mga palagay ng mamayan ukol sa naganap na putukan
kinagabihan. Walang naging mabuting palagay ang mga tao sa pangyayari.
Napabalitang may isang lalaking may pilat na nagbigti. Tinungo ni Elias ang
kumbento para magpamisa sa isang malapit nang mamatay.

You might also like