You are on page 1of 2

Kabanata 54

Ipinakikilala ng umaga ang magandang araw

Mga tauhan:

Mahalaga; Mga nabanggit:

Pilosopong tasyo Mga manang ng San Diego

Don Filipo Batang lalaking nagpapastol

Sister Sipa Padre Salvi

Sister Rufa Crisosotomo Ibarra

Tagpuan:

Bayan ng San Diego (malapit sa simbahan)

Mga mahlagang pangyayari:

1. Madaling kumalat ang balita sa buong bayan na maraming ilaw ang nakita sa libingan ng
nakaraang gabi.

2. Sabi ng puno ng mga manang na dalawampung kandila ang nakasindi noong gabi.

3. Ayon kay Sister Sipa ay may narinig siyang umiiyak at nagbubuntong-hininga kahit malayo
ang kanyang bahay sa sementeryo.

4. Ikinuwento naman ni Sister Rufa ang mga kaluluwang kanyang napapanaginip.

5. Isang batang lalaking nagpapastol ang nagsabing isang ilaw at dalawang lalaki lamang ang
naroon nung gabi. Kamuntik na tuloy siyang magulpi.

6. Ang kura ay minsan pang nagmisa tungkol sa purgatoryo; at minsan pang lumabas ang mga
piso upang ipagpamisa ang mga namatay.

7. Napag-usapan naman ni tandang Tasyo at Don Filipo ang pagre-“resign “ng huli.

8. Napag-usapan din ang pag-unlad na sinasang-ayunan ng mga Heswita at hinahangaan sa


Pilipinas, bagama’t 300 taon na itong luma sa mga bansa sa Europa.

9. Ipinasabi ni Tasyo kay Don Filipo na kailangan niyang makausap si Ibarra tungkol sa isang
mahalagang bagay, ilang araw pa’y mamatay na siya.

10. Lumabas sa silid si Don Filipo na maysakit at malungkot na nag-iisip.

Aral:

• Ang paglikha ng mga sabi-sabing hindi totoo ay isa lamang panlilinlang at nagdudulot lamang
ng pagkakagulo.

• May hangganan ang buhay ng tao, at kailangan nating matutunang gamitin ito ng matuwid
habang tayo ay nabubuhay pa.

• Hindi dapat pinipigil ang pag-unlad ng iba sapagkat ipinapahamak lamang nito ang taong iyon
at ang mga taong may kaugnayan sa kanya.

Kaugnayan sa kasalukuyan:
• Likas sa ating mga Pilipino ang makinig sa mga sabi-sabi o tsismis, ngunit sa kaugaliang ito
nakakalimutan na nating pahalagahan ang katotohanan.

• Madalas naisisiwalat ang kasinungalingan upang maipagmalaki ang sarili sa iba. Gaya ng mga
pulitiko na mahilig mag-endorso sa sarili ngunit wala namang nagagawa para sa bayan.

• Sa panahon ngayon ang nagsisiwalat pa ng katotohanan ang siyang napapahamak. Ang mga
kaunti at natatanging makatotohanang tao sa lipunan ang siya pang napaparusahan dahil sa
pagsasabi ng totoo.

You might also like