You are on page 1of 22

Noli Me Tangere

Kabanata I – X

Presented by: Capistrano Group


Kabanata I: ISANG PAGTITIPON
• Mga Tauhan : Kapitan Tiago, Tiya Isabel, Padre Damaso,
Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, Dr. Tiburcio de Espadaña,
Donya Victorina de Espadaña, Dalawang paisano
• Tagpuan: Sa Tahanan ni Don Santiago delos Santos o mas
kilala bilang si Kapitan Tiago.
• Aral: Makikta sa kabanatang ito ang hindi magandang pag-
uugali ng ilang Pilipino. Katulad ni Padre Damaso na
mapangutya sa mga Pilipino, ngunit siya pala mismo ay
mayroong mga katiwaliang ginagawa. Madalas, ang mga
taong mapangdusta sa iba ay mas marumi pa sa mga
inaakusahan nila.
Kabanata I: Isang Pagtitipon

• Isang gabi ay nagkaroon ng marangyang handaan sa bahay ni Kapitan Tiago upang magsilbing
salubong kay Crisostomo Ibarra na kagagaling lang sa Europa.
• Ang pinsan ni Kapitan Tiago na si Tiya Isabel ang taga-istima ng mga bisitang dumarating.
Magkakahiwalay ang mga panauhing babae at lalaki.
• Ilan sa mga panauhing dumating ay sina Padre Sibyla, Padre Damaso, dalawang paisano, si
Tinyente Guevarra, at ang mag-asawang sina Dr. Tiburcio de Espadaña at Donya Victorina.
• Ang bawat grupo sa mga panauhin ay may kanya-kanyang paksa upang ilabas ang kani-
kanilang saloobin, makipag-tagisan ng kuro-kuro, at humanap ng papuri.
• Ilan sa mga napag-usapan ay ang mga Indio o ang mga Pilipino; ang pagkakaalis ni Padre
Damaso sa Parokya ng San Diego kahit na matagal itong nagsisilbi doon; ang monopolyo ng
tabako, mga pulbura at armas, at marami pang iba.
Kabanata II: SI CRISOSTOMO IBARRA

• Mga Tauhan: Crisostomo Ibarra, Kapitan Tiago,


Padre Damaso, Tinyente Guevarra, Kapitan Tinong,
at iba pang mga panauhin sa pagtitipon
• Tagpuan: Sa isang bulwagan na pinangyarian ng
pagsalu-salo sa bahay ni Kapitan Tiyago.
• Aral: Huwag maging magaspang ang pag-uugali.
Hindi lahat ng tao ay maaaring pagkatiwalaan.
Kung minsan kung sino pa ang pinagkakatiwalaan
mo ng labis ay sila pa ang magpapabagsak sa iyo
kalaunan.
Kabanata II: Si Crisostomo Ibarra
• Pinakilala ni Kapitan si Ibarra bilang anak ng isang kakilala na nag-aral sa Europa.
Tinangkang kamayan ni Ibarra ang prayle ngunit agad itong tumalikod.
• Matalik na kaibigan ng ama ni Ibarra si Padre Damaso. Dahil sa biglang pagtalikod ng
prayle ay nakaharap siya sa Tenyente na kaninang nagmamasid sa kanila ni Ibarra.
• Nag-usap si Ibarra at Tinyente na nagsabing ikinagagalak nila na makita siya sa kasiyahan.
Halos mangiyak-iyak sa tuwa ang Tenyente habang nag-uusap kay Ibarra.
• Aniya, kilala ang ama ni Ibarra sa kanyang ubod ng kabaitan. Nang nalaman ito, napawi g
binata ang masamang hinala nito sa masamang hinala ng pagkamatay ng kanyang ama.
Nang malapit nang maghapunan, inanyaya ng Kapitan si Ibarra ng pananghalaian
kinabukasan.
Kabanata III: ANG HAPUNAN
• Mga Tauhan : Crisostomo Ibarra, Padre Damaso, Padre
Sibyla, Tinyente Guevarra, Donya Victorina, Kapitan Tiago,
at iba pang mga panauhin sa salu-salo
• Tagpuan: Ang kabanatang ito ay naganap sa tahanan ng
mga Delos Santos na kung saan naghanda ng hapunan
si kapitan Tiyago una para sa pagbabalik ni Crisostomo
Ibarra at ikalawa bilang pasasalamat sa mahal na birheng
Maria.
• Aral: Huwag magmataas. Mag-ingat sa mga salitaang
binibitawan dahil maari itong makasakit ng damdamin ng
mga tao.
Kabanata III: Ang Hapunan
• Lumapit na sa hapagkainan ang mga panauhin. Galit na galit si Padre Damaso at sinipa niya ang lahat na mga
silya na madadaanan hanggang sa nasiko niya ang isang kadete na walang magawa kung hindi tumahimik.
• Dahil sa pagitgitan, nagalit si Donya Victorina dahil sa may nakaapak sa kanyang kasuotan na isang teniente.
Pinagsabihan niya ito at agad naman humingi ng tawad ang teniente.
• Sa hapagkainan, nag-agawan sa kabesera ang dalawang pari na si Padre Damaso at Padre Siblya. Nagbulahan
pa ang dalawa kung sino talaga ang karapat dapat na maupo sa ulohan ng mesa. At sa huli, si Padre Siblya ang
naupo sa kabesera dahil sa kadahilanan na siya ang kura sa lugar.
• Ipinahain na ni Kapitan Tiago ang handang tinolang manok sa kanya-kanyang bisita. Natuwa ang bawat isa sa mga
natanggap na mga parte ng manok maliban kay Padre Damaso. Dahil sa pagkadismaya maingay niyang binitawan
ang mga kutsara, at padabog na itinulak ang mga pinggan.
• Habang kumakain ang lahat, napag-usapan naman nila ang tungkol sa buhay ni Ibarra. Ikinuwento naman ni Ibarra
ang kanyang pagkawala sa bansa ng 7 taon para makipagsapalaran sa Europa. Biglang sumulpot sa usapan si
Padre Damaso, at nagmayabang siya ng kanyang mga nalalaman. Dahil sa nasabi ng Fransican, nagdesisyon si
Ibarra na umalis sa Hapunan. Pinigilan siya ni Kapitan Tiago ngunit hindi ito nagpatinag.
• Matapos ang Hapunan, nagsulat agad ang binata na may pulang buhok ang tungkol sa Estudios Coloniales: “Kung
paano nakasira sa kasiyahan ng isang piging ang isang leeg at isang pakpak ng manok sa samplatong tinola ng
isang fraile.”
Kabanata IV: EREHE AT PILIBUSTERO
• Mga Tauhan : Crisostomo Ibarra, Tinyente Guevarra, Don Rafael
IbarraArtilyerong Kastila, Mga mapang-asar na bata, Padre
Damaso, at Mga lihim na kaaway ni Don Rafael Ibarra
• Tagpuan: Lansangan  kung saan bummili ang bata ng sobetes.
Piitan- kung saan ikinulong si Don Rafael Ibarra. Liwasang
Binondo - lugar na binalikan ni Crisostomo Ibarra na wala pa ring
pagbabago.
• Aral: Sa kabanatang ito ay makikita natin na hindi lahat ng
nakakulong ay may kasalanan. Nakakaawa ang sinapit ng mga
tulad ni Don Rafael Ibarra. Hindi lahat ng pinakitaan mo ng
pagiging mabuti at matulungin ay iyong maaasahan sa oras ng
pangangailangan. Ang pagkamainggitin ay nakakasira ng
magandang relasyon sa kapwa. Kadalasan, inggit din ang dahilan
kaya nasisira ang buhay ng iba.
Kabanata IV: Erehe at Pilibustero
• Kinabukasan, matapos ang piging, nag-ikot naman si Ibarra sa kaniyang bayan. Bumalik
ang kaniyang mga alaala sa bawat tanawing nakikita lalo na nang makarating sa bundok
ng Liwasan.
• Alam ni Ibarra sa kaniyang sarili na wala namang malaking pagbabago sa kaniyang bayan.
• Nagpatuloy ang kaniyang pagmumuni-muni at naisip niya ang napag-usapan nila ng
tinyente tungkol sa kaniyang yumaong ama.
• Kahit na nagpadala ng liham ang kaniyang amang si Don Rafael na huwag itong mag-alala
noon, hindi naman ito ang naging kapalaran ng ama.
• Napabilanggo ito dahil marami ang sumasama ang loob sa kaniya lalo na ang mga
baluktot ang paniniwala. Mapapalaya naman sana si Don Rafael ngunit yumao ito nang
biglaan.
Kabanata V: PANGARAP SA GABING
MADILIM

• Mga Tauhan : Crisostomo Ibarra, Kapitan Tiyago, Maria


Clara, Donya Victorina, Padre Salvi, at Ang mga bisita sa
pagdiriwang
• Tagpuan: sa fonde de lala(hotel sa maynila)
• Aral: Sa kabila ng mga pinagdaraanan sa buhay, laging
mayroong isang bituin na sumisimbolo sa bagong pag-asa.
Kahit may pagsubok na hinaharap, mayroon namang mga
rason para mahanap ang kagandahan ng buhay. Maging
matatag sa dagok ng buhay. Huwag susuko sa mga
problema.
Kabanata V: Pangarap Sa Gabing
Madilim
• Nagtungo si Ibarra sa kaniyang tinutuluyan sa Maynila kapag uuwi siya rito, ang Fonda de
Lala. Dumungaw siya sa bintana dahil may nairnig siyang magandang tunog gawa ng
orchestra.
• Napansin niya ang mga nagtatanghal na binata at mga dalaga na maysuot na magarang
damit. Nabaling naman ang kaniyang atensiyon sa napakagandang si Maria Clara.
• Hindi naman ito nakapagtataka dahil marami talaga ang humahanga sa kaniya. Nahulog
ang loob ni Ibarra sa dalaga.
• Ngunit ang kaniyang damdamin ay biglang nag-iba nang maibaling ang atensiyon sa
batang Pransiskano na payat at namumutla.
• Tila wala namang pakialam si Padre Sybila at panay lamang ang tingin sa mga dalaga.
Kabanata VI: SI KAPITAN TIYAGO

• Mga Tauhan : Kapitan Tiago, Pia Alba, Padre


Damaso, Don Rafael Ibarra, Tiya Isabel, Maria
Clara, Crisostomo Ibarra
• Tagpuan: Ito ay naganap sa bayan ng San Diego.
• Aral: Hindi mababago ng pera o ng anumang uri
ng kapangyarihan ang pagkatao ng isang nilalang,
magbihis ka man ng ginto sa loob ay tanso ka pa
rin.
Kabanata VI: Si Kapitan Tiyago
• Si Kapitan Tiyago ay nag-iisang anak ng isang negosyante ng asukal sa bayan ng Malabon.
Nakapagtapos siya ng pag-aaral sa lohika sa tulong ng isang Dominikong kaibigan na kanyang
pinaglingkuran.
• Isang tipikal na Pilipino kung ilalarawan ang kaanyuan ni kapitan Tiyago. Ang kanyang hugis ng
katawan at maging ang buong pisikal nitong katangian ay hindi maikakaila na siya nga ay isang Indio.
• Isang dalaga mula Sta Cruz ang napangasawa ni Kapitan Tiyago, siya ay si Donya Pia. Pareho silang
masipag sa pag-nenegosyo kaya sila ay yumaman at naging kabilang sa mga prominenteng pamilya
sa bayan.
• Mula noon ay nakagawian na ni Kapitan Tiyago ang kumilos, manamit at mamuhay na para na ring
isang Espanyol. Sagrado at deboto siyang katoliko na sumasamba sa lahat ng mga santo. Naging
sunod-sunuran din siya sa mga gawain at kagustuhan ng mga banyaga.
• Ang pagsasama nila nga anim na taon ni Donya Pia ay nabiyayaan ng isang sanggol na babae,
pinangalanan itong si Maria Clara. Nasawi ang kanyang kabiyak mula sa panganganak kaya si Tiya
Isabel na kanyang pinsan ang naging katuwang niya sa pagpapalaki kay Maria Clara.
Kabanata VII: SUYUAN SA ASOTEA

• Mga Tauhan : Maria Clara, Tiya Isabel, Crisostomo Ibarra,


Kapitan Tiyago
• Tagpuan: Asotea,bahay ni kapitan tiyago
• Aral: Ang pag-ibig ay titibay kung mayroong tiwala sa isa't
isa ang magkasintahan tulda na lamang ni Ibarra at Maria
Clara. Tiwala ang isa sa pinaka-importanteng sangkap sa
isang relasyon upang ito ay manatili ng matagal at habang-
buhay. Sa buhay minsan ay kailangan magparaya at isantabi
ang mga ibang bagay. Mayroong tamang oras na nakalaan
para sa lahat ng mga hangarin.
Kabanata VII: Suyuan sa Asotea
• Si Tiya Isabel ay isang deboto ng simbahang katoliko, nakagawian na niya na magsimba tuwing umaga
kasama ang pamangkin na si Maria Clara. Pagkatapos ng misa ng araw na iyon ay nagmamdali na umuwi
si Maria, bagay na ikinagalit ng kanyang tiyahin.
• Mula sa balkonahe ng kanilang bahay ay hindi mapakali at aligaga ang dalaga. Hinihintay niya ang
pagdating ng kanyang kasintahan na si Ibarra. Halos pitong taon din ang lumipas na hindi nagkita ang
dalawang magsing-irog.
• Dumating nga si Ibarra at ginugol ng dalawa ang kanilang oras sa pag-aalala sa kanilang mga nakaraan
mula noong sila ay mga musmos pa lamang. Si Maria ay nagbalik tanaw mula sa kanyang buhay sa
Beaterio habang si Ibarra naman ay sa kanyang pag-aaral at pakikipagsapalaran sa Europa.
• Isinumbat ni Maria ang paglayo ni Ibarra upang mag-aral, ngunit dagli naman itong sinagot ng binata.
Lumayo daw siya para gawin ang mga higit na mahalagang bagay, ang pag-aaral para sa kabutihan ng
hinaharap ng bayan.
• Naputol ang kanilang usapan nang biglang maalala ng binata ang kanyang mga yumaong magulang. Dali-
dali siyang nagpaalam at umuwi para makahabol sa nalalapit na undas.
Kabanata VIII: MGA ALAALA

• Mga Tauhan : Crisostomo Ibarra, Padre


Damaso, Kapitan Tinong, at Gurong Pari ni
Ibarra
• Tagpuan: Sa Lungsod ng Maynila
• Aral: Huwag gawing hadlang ang nakikita at
nararanasang kahirapan upang makamit ang
pangarap na gustong maibigay sa Inang bayan.
Bagkus, dapat natin itong gamiting inspirasyon.
Kabanata VIII: Mga Alaala
• Lumibot si Ibarra sa Maynila sakay ng isang karuwahe. Nais sana niyang maaliw
at balikan ang kabataan ngunit imbes na maging mapayapa ang damdamin ay
pagkainis lamang ang nanramdaman nito.
• Nabatid niya kasi sa mga tanawin na mas naghihirap ang mga mamamayanan,
partikular ang mga nasa Escolta na noon ay napakaganda.
• Naisip ni Ibarra na ang lugar na malaking bahagi ng kaniyang kabataan ay unti-
unti nang nasira dahil sa kapabayaan. Napakarami na ring mga Pilipinong alipin.
• Masakit sa loob niya na mas maunlad ang mga prayle kaysa sa mga Pilipino.
Naisip din ni Ibarra ang sinabi ng dati niyang guro sa kahalagahan ng edukasyon
at paano nito mapauunlad ang bayan.
Kabanata IX: MGA BAGAY-BAGAY UKOL SA
BAYAN

• Mga Tauhan : Padre Damaso, Maria Clara, Tiya


Isabel, Crisostomo Ibarra, Kapitan Tiyago, at Isang
paring maysakit at matanda na.
• Tagpuan: Tahanan ni Kapitan Tiyago at Sa
Kumbensyon
• Aral: Maging mapanuri sa mga taong
nakakasalamuha. Hindi lahat ng ngumingiti sa iyo ay
may magandang hangarin. Kagaya lamang ni Padre
Damaso, na ang akala mo ay walang pag-aalinlangan
sa katauhan ni Ibarra.
Kabanata IX: Mga Bagay-bagay Ukol Sa
Bayan
• Paalis na sina sina Tiya Isabel at Maria Clara nang biglang dumating ang
humahangos pang si Padre Damaso.
• Nang malaman niyang papunta ang magtiya sa Beaterio upang kuhanin ang
kagamitan ni Maria ay kaagyat na umakyat si Damaso upang kausapin si Kapitan
Tiyago.
• Nang magtagpo ay nagtalo na agad ang dalawa. Nagkakasigawan rin sila
paminsan. Dito na rin ipinarating ni Padre Damaso ang damdamin daw ng
gobernadorcillo sa pakikipaglapit ni Maria kay Ibarra.
• Tutol daw ito sa relasyon ng dalawa dahil isang kaaway daw si Ibarra. Sinabi pa ng
prayle na bilang pangalawang ama ni Maria, may karapatan daw siya sa mga
desisyon nito sa buhay.
Kabanata X: ANG BAYAN NG SAN DIEGO

• Mga Tauhan : Mga mamamayan ng San Diego, Mga dayuhang Tsino, Padre
Damaso, Mga Kastila at mayayamang Pilipino, Matandang Kastila, Saturnino (anak
ng matandang Kastila), Don Rafael Ibarra (anak ni Saturnino at ama ni Crisostomo
Ibarra)
• Tagpuan: Ang tagpuan sa Kabanata 10 ng Noli Me Tangere ay ang bayan ng San
Diego.
• Aral: Sa kabanatang ito ay matututunan natin na ang bawat bayan ay may kasaysayan
na masaya at mayroon ring mga trahedya. Nagpapakita din sa kabanatang ito na kung
ang tao ay masikap, at may pagpupursige sa buhay ay di malayong magtatagumpay
ito baling araw, tiyak na aasenso ang mga taong masisipag, katulad nalang ng ginawa
ng lolo ni Crisostomo Ibarra mula sa masukal at gubat na lupain ay pinagyaman niya
ito, hindi niya tinigilan ang pag papaunlad sa lupaing iyon hanggat hindi niya
nakikitang nagiging prodoktibo, at nagtagumpay naman siya at nang yumao nga ang
lolo ni Crisostomo ay ipinagpatuloy naman ni Don Rafael ang pagpapayaman sa
argrikulturang nasimulan ng ama, kaya namang naging mas maunlad ito.
Kabanata X: Ang Bayan Ng San Diego
• Marami ang humahanga sa bayan ng San Diego dahil sa mayamang lupa,
malawak na taniman, at mga ilog at lawa sa paligid. Maraming kabuhayan ang
maaaring gawin dito.
• Wala talagang nagmamay-ari sa bayan ng San Diego ngunit isang araw, may
mayamang matandang Espanyol na nagbayad para maangkin ang bayan. Ngunit
nagpakamatay ito sa di malamang dahilan.
• Ilang buwan ang lumipas at mayroon namang isang lalaki na dumating sa bayan.
Sabi nito, siya raw ang anak ng matandang nagpakamatay at nakabili ng San
Diego.
• Ang ngalan daw nito ay Saturnino na nanirahan na rin sa bayan at doon na
nagkapamilya. Ang binatang iyon ay si Don Rafael, ang ama ni Ibarra.

You might also like