You are on page 1of 3

PARABULA

Ito ay isang kuwento na hango sa banal na aklat o Bibliya. Ito ay ang katawagan sa mga kuwento na
ginamit ng ating Panginoon sa kanyang pangangaral. Ito ay nagmula sa salitang Griyego "parabole" na
ang ibig sabihin ay pagkukumpara.

Ang mga pangunahing tauhan sa mga parabula ay mga tao. Ito ay kalimitang may aral na nakapaloob. Ito
ay naglalarawan sa may tunay na nangyayari sa buhay ng isang tao.

TAUHAN - Sila ang mga karakter o ang mga gumaganap sa isang kuwento na galing sa mga kuwento ng
banal bibliya. Sila ay nagbibigay ng mga ng magandang aral o leksyon sa mga mambabasa.

TAGPUAN-Ito ang lugar kung saan nangyari ang isang kaganapan sa isang kuwento. Maaring ito ay
tumutukoy sa lugar na pinagdausan ng kuwento, oras at panahon. Posibleng magkaroon ng maraming
tagpuan depende sa kuwento.

Pero, sa isang parabula malimit na nasasabi ang tagpuan ng kwento o may mga pagkakataong hindi na
ito nababangit.

BANGHAY- Ito ang pagka sunod-sunod ng pangyayaring naganap sa kuwento.

ARAL AT KAISIPAN -Katulad lamang ng ibang klaseng kwento, ang parabula rin ay may taglay na aral
para sa mga mambabasa. Sa isang parabula, gumagamit ng metapora o pagtutulad para mabigyan ng
kahulugan ang aral na makukuha.

Bukod dito, amkikita natin sa mga parabula ang mga detalye tungkol sa mga karakter na nasa kwento.
Sila'y nag bibigay ng malalim na kahulugan at diin sa mga aral.

Parabula – ang isang uri ng teksto o akdang pampanitikan na tumtalakay sa mga pangyayaring batay sa
katotohanan.
PANG-UGNAY - Ito ay mga salitang nagsasama-sama o nag-uugnay ng isang ideya sa mga kasunod na
ideya, na nakatutulong sa pag-unawa ng mensahe ng isang diskurso. Sa pagkakaroon ng organisadong
mga pangyayari sa bawat bahagi, madali ngayong matutukoy ang mensaheng nakapaloob dito.

Narito ang mahahalagang gamit nito...

1. Pagdaragdag o pag-iisa-isa ng mga impormasyon

Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito sa paglalahad ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o


pag-iisa-isa ng mga impormasyon.

(pagkatapos, saka, unang, sumunod na araw, sa dakong huli, pati, isa pa at gayon din)

Halimbawa..
sa Unang ipinatawag ng amo ang kanyang katiwala dahil naririnig na pagtataksil nito sa kanya,
pagkatapos ay ipinahanda niya ng mga ulat sa pangagasiwa.

2. Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal

Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito ng paglalahad ng dahilan at bunga, paraan at layunin, paraan
at resulta, maging sa pagpapahayag ng kondisyon at kinalabasan

(dahil sa, sapagkat, upang at kasi)

Samantalang sa paglalahad ng bunga at resulta ginagamit ang pang-ugnay na kaya, kung kaya, kaya
naman, tuloy at bunga

Halimbawa...
1. Alam ng katiwala na siya ay nagkasala kaya gumawa siya ng paraan upang hindi siya magbungkal ng
lupa.
2. Binawasan ng katiwala ang pagkakautang ng mga tao sa kanyang amo dahil naisip niyang ito ang
paraan para may tumanggap sa kanya.

Pagsasanay
Panuto
Gamitin ang angkop na pang ugnay sa pagsasalaysay (pagsisimula, pagpapadaloy ng mga pangyayari,
pagwawakas). Piliin ang wastong pang-ugnay at isulat ito sa iyong sagutang papel.
Dreamland

(Sheena S. Alberto)

Hindi magkandatuto si Aling Marta sa pagmamadali na matapos ang labada na tinanggap niya mula sa
kapitbahay. 1. (Una, Kung kaya), ibinili niya ang dalawang daan piso na kaniyang kinita, ng almusal ng
kaniyang tatlong anak na kanina pa nagugutom. 2. (Tuloy Pagkatapos) ay itinabi niya ang animnapung
piso na natira sa kaniyang kinita upang maipandagdag sa panggastos nila sa susunod na araw.
Nakikisama lamang sa bangka ng iba ang asawa niya na si Mang Nestor, 3.(saka, kaya) wala silang
sariling bangkang de motor. Pangarap din ni Aling Marta na makapagpundar ng isang matibay na
matitirhan para sa pamilya 4 (dahil pati) laging nasisira ng bagyo ang tinutuluyan nilang bahay. Hindi
namalayan ni Aling Marta ang luhang pumatak mula sa mga mata habang iniisip ang mga pangarap na
yaon, 5.(kung kaya, sakajagad niya iyong pinahid sabay sambit na, "Kung mayaman lang kami"

You might also like