You are on page 1of 6

Banghay-Aralin sa Filipino

Baitang 9
Markahan: Ikalawa Linggo: 2 Araw: 2
l. LAYUNIN FIL9Q2W2D2
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-
unawa sa mga piling akdang tradisyonal ng
Silangang Asya

B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakasusulat ng sariling


akda na nagpapakita ng pagpapahalaga sa
pagiging isang Asyano

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nasusuri ang tono ng pagbigkas ng


napakinggang haiku F9PN-IIa-b-45

Nagagamit ang suprasegmental na


antala/hinto, diin at tono sa pagbigkas ng
haiku F9WG-IIa-b-47

II. NILALAMAN Pagsusuri sa Tono ng Pagbigkas sa


Napakinggang Haiku at Paggamit ng
Suprasegmental na Antala/Hinto, Diin at
Tono sa Pagbigkas ng Haiku

III. MGA KAGAMITANG


PANTURO
Mga Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang Panitikang Asyano 9 pp. 96-99
Pang Mag-aaral Salamin ng Kahapon… Bakasin Natin
Ngayon 8 p. 155

3. Mga Pahina sa Teksbuk


4. Karagdagang Kagamitan Mula https://youtu.be/dJBmH_G1DvU
sa LR Portal https://youtu.be/NglvSs7rL1g

5. Iba Pang Kagamitang Panturo Laptop at Projector, Amplifier

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin Napag-aralan natin kahapon ang tungkol sa
at/o pagsisimula ng bagong aralin estilo kung paano sumulat ng isang haiku.
Ngayon naman aalamin natin kung paano
naman ito binibigkas ng maayos gamit ang
mga suprasegmental na antala/hinto, diin at
tono nito.(Manood ng isang video clip).

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Kinakailangan sa pagbigkas ng isang


akdang pampanitikan ang tamang
pagsambit sa tono ng mga salita, wastong
paggamit ng diin at hinto o antala. Kapag
hindi marunong gumamit ang isang
mambabasa ng tamang tono, diin at
antala/hinto, maaaring hindi niya
maunawaan ang akda at magkaroon ng iba
pang pagpapakahulugan ang isang salita.
Mahalaga ang tamang paggamit ng
suprasegmental upang maipahayag mo ang
damdamin o kahulugang nangingibabaw sa
akda.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa Sabay-sabay na babasahin ng mga mag-


sa bagong aralin aaral ang mga salita na nasa powerpoint.
Suriin kung paano binibigkas ang mga salita.
 BU:hay=kapalaran ng tao
 Bu:HAY=humihinga pa
 Talaga=pag-aalinlangan
 Talaga=pagpapatibay,
pagpapahayag
 Hindi/ako si Joshua.
 Hindi ako, si Joshua
 Hindi ako si Joshua

Ipoproseso ng guro ang kasagutan ng mga


mag-aaral.

D. Pagtatalakay ng bagong Ano ang Ponemang Suprasegmental?


konsepto at paglalahad ng bagong  Ito ay makahulugang tunog. Sa
kasanayan #1 paggamit ng suprasegmental,
malinaw na naipahahayag ang
damdamin, saloobin, at kaisipang
nais ipahayag ng nagsasalita. Sa
pakikipagtalastasan, matutukoy natin
ang kahulugan, layunin o intensiyon
ng pahayag o ng nagsasalita sa
pamamagitan ng diin, tono o
intonasyon at antala o hinto sa
pagbibigkas at pagsasalita.

E. Pagtatalakay ng bagong Mayroong tatlong uri ang ponemang


konsepto at paglalahad ng bagong suprasegmental:
kasanayan #2 1. Diin – ang lakas, bigat o bahagyang
pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang
pantig sa salita. Ang diin ay isang
ponema sapagkat sa mga salitang may
iisang tunog o baybay, ang pagbabago
ng diin ay nakapagpapabago ng
kahulugan nito. Maaaring gamitin sa
pagkilala ng pantig na may diin ang
malaking titik.
LA:mang=natatangi
la:MANG=nakahihigit;nangunguna

2. Tono/Intonasyon – ang pagtaas at


pagbaba ng tinig na maaaring
makapagpasigla, makapagpahayag ng
iba’t ibang damdamin, makapagbigay-
kahulugan, at makapagpahina ng
usapan upang higit na maging mabisa
ang ating pakikipag-usap sa kapwa. Sa
pagsasalita ay may mababa,
katamtaman at mataas na tono.
Maaaring gamitin ang bilang 1 sa
mababa, bilang 2 sa katamtaman at
bilang 3 sa mataas.
Kahapon= 213, pag-aalinlangan
Kahapon= 231, pagpapatibay,
pagpapahayag

Maaaring gumamit ng mga bantas sa


tono/intonasyon. Kapag ang pahayag ay
nag-aalinlangan, maaring gumamit ng
bantas na tandang pananong. Gumagamit
naman ng tandang padamdam kapag
nagbibigay ng patibayno pagpapatibay at
tuldok naman kapag pagpapahayag.

3. Antala/Hinto – bahagyang pagtigil sa


pagsasalita upang higit na maging
malinaw ang mensaheng ibig ipabatid sa
kausap. Maaaring gumamit ng
simbolismo kuwit (,), dalawang guhit na
pahilis (//), o gitling (-).
Hindi/ ako si Jessa
 Nagbibigay ito ng kahulugan na ang
nagsasalita ay nagsasabing siya si
Joshua na maaaring siya’y
napagkamalan lamang na iba.

Hindi ako, si Jessa.


 Pagpapahiwatig ito na ang kausap ay
maaaring napagbintangan ng isang
bagay na hindi ginawa. Kaya
sinasabi niyang hindi siya ang
gumawa kundi si Jessa.

Hindi ako si Jessa


 Nagpapahiwatig ito na ang
nagsasalita ay nagsasabing hindi
siya si Jessa.

Mayroon ako ritong isang halimbawa ng


haiku. Bigkasin o suriin ang tono ng
pagbigkas ng haiku at isaalang-alang ang
gamit ng suprasegmental na diin, tono at
antala.
https://youtu.be/dJBmH_G1DvU

Gabing tahimik
Sumasapi sa bato
Huning-kuliglig.

Puno ay sanga
Bisagra ay talahib,
Kandado’y suso.

Maaari ring sumangguni sa website na ito


para sa karagdagang halimbawa ng haiku.
https://youtu.be/NglvSs7rL1g

F. Paglinang sa Kabihasaan Bubunot ang ilang mag-aaral ng mga salita


(Tungo sa Formative Assessment) at pagkatapos ay bibigkasin nila ito nang
maayos.
Mayaman=_______, pagtatanong
Mayaman=_______, pagpapahayag
Ayaw mo=_______, paghamon
Ayaw mo=_______, pagtatanong
/ta:LA/- ___________
/TA:la/ - ___________
/BA:ga/ - __________
/ba:GA/ - __________

G. Paglalapat ng aralin sa pang- Mahalaga ba ang paggamit at ang kaalaman


araw araw na buhay natin sa ponemang suprasegmental sa pang
araw-araw na buhay? Bakit?
Magbigay ng mga salita sa ating dayalek/Bicol na
isang baybay ngunit magkaiba ang tunog at
magkaiba ang kahulugan.
H. Paglalahat ng Aralin Ano-ano ang tatlong uri ng ponemang
suprasegmental? Magbigay ng halimbawa at
gamitin ito sa pangungusap.
I. Pagtataya ng Aralin Bigkasin at isulat ang kahulugan, wastong
tono sa pamamagitan ng paglagay ng bilang
at subukin kung anong mga pagkakaiba ng
kahulugan ang maibibigay sa paggamit ng
hinto at intonasyon.
A.
1. /BA:ba/ - ____________
/ba:BA/ - ____________
2. /SA:ka/ - ____________
/sa:KA/ - ____________
3. Kumusta = _____ pagtatanong na
masaya
Kumusta = _____ pag-aalala
4. Magaling = _____ pagpupuri
Magaling = _____ pag-aalinlangan
5. Hindi si Phinky ang sumulat sa akin.
6. Keinard, Rex, Emil ang tatay ko.
7. Hindi siya ang kaibigan ko.

B. Bigkasin nang wasto ang haiku sa


ibaba. Isaalang-alang ang gamit ng
suprasegmental na diin, tono at antala.

Iyong galangin
Ang asawa’y yakapin
Huwag bugbugin.

Huwag nang buksan,


Lahat ng nakaraan
Walang sumbatan.

Planong pamilya
Ay dapat ginagawa
ng mag-asawa.
J. Takdang-aralin/Karagdagang Magbigay ng iba pang halimbawa ng
Gawain mga salita na nagpapakita ng wastong
diin, antala o hinto at intonasyon.
Gamitin ang mga salita sa pangungusap.
V. MGA TALA

A.
B.
VI. PAGNINILAY
C.
D. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya
E. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyunan sa
tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Iba Pang Pinagbatayan:

Inihanda ni:

MA. LOURDES VINAS CASTOR


Guro ng Filipino

Pinagtibay:

NERWIN R. IBARRIENTOS, Ph.D.


School Head

You might also like