You are on page 1of 29

FILIPINO

Baitang 9 Yunit 18
Noli Me Tangere:
Kabanata 1 Hanggang 10

Talaan ng Nilalaman

Introduksyon 3
Basahin Natin 4
Sagutin Natin 7

Aralin 1: Buod ng Kabanata 1 Hanggang 10................................................ 8


Layunin Natin 8
Pag-aralan Natin 9
Sagutin Natin 13
SubukanNatin 14
Isaisip Natin 14
Pag-isipan Natin 14

Aralin 2: Talasalitaan.................................................................................. 15
Layunin Natin 15
Pag-aralan Natin 15
Sagutin Natin 18
SubukanNatin 18
Isaisip Natin 18
Pag-isipan Natin 19

Aralin 3: Pagsusuri ng mga Pangyayari....................................................... 20


Layunin Natin 20
Pag-aralan Natin 20
Sagutin Natin 22
SubukanNatin 23
Isaisip Natin 23

1
Copyright © 2018 Quipper Limited
Pag-isipan Natin 23

Gawin Natin 24
Rubrik sa Pagtataya 24
Paglalagom 26
Dapat Tandaan 27
Payamanin Natin 27
Susi sa Pagwawasto 28
Sanggunian 39

2
Copyright © 2018 Quipper Limited
Pindutin ang Home icon para
BAITANG 9 | YUNIT 18 bumalik sa Talaan ng Nilalaman

Ang Noli Me Tangere


Ano-anong damdamin ang mangingibabaw sa mga pangyayaring naganap sa buhay ng mga
tauhan sa nobela? Paano bigyang-kahulugan ang mga kontekstuwal na pahiwatig sa akda?
Paano nga ba makikita ang kapangyarihan ng pag-ibig sa magulang, sa kasintahan, sa
kapwa, at sa bayan? Paano matitiyak ang pagkamakatotohanan ng akdang napakinggan sa
pamamagitan ng pag-uugnay sa ilang pangyayari sa kasalukuyan? Ano-ano ang kaugaliang
binanggit sa kabanata na nakatutulong sa pagpapayaman ng kulturang Asyano? Paano
magbahagi ng sariling damdamin tungkol sa narinig na naging kapalaran ng tauhan sa
nobela at ng isang kakilalang may karanasang katulad ng nangyari sa tauhan? Paano
maipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa aralin?

Sa pagbabasa sa sampung unang kabanata ng nobelang Noli Me Tangere, higit pa nating


kikilalanin ang mga tauhang bumubuo rito. Gayundin, ating aalamain ang mahahalagang
detalye kaugnay sa buhay ng bawat tauhan, at ang posibleng pagkaka-ugnay ng mga ito sa
kasalukuyang pangyayari sa ating lipunan. Makabubuti ring malaman ang mahahalagang
salita o pahiwatig mula sa mga kabanata upang maging malinaw ang pagkakaunawa sa
nobela. Dapat ding suriin ang bawat kabanata upang higit itong maunawaan at matamo ang
mga kaalamang pang-kultura at kaisipang nais nitong ibahagi sa mga mambabasa.

Pagkatapos basahin ang tinukoy na bahagi ng akda, inaasahang hindi lamang natin
nalalaman ang mahahalagang kaalaman kaugnay nito ngunit, higit, ating nauunawaan ang
karanasan ng bawat tauhan. Maliban pa rito, mahalaga ring maging kaisa tayo ng mga
tauhan sa saya, pighati, pagkamangha, pagkaligalig, at anupamang damdaming
maipamamalas sa bahaging ito ng akda. Sa katapusan nito, inaasahang maipaliliwanag
natin ang mga ito nang may mga tiyak na batayan mula sa mga naging kaganapan sa mga
binasang bahagi ng nobela.

Ilalahad ng bahaging ito ang pagbabalik ng isang binatang nag-aral sa Europa ng pitong
taon, sa kaniyang pagbabalik, makikita niyang walang lubusang pagbabago na naganap sa
kaniyang bayan. Gayundin, kaniyang makikilala ang mga tauhan na magpapakita sa kaniya
ng tunay na kalagayan ng mga Pilipino sa panahong nangyari ang akda. Upang higit na
magkaroon ng ideya kaugnay sa nilalaman ng Kabanata 1 hanggang 10 ng nobelang Noli
Me Tangere, narito ang buod nito.

3
Copyright © 2018 Quipper Limited
Basahin Natin

Noli Me Tangere:
Kabanata 1 Hanggang 10
Isinulat ni Rosalie B. Tangonan

Nang huling araw ng Oktubre, naghanda ng isang maringal na hapunan si Kapitan Tiago.
Dinaluhan ito ng maraming panauhin mula sa iba’t ibang bahagi ng Maynila at mga karatig
lugar nito, kahit walang imbitasyon ang karamihan sa mga nagsidalo. Bago pa man
magsimula ang piging may kani-kaniya ng pulutong ang mga panauhin na may kani-kaniya
ring usapan.

Hindi nagtagal, may dumating na isang binatang nakapanluksa. Ipinakilala siya ni Kapitan
Tiago. Siya si Juan Crisostomo Ibarra, bumalik siya mula sa pitong taon pag-aaral sa
Europa. Magalang at masayang binati ni Crisostomo si Padre Damaso na naroon sa piging.
4
Copyright © 2018 Quipper Limited
Ipinahayag ng binata na matalik na kaibigan ng kaniyang ama na si Don Rafael, ang pari
ngunit itinanggi ito ni Padre Damaso. Matapos nito, nilapitan si Crisostomo ni Tenyente
Guevarra at binati sa kaniyang pagdating. Sinabi niya na sana maging higit na mapalad ang
binata kaysa sa kaniyang ama.

Matapos ang pagpapakilalang ito, nagsitungo na ang mga panauhin sa hapag-kainan. Nag-
agawan sina Padre Damaso at Padre Sibyla sa pangulunang upuan. Samantala, napansin ni
Crisostomo na di kasalo ang kapitang naghandog ng hapunan, ngunit may nakaupo na sa
lahat ng upuan. Kaya naman, tumayo ang binata upang ialok ang upuan kay Kapitan Tiago
ngunit tumanggi ito. Ayon sa kaniya, inihanda ang hapunang iyon bilang pasasalamat sa
Mahal na Birhen sa pagdating ni Crisostomo. Habang naghahapunan, nagkaroon ng
kuwentuhan, balitaan, at tanungan kung saan naging tampok ang binata. Sa pagbabahagi
niya sa kaniyang pag-aaral sa Europa, tinuya siya ni Padre Damaso. Ipinahayag naman ni
Crisostomo na nagbibiro lamang ang pari. Pagtapos noon, nagpa-umanhin at nagpaalam
ang binata. Pinipigilan siya ni Kapitan Tiago sa pagsasabing darating si Maria Clara ngunit
hindi nagpapigil si Crisostomo. Sinundan naman siya ni Tenyente Guevarra.

Sa paglalakad ni Crisostomo, napansin niyang halos walang pagbabago sa Maynila sa loob


ng kaniyang pitong taong pamamalagi sa Europa. Habang pinagninilayan niya ito, lumapit si
Tenyente Guevarra. Pinaalalahanan siya nito na mag-ingat. Mula sa paglalahad ng
matandang tenyente, nalaman ni Crisostomo ang naging sanhi ng pagkamatay ng kaniyang
ama. Ayon sa tenyente, ipinagtanggol ni Don Rafael ang isang bata sa pananakit ng
Kastilang tagasingil ng buwis. Akmang tatadyakan ng Kastila ang bata ngunit tinabig ito ng
ama ni Crisostomo na naging dahilan ng pagkabuwal ng tagapaningil. Tumama ang ulo nito
sa isang bato na naging dahilan ng kaniyang pagkamatay. Dahil sa pangyayaring ito
nabilanggo si Don Rafael. Sinamantala ito ng mga naiinggit at may galit sa ama ni
Crisostomo at isa na rito si Padre Damaso. Pinaratangan ng pari na erehe si Don Rafael
dahil sa hindi ito nangungumpisal.

Ipinahayag ng tenyente ang kaniyang pagsisikap upang mapalaya ang ama ng binata ngunit
naging mahirap ito. Sa kabila ng mga pagsubok, hindi sumuko si Tenyente Guevarra sa
pagtatanggol at pagmamalasakit kay Don Rafael, ngunit nang malapit nang makalaya ang
huli, siya naman nitong pagkamatay sa bilangguan. Sa puntong iyon, nagpaalam ang
tenyente at pumara ng nagdaraang karwahe.

Nagpahatid naman si Crisostomo sa Fonda de Lala, isa sa pinakatanyag na hotel sa Maynila.


Samantala, patuloy ang kasiyahan sa tahanan ni Kapitan Tiyago. Maririnig mula sa hotel ng
binata ang masaya at malambing na tugtugan mula roon. Naisip niya si Maria Clara marahil,
kababalik lamang ng dalaga mula sa kumbento ngunit sa kabila nito, binabagabag pa rin
siya ng inilahad ni Tenyente Guevarra at ang larawan ng pagdurusa ng kaniyang ama sa
bilangguan na dahilan ng pagkamatay nito.
5
Copyright © 2018 Quipper Limited
Maituturing na pinakamayaman si Kapitan Tiago sa Binondo. Mula ang kaniyang yaman sa
kaniyang mga lupain sa Pampanga at Laguna de Bay, pati na rin sa San Diego. Itinuturing
siyang pinagpala ng marami, malakas sa gobyerno, at kasundo ng mga tao. Nakikiayon siya
sa mga pumipintas at lumalait sa mga Pilipino kaya naman itinuturing siyang walang awa,
malupit, at mapagsamantala ng mga hindi niya kapanalig. Napangasawa niya si Pia Alba na
taga-Santa Cruz. Inilalarawan siya bilang babaeng maganda, balingkinitan, at may kaakit-
akit na tindig.

Matagal nang kasal noon ang pares ngunit hindi sila magkaanak kaya pinayuhan sila ni
Padre Damaso, ang kura paroko ng San Diego noon na magsayaw sa Obando. Hindi
nagtagal, naglihi si Donya Pia ngunit nagsimula rin siyang maging malungkutin. Namatay
siya matapos isilang ang isang sanggol na babae kaya naman pinalaki ni Tiya Isabel ang
bata. Inaanak naman siya ni Padre Damaso sa binyag. Maituturing na magkababata sina
Crisostomo at Maria Clara. Nang mapansin nina Don Rafael at Kapitan Tiago na may
pagkakaintindihan ang dalawa, ipinagkasundo nila ang kanilang mga anak na lubos namang
ikinatuwa ng magkasintahan.

Bumalik kinabukasan sa bahay ni Kapitan Tiago si Crisostomo upang makita si Maria Clara.
Nagkausap sila sa asotea. Ganoon na lamang ang katuwaan ng magkasintahan nang makita
ang isa’t isa pagkalipas ng pitong taon. Ipinahayag ng dalawa ang mga patunay na hindi
sila nakalilimot sa kanilang naging sumpaan. Binasa ni Maria Clara ang nag-iisang liham
mula kay Crisostomo, ngunit dahil dito naalala niya ang kaniyang ama. Nagpaalam ang
binata sa kasintahan upang pumunta sa kaniyang bayan, ang San Diego at mapagyaman
ang libingan nito para sa Araw ng mga Patay.

Nahalinhinan ng kagalakan ang kalungkutang nararamdaman ni Crisostomo nitong mga


nagdaang mga araw dahil sa pag-ikot niya sa Kamaynilaan habang lunan ng kalesa.
Napansin ng binata na wala halos pagbabago sa anyo ng mga lugar doon, maging sa mga
tao. Nakasakay sa karwahe ang mayayaman, samantalang sa kalesa naman ang mahihirap,
at ang mahihirap ay nagpapahila sa kareta. Pitong taong nawala si Crisostomo upang mag-
aral sa Europa, ngunit naroon pa rin ang lahat ng iniwan niya- mga bako-bakong daan,
makakapal na alikabok, at mga taong may kani-kaniyang ginagawa.

Samantala, nagkasalubong ang karwahe nina Padre Damaso at si Crisostomo. Papunta ang
pari kina Kapitan Tiago. Nais niya itong makausap nang masinsinan. Pinagalitan siya ng par
isa pagpapalabas kay Maria Clara sa beaterio at pagmamabutihan sa binatang anak ni Don
Rafael. Matapos ang kanilang pag-uusap pinaghihipan ng kapitan ang mga kandilang
pinasindihan niya upang makarating nang maluwalhati si Crisostomo sa San Diego.

Ipinakilala rin sa bahaging ito si Padre Sibyla. Nasa Intramuros siya at kausap ang isang
matandang paring Dominiko na may malubhang sakit. Pinag-uusapan nila ang unti-unting
pagkamulat ng bayan. 6
Copyright © 2018 Quipper Limited
Mailalarawan ang San Diego lugar bilang isang pangkaraniwang bayan sa Pilipinas na may
malaking sakahan na matatagpuan sa baybayin ng isang lawa. Kung babalangkasin,
matagal na ang angkan ng mga Ibarra sa San Diego, sa katunayan may isang alamat ang
bayan kung paano ito nagsimula at bahagi nito ang kuwento tungkol sa ninuno ni
Crisostomo. Bagaman, maituturing na pinakamayaman, hindi naman maituturing na
makapangyarihan si Don Rafael Ibarra sa lugar na iyon, lalo pa dahil marami ang naiinggit
sa kaniya na makapangyarihan din. Tanging ang kura at alperes lamang ang maituturing na
makapangyarihan at ang iba ay kanila na lamang mga tau-tauhan.

Sagutin Natin
Ano-ano ang mga reaksyon ng mga tao sap ag-uwi nu Crisostomo Ibaraa?
Sino ang sumaya dahil ditto? Sino naman ang hindi?
Ano ang lihim na ibinunyag ni Teniente Guevarra tungkol sa ama ni
Crisostomo Ibarra?
Ano ang naging pangunahing paksa ng suyuan sa azotea?

7
Copyright © 2018 Quipper Limited
Aralin 1
Buod ng Kabanata 1 Hanggang 10

Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mag-aaral ay inaaasahang:

 Naibabahagi ang sariling damdamin sa tinalakay na mga pangyayaring


naganap sa buhay ng tauhan
 Natutukoy ang kontekstuwal na pahiwatig sa pagbibigay-kahulugan
 Nailalahad ang sariling pananaw sa kapangyarihan ng pag-ibig sa
magulang, sa kasintahan, sa kapwa, at sa bayan
 Natitiyak ang pagkamakatotohanan ng akdang napakinggan sa
pamamagitan ng pag-uugnay sa ilang pangyayari sa kasalukuyan
 Naipaliliwanag ang mga kaugaliang binanggit sa kabanata na
nakatutulong sa pagpapayaman ng kulturang Asyano
 Naibabahagi ang sariling damdamin tungkol sa narinig na naging
kapalaran ng tauhan sa nobela at ng isang kakilalang may karanasang
katulad ng nangyari sa tauhan
 Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa aralin gaya ng:
pamamalakad ng pamahalaan, paniniwala sa Diyos, kalupitan sa kapuwa,
kayamanan, kahirapan, at iba pa

8
Copyright © 2018 Quipper Limited
Pag-aralan Natin
Isang paraan ng paglalagom ang buod. Maituturing ito bilang pinasimple at pinaikling
bersiyon ng isang akda o sulatin. Taglay ng isang lagom ang kabuuang kaisipang taglay din
ng orihinal na teksto.

Mula sa buod na binasa sa itaas, matutukoy ang mahahalagang pangyayari mula sa


Kabanata 1 hanggang 10 ng nobelang Noli Me Tangere. Gayundin ang mga kaisipang
nilalaman nito. Kung iisa-isahin narito ang paghahati ng mga pangyayari para sa bawat
kabanata:

KABANATA 1: Isang Pagtitipon

Nang huling araw ng Oktubre, naghanda ng isang maringal na hapunan si Kapitan


Tiago. Dinaluhan ito ng maraming panauhin mula sa iba’t ibang bahagi ng Maynila at
mga karatig lugar nito, kahit walang imbitasyon ang karamihan sa mga nagsidalo.
Bago pa man magsimula ang piging may kani-kaniya ng pulutong ang mga
panauhing may kani-kaniya ring usapan.

9
Copyright © 2018 Quipper Limited
KABANATA I2: Crisostomo Ibarra

Hindi nagtagal, may dumating na isang binatang nakapanluksa. Ipinakilala siya ni


Kapitan Tiago. Siya si Juan Crisostomo Ibarra, bumalik siya mula sa pitong taong
pag-aaral sa Europa. Magalang at masayang binati ni Crisostomo si Padre Damaso na
naroon sa piging. Ipinahayag ng binata na matalik na kaibigan ng kaniyang ama na si
Don Rafael, ang pari ngunit itinanggi ito ni Padre Damaso. Matapos nito, nilapitan si
Crisostomo ni Tenyente Guevarra at binati sa kaniyang pagdating. Sinabi niya na
sana maging higit na mapalad ang binata kaysa sa kaniyang ama.

KABANATA 3: Ang Hapunan

Matapos ang pagpapakilalang ito, nagsitungo na ang mga panauhin sa hapag-kainan.


Nag-agawan sina Padre Damaso at Padre Sibyla sa pangulunang upuan. Samantala,
napansin ni Crisostomo na di kasalo ang kapitang naghandog ng hapunan, ngunit
may nakaupo na sa lahat ng upuan. Kaya naman, tumayo ang binata upang ialok
ang upuan kay Kapitan Tiago ngunit tumanggi ito. Ayon sa kaniya, inihanda ang
hapunang iyon bilang pasasalamat sa Mahal na Birhen sa pagdating ni Crisostomo.
Habang naghahapunan, nagkaroon ng kuwentuhan, balitaan, at tanungan kung saan
naging tampok ang binata. Sa pagbabahagi niya sa kaniyang pag-aaral sa Europa,
tinuya siya ni Padre Damaso. Ipinahayag naman ni Crisostomo na nagbibiro lamang
ang pari. Pagtapos noon, nagpa-umanhin at nagpaalam ang binata. Pinipigilan siya ni
Kapitan Tiago sa pagsasabing darating si Maria Clara ngunit hindi nagpapigil si
Crisostomo. Sinundan naman siya ni Tenyente Guevarra.

KANANATA 4: Erehe at Pilibustero

Sa paglalakad ni Crisostomo, napansin niyang halos walang pagbabago sa Maynila sa


loob ng kaniyang pitong taong pamamalagi sa Europa. Habang pinagninilayan niya
ito, lumapit si Tenyente Guevarra. Pinaalalahanan siya nito na mag-ingat. Mula sa
paglalahad ng matandang tenyente, nalaman ni Crisostomo ang naging sanhi ng
pagkamatay ng kaniyang ama. Ayon sa tenyente, ipinagtanggol ni Don Rafael ang
isang bata sa pananakit ng Kastilang tagasingil ng buwis. Akmang tatadyakan ng
Kastila ang bata ngunit tinabig ito ng ama ni Crisostomo na naging dahilan ng
pagkabuwal ng tagapaningil. Tumama ang ulo nito sa isang bato na naging dahilan
ng kaniyang pagkamatay. Dahil sa pangyayaring ito nabilanggo si Don Rafael.
Sinamantala ito ng mga naiinggit at may galit sa ama ni Crisostomo at isa na rito si
Padre Damaso. Pinaratangan ng pari na erehe si Don Rafael dahil sa hindi ito
nangungumpisal.

Ipinahayag ng tenyente ang kaniyang pagsisikap upang mapalaya ang ama ng binata
ngunit naging mahirap ito. Sa kabila ng mga pagsubok, hindi sumuko si Tenyente 10
Copyright © 2018 Quipper Limited
Guevarra sa pagtatanggol at pagmamalasakit kay Don Rafael, ngunit nang malapit
nang makalaya ang huli, siya naman nitong pagkamatay sa bilangguan. Sa puntong
iyon, nagpaalam ang tenyente at pumara ng nagdaraang karwahe.

KABANATA 5: Isang Tala sa Gabing Madilim

Nagpahatid naman si Crisostomo sa Fonda de Lala, isa sa pinakatanyag na hotel sa


Maynila. Samantala, patuloy ang kasiyahan sa tahanan ni Kapitan Tiyago. Maririnig
mula sa hotel ng binata ang masaya at malambing na tugtugan mula roon. Naisip
niya si Maria Clara marahil, kababalik lamang ng dalaga mula sa kumbento ngunit sa
kabila nito, binabagabag pa rin siya ng inilahad ni Tenyente Guevarra at ang larawan
ng pagdurusa ng kaniyang ama sa bilangguan na dahilan ng pagkamatay nito.

11
Copyright © 2018 Quipper Limited
KABANATA 6: Si Kapitan Tiago

Maituturing na pinakamayaman si Kapitan Tiago sa Binondo. Mula ang kaniyang


yaman sa kaniyang mga lupain sa Pampanga at Laguna de Bay, pati na rin sa San
Diego. Itinuturing siyang pinagpala ng marami, malakas sa gobyerno, at kasundo ng
mga tao. Nakikiayon siya sa mga pumipintas at lumalait sa mga Pilipino kaya naman
itinuturing siyang walang awa, malupit, at mapagsamantala ng mga hindi niya
kapanalig. Napangasawa niya si Pia Alba na taga-Santa Cruz. Inilalarawan siyang
bilang babaeng maganda, balingkinitan, at may kaakit-akit na tindig.

Matagal nang kasal noon ang pares ngunit hindi sila magkaanak kaya pinayuhan sila
ni Padre Damaso, ang kura paroko ng San Diego noon na magsayaw sa Obando.
Hindi nagtagal, naglihi si Donya Pia ngunit nagsimula rin siyang maging malungkutin.
Namatay siya matapos isilang ang isang sanggol na babae kaya naman pinalaki ni
Tiya Isabel ang bata. Inaanak naman siya ni Padre Damaso sa binyag. Maituturing na
magkababata sina Crisostomo at Maria Clara. Nang mapansin nina Don Rafael at
Kapitan Tiago na may pagkakaintindihan ang dalawa, ipinagkasundo nila ang
kanilang mga anak na lubos namang ikinatuwa ng magkasintahan.

KABANATA 7: Pag-uulayaw sa Asotea

Bumalik kinabukasan sa bahay ni Kapitan Tiago si Crisostomo upang makita si Maria


Clara. Nagkausap sila sa asotea. Ganoon na lamang ang katuwaan ng magkasintahan
nang makita ang isa’t isa pagkalipas ng pitong taon. Ipinahayag ng dalawa ang mga
patunay na hindi sila nakalilimot sa kanilang naging sumpaan. Binasa ni Maria Clara
ang nag-iisang liham mula kay Crisostomo, ngunit dahil dito naalala niya ang
kaniyang ama. Nagpaalam ang binata sa kasintahan upang pumunta sa kaniyang
bayan, ang San Diego at mapagyaman ang libingan nito para sa Araw ng mga Patay.

KABANATA 8: Mga Alaala

Nahalinhinan ng kagalakan ang kalungkutang nararamdaman ni Crisostomo nitong


mga nagdaang mga araw dahil sa pag-ikot niya sa Kamaynilaan habang lunan ng
kalesa. Napansin ng binata na wala halos pagbabago sa anyo ng mga lugar doon,
maging sa mga tao. Nakasakay sa karwahe ang mayayaman, samantalang sa kalesa
naman ang mahihirap, at ang mahihirap ay nagpapahila sa kareta. Pitong taong
nawala si Crisostomo upang mag-aral sa Europa, ngunit naroon pa rin ang lahat ng
iniwan niya- mga bako-bakong daan, makakapal na alikabok, at mga taong may
kani-kaniyang ginagawa.

12
Copyright © 2018 Quipper Limited
KABANATA 9: Mga Bagay-bagay Tungkol sa Bayan

Samantala, nagkasalubong ang karwahe nina Padre Damaso at si Crisostomo.


Papunta ang pari kina Kapitan Tiago. Nais niya itong makausap nang masinsinan.
Pinagalitan siya ng pari sa pagpapalabas kay Maria Clara sa beaterio at
pagmamabutihan sa binatang anak ni Don Rafael. Matapos ang kanilang pag-uusap
pinaghihipan ng kapitan ang mga kandilang pinasindihan niya upang makarating
nang maluwalhati si Crisostomo sa San Diego.

Ipinakilala rin sa bahaging ito si Padre Sibyla. Nasa Intramuros siya at kausap ang
isang matandang paring Dominiko na may malubhang sakit. Pinag-uusapan nila ang
unti-unting pagkamulat ng bayan.

KABANATA 10: Ang Bayan ng San Diego

Mailalarawan ang San Diego lugar bilang isang pangkaraniwang bayan sa Pilipinas na
may malaking sakahan na matatagpuan sa baybayin ng isang lawa. Kung
babalangkasin, matagal na ang angkan ng mga Ibarra sa San Diego, sa katunayan
may isang alamat ang bayan kung paano ito nagsimula at bahagi nito ang kuwento
tungkol sa ninuno ni Crisostomo. Bagaman maituturing na pinakamayaman, hindi
naman maituturing na makapangyarihan si Don Rafael Ibarra sa lugar na iyon, lalo
pa dahil marami ang naiinggit sa kaniya na makapangyarihan din. Tanging ang kura
at alperes lamang ang maituturing na makapangyarihan at ang iba ay kanila na
lamang mga tau-tauhan.

Mula sa mga pangyayaring ito sa akda, paano


kaya makaapekto kay Crisostomo ang galit ni
Padre Damaso sa kaniyang ama? Samantala, Sagutin Natin
ano kaya ang gagawin ni Crisostomo sa
kaniyang natuklasan kaugnay sa pagkamatay 1. Paano nakatulong ang unang
ng kaniyang ama? Tuluyan na nga bang sampung kabanata ng nobela
magiging maligaya ang magkasintahan sa upang ipakilala ang mga
kanilang muling pagtatagpo? pangunahing tauhan ng kwento?
2. Paano nakatulong ang unang
Patuloy na nagiging kapana-panabik ang mga sampung kabanata para ipakilala
pangyayari sa nobela sa muling pagkilala ng ang mga lugar ng kwento?
binatang Ibarra sa tunay na katauhan ng mga 3. Sa pagitan ng dalawang lugar, saan
taong nakapaligid sa kaniya. Unti-unti na ring kaya mas mangyayari ang
ipinahihiwatig sa nobela ni Rizal ang mga maraming aksyon? Ipaliwanag ang
suliranin kailangang harapin ng mga tauhan sa iyong sagot.
susunod pang kabanata.
13
Copyright © 2018 Quipper Limited
Subukan Natin
1. Batay sa naging reaksyon ni Ibarra sa pagkamatay ng ama, ano ang kumento
ni Dr. Rizal hinggil sa pagmamahal sa magulang?
2. Paano naging magkasintahan sina Crisostomo at Maria Clara?
3. Bakit naging masama ang kapalaran ni Don Rafael Ibarra kahit na mayaman
naman siya?

Isaisip Natin
Si Crisostomo Ibarra ay kabilang sa mataas na uri ng tao sa lipunan. Batay sa unang
sampung kabanata ng Noli Me Tangere, ano ang mga pagbabadya na siya ay
mamumulat na sa paghihirap ng kanyang mga kababayan?

Pag-isipan Natin

A. Ayusin ang mga ginulong letra upang matukoy kung anong elemento ng pagsusuri
ng nobela ang mabubuo.

1. Kontinenteng pinaggalingan ni Crisostomo


ARUPOE Ibarra.
2. Isang taong hindi naniniwala sa mga utos
HEERE ng simbahan.
3. Isang taong lumalaban sa pamahalaan.
ORBILETIPUS
4. Bahay tuluyan na pinagpahingahan ni
OFDEN ED ALAL Crisostomo.
5. Bayan sa Bulacan na dinarayo ng mga hindi
DONABO magka-anak para humiling kay Santa Clara.
6. Bahagi ng bahay na kilala rin sa tawag na
TAOSAE terasa.
7. Tuluyan ng mga madre at mga dalagang
ATRIEBOE nag-aaral.
14
Copyright © 2018 Quipper Limited
8. Isang uri ng orden ng prayle.
KONIMODI
9. Sasakyan ng mga mayayaman.
HEWARAK
10. Ina ni Maria Clara.
API LABA

Aralin 2
Talasalitaan

Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang natutukoy ang kontekstuwal
na pahiwatig sa pagbibigay-kahulugan.

Pag-aralan Natin
Isang anyo ng masining na
pagpapahayag ang nobela.
Maliban sa mga elemento nito na
binubuo ng magkakawing na
mga pangyayari, na nagaganap
sa isang mahabang panahon,
kinasasangkutan ng marami at
makatotohanang mga tauhan, at
nagaganap sa iba’t ibang
tagpuan. Nagkakaroon din ito ng
masalimuot na daloy ng mga
pangyayari na nahahati sa mga
kabanata. Mayroon din itong 15
Copyright © 2018 Quipper Limited
matingkad na damdaming ipinahahayag ng mga pangyayari na nagdudulot ng kapanabikan
sa pagbabasa ng akda.

Bahagi ng pagiging masining nito ang paggamit ng mga kontekstuwal na pahiwatig sa


paglalahad ng mga pangyayari sa akda. Tumutukoy ang mga kontekstuwal na pahiwatig sa
mga pantulong na salitang nagbibigay-kahulugan sa salita o pariralang hindi lantad o hindi
direkta ang pagpapakahulugan. Sa pag-unawa sa mga ganitong salita, kinakailangan ang
kasanayan sa pagtukoy sa mga tiyak na pahiwatig na nakapaloob sa akda.

Ilan sa mga pariralang may kontekstuwal na pahiwatig na ginamit sa binasang buod ay ang
sumusunod na parirala: kani-kaniya ng pulutong; binatang nakapanluksa; larawan ng
pagdurusa; may pagkakaintindihan ang dalawa; atmakausap nang masinsinan. Upang
matiyak ang mga kontekstuwal na kahulugan ng mga ito, mahalagang gamitin ang mga ito
sa pangungusap:

 Kani-kaniya ng pulutong

Sa handaang inihanda ni Kapitan Tiago, mapapansing may kani-kaniyang pulutong


ang mga tao, magkakasama ang mga prayle, negosyante, at maging ang mga
nagpapanggap na imbitado.

Mula sa pangungusap, madaling matutukoy na ang kahulugan ng kani-kaniyang


pulutong ay pagsasama-sama ng mga nasa pare-parehong pangkat para marahil sa
isang usapan o anumang gawain.

 Binatang nakapanluksa

Kahit masaya ang hapunan, makikita na may isang binatang nakapanluksa. Siya
marahil ang naulila ni Don Rafael.

Kapag sinabing nakapanluksa sa kulturang Pilipino, ibig sabihin may namatay.


Pinatunayan din ito ng salitang naulila sa ikalawang pangungusap na nasa halimbawa.

 Larawan ng pagdurusa

Ipikit man ang kaniyang mga mata, hindi matahimik si Crisostomo sa kaniyang nalaman
kaugnay sa sinapit ng kaniyang ama. Sa kaniyang guni-guni, nakikita niya ang larawan
ng pagdurusa sa bilangguhan ni Don Rafael.

Matutukoy na hindi literal na larawan ang tinutukoy sa pangungusap sa itaas. Sa halip,


ito ay mahihinuhang bahagi ng imahinasyon o katulad ng pahiwatig sa ikalawang 16
Copyright © 2018 Quipper Limited
pangungusap, “guni-guni.” Marahil, ito ang nailalarawan ni Crisostomo sa kaniyang
isipan na naging sitwasyon ng kaniyang ama sa bilangguan, lalo’t hindi siya nagkaroon
ng pagkakataong makita si Don Rafael sa kaniyang mga huling sandali.

 May pagkakaintindihan ang dalawa

Ipinagkasundo nina Don Rafael at Kapitan Tiago ang kanilang mga anak matapos
mapansing may pagkakaintindihan ang dalawa. Itinakda nila ang magiging kasal
kapag natapos na ang binatang Ibarra sa kaniyang pag-aaral sa Europa at si Maria Clara
naman ay mananatili sa beaterio upang higit na matuto bilang isang edukadang babae.

Mahihinuha mula sa ginamit na mga pangungusap sa itaas na ang pagkakaintindihang


tinutukoy ay hindi lamang kaugnay ng nauunawaan ang sinasabi ng isang tao, ngunit
ang pagkakaroon ng espesyal na pagturing sa isa’t isa. Ipinahihiwatig ito ng mga
salitang ipinagkasundo at pagpapakasal.

 Makausap nang masinsinan

Nakakunot ang noo ni Padre Damaso nang harapin si Kapitan Tiago. Pagdating pa lang
niya sinabi agad niya na nais niyang makausap nang masinsinan ang kapitan.
Pagkatapos noon, pinatay ang mga kandilang sinindihan para kay Ibarra.

Maaaring magkaroon ng iba’t ibang kahulugan ang pariralang “makausap nang


masinsinan” ngunit sa konteksto ng halimbawang pangungusap, matutukoy na negatibo
ito para kay Kapitan Tiago na kausapin ni Padre Damaso. Napagtitibay ito ng pariralang
“nakakunot ang noo” na maaaring mangahulugan ng pagiging galit, at nagbunga ng
naganap na pag-uusap na “pinatay ang mga kandila” na naunang pinasindihan ni
Kapitan Tiago para sa ligtas na paglalakbay ni Crisostomo. Mula sa mga ito, mahihinuha
na maaaring napagsabihan o napagalitan ni Padre Damaso ang kapitan sa kanilang
naging masinsinang usapan.

Mahalagang magkaroon ng kasanayan sa pagtukoy sa mga kontekstuwal na pahiwatig sa


isang pahayag upang lubusan itong maintindihan. Tandaan na maaaring magbago ang
kahulugan ng mga salita, parirala o pangungusap batay sa konteksto nito kaya hindi sapat
na malaman ang kahulugan ng bawat salita batay sa kahulugan nito sa diksyunaryo.
Gayundin, kinakailangang matukoy ang layunin ng paggamit ng may-akda ng naturang
salita upang tiyak na maunawaan ang kontekstuwal na pahiwatig ng isang pahayag.

Bilang mga mambabasa, kinakailangan maging mapanuri sa mga kontekstuwal na pahiwatig


sapagkat ang mga ito ang magiging gabay sa pagtukoy sa tiyak na kahulugan ng isang
salita. Maituturing na isang mahalagang bahagi ito ng pagpapahayag sapagkat nagagawa 17
Copyright © 2018 Quipper Limited
nitong gawing higit na mabisa at masining ang paglalahad ng ideya sa pamamagitan ng
pagtutulak sa mga mambabasa na mag-isip nang mas malalim kaysa sa literal na kahulugan
ng mga salita o pahayag.

Sagutin Natin
1. Ano ang ibig sabihin ng pahayag kontekstuwal?
2. Paano napagaganda ng kontekstuwal na pahayag ang isang akda?
3. Bakit gumagamit ng kontekstuwal na pahayag ang mga may-akda?

Subukan Natin
Ano naman kaya ang ibig sabihin ng sumusunod na mga pahayag? Gumamit ng konteksto
para ipaliwanag ang iyong sagot.

1. maringal na hapunan
2. maging higit na mapalad nawa ang binata kaysa sa kanyang ama
3. nag-agawan sa pangulunang upuan
4. Pamimintakasi sa Obando
5. mapagyaman ang libingan

Isaisip Natin
Paano nakatutulong ang kontekstwal na pahiwatig upang lumawak ang bokabularyo
ng mga mag-aaral?

18
Copyright © 2018 Quipper Limited
Pag-isipan Natin
Gamitin sa pangungusap ang mga kontekstuwal na pahayag na tinalakay sa araling ito.

1) Kani-kaniya ng pulutong

2) Binatang nakapanluksa

3) Larawan ng pagdurusa

4) May pagkakaintindihan ang dalawa

5) Makausap nang masinsinan

19
Copyright © 2018 Quipper Limited
Aralin 3
Pagsusuri ng mga Pangyayari

Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mag-aaral ay inaaasahang:

 Naibabahagi ang sariling damdamin sa tinalakay na mga


pangyayaring naganap sa buhay ng tauhan
 Natutukoy ang kontekstuwal na pahiwatig sa pagbibigay-
kahulugan
 Nailalahad ang sariling pananaw sa kapangyarihan ng pag-ibig sa
magulang, sa kasintahan, sa kapwa, at sa bayan
 Natitiyak ang pagkamakatotohanan ng akdang napakinggan sa
pamamagitan ng pag-uugnay sa ilang pangyayari sa kasalukuyan
 Naipaliliwanag ang mga kaugaliang binanggit sa kabanata na
nakatutulong sa pagpapayaman ng kulturang Asyano
 Naibabahagi ang sariling damdamin tungkol sa narinig na naging
kapalaran ng tauhan sa nobela at ng isang kakilalang may
karanasang katulad ng nangyari sa tauhan
 Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa aralin gaya ng:
pamamalakad ng pamahalaan, paniniwala sa Diyos, kalupitan sa
kapuwa, kayamanan, kahirapan, at iba pa

Pag-aralan Natin
Sinisikap ng manunulat ng isang nobela na maipakita ang pagkakawing-kawing ng mga
pangyayari sa kanilang akda ngunit maliban dito, maaaring magkaroon pa ng mas malalim
na kahulugan ang mga ito batay sa iba’t ibang pananaw na pagaganahin ng mga
mambabasa. Sa ganitong paraan nagsisimula ang sining ng pagsusuri.

20
Copyright © 2018 Quipper Limited
Tumutukoy ang pagsusuri ng isang akdang panitikan sa malalim na pagtingin sa mga tiyak
na detalye nito. Karaniwang may mga dulog na tinitingnan dito. Maaaring ito ay nasa
anyong pormalistiko o ang pagsusuri sa pagkakaayos at pagkakabuo ng mga pangyayari
sa akda; moralistiko na tumutukoy sa implikasyon ng mga pangyayari sa akda kaugnay sa
mga batayang moral; sikolohikal na kaugnay naman ng pagnanaw ng mambabasa sa mga
pangyayari; at sosyo-panlipunan na tumutukoy naman sa pag-uugnay ng mga
pangyayari sa realidad ng lipunan sa kasalukuyan.

Batay sa mga dulog, narito ang ilang halimbawang pagsusuri sa mga pangyayari sa
Kabanata 1 hanggang 10.

 Pormalistiko: Pagkakabuo ng mga kawing ng pangyayari sa akda

Kung titingnan sa dulog na pormalistiko, masasabing nakaayon sa pagkakasunod-sunod


ang mga pangyayari sa akda. Walang mga pagbabalik-tanaw sa mga pangyayari, sa
mga nakaraang kabanatan, sa halip naipakita ang muling paglalahad ng isang tauhan.

Inilahad ito sa bahaging ikinuwento ni Tenyente Guevarra kay Crisostomo Ibarra ang
mga nangyari bago ang kamatayan ng kaniyang ama . Gayundin, makikita ito sa bahagi
ng pagbabalik-tanaw ni Maria Clara at Crisostomo sa kanilang pag-ibig, lalo na ang
kanilang naging sumpaan.

 Moralistiko: Pagsusuri ng mga moralidad ng tauhan; kung tam aba o mali ang
kanilang ginawa at ano ang kanilang mga dahilan.

Maaaring maging subhektibo ang bahaging ito batay sa pagpapahalaga ng mambabasa.


Kinakailangang ilagay ng mambabasa ang kaniyang sarili sa posisyon ng tauhan o mga
tauhan sa akda upang mabisang mabigyang-pansin ang dulog na ito.

Bilang halimbawa, maaaring suriin ang pangyayaring: Inalipusta ni Padre Damaso ang
mga kwento ni Crisostomo Ibarra. Tam aba ang ginawa ng prayle? Bakit niya ito ginawa?

Batay sa ating kasalukuyang pagpapahalaga, mali ang ginawa ni Padre Damaso


sapagkat dapat siyang maging halimbawa ng kagandahang asal. Hindi rin maganda na
masama ang trato niya sa bisita. Sa kabilang banda, maganda naman ang naging asal ni
Ibarra na binigyang dahilan pang baka nagbibiro lamang ang prayle.

 Sikolohikal: Pagpapaliliwanag ng mga takbo ng pag-iisip ng mga tauhan, at


karugtong nito, ng may-akda.

21
Copyright © 2018 Quipper Limited
Bawat tauhan ay may motibasyon ng kanilang mga ikinikilos. Mayroon din silang
sinisundang proseso ng pag-iisip na maaaring sumasalamin sa mismong kaisipan ng
may-akda.

Halimbawa, ipinakita sa akda ang: Pagtayo ni Crisostomo sa kaniyang upuan upang ialok
ito kay Kapitan Tiago. Ipinakita ditto na maaaalalahanin si Ibaraa at maaaring itinuro ito
ng kanyang mga magulang. Ipinaliwanag rin sa akda na naisip nga ng binatang tila
walang upuan ang may-ari ng bahay kaya inialok niya ditto ang sariling upuan.

 Sosyo-panlipunan: Pagtitiyak sa pagkamakatotohanan ng pangyayari sa


pamamagitan ng pag-uugnay sa ilang pangyayari sa kasalukuyan

Mahalaga sa isang panitikan na nakauugnay ito sa lipunan upang makita ang


kahalagahan nito para sa mga mambabasa. Gayundin, sa dulog na ito makikita ang mas
malalim na implikasyon ng mga pangyayari sa akda sa realidad.

Isang magandang halimbawa nito ang pagtukoy sa kura at alperes bilang


makapangyarihan sa San Diego. Sa kasalukuyang lipunan, umiiral pa rin ang paggamit
ng kapangyarihan ng mga namumuno sa simbahan man o pamahalaan upang
manamantala sa mga mamamayan. Isang simpleng halimbawa nito ay ang pagbubuo ng
mga desisyon o panukala na madalas pabor lamang sa kanila.

Sa pagsusuri sa mga pangyayari sa isang akda, higit na nakikita ang kahalagahan ng teksto.
Nagkakaroon din ng mas malalim na pag-unawa ang mga mambabasa sapagkat nagagawa
nilang maiugnay ang sarili o mga pangyayari sa kanilang paligid sa akdang kanilang
binabasa.

Sagutin Natin
1. Paano nakatutulong ang mga dulog upang mapalalim ang
pagkakaunawa sa akda?
2. Aling pagdulog ang may pinakamalaking kaugnayan sa banghay?
Ipaliwanag.
3. Aling pagdulog ang may kinalaman sap ag-uugnay ng akda sa totoong
pangyayari? Ipaliwanag.

22
Copyright © 2018 Quipper Limited
Subukan Natin
Paano magagamit ang mga pagdulog pampanitikan sa sumusunod na sitwasyon?

Kinagalitan ni Padre Damaso si Kapitan Tiyago dahil sa pagpayag nitong lumabas ng


beaterio si Maria Clara upang makipagkita lamang kay Crisostomo.

1. Moralistiko
2. Sikolohikal
3. Sosyo-panlipunan

Isaisip Natin
Bakit kailangang lapatan ng mga pagsusuring pampanitikan ang mga akdang
binabasa?

Pag-isipan Natin

Isualt ang T kung tama ang sinasabi ng pahayag at M naman kung mali.

_____ 1. Ang pagdulog sikolohikal ay may kinalaman sa pagsusuri ng banghay ng


kwento.
_____ 2. Ang pagdulog sosyo-panlipunan ay tugkol sa mga totoong pangyayari
na isinasalamin sa akda.
_____ 3. Sa pagdulog moralistiko, hindi kailangan aralin ang mga masasamang
ugali ng mga tauhan.
_____ 4. Ang pagdulog pormalistiko ay may kinalaman sa pagsusuri ng mga
kaisipang ibinabahagi ng akda.
_____ 5. Habang mas gumaganda ang akda, lalong dumarami ang mga pagdulog
na maaaaring iangkop dito.
23
Copyright © 2018 Quipper Limited
Gawin Natin
Isagawa ang mga sumusunod na mga gawain.

Isadula ang ilang piling bahagi mula sa kabanata 1 hanggang 10.


1
Tipunin ang mga salitang mahirap maunawaan sa akda. Hanapin ang mga
2 kahulugan nito sa diksyunaryo at ibahagi sa klase.

Humanap pa ng ilang pagdulog pampanitikan at suriin ang kabanata 1


3 hanggang 10 ayon sa mga ito. Ibahagi ang iyong natuklasan sa klase.

Rubrik sa Pagtataya

PAGSASADULA
Mga Salik 16-20 11-15 6-10 0-5 MARKA
KATANGIANG May Walang Costume Hindi
BISWAL ibayong background lamang o handa ang
kahandaan ang dula props ang pangkat
ang pero may napaghanda pagdating
pangkat props at an at hindi sa props,
pagdating costume. parehas. background
sa props, at
background costume.
at costume.
Mga Salik 31-40 21-30 11-20 0-10 MARKA
DALOY NG Ang Ang palabas Ang palabas Malabo ang
NARATIBO palabas ay ay may ay may daloy at
may malinaw na malinaw na magulo
malinaw na daloy at may daloy at may ang
daloy at angkop na angkop na pagpapalit
may bilis ng bilis ng eksena sa
24
Copyright © 2018 Quipper Limited
angkop na pagpapalit- pagpapalit- palabas.
bilis ng eksena sa eksena sa
pagpapalit- malaking ilang bahagi
eksena sa bahagi nito. nito.
kabuuan.
TAUHAN AT May sapat May sapat na May sapat na Hindi sapat
PAGGANAP na baryasyon baryasyon ang
baryasyon ng mga ng mga baryasyon
ng mga tauhan at tauhan at ng tauhan
tauhan at mahusay ang mahusay ang at
mahusay pagkakaga- pagkakaga- kailangan
ang nap sa nap sa ilan pang
pagkakaga- karamihan sa sa kanila. paghusayin
nap sa kanila. ang
lahat sa pagganap
kanila. sa kanila.

25
Copyright © 2018 Quipper Limited
Paglalagom

Mga Dulog sa Pagsusuri

Pormalisti- Kontekstwal na Pahiwatig


ko

Moralisiko
Konteksto Mga Pangyayari
sa Kabanata 1 hanggang 10
Sikolohikal Pantulong
na Salita Naghanda ng
Ipinakilala sa Ipinahiya siya
Ikinuwento ni
Nagikita sina
Crisostomo at
maringal na Tenyente
mga ng dalawang Maria Clara;
Paggamit hapunan si
Kapitan
panauhin si ulit ni Padre
Guevarra ang
nangyari kay
umuwi ng
Crisostomo. Damaso. San Diego si
sa Tiyago. Don Rafael.
Crisostomo.
Sosyo- Pangungu-
panlipunan sap

26
Copyright © 2018 Quipper Limited
Dapat Tandaan
 Ipinakikilala ng Kabanata 1 hanggang 10 sa nobelang Noli Me Tangere
ang pagkakaugnay-ugnay ng mga tauhan sa akda at ang mga
panimulang kaganapan sa kani-kanilang buhay na kapupulutan ng
mahahalagang kaisipang maiuugnay sa ating buhay at lipunan sa
kasalukuyang panahon.

 Mahalagang magkaroon ng kasanayan sa pagtukoy sa mga


kontekstuwal na pahiwatig upang lubusan maintindihan ang isang
pahayag o pangungusap. Nagiging higit na mabisa at masining ang
paglalahad ng ideya sa pamamagitan ng mga kontekstuwal na
pahiwatig. Nagtutulak ito sa mga mambabasa na mag-isip nang mas
malalim kaysa sa literal na kahulugan ng mga salita o pahayag.

 Maaring suriin ang mga pangyayari sa akda sa pamamagitan ng apat


na dulog: pormalikstiko; moralistiko; sikolohikal; at sosyo-panlipunan.

Pagyamanin Natin

Nabasa mo na bang ang komiks na bersyon ng Noli Me Tangere? Isa itong mabisang paraan
para mabilis na balikan ang mga pangyayari sa nobela. Dahil sa mga larawan at dayalogo,
mas madali ring magkaroon ng paunang paunawa sa akda.

27
Copyright © 2018 Quipper Limited
Susi sa Pagwawasto
Aralin 1: Buod ng Kabanata 1 Hanggang 10

Subukan Natin

1. Mukhang mahalaga kay Dr. Rizal ang pagpapahalaga sa magulang. Makikita ito sa lubos
na lungkot ni Ibarra at sa pagnnaais nitong ipaayos ang libingan ng ama.
2. Bata pa man sila ay nagkagustuhan na kaya ipinagkasundo na rin sila ng kani-kanilang
mga magulang sa isa’t isa.
3. Wala kasi siyang mga makapangyarihang kaibigan kaya sinamantala ng mga kaaway
niya ang pagkakataon upang mapahamak siya.

Isa-isip Natin
Ipinakita sa unang sampung kabanata ang mga sumusunod:

1) Naiiba na ang nalalaman at pagkamulat niya kung ihahambing sa mga ordinaryong


mamamayan
2) Natuklasan niyang hindi sapat ang yaman upang maging ligtas sa kapahamakan
3) Nararamdaman niya ang kapangyarihan ng mga prayle sa paligid
4) Napansin niyang walang masyadong ipinagbago ang lalawigan

Aralin 2: Talasalitaan

Subukan Natin

1. maringal na hapunan-hapunang maraming handa at bisita


2. maging higit na mapalad nawa ang binata kaysa sa kanyang ama-namatay ang ama
kaya huwag sanang matulad ang anak
3. nag-agawan sa pangulunang upuan-nagpapataas ng importansya
4. Pamimintakasi sa Obando-pagdayo sa Obando upang makipista at magdasal
5. mapagyaman ang libingan-ipaayos ang puntod

Isa-isip Natin
Nakatutulong ito dahil kahit walang diksyunaryo sa malapit, maaari nang malaman ang
kahulugan ng salita batay sa iba pang nakapaligid ditto. Kapag nalaman na ang kahulugan,
maaari na itong matandaan kapag Nakita muli o di kaya ay magamit minsmo ng mag-aaral.

28
Copyright © 2018 Quipper Limited
Aralin 3: Pagsusuri ng mga Pangyayari

Subukan Natin
Kinagalitan ni Padre Damaso si Kapitan Tiyago dahil sa pagpayag nitong lumabas ng
beaterio si Maria Clara upang makipagkita lamang kay Crisostomo.

Isaisip Natin
Kailangang gamitan ng pagsusuring pampanitikan ang mga akdang binabasa upang makita
ang iba’t ibang bisa at taglay na kaisipang nais nitong ibahagi.

Sanggunian
Baisa-Julian, Ailene G., del Rosario, Mary Grace G., at Lontoc, Nestor, S.
Pinagyamang Pluma 9 (Aklat 2). Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc, 2015.

De Guzman, Januario, Espinosa, Teodorica, at Laxamana, Lutgarda. Noli Me


Tangere. Quezon City: Aklat Ani Publishing, 2001.

Miranda, Lourdes L. at Tulaylay, Mercedes D. Obra Maestra III: Noli Me Tangere.Rex


Printing Company, Inc., 2002.

Ongoco, Tomas C. Mga Tulong sa Pag-aaral sa Noli Me Tangere. Quezon City:


Manlapaz Publishing Co., Inc. 2006.

29
Copyright © 2018 Quipper Limited

You might also like