You are on page 1of 5

TALASALITAAN 51-65

KABANATA 51: Mga Pagbabago

1.balisa; ligalig; bagabag ; di mapalagay


2.taning-takda
3. kalihim-sekretarya ng pinuno ng isang departamento; o kagawaran
4.padrino-isang maimpluwensiya o makapangyarihang tao na maaaring lapitan o hingan ng tulong
5.kasumpa-sumpa-kasuklam-suklam; hindi kanais-nais
6. magpalalo; magmayabang; magmataas
7. pagmumuni-pagninilay-nilay; pagiisip-isip
8. sagabal-hadlang;sagwil
9.lugod-tuwa; galak; kasiyahan

KABANATA 52: Ang Baraha ng mga Patay at mga Anino

1. Paanas-pabulong
2. Sasalakay-aatake;lulusob
3. Nabanaagan-naaninag; natatanaw mula sa dilim
4. Layon-hangad; hangarin
5. Tayaan-pustahan

KABANATA 53: Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga

1. Pagbibitiw-pagsuko
2. Digma-labanan; giyera;pakikibaka
3. Nagmamalabis-nang-aabuso
4. Nanliligalig-nanggugulo
5. Kinasusuklaman-kinamumuhian; kinapopootan
6. Pagsisiyasat-pagtutuklas
7. Sugpuin-pigilin;supilin;lupigin
8. Kilusan-isang malawakang aksyon o pagkilos ng mga tao
9. Dadaloy ang dugo-mamamatay
10. Supling-anak
11. Nagpupunyaging-nagnanais; naghahangad
12. Dominikano-isang relihiyosong orden ng Romano katoliko na itinatag ni Santo Dominic noong 1216 sa
Pransya
13. Heswita –relihiyoson orden ng Romano Katoliko na itinatag noong 1534; kilala rin sa tawag na
“Kapisanan ni Hesus”
14. Kolehiyo-grupo ng mga pari
15. Tinutuligsa-hayagang inaatake o pinupuna
16. Pagsulong-pag-unlad
17. Kabihasnan-kalinangan; kultura
18. Moog- malaki at matatag na istruktura
19. Masasawi-mabibigo; mamamatay
20. Nagmumuni-nagninilay; nag-iisip
21. Paglulugso-pagsasamantala sa puri ng babae
22. Ikinagagalak-ikinasisiya;ikinatutuwa
23. Yayao-mamamatay
24. Nalalambungan-nababalutan

Kabanata 54: Lahat ng Lihim ay Nabubunyag, Walang Hindi Nagkakamit ng Parusa

1. Pag-aalsa-rebelyon; paghihimagsik
2. Isuplong-isumbong
3. Balaraw-punyal o patalim

Kabanata 55: Ang Kaguluhan

1. Binagtas-nilakad
2. Tinalunton-mahigpit na pagsunod sa linya, daan, bakás, tuntunin,
3. Nagngangalit-nanggigigil

Kabanata 56; Mga Sabi- Sabi at Kuru-kuro

1. Nanghilakbot-natakot; nasindak
2. Nakapinid-nakasara
3. Misa de gracia- misa ng pasasalamat
4. Looban-pagnakawan
5. Isinigaw-ibinunyag
6. Ipiniit-kinulong
7. Tinanglawan-inilawan
8. Baro-maluwang na damit na pang itaas
9. Amorseko-halamang damo na tinatawag na Digitaria

Kabanata 57: Ang Aba ng mga Nalupig

1. Mababalasik-malulupit
2. Mapanglaw-malungkot
3. Nakasusulasok- mabaho; masangsang
4. Pangaw-posas
5. Luray-luray-punit-punit
6. Nananangis-umiiyak ng malakas
7. Umiika-mabagal na tila pilay kung lumakad
8. Tadtad-puno o tigib
9. Binuntal-sinuntok
10. Walang patlang-walang tigil
11. Napayukayok-napayuko ang ulo
12. Pasuray-suray-paliko-liko na tila matutumba
13. Ipinakalag-pinakalas; pinatanggal
14. Sukal-kalat; basura
15. Patiwarik-pabaliktad
16. Burak-putik
17. Galos-gasgas
18. Tiwasay-payapa
19. Kumikilig-nangangatog
20. Idinuldol-idildil o isalaksak ang isang bagay
KABANATA 58- ANG ISINUMPA

1. Hinagpis-himutok; hinaing; reklamo


2. Panaghoy-malakas na pag-iyak dulto ng matinding kalungkutan o sakit
3. Nagpapataliba-nagpapabantay
4. Batbat-tadtad; punung-puno
5. Nananaghoy-nananangis; umiiyak ng malakas
6. Kinamal-kinuha
7. Bitayin-parusang kamatayan sa pamamagitan ng pagbigti
8. Hinanakit-tampo

KABANATA 59- PAG-IBIG SA BAYAN AT SARILING KAPAKANAN

1. Naligalig-nabalisa; nabagabag
2. Mitra-gora o maliit na pabilog na sombrero ng Obispo; kailangang itaas ang ranggo ng pari upang
makapagsuot ng mitra
3. Maaliwalas-maliwanag
4. El Diario de Manila-isang pahayagang nasusulat sa wikang kastila na itinatag noong 1848;
pinamatnugutan ito ni Felipe del Pan
5. Nasugpo-napigil
6. 1872-taon kung kailan naganap ang pag-aalsa sa Cavite kung saan napagbintangang kasangkot at
hinatulang mamatay ang mga paring sina Gomez, Burgos at Zamora
7. Quare-salitang Latin na nagangahulugang “bakit”
8. Huling habilin- kasulatang naglalaman ng pamamahagi ng ari-arian ng isang tao matapos na siya’y
mamatay
9. Katibayan-ebidensya; pruweba
10. Piging-salu-salo
11. Tanggulan-kuta o taguan

KABANATA 60- IKAKASAL SI MARIA CLARA

1. Sumarili-pumangibabaw
2. Mahal na tao-importante o mahalagang tao
3. Birhen- sa Bibliya ito’y tumutukoy sa isang kabataang babae na wala pang asawa at nasa tamang
edad na upang mag-asawa
4. Mag-aakyat-manaog- magpapabalik-balik sa isang hagdanan
5. Manugang-asawa ng anak
6. Chica-salitang kastila na nangangahulugang “batang babae”
7. Kahalili-kapalit
8. Piskal-pampublikong prosekyutor o taong nagsasampa ng kaso o demanda
9. Sumadsad-dumaong
10. Nahihibang-nagdedeliryo; panandaliang naguguluhan ang isipan dahil sa sakit o karamdaman
11. Kalapastanganan-kawalang galang
12. Sinapupunan-matris o bahay-bata ng babae kung saan lumalaki ang sanggol
13. Itinakwil-nilimot; itinapon; ibinasura
14. Mahihinuha-masasapantaha; maaakala
15. Sambalilo-sumbrero
16. Nagpupugay nang buong pitagan-sumaludo ng buong galang
KABANATA 61- ANG HABULAN SA LAWA-

1.nasusuklam-nandidiri
2. kutob-hinala
3. Hukom-tagahatol; tagagawad ng parusa
4. pabuya-gantimpala
5. palwa-bangka
6. ipinihit-inilihis
7. sisisid-lalangoy sa ilalim ng tubig
8.tinugis-hinabol

KABANATA 62- ANG PAGTATAPAT NI PADRE DAMASO

1. Masaksihan-makita
2. Napahikbi-napaiyak
3. Nagdurusa-naghihirap
4. Pagkatao-pagkakakilanlan
5. Magmongha-magmadre
6. Walang malay-inosente; walang nalalaman

KABANATA 63: ANG NOCHE BUENA

1. malamlam-malungkot
2. Nakabuwal-nakatumba
3. aguinaldo-pamasko
4. paika-ika-papilay-pilay
5. palibut-libot-pagala-gala
6. tanod- guwardiya; bantay
7. binayo-pinukpok;kinalampag
8. Makapangunyapit-makakapit ng mahigpit na tila tuko
9. nagpatihulog-kusang ihinulog ang sarili
10. pamulagat-pagtitig na nandirilat ang mga mata
11. luoy-lanta; nangaluntoy
12. naghihinagpis-nagdadalamhati
13. Nakabunton-nakatambak
I4. italaksan-isalansan
15. panggatong-kahoy na pamparingas ng apoy
16.maningning-maliwanag
17. bukang-liwayway-oras na papasikat ang araw; pamimitak-araw
18. kaliligtaan-kalilimutan
19. namalas-nakita
20- siga- apoy na likha mula sa pagsusunog na basura, damo atbp

KABANATA 64- HULING KABANATA

1. kinahumalingan-labis na kinahiligan o kinawilihan


2. piluka-artipisyal na buhok
3. Fumadero Publico de Anfion-Pampublikong silid sa paninigarilyo ng anfion; ayon sa mitolohiyang Griyego,
Si Anfion ay ang kakambal na kapatid ni Zeto at sila ay anak nina Zeus at Antiope; ang lahat ng nagging anak
ni Anfion ay namatay at at siya’y nasiraan ng ulo
3. andalucia-isang rehiyong nagsarili ( awtonomous sa Espanya; ikalawa sa pinakamalaking rehiyon sa
Espanya batay sa sukat ng lupain
4. nangungutsero-nagpapatakbo ng karwahe
5. libingan ng Pako- libingang itinayo noong 1820 sa Pako, Maynila
6. grado comandante-antas o titulong kumander o pinuno ng hukbong military
7. nagumon-nalulong
WAKAS

Ang Noli me tángere na ang ibig sabihin ay Huwag mo akong salingin o Huwag mo akong hawakan
ay ang mga salitang sinabi kay Maria Magdalena ni Hesus matapos siyang makilala ng babae
matapos ang kanyang muling pagkabuhay. Ang parilala ay nagmula sa
bersiyong Latin ng Ebanghelyo ni Juan, Kabanata 20, Bersong 17.
Ang orihinal na parilalang Griyegong Koine, Μή μου ἅπτου (mē mou haptou), ay mas mabuting
nailalarawan sa pagsasalin bilang "tigilan ang pahawak sa akin" o "tigilan ang pagkapit sa akin".

You might also like