You are on page 1of 11

EL FILIBUSTERISMO

MGA
TALASALITAAN
KABANATA 1-2: SA ILALIM NG KUBYERTA
1. Balut. Itlog (lalo ng pato) na may bilig, o sisiw.
2. Garote . Bitayan na ang isang lubid na nakasilo sa leeg ng bibitayin ay napipilipit
ng isang pamihit sa likod ng bibitayin hanggang mamatay sa sakal ang
ginagarote.
3. Kubyerta. Pang-ibabaw na palapag ng bapor.
4. Pagpugay. Paggahasa (Maaari ring "pagsaludo" kung pagpupugay".
5. Pagtutsada. Pagmumura nang may paghamak
6. Panukala. Mungkahi, balakin.
7. Regular. Uri ng pari, kasama sa orden o korapsyon.
8. Secular. Uri ng pari, karaniwa'y Pilipino, na walang kinasasapiang samahan o
orden.
9. Tandisan. Tuwiran, harapan.
10. Tikin. Mahabang payat na kawayan na ginagamit sa pagpapatakbo ng
sasakyang-pantubig sa pamamagitan ng mga bisig.
11. Uldog. Pari, Prayle.
KABANATA 3-4: MGA ALAMAT
1. Hitso, itso nganga. Binubuo ng ikmo, tabako, apog at bunga
(arekanut) na nginangata. Ito ang chewing gum noong panahong
iyon.
2. Pagkamulat. Pagdunong; unang pagkabatid sa katotohanan;
paggising ng nakatulog.
3. Pabilak. Patuya.
4. Pinakukundanganan. Tinitingala, iginagalang, kinikilala.
5. Sikapat. Dalawamputlimang sentimos (ikaapat na piso).
6. Sumusulak. Kumukulo sa init, may bulubok o pumapaibabaw na
sulak o kulo,
7. Tukayo. Kapangalan
8. Watak- watak. Hiwa-hiwalay.
KABANATA 5-6: NOCHE BUENA NG ISANG KUTSERO
1. Agnos. Palawit ng kuwintas. Galing sa agnus, isang bilog na barya.
2. Kabesa. Pinuno ng isang baryo (baranggay) na ang tungkulin ay
maningil at mangilak ng buwis para sa pamahalaan.
3. Kakamkamin. Sapilitang kukunin, aariin na ng malakas at
makapang-yarihan, tulad ng simbahan o pamahalaan.
4. Kaluwalhatian. Maligayang-maligayang pamumuhay.
5. Magbabangon. Maghihimagsik, mag-aalsa, magrerebolusyon.
6. Mailit. Sa hindi pagbabayad ng utang o buwis, isa o ilang ari-arian
na nakaprenda o nakasanla ay iniilit o kinukuha ng may pautang o
ng pamahalaan.
7. Masalimuot. Magulo, magsuot, paiba-iba, walang linaw.
8. Nakipag-asunto. Dinala sa hukuman ang kaso o usapan.
KABANATA 7-8: SI SIMOUN
1. Adsum. Narito! (sagot sa roll call.)
2. Balite. Punong maraming ugat. Karaniwang nakikikapit lamang sa
isang puno. Sa dakong huli, binabaliti o sinasakal nito ang puno at
siya na ang tumutubo sa lugal ng puno. Pamilya ng picus.
3. Inaaninaw. Pagtingin sa mga bagay sa madilim na kapaligiran.
4. Lente. Flashlight
5. Paliit ang buwan. Natapos nang magkabilugan. Padilim.
6. Mamuhi. Magalit.
7. May puti na. Nag-uuban na.
KABANATA 9-10: MGA PILATO
1. Imikan. Kibuan.
2. Ketong. (Leprosy) Sakit sa balat na umaagnas sa laman ng tao at
nag-aalis ng pakiramdam.
3. Pasamsam. Paglikom, pangungulekta.
4. Salabat. Paboritong inumin ng mga karaniwang Pilipino sa halip na
tsaa o kape. Ito ay dinikdik ng luya, pinakuluan sa sapat na tubig at
minamatamisan ng panotsa o asukal.
5. Suman sa ibos. Sumang malagkit na iniluto sa dahong mura ng
niyog.
6. Tinangka. Sinubok gawin.
7. Tinulutan. Pinayagan.
KABANATA 11-12: LOS BANOS
1. Bunga. Kakatwa na ang puno nito ay tinatawag na "bunga" at ang
bunga nito ay tinatawag ring ''bunga". Ang bunga ay areca nut sa
ingles. Gamit ito sa nganga ng mga katutubong Pilipino.
2. Hiyas. Alahas.
3. Nanghilakbot. Natakot nang matindi.
4. Tupada. Pasabong.
5. Tresilyo. Sugal sa baraha ng mga Kastila.
KABANATA 13-14: ANG KLASE SA PISIKA
1. Adsum. "Narito!"
2. Alipustain. Laitin. Hamakin. Yurakan ang pagkatao.
3. Caribinero. Celestial-- Isang kapisanan ng mga estudyante sa
Unibersidad na itinatag ng mga Dominiko bilang tagaayon sa mga
prayle.
4. Derecho. Kurso sa batas.
5. Dia pichido. Araw na nakaipit sa dalawang araw na bakasyon,
kadalasa'y hindi ipinapasok ng mga estudyante sa sarili nilang
kagustuhan (Sandwiched day).
6. Metapisika. Mataas na pilosopiya.
KABANATA 15-16: SI GINOONG PASTA
1. Arastuhin. Salubungin, labanan. Bo Consiesa. Ang bo ay wala sa Intsik.
Ang conseisa ay konsyensya.
2. Guwantes. Isinusulot na pananggalang sa mga daliri at palad sa na
paggawa.
3. Lintik. Kidlat.
4. Malo. Salitang Kastila na kahulugay ''masama.'' Usto limongo. ''Demonyo
ka!''
5. Mapagparaluman. Idealista; matayog ang pangarap na marangal.
6. Nalintikan. Tinamaan ng kidlat, napahamak.
7. Nangutya. Nandusta, nang-aba, masakit na salita.
8. Pesimista. Hindi palaasa.
9. Quid. Mahalagang puntos o paksa.
10. Rebisino. Sugal sa baraha ng mga Kastila.
KABANATA -17-18: MGA KARAYAAN
1. Gobernadorsilyo. Katimbay ng mayor o alkalde ngayon.
2. Hiyapay. Salitang Intsik sa '' hapay na;'' malaki ang lugi, babagsak na
ang negosyo.
3. Palasan. ''Rattan'' na gamit sa arnis, ipinantatali.
4. Punyales. Pagmumura o panunungayaw ng mga Kastila; hango sa
''punyal'' o ''sundang,'' ''balaraw,'' matulis at may magkabilang talim;
at sa may kalansahan, may alusyon sa pag-aari ng lalaki.
5. Siim. Yero. GI sheet.
KABANATA 19-20: ANG TAGAPAGMUNGKAHI
1. Batikuling. Uri ng kahoy-gubat na ginagamit sa paglilok.
2. Bunga. Puno, ang tawag ay ''bunga;'' sa bunga nito, ''bunga'' rin ang tawag.
3. Laniti. Isang mahusay na kahoy-gubat para sa paglilok ng mga imahen ng
santo.
4. Lebita. Parang loafer o Amerikana.
5. Operet. Maikling opera. Palabas na maraming kantahan, pinagsibulan ng
sarzuela.
6. Paludismo. Isang uri ng sakit sa katawan.
7. Pangginggi. Sugal ng mga Pilipino na gamit ay baraha.
8. Pro. Ayon.
9. Anti. Salungat.
10. Salapi. Ang ''isang salapi'' ay katumbas ng limampung sentimos.
11. Sikolo. Halaga ng pera noong panahon ng Kastila na katumbas ng anim at
isa sa ikaapat na sentimos.

You might also like