You are on page 1of 18

ARALIN 2: VISAYAS

2.1 ANG ISLA NG SIQUIJOR, KALIGIRANG KASAYSAYAN AT ILANG IMPORMASYON


SA PANINGIN NG NGA MINAMAHAL
- nina Julie Ann Cabal Asari, Marjorie Valdez Enguio, Leanvic Omondang Paling

-Ayon kay Tikos ( Siquijor Today, 1999) ang islang ito ay nadiskubre ni Esteban Rodriquez sa ekspidisyon ni
Legazpi noong 1565. Noong 1854 hanggang 1892, ito’y nasa ilalim ng pamamahala ng Bohol. Naging
probinsiya rin ito ng Negros Oriental noong 1892. Sa pamamagitan ng republic Act No. 6398, naging ganap na
probinsiya ang Siquijor noong Setyembre 17, 1971. Sa ngayon, bahagi ito ng rehiyon 7, kasama ng
Dumaguete, Bohol, Negros Oriental, at Cebu. May anim na bayan ang islang ito- ang Enrique Villanueva,
Larena, Maria, Lazi, Siquijor,at San Juan. Sa mga nabanggit, ang bayan ng Siquijor ang kabisera ng isla.

-Ang bayan ng Enrique Villanueva ay binubuo ng labing-apat (14) na barangay at may ipinagdiriwang na
piyesta rito kung saan ang pangunahing patron ay ang Our Lady of Mt. Carmel. Ang bayan naman ng Larena
ay may 23 barangay at dito makikita ang daugan ng o pantalan ng mga bapor. Si Saint Vincent de Ferrer ang
kanilang patron na ang kapistahan ay tuwing ika-3 ng Mayo. Ang bayan naman ng Maria ay may sukat na 5,
135 at may 22 barangay. Dito makikita ang ipinagmamalaki ng isla ng Siquijor- ang Salagdong Beach. Ang
kanilang pangunahing patron ay ang Our Lady of Divine Providence.

-Ang lazi naman ay binubuo ng 18 barangay at ipinagdiriwang nila ang piyesta ni San Isidro Labrador
tuwing ika-16 ng Mayo. Ang may pinakamaraming barangay ang bayan ng Siquijor na binubuo ng apat napu’t
dalawag barangay (42). Si St. Francis de Assissi ang kanilang pangunahing patron at ang kanilang piyesta ay
tuwing ika-4 ng Oktubre. Umabot naman sa 11, 371 ang naninirahan sa bayan San Juan. Si Saint Agustin of
Hippo ang kanilang patron.

- Ang ugali ng mga Siquijodnon batay sa obserbasyon ng mga mananaliksik ay masisipag, mababait,
matulungin, mapagkakatiwalaan, at higit sa lahat, ay may pagmamalasakit sa kapwa Siquijudnon at maging sa
ibang tao. Pagsasaka at pangingisda ang kanilang pangunahing ikinabubuhay.

Mga Paniniwala at Kaugalian

- Ang pagsangguni sa mananambal o sa tinatawag na albularyo ay isa sa mga paniniwala at


kaugaliang patuloy na ginagawa nila magpahanggang ngayon. Ginagawa nila ito sa sumusunod.

Panganganak

- Ito ang mga sinabi nina Sopio Sumalpon at Maximo Supol tungkol dito na sila mismo ang
mananabang o ang nagpapaanak.

“ Kung malapit na ang panganganak, isinturon sa may puson ang habak nagaling sa “ kupo” o sa
unggoy para hindi mahirapan sa panganganak”

Kamatayan

- Sina Sopio Sumalpong, Tirso Sumondong, at Juan Ponce ay may parehong paniniwala sa
kamatayan. Ang mga ito ay:

1. Kung may namatay ay dadasalan ito ng siyam na araw at apatnapung araw ang pagrorosaryo.
2. Bawal magwalis ang namatayan kung may nakaburol.
3. Ipinagbabawal ang paliligo at paglalaba sa loob ng bahay.
4. Babasagan ng baso ang ilalim ng ataul para wala nang susunod na mamamatay.
5. Hindi dapat na tinutulugan ag patay dahil hindi maganda sap ag-alala sa kanya.
6. Hindi maaaring kumanta, manood ng telebisyon, at making sa radio.
7. Kapag may patay sa bahay, huwag maglinis ng bahay. Hintayin na lang ang ikatlong araw bago
maglinis.

Paglilibing

- Ayon kay Conchita Sayre, may mga paniniwala din sila sa paglilibing gaya ng;

1. Daraan sa ilalim ng ataul ang lahat ng miyembro ng namatayan upang hindi sunod-sunod ang
mamamatay sa pamilya.

2. Ang mga natunaw na kandila sa simula ng lamay hanggang sa katapusan ay ipasok sa nitso upang
malayo sa kamatayan ang pamilya ng namatay.

3. Kung titirhan ang libingan nang walang pahintulot, magkakasakit ang tityra.

Pag-iwas sa Pagbubuntis

- Ayon kay Soio Sumalpong, maiiwasan ang pagbubuntis sa pamamagitan ng paggamit ng lumay
( gayuma) . Nagagawa ito kapag isinisinturon ang buyo malapit sa puson para hindi mabuo ang
bata. Kilala ang buyo sa Ingles bilang betel leaf pepper at ikmo naman sa Tagalog.

Pag-aalaga at Pagdidisiplina sa Anak.

- May kasabihan na “ Madaling bumuo ng punla, mahirap magpalaki ng bunga”. Hindi madaling
humubog ng anak. Ito ang karaniwang naririnig sa mga magulang pero isang malaking karangalan
ito sa kanila na lumaki ang anak sa tamang landas. Lumaking malikot.

1. Kailangang ilagay sa may pintuan ang pusod ng bata upang lumaki siyang hindi mahiyain.

2. Huwag pigain ang lampin sa unang laba para ang bata ay hindi lumaking malikot.

Mga batas at Tradisyon sa Panggagamot


- Ayon kay Sumundong;

1. Pagsisimba tuwing Maryes at Biyernes


2. Hindi pagkain ng karne kundi purong gulay lamang

- Ayon naman kina Maxima Supol at Conchita Sayre, ginagawa ng mga manggagamot:
1. Hindi nanggagamot sa ibang lugar sapagkat paparusahan ng sukod.
2. Ang librito ( booklet) ay hindi ipinapakita sa ibang tao at walang ibang makakbasa kundi ang
manggagamot lamang.
3. Hindi dinadala sa loob ng simbahan ang lumay dahil nawawalan ito ng kapangyarihan.

Mga Gamot at Paniniwala sa Sakit


- Mas naniniwala pa ring mga Siquijodnon sa tradisyonal na paraan ng gamutan. Mas mainam
parin sa kanila ang at wamga interesetang halamang gamot ng mga albularyo ( mananambal) dahil
sa kabisaan at kapuruhan ( natural at walang halong kemikal) ng mga ito.

Pamahiin
- Nagbigay si Candida Paculba ng ilang mga pamahiin:

1. Pag hindi pa kasal, hindi dapat na pumunta sa malalayong lugar ang ikakasal dahil may
mangyayaring masama. Kailangan maghintay ng tatlong araw bagi umalis.

2. Pagkagaling sa simbahan, patuluyin ang bagong kasal, suklayan at painumin ng bulaklak ng dapo o
orkids na kulay puti.

3. Pagkatapos ng kasal, kailangan na matulog sa bahay ng babae ang bagong kasal para maayos ang
kanilang buhay mag-asawa.

4. Maghanda ng tubig sa baso at ilagay sa pintuan o bintana upang mamalayang may magnanakw na
papasok sa bahay.

5. Sa pagpapatayo ng bahay, tiyakin na nasa tamang buwan at tamang petsa. Lagyan ng agnos ang
bahay, kung walang agnos ay pera ang ilalagay sa ilalim o haligi ng bahay.

Mga Paniniwala sa Pagatatanim at Paghahanapbuhay

- Ayon kay Generosa Balos, may mga paniniwala sila at seremonya na kadalasang isinasagawa sa
pagtatanim at pag-aani.

1. Kung magtatanim ng saging dapat bilog ang buwan, magsumbrero ng malaki, magpakabusog,
kumain ng marami at huwag tumingala para magkabunga ng malaki at hindi matayog ang bunga nito.

2. Mula sa punong mais kumuha ng tatlong bunga. Manalangin para ang ani ay matagumpay. Sa
panalangin, kinakailangan n amula sa puso upang hindi magalit ang mga Diwata at para mabigyan ng
masaganang ani.

3. Sa pagtatanim ng mais, magluto ng mais na nalalakipan ng tabako, tuba, at tubig dahil may pausok
na gawain. magigiling din ng mais para gawing pintos. Magpintos ka ng dalawa. Manalangin,
pagkatapos ay ilagay sab aul ang mga pintos.

4. Sa pagtatanim ng kamote, ginagamit ang mga tuhod at kamay. Gumapang habang nagtatanim at
sabayn ng pagdarasal upang sinlaki ng tuhod ang magiging bunga nito.

Mga Paniniwala sa Aswang at Mahika

- Ang Siquijor ay kilala rin sa anting-anting, aswang, lumay, at mahika.

Mahika- Ayon sa McMillan Encyclopedia, ( 1993: 759), ang mahika ay Sistema ng mga paniniwala
at kaugalian na naniniwalang nakokontrol ng tao ang likas`at supernatural na puersang nakaaapekto sa
kanyang buhay. Ayon naman sa Grolier Dictionary, isa itong sining na pinaniniwalaang
nakakokontrol at nakakamanipula ng mga lihim na pwersa ng kalikasan sa pamamagitan ng mga
ritwal at ma mahiwagang paraan. Pagputol nitong lubid, pareho parin ang haba nito. Sa paraang ito ay
magdarasal ako ng Latin. Sa aking pagsasalita ng Latin, gagalaw itong mga anino na nasa likod ng tela
dahil sa aking mga kamay.

Aswang- Naninniwala ang mga albularyo sa mga sumusunod kaugnay sa aswang:

1. Ang aswang ay tao lamang ngunit may kapangyarihan.


2. Mahal na araw kung sila ay nagsisilabasan dahil wala si Kristo.
Espiritu o Anito

- Isang malaking impak sa tao ang espiritwalismo, isang teorya na binigyan-diin sa direk na
interbensyon ng espiritwal at supernatural na lakas sa pang-araw -araw na pangyayari sa buhay ng
tao. Narito ang ilang halimbawa na nagpapaliwanag sa paniniwala ng mga albularyo kaugnay sa
mga espiritu o anito:

1. Kung may malapit nang mamatay, lalo na kung naghihingalo, diyan magsilabasan ang masamng
espiritu.

2. Kung umuulan, naglalabasan ang mga anito. Sangkap nito ay iba;t ibang uri ng bulaklak, ugat ng
kahoy, lalo na ang matinik.

Lumay ( Gayuma)

1. Kung manlulumay ang lalaki sa babae, manlulumay din ang babae sa lalaki.
2. Mababango ang mga lumay. Kung manlulumay sa babae, ang mga pinaghalong sangkap nito ay
iba;t ibang uri ng bulaklak, ugat ng kahoy, lao na ang matitinik.

3. Ang mga lumay ay kinukuha sa sa punongkahoy na kakikitaan ng alitaptap. Dahil may nagmamay-
aring espiritu, ito;y espesyal kaya kaunti lamang ang kinukuhang bahagi ng puno.

4. Kumuha ng panyo at lagyan ang bawat gilid nito ng lumay at tiklupin. Ipalo ito ng tatlong beses sa
lalaki na hindi niya namamalayan para madaling mapaibig.

5. Ang pinakatamang ihalo sa lumay ay ang lawig-lawig sa dagat

Negosyo at Lumay

- Ayon sa mga imortante, kung may Negosyo, para dumami ang iyong suki, ilagay ang lumay sa
iyong pitaka.

Eksaminasyon (Board Exam) at Lumay

- Naniniwala ang mga Siquijodnon na kung kukuha ng eksam, ilagay lang sa panyo o bulsa ang
lumay para hindi makalimutan ang pinag-aralan.

Kapangyarihan (Gahum)/ Anting-anting

- Ang pagkakaroon ng sariling kapangyarihan ay nasa iyong paniniwala. Tinatawag nilang anting-
anting o amulet sa Ingles at galling sa mga albularyo. Isa ang sinasabi nilang “ mutya” na
pinagkukunan nila ng lakas at kapangyarihan. Kasama riyan ang librito na nakasulat sa wikang
Latin at naglalaman ng mga orasyon na nakadagdag sa kanilang kapangyarihan. Narito ang
kanilang mga ibinahaging kaalman:

1. Ang gahum ( power) ay mutya galling kay San Antonio at lagi itong hinuhugasan.

2. Librong maliit ang gahum na nakasulat sa Latin. Maliit ito at kahit mga bata

ay hindi makababasa kundi ang albularyo lamang at maliwanag ito.

2.2 SULYAP SA KASAYSAYAN AT KALINANGAN NG CEBU


- ni Evelyn Valencia Gabansos

- Ang republika ng Pilipinas ay binubuo ng humigit-kumulang sa 7,000 pulo na nahahati sa tatlong


malalaking bahagi- Luzon, Visayas, at Mindanao. Sa kabisayaanmatatagpuan ang Cebu na ang umiiral
na wika ay Sebwano na kahawig ng wikang ginagamit ng mga karatig-pook nito tulad ng Bohol,
Negros, Siquijor, atbp.

- Ang mga Cebuano ay masasabing mga saling-angkan ng Malay na naninirahan sa Pilipinas bago
dumating ang mga Kastila. Sa kanila Nakita ang unang lakas na pagtatanggol ng kanilang Karapatan
laban sa panlulupig ng mga dayuhan.

- Cebuano ang siyang kauna-unahang matatawag na kritiyano sa kapuluan ng Pilipinas.

- Si Raha Humabon at ang kanyang asawa ay ang kuna-unahang Pilipinong hari’t reyna na
nataguriang kristiyano. Ang kanilang anak ay pinangalanang Tupaz.

- Ciudad Del Santisimo Nombre de Jesus- ito ang kauna unahang simbahan na naitayo sa
pangunguna ni Legaspi. Ginawang patron sa lungsod ng Cebu.

- Ang siyudad ng Cebu ay itinuturing na pinakamatandang siyudad ng Pilipinas.

Mga Kaugalian na sinusunod ng mga Cebuano sa Pag-aasawa

1. Ang Monogamya- Ikinararngal ng mga Cebuano ang kanilang pagiging binyagan.


Minamahakaga nila ang pagkakaroon ng banal na krus na itinirik sa lupain ng Cebu noong
ika-14 ng Abril, 1521. Sa mga tunay na kristiyano, mahalaga at lubos nilang iginalang ang
Sagradong Bagong Testamento ng Banal na aklat na mahigpit na nagbabawal sa pagkakaroon
ng maraming asawa samantalang buhay ang unang asawa.

2. Ang legal na paghihiwalay- para sa mga Cebuano’y Dalisay at mahalaga ang kasabihansa
Banal na Aklat na ang isang babae’t lalaking pinag-isampuso sa harap ng Panginoon ay hindi
maaaring maghiwalay sa anumang kadahilanan maliban sa kamatayan. Ang pagpapakasal ay
mahigpit na nagbabawal sa paghihiwalay.

3. Ang tinatawag na Bugay- ito ay katumbas sa tinatawag na dowry. Ang mga sumusunod
ay siyang kalimitang hinihingi ng mga magulang ng nobya sa magulang ng nobyo: isang
mesang espesyal na nauukol sa mga kaluluwa ng kanilang mga ninuno na malaon nang
pumanaw; isang buo o kumpletong kagamitan at damit pangkasal; gastos sa handa at kasal;
kung minsan namanay halaga ng salapi na hihilingin ng magulang ng lalaki upang ipabaon o
bilang isang alaala sa araw ng kanilang kasal; halimbawa’y isang bahay o lupa na magiging
kahilingan ng dalawang ikakasal sa kanilang mga magulang lalo na kung ito’ gaking sa
angkang nakakariwasa sa buhay.

4. Ang pagbibigay-handog: ang mga alaala o pagbibigay-handog sa bagong kasal ay naging


kagawian na ng mga kamag-anak, bisit at kaibigan na dumadalo sa araw ng kasal. Ang mga
regalong ibinibigay ay tanda ng kanilangpaghahangad ng isang mahusay na pamumuhay at
maligayang pagsasama ng mga bagong kasal.

- Ang mga dalaga’t binata sa pook na ito ay nararapat na dumaan muna sa mga sumusunod
bago magpakasal:

1. Ang pagila-ila- ang pagkikilala nila.


2. Ang pangulitawo- ang panliligaw ng binta sa dalaga lalo na ang pag-akyat ng ligaw.

3. Ang panagtrato- ang pagkakasundo ng dalaga’t binate na mag-ibigan.

4. Ang pamalaye- paghingi ng kamay ng babae mula sa kanyang mga magulang

5. Ang pagrehistro- ang paghahanda ng mga papeles at paglathala ng mga pangalan ng


ikakasal sa munisipyo.

6. Ang kasal- ang pag-iisampuso ng magnobyo sa harap ng isang pari sa simbahan.

Mga Paniniwala Tungkol sa Bagong Kasal

1. Ang ikakasal ay kailangang tumigil sa bahay at hindi paalis-alis habang ang araw ng kasal ay
hinihintay.

2. Hindi pwedeng isuot ang damit pangkasal bago ang araw ng kasal.

3. Pagkatapos ng kasal at habang papaalis na sa simbahan ang ikinasal, kailangang tiyakin ng bawat
isa na siya ang unang makayakap sa unang baytang ng hagdanan at unang makahakbang paalis sa
altar, kailangang mauna ang isa sa kanila. Ang mga Cebuano’y may paniniwala na ang unang
makakahakbang ang siyang dominante o masusunod sa lahat ng bagay sa kanilang tahanan at sa
kanilang pamumuhay.

4. Ang mga bigas, asin, at asukal ang siyang mga bagay na kailangan na mauna sa kanilang bahay
bago dumating ang ikinasal.

5. Bago umakyat ang bagong kasal sa kanilang bahay, kailangang painumin ng isang basong tubig sa
iisang baso ang bagong kasal upang sila’y laging magkakaunawaan; sa hirap man o sa ginhawa sila ay
lagging magkakapiling.

6. Ang suklay ay kailangang isuklay sa buhok ng bagong kasal nang makailangang-ulit upang ito’y
magkaroon din ng mahusay na pgsusunuran at maayos na pamumuhay.

7. Sasabuyan ng bigas o palay ang bagong kasal paglabas ng simbahanupang maging masagana at
maligaya ang kanilang pagsasama habang buhay.

8. Ang pagkabasag ng baso o pinggan habang dinaraos ang handaan sa kasal ay nagtataboy ng
kamalasan sa buhay mag-asawa.

9. Matapos ang kasal, ang mga ikinasal ay kailangang hindi muna umalis ng bahay nanag sa gayon ay
maging maligaya ang kanilang pagsasama at hindi na sila maghihiwalay kalian man

EBALWASYON

Pangalan: __________________________________________ Iskor: ___________________

A. I. Instruksyon: Isulat ang T kung tama ang pahayag. Kapag mali, ikahon ang salita o mga salitang
nagpapamali nito, at isulat sa patlang ang salita o mga salitang magwawasto nito.
_________1. Pagsasaka at pangingisda ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao sa isla ng Siquijor.

_________2. Limang bayan ang bumubuo sa isla ng Siquijor.

_________3. Sa ngayon, bahagi ng Rehiyon 7 ang Siquijor.

_________4. Noong 1854 hanggang 1892, ito;y nasa ilalim ng pamamahala ng Cebu.

_________5. Ang Siquijor ay ay nadiskubre ni Esteban Rodriguez sa ekspedisyon ni Legaspi noong 1655.

_________6. Ang Siquijor ay mula sa wikang Latin na Isla de Fuego.

_________7. Sa pamamagitan ng Republict Act No. 6938, naging ganap na probinsya ang Siquijor.

_________8. Naging probinsya rin ang Siquijor ng Negros oriental noong 1892.

_________9. Naging ganap na probinsya ang Siquijor.

________10. Ang bayan ng Larena ang kabisera ng isla ng Siquijor.

B. Isulat sa patlang ang tinutukoy sa bawat bilang.

1. Kailan ginanap ang pagdaraos ng unang misa ng mga Kristiyano? __________________

2. Ang lahi na kauna-unahang matatawag na Kristiyano sa kapuluan ng Pilipinas ______________________.

3. Ang bantog na bayaning Cebuano _______________________.

4. Ang kauna-unahang simbahan na ipinamgalan sa karangalan ng banal na pangalan ni Hesus


_____________.

5. Ang itinuturing na pinakamatandang siyudad ng Pilipinas _________________.

6. Mga saling-angkan ng mga Cebuano____________________.

7. Ang itinirik bilang sagisag ng pagyakap na ito sa Kristiyanismo___________________.

8. Siya ang anak ni Humabon na namuno sa pagkakatagpo sa pook na karapat-dapat na maging pinakamalakas
na kuta ng mga kastila at katatagpuan ng maraming pagkain sa dalampasigan ng Cebu ____________.

C. Magsaliksik kung paano at kalian nagsimula ang paniniwala ng mga sinaunag Pilipino tungkol sa mga
aswang at iba pang supernatural na nilalang. 10 pts.

2.3. ANG BAROTAC NUEVO SA ILOILO

- ni Emilina Nepomoceno

- Ang Lungsod ng IloIlo ay kilala dahil sa malambing na intonasyon ng pagsasalita ng mga Illonggo at sa
kanilang pagiging mabait at masayahin. Ipinagmamalaki ng IloIlo si Graciano Lopez Jaena bilang isang bayani
at si Estevan Javellana dahilan sa kanyang sinulat na Without Seeing the Dawn na tumanggap ng karangalang
pandaigdig. Ang barotac Nuevo ay isang bayan sa IloIlo at dating nayon ng Dumangas.

-Ang pangalang Barotac ay hango sa katutubong salitang ang ibig sabihin ay maputik at dinugtungan ng
Nuevo upang mapaiba sa isa pang bayang ang pangalan naman ay Barota Viejo. Karamihan sa mga
nanininirahan sa Barotac Nuevo ay katoliko. May panlalawigang paaralan sa pangingisda bukod pa sa
pribadong paaralan na pinamumunuan ng mga madre, pagpapatunay sa hilig ng mga Barotaknon sa
pagpapaaral ng mga anak. Ngunit marami paring makalumang bagay ang umiiral lalo na sa mga matatanda at
sa mga naninirahan sa liblib na pook. Namamayani parin ang paniniwala sa pamahiin katulad ng hindi
pagwawalis tuwing gabi dahil tumatapon ang biyaya, hindi paliligo ng mga kasapi ng pamilya pag may
nakaburol na patay, ibp.

- Karamihan sa mga Barotaknon ay nabubuhay sa pagbubukid o pagtatrabaho sa mga pataniman ng tubo


sapagkat ang bayan ay may isang sental ng asukal. Ang kapistahan ng bayang ito ay tuwing ikalabing-13 ng
Hunyo sa karangalan ng patrong si San Antonio de Padua. Ang paligid ng bayan ay halos pawing natataniman
ng palay at mga tubo.

Iba Pang Tala Tungkol sa IloIlo

- Ang lalawigan ng IloIlo ayon kay Campos (1990) ay may hatid na ligaya sa mga turista. Marami
ang mga pook na pang-akit, magandang tanawin, maatandang simbahan at mga bahay,
makasaysayang pook, namumukod na sining, makukulay na kaugalian, at masisiglang pista. Higit
sa lahat, ang IloIlo ay pinanahanan ng masisigla at magigiliwing tao. Ang wika ng mga Ilonggo
ay Hiligaynon na may iba-iba ring varayti.
Wika
- Ang wika ng mga Ilonggo ay Hiligaynon. Ang Hiligaynon ay may varayti depende sa bayan ng
IloIlo. Karay-a ang isa sa mga dayalekto ng Hiligaynon na may pinakamaraming tagapagsalita.

 Mga Pamahiin, Paniniwala, at Kaugalian ng mga Ilonggo

Tungkol sa Pagdadalan-tao

1. Sa panahon ng paglilihi o panamkon, kinakailangang ipagkaloob lahat ng lalaki ang anumang


pagkaing mahihiling ng babae sapagkat kung hindi, tiyak na makukunan ang kanyang asawa.
2. Hindi maaaring magsuot ng kuwintas o maggantsilyo ang isang babaing nagdadalan-tao sapagkat
maaring maging mahaba ang pusod ng bata at ito ay magiging sanhi ng kamatayan.
3. Kung lalabas ng bahay sa hapon, kailangang maglagay ng tuwalya , patadyong o anumang bagay sa
ulo.
4. Huwag maupo o mahiga sa may pintuan o hagdanan ng bahay dahil maaaring magbunga ito ng
mahirap na panganganak.
5. Bawal ang magpalitrato.
6. Bawal magtingala kung bilog ang buwan o kung may eklipse dahil baka magkaroon ng pinsala ang
bata.
7. Huwag pagtawanan ang bulag, bingi, pepe, sungi, o duling baka sag anito ay magkaroon ng
kapansanna ang bata.
8. Huwag paglihian ang mga santo at santa dahil baka maging pipi ang bata. Hindi rin mabuting
paglihian ang maynika.
9. Kailangang tumingin sa magaganda upang ang sanggol ay maganda ang kaanyuan.
10. Ang buntis na kakain ng kambal na prutas ay manganganak ng kambal.
11. Ang buntis ay di dapat magpagupit dahil ang bata ay baka walang buhok.
12. Ang babaing maaari pang manganak ay hindi hinahayaang kumain ng mga prutas na hindi pa
gaanong napoporma sa takot na makunan ito.
13. Sa munisipyo ng Guimbal ay sinusunod ang paniniwalang ito: Ang isang bahay ay hindi maaaring
kumpunihin kapag ang ina ng tahanan ay buntis sapagkat tiyak na maghihirap ito sa panganganak.
14. Upang hindi mahirapan sa panganganak, ang babaing buntis ay lumalabas ng bahay bago
sumakabilng-buhay ang naghihingalo.

Tungkol sa Pagsisilang ng Sanggol

1. Kapag ang panganganak ay mahirap, ang asawa ng babae o sinuman sa pamilya ay bababa ng bahay na
dumaraan sa bintana at gumamit ng kawayan bilang pinakahagdan.

2. Kung ang panganganak ay mahirap, inaakala na ang babae ay may nagawang kasalanan na malulunasan
kapag nangako siyang magtitika ng kanyang nagawa sa harap ng pinagkasalanan.

3. Ang ina ay binibigyan ng masustansiyang pagkain kapag siya ay nanganganak.

4. Ang pagkaulapol ng puti na itlog sa sikmura ng buntis na babae sa panganganak nito ay magpapagaan sa
panganganak.

5. Pagkatapos na mailabas ang bata, iniitsa ito nang pataas nang dahan-dahan upang hindi malula o mahihilo sa
pagtungo sa matataas na lugar.

6. Sa Baryo Balantang, Jaro, pagkalabas na ng bata, ang puso ng saging ay ipinapahid sa labi nito upang hind
imaging maitim.

7. Ang mga hipon at ulang , sariwa pa mula sa tubig ay ipinapahid sa bibig ng bagong silang na anak. Sa
pamamgitan nito, ang bata raw ay magiging masigla at maliksi.

8. Kapag nauna ang paa ng bata, ito raw ay magkaroon ng kapangyarihang makalunas sa mga natinik sa
lalamunan.
9. Sa pagsilang ng bata, ang mga matatanda ay naininiwala sa mga ilang palatandaan at kalagayan at
hinuhulaan ang magiging kapalaran ng bata.

a. Ang bata halimbawa na ipinanganak sa gabi ay matapang at di katatakutan ang dilim at


anumang panganib sa hinaharap.
b. Ang batang ipinanganak sa araw magiging mahina
c. Ang pagsilang ng isang sangool na may kapinsalaan ay pinaniniwalaang maghahatid ng
suwerte sa pamilya.
d. Kapag ang bata ay slit-eyes at lubhang tahimik, ito ay malamang na makahumalingan ng
mga tanawo o Diwata at kung ito ay maging dalaga na ay pipintuhuin ng mga ito.
e. Suwerte raw ang pagsilang ng tatlong anak na lalaki nang sunod-sunod.
f. Ang pagsilang ng unang anak na lalaki ay tiyak na maghahatid ng suwerte sa kanyang mga
magulang.

10. Sabaw ng manok ang idinudulog sa bagong kapapanganak na inau pang mabawi niya ang kanyang lakas.

11. Sa loob ng siyam na araw pagkatapos ng panganganak, ang nagpappasusong ina ay umiiwas sa pagkain ng
nilagang berde na saging at calocalo.

12. Kailangang kumain ang ina ng sariwang prutas upang maraming gatas.

13. Guwama ng kaunti ng mga mabibigat na trabaho upang hind imaging sanhi ng pagkabinat na kung minsan
ay nauuwi sa sa lalo pang kapinsalaan. Ito ay tinatawag na “ padungan”.

14. Ang paliligo ng ina ay may mga sangkap na pinakuluang dahoon ng pomelo, bunlao, alibjon, at tanglad. Ito
ay upang di mabinat ang ina.

Tungkol sa Binyag ng Sanggol

1. Ang bata ay kailangang mabinyagan dahil naniniwala sila na ito ay magiging malusog at lagging ligtas sa
sakit.

2. Kapag umiiyak ang bata sa agbinyag, ito ay lalaking pilyo, malikot, at matigas ang ulo. Kung ito ay tahimik,
lalaki itong mabait.

3. Sa bintag ng bata kailangang may kaunting handa upang laging may pagkain ito.

4. Ang ninong at ninang ay dapat magbigay ng pera sa bata upang maging magaan ang pera sa inaanak at
mdali itong yumaman.

5. Sa pagbinyag ng Kambal, ipasok ang bata sa pinto at ang isa naman sa kabila upang walang mamatay
sinuman sa kanila.

Tungkol sa Pag-aalaga ng Bata


1. Pagbibili ss bata- kapag ang isang pamilya ay namatayan na ng mga dalawa o tatlong anak sa napakaagang
gulang, at ang sumunod na bata ay tila magkakaganoon rin, ang isang seremonya ng pagbibili sa bata ay
idinaraos.

2. Abay- sinuman ay hindi hinahayaang magbigay ng puna o biro tungkol sa bata na ito ay malusog. Kapag
naging matindi ang pagbati o pagbiro, magiging dahilan ito ng pagkakasakit ng bata. Kaya, bago magsalita ng
anuman kinakailangang sabihin muna ang “ puwera abay” o “ puwera usog”.

3. Panagang- Pinasusuotan ang bata ng kuwintas na may nakataling ngipin ng buwaya upang magsilbing
pangontra sa masasamang espiritu.

Tungkol sa Pagliligawan, Pagnonobyo, Pag-aasawa

1. Kapag umaawit habang nagluluto sa harap ng kalan ang isang dalaga, ang mapapangasawa niya ay
isang matanda.

2. Ang paghaharap sa nagtatahip ng bigas ay magbubunga ng pagkakapag-asawa sa isang matanda.

3. Ang isang maputing marka sa kuko ay nagsasaad ng katapatan sa isang giliw at kung maraming puti-
puti, magiging talusaling sap ag-ibig.

Tungkol sa Kamatayan, Pagbuburol, Libing, Pagdarasal

1. Ang isang bata ay bawal magsuklay ng buhok sa gabi sapagkat ang ganito raw ay nakapgpapadali sa
buhay ng kanilang mga magulang.

2. Ang pag-alulong ng aso sa gabi ay pagbabadya na si Kamatayan ay nasa pali-paligid lamang at handing
kunin ang isang nilalang.

3. Ang pagpasok ng isang itim na paru-paro sa bahay ay babala na may kamag-anak na namatay.

Tungkol sa Panahon at mga Elemento

1. Kapag maraming bula sa ibabaw ng tuba, masam ang panahon. Karaniwan, kaunting mga bula lamang
ang nabubuo sa itaas ng sisidlang kawayan.
2. Kapag ang isang ibong, tinatawag na kanuyos ang makitang napunta sa hilaga, nangangahulugang may
bagyo sa timog, kung ito ay patimog, ang bagyo ay nasa hilaga.

3. Kapag Nakita ang ilang mga bituing tila wari’y patungo sa buwan, ang ibig sabihin ay may bagyong
darating.

Tungkol sa Hayop, Insekto

1. Kapag ang isang pusa ay tumawid sa iyong daan ay aabutin ka ng kamalasan.

2. Huwag makipaglaro sa pusa kung kumukulog dahil konduktor ito ng kidlat.

3. Ang tsonggo ay inaakalang isang dating taong pinalo ng sandok sa pagsuway sa magulang.

Tungkol sa Pagkain

1. Hindi dapat pinagpatong-patung ang mga plato habnag hindi lahat tapos kumain upang hindi patung-
patong ang utang.

2. Huwag kakain ng maya’t maya kung di magiging abut-abot ang mga utang.

3. Ang pagkain ng itlog na nauntol ang pagkapisa ay nagdadala ng pagkabigo sa mga binabalak.

Tungkol sa Asuwang at Iba pang mga Kakatwang Nilalang

1. Ang mga aswang ay mga kakatwang nilalang na nakalilipad.

2. May kapangyarihang patayin ang tao sa pagtingin lamang o pagkain ng atay nito.

3. Nagagawa rin nito na papagkasakitin ang isang tao.

Tungkol sa Halaman at Pagsasaka at Pangingisda

1. Gumagawa ng pagluhod-luhod ang isang magsasaka habang gumigiik ng bigas bago magpatuloy upang
Mabuti ang ani.

2. Sa pagtatanim ng anumang uri ng pananim, ang suklay, nganga at lumang habihan ay itinatapon kasama
ng bigas sa punlaan.

3. Sa pagtatanim ng bigas, ang tanglad muna ang itinatanim sa unang punlaan at ito ay sinusundan ng mga
murang halaman.

Tungkol sa anting-Anting at mga Di-pangkaraniwang Kapangyarihan


1. Sa hatinggabi ng Biyernes Santo, ang mga tao ay gumagawa ng lahat ng paraan upang makakuha ng
bahagi ng damit, buhok o anumang kagamitan ng Santo Intiero. Ito ay inihahalo nila sa ibang mga sangkap
at pinauusukan ang mga lambat.

2. Ang mga taong naninirahan sa may bahay ay karaniwang mapapaniwalain sa mga anting-anting.

3. Nagpupunta ang mga albularyo tuwing Biyernes Santo sa yungib at bundok upang manguha ng
damong-gamot at balat ng kahoy.

Tungkol sa Sugal, Sabong

1. Kapag naglalakd sa daan at nakakita ng bakal ng sapatos ng kabayo ito ay nangangahulugan ng


suwerte.
2. Anumang bagay na kambal ay kailangan ilagay sa bulsa upang manalo sa sugal.
3. Kapag nakatayo at may butiking lumukso sa bulsa, ipinalalagay na hudyat ito ng magandang
kapalaran sa sugal.

Tungkol sa Pagpapatayo at Paglipat ng Bahay

1. Sa pagtatayo ng unang poste na tinatawag na pasag-ang ang posisyon ng sinasabing bakunawa ay


isinasangguni sa isang aklat sa pinamagatang”Astrologo”. Ang poste at makikita malapit sa sentro ng
ulunan ng bakunawa.

2. Sa pagpupuno ng anumang butas ng unnag poste, ang isang suklay, at mga sasamuing sentimo ang
inilalagay sa kailaliman ng butas.

3. Ang hagdanan ay dapat na paharap sa silangan upang maging masaya t maginhawa sa lahat ng araw ang
pamilya.

4. Sa paglipat naman sa panibagong bahay, ang hugis ng buwan ay isinalang-alang. Lumilipat sa bagong
tirahan mga tatlong araw kapag kabilugan ng buwan o walong araw pagkaraan ng bagong buwan.

Tungkol sa Iba’tIbang Okasyon

1. Bagong -Taon- Kailangang kumpleto ang lahat o pangangailangan upang sa loob ng buong taon ay
hindi kulang -kulang sa anumang bagay. Maganda rin na maraming pagkain upang maging masagna.

2. Sa Dumangas, sa ika-12 ng hatinggabi, kinakalansing ng mga tao ang 12 perang barya. Ang bawat
barya ay kumakatawan sa 12 na buwan. Ang 12 barya ay itinatago sa loob ng isang taon upang
maghatid ng kasaganaan sa may-qri.
3. Sa Guiambal naman, sa hatinggabi ng Bagong Taon, kinakailngang gumising at making nang
Mabuti sa unang ingay na gagwin ng mga hayop na pambukid.
Tungkol sa Araw ng mga Patay

1. Sa araw na ito, pinaniniwalaan ng mga tao na ang kaluluwa ng mga patay ay magbabalik sa lupa.
2. Naghahanda ng pagkain upang paglubagin ang loob ng mga kaluluwa.
3. Ang mga pagkain ay inilalagay sa mesa upang makain ng mga kaluluwa.

Tungkol sa Samut-saring Paniniwala

1. Ang pag-alulong ng aso sa gabi ay nagpapahiwatig ng mga gumagalang masamang espiritu.


2. Tungkol sa damit, isang paniniwala at naging kaugalian na ang bagong damit ay isinusuot muna sa
simbahan bago sa ibang pagkakataon upang ito ay magtagal.
3. Kapag ang Biyernes ay tumama sa ika-13 arw ng buwan maraming mga aksidente ang maaaring
mangyari.

Kapistahan at Kasayahan

1. Pasungay (bullfight) – idinaraos tuwing ikalawang sabado ng Enero. Ito ang pagsisimula sa
masiglang panahon ng mga kasayahan sa kanlurang Bisaya.

2. Dinagyang- idinaraos tuwing huling linggo ng Enero. Ito ay katawagan ng Ilonggo sa kasayahan
kung saan nagbibigay parangal sa milagrosang Imahen ng Santo Nino.

3. Kapistahan ng Nuestra Senora de la Candelaria sa Jaro- Idinaraos ito tuwing Pebrero 2. Ito ang
pinakamarangya at pinakamalaking pagdiriwang sa panrelihiyon sa Kanlurang Bisaya. Ang pista ng
Jaro ay okasyon na rin ng pagtatanghal ng mga agro-industrial exhibits, garden shows, koronasyon
ng reyna ng karnabal, at ng Grand Cock Derbies.

4. Paraw Regatta- Ginaganap sa tuwing ikatlong linggo ng Pebrero. Paligsahan ito sa karera ng mga
Bangka na idinaraos sa kipot ng IloIlo at ng Guiamaras. Tinatawag na “ paraw” sa bernakular, ang
mga sasakyang pandagat.

5. Ang Pagtaltal sa Guiamaras- Tuwing Biyernes Santo


- isang pangkuwaresmang pagtatanghal sa Jordan, Guiamaras na hinango sa bantog na dula ni
Oberammergau sa Timog Bavaria, alemanya. Ang karanasan ay paglalakip ng pananampalataya at
kulturang pklorika.
6. Ang Parada at Karera ng Kalabaw- Ginaganap ito tuwing Mayo 3. Ang parade at paligsahan ng
karera ng kalabaw ay siyang tampok ng kapistahan sa Pavia, IloIlo. Mga nagagayang karosang hila ng
kalabaw at sinasakyan ng mga musa ang umiikot sa bayan. Pagkatapos ng parade, ang mga musa ay
nananaog sa karosa samantalang inihahanda na ang karera.

Ebalwasyon
I. Instruksyon: Ibigay ang tinutukoy ng bawat bilang. Isulat ang sgaot sa patlang na nakalaan
pagkatapos ng bilang.

1. Ito ay dating nayon ng Dumangas ________________.


2. Halos lahat ng apelyido ng mga katutubo ay nagsisimula sa titik na ito_______________.
3. Tawag sa mga taong nakatira sa IloIlo ____________________.
4. Siya ang ipinagmamalaking bayani ng IloIlo __________________.
5. Ang patron ng Barotac Nuevo __________________.
6. Ang petsa ng kapistahan ng Barotac Nuevo ____________________.
7. ang sumulat ng “Without Seeing the Dawn” ____________________.
8. Atawag sa mga taong nakatira sa Barotac _____________________.
9. Ang bundok na nauugnay sa paniniwala ng mga matatanda na ang isang tubong-bayan na
makapangasawa ng isa pang tubong-bayan ay hindi maaaring yumaman dahil sa ito ay hinaharangan
ng bundok ______________________.
10. Hango ito sa katutubong salita na ang ibig sabihin ay maputik __________________.

II. Instruksyon: Ipaliwanag ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kultura ng mga taga-IloIlo sa


iyong sariling kultura.

_______________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
__

2.4 ANG SINING AT KULTURA NG AKLAN

- ni Florida Villanueva

 Ang Ati-atihan ay isang napakasayang pagdiriwang na pinagkakapuri ng mga Aklanon bilang bahagi
ng kanilang kultura.
 Ito ay ginaganap taun-taon tuwing buwan ng Enero sa mga bayan ng Kalibo, Ibajay, Batan, Makatao
at Altayas.
 Sila ay masayng umiindak at pasayaw-sayaw habang sila ay sumisigaw ng “ Viva kay Senyir Santo
Nino”, o kaya ay : “ Hala bira, puwera pasma”.
 Ang salitang Ati-Ati ay nangangahulugan na “ gaya ng mga ati”, ang maiitim na mga unang tao ng
Panay, kaya’t ang lumalahok sa pagdiriwang na ito aykaraniwang nagpapahid ng maitim na uling.
Ang pinakamahalagng bahagi ng pagdiriwang ay ang prusisyon na karaniwang nagsisimula sa ganap
na ika-5 ng hapon sa huling araw ng pagdiriwang.

Kailan Nagsimula ang Ati-Atihan?

- Maraming bersyon ang pinagmulang kasaysayan ng pagdiriwang ng Ati-atihan. Ang mga ito ay
mababasa sa ulat na sinulat ni Roman dela Cruz, 1963 sa ( The Aklan Report). –
- Note: Basahin ang The Aklan Report ni Roman dela Cruz 1963
- Ang isa sa mga bersyon ay nagsasaad nab ago dumating ang mga Kastila sa ating bansa ay
mayroong iba’t ibang tribo ng mga Ati na naninirahan sa Aklan.
- Ang isa pang bersyon ay nagsasabi tungkol sa kampana ng Madianos na natanggap ng kura
paroko galling sa isang napakagandang bbae sa tabing dagat.
- Ang isa pang bersyon na pinagmulan ng Ati-Atihan ay nanggaling naman sa isang paring matagal
nang kura-paruko ng Ibajay.
- Ayon naman sa mga mananalaysay, ang Ati-Atihan ay nagsimula noong ika-13 siglo kung saan
nagkaroon ng pagdiriwang dahil sa pagkabili ng mga datung taga-Borneo sa isla ng Panay sa mga
Negrito na pinangungunahan ni Haring Marikudo. Ang mga datung taga-borneo ay umalis sa
kanilang bayan dahil sa kalupitan ng kanilang tagapamuno. Noong 1250, dumating sila sa Aklan,
isla ng Panay sa pamamagitan ng mga bangkang kung tawagin ay barangay.
- Don Antonio Flores, enkomendero ng Aklan.

Isang Maikling Kasaysayan ng Aklan

- Ang Kasaysayan ng Aklan ay nagsimula pa noong ika-13 siglo nang dumating ang isang pangkat
ng mga sultan na galling sa Borneo. Ang pangkat ay binubuo nina Raha Sumakwil, Bankaaya,
Paiburong, at Datu Puti a siyang pinakapuno. Binili nila ang Panay sa Hari ng mga Ati na si
Haring Marikudo sa pamamagitan ng isang gintong salakot at isang gintong kuwintas.
- Katilingban ni Madyaas, konpederasyon na binuo ng mga datu.
- Raha Bankaaya, pinakapuno ng lalawigan ng Aklan na ginawang kabisera ang Madyaos.
- Dinagandan, siya ang pinakahuling datu na namuno sa Capiz. Iniurong niya ang kanyang
pamahalaan sa Aklan sa bayan ng Batan.

2.5 ANG PISTA NG PINTADOS


- 1668, dumating ang mga Espanyol sa Visayas at natagpuan nila ang babae’t lalaki nap uno ng tatu
( tattoo) ang mga katawan. Tinawag silang Pintados. Sila ay may sariling kultura, mayaman sa
mga pagdiriwang at pagsamba sa mga diyos tuwing masagana ang ani.

- 1888, dinala ng mga misyonaryong Espanyol ang imahe ng batang Jesus sa Pilipinas.

- 1986, itinayo ang Pintados Foundation, Inc. sa Tacloban. Dito nagsimula ang pista ng Pintados.
Ngayon ay tinatawag itong Pista ng Pintados-Kasadyaan, na binansagang “ Festival of
Festivals”.

- Pista ng Pintados, tinatawag ding Pista ng Pintados-Kasadyaan. Tumatagal ng isang buwan ang
pagdiriwang, kung kalian din ginaganap ang Leyte Kasadyaan Festival of Festivals, isang
Pintados Festival Ritual Dance Presentation, at ang Pagrayhak Grand Parade.

- Ipinapakita ng Pista ng Pintados ang mayamang kultura ng Leyte at Samar sa pamamagitan ng


pagsama-sama ng mga katutubong sayaw at musika.

- Ang Leyte Kasadyaan Festival of Festivals ay nagpapakita ng bukod tanging kultura at makulay
na kasaysayan ng probinsiya

- Ang kahulugan ng Kasadyaan sa diyalektong Bisaya ay katuwaan at kasiyahan. Maraming pista


ng munisipalidad ng Leyte ang nagsasama-sama sa kabisera, sa Lungsod ng Tacloban, upang
maipakita sa selebrasyon.

- Ang pangalang pintados ay mula sa mga katutubong mandirigmang puno ng tatu ang mga
katawan. Nang mga panhong iyon, ang tatu ay simbolo ng tapang, ganda, at estado sa buhay. Ang
matatapang na mandirigma ay may mas maraming tatu, na halos pumuno sa katawan.

EBALWASYON

I. Instruksyon: Mainam na ipaliwanag:

Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kultura ng Ati-Atihanng Aklan sa Pista ng Pintados?

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
_______________

You might also like