Professional Documents
Culture Documents
I. PAKSA: Ito ay nagdidiskurso sa wikang Filipino at ang tuon nito ay ang dalumat ng kataliwasan o
mas sikat sa terminong kontradiksyon. Ito ay tumatalakay sa mga isyu na patungkol sa Wikang
Filipino. Inilantad rin ang kataliwasan at butas ng panuntunang nabuo sa mga naunang patakaran
tulad ng Ortograpiya ng wikang Filipino.
II. PAG-UNAWA
Makikita sa akda na ipinaglalaban nito ang mga kontradiksyon na hindi dapat isawalang-
bahala at isantabi dahil parte ito ng pagbabago at modernasasyon ng wika. Mahihinuha sa akda na
napakaraming kontradiksyon at hindi ito binibigyang pansin sapagkat hindi ito angkop sa
preskipstibong lingguwistika akda. Masisipat rito ang kahalagahan ng mga kontradiksyon hindi
bilang pampasira ng tuntuning binuo ngunit bilang pagkilala sa paraang mayroong sariling tabas ng
dila at diwa ang sambayanang Filipino at hindi lamang binabase sa dikta o hanay ng mga taong
nasad akademiko.
Ang akdang ito ay naglalaman ng napapanahong impormasyon,diwa at kaisipan lalo na't ito
ay nailimbag taong 2019. Ang mga kontradiksyong ito ay hindi pa laganap sa kamalayan at
kamulatan ng madlang Pilipino, kaya't marami pa rin ang hakang tama ang ideya o tama ang
nakasaad sa panuntunan ng Ortograpiyang Filipino. Nailahad sa akda ang mga taliwas na pagsunod
ng mga Pilipino sa Ortorapiyang Pilipino, tulad na lamang ng mga kontradiksyon tunay
mapapaandar ang kritikong pag-iisip. Sa 30 na mga kontradiksyong ito, ilan sa mga highlightsa na
nakapagbibigay interes sa mambabasa ay kontradiksyong 13,18,19 at 27.
Kontradiksyon 13
Kontradiksyon 27
Totoo, sa kabila ng konserbatibong lipunang Pilipino. Hindi maitatanggi na may mga salita sa
kulturang Filipino na sa iba'y bulgar o negatibo ang kahulugan. Iniiwasan ang mga salitang ito dahil
masasabing na seksuwal at sensuwal. Ngunit, may pagkakataong hindi naman talaga bastos ang
mga salitang ito. Kung iisiping mabuti, sa pagbuo ng tuntuning wika ay nararapat na isaalang-alang
ang pagpili at pagsasaayos ng mga salita at pagkakabit ng mga kahulugan depende sa tiyak lunan at
lipunan.
Kontradiksyon 19