You are on page 1of 1

Leyva, Jessiah Jade B.

DEKADA 70 : ISANG PANSIRILING REPLEKSYON


Ang Dekada “70 ay isinulat ng isang batikang manunulat na si Lualhati Bautista noong kapanahonang

pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos. Ang nobela ay hango sa totoong buhay, kung kaya isa sa

mga dulog ng nobela ay Realismo.

Ang Dekada ’70 ay isang makapangyarihang akda na nagpapamulat at nagbibigay kaalaman sa

mambabasa ukol sa naganap sa erang ito. Sinasalamin nito ang mga dinanas ng mga Pilipino sa ilalim ng

diktatoryal tulad ng paglabag ng karapatang pantao ; kawalan ng karapatang maghayag at magkalap ng

impormasyon. Lahat ng mga lathalang mumulat sa mga matang nakapiring ay hiharangan. Mababakas

ang panunupil at karahasan ng mga militar na inihahayag sa akda.

Sa totoo lang, hindi ako pabor sa New People’s Army (NPA) o tinatawag ngayon na leftist ngunit kung

ang tao tulad ni Jules na sumapi dito ay may rason o may matimbang na kadahilanan tulad ng kabulukan

ng pamamahala ng gobyerno, ay hindi ko sila masisisi. Si Jules ay isang rebolusyonaryong nakikibaka

para palitan ang sistemang umiiral  Nakakalungkot isipin na nasasangkot ang mga kabataan sa ganitong

problema sa pulitika at sa halip na gumawa ng mga proyekto o programa na magdudulot ng benipisyo sa

kinabukasan ng kabataan.

Sa pangkalahatan, ang Dekada ’70 para sa akin ay nakapag-aambag sa pagpapataas ng pulitikal na

kamulatan at pagkamabayan. Nararapat lamang ito na basahin ng iba pang kabataan dahil hinuhubog nito

ang ating kaisipan at ginigising ang nahihimbing na kamalayan. Ito ang repleksyon ng madilim nating

kahapon at marami pa rin sa mga nangyari noon ang patuloy na umiiral ngayon kahit ilang dekada na

mula ng nailimbag ang nobelang ito.

You might also like