You are on page 1of 3

Ang Teoryang realismo ay ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan.

Nagpapahayag ito
ng pagtanggap sa katotohanan o realidad ng buhay.
Karaniwan nitong pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon,
katiwalian, kahirapan at diskriminasyon. Madalas din itong naka pokus sa lipunan at
gobyerno. Mahalaga din sa nagsusuri ng mga akda na sinusuri sa teoryang ito na
maiugnay ang mga pangyayari sa akda o teksto sa lipunan.
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksiHan ng may-akda sa
kanyang lipunan SA MAKATOTOHANANG PAMAMARAAN. Tulad ng pag gawa ng isang
kanta, isang halimbawa na ang isang kanta ni Freddie aguilar na Magdalena, Ang
naturang awitin ay isinulat noong 1983 kasabay ng paglobo ng bilang ng mga kababaihang
kumakapit sa patalim para lamang matustusan ang kanilang pang araw-araw na
pangangailangan. Ito ay agad na sumikat sa Pilipinas noong 1980s na hanggang sa
kasalukuyanay tinatangkilik pa rin ng maraming Pilipino. Ang angking ganda ng awiting ito
ay nakapag-iwanna ng marka sa mga puso ng mga tagapakinig nito.
Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan. Sinumang tao,
anumang bagay at lipunan ayon sa mga realista, ay dapat maging makatotohanan ang
paglalarawan o paglalahad. Karaniwang nakapokus ito sa pakgsang sosyo-pulitikal
kalayaan, at katarungan para sa mga naapi.
Next slide
Kalimitang paksain ang nauukol sa kahirapan, kamangmangan, karahasan, krimen, bisyo,
katiwalian, prostitusyon at kawalan ng katarungan.
Ang Realismo ay isang kilusang umusbong sa larangan ng sining noong siglo 1900. layon
nitong ipakita ang karanasan ng tao at lipunan sa isang makatotohanang pamamaraan.
Itinatakwil ng Realismo ang ideya ng paghuhulma at pananaw sa mga bagay.
Unang ginamit ang terminong Realismo noong 1826 ng Mercure francais du XIX siecle sa
Pransya bilang paglalarawan sa doktrinang nakabatay sa makatotohanan at wastong
paglalarawan ng lipunan at buhay. Nagkaisa ang mga realistikong Pranses sa pagtakwil sa
pagiging artipisyal ng Klasismo at Romantisismo. Sinikap nilang ipakita ang buhay ng mga
di-kagila-gilalas, ng mga mapagkumbaba at ng mga hindi nakikita. Sa proseso, inilabas ng
Realismo ang mga di-pinapansin at kinakalimutang bahagi ng buhay at lipunan.

MGA URI NG REALISMO


SENTIMENTAL NA REALISMO - Ito ay mas optimisko at inilagay Ang pag-asa sa
damdamin kaysa kaisipan sa paglutas ng pang araw araw na suliranin, halimbawa nito ang
mga kanta o pelikula na nag papaalala na may pag asa pa sa kabila ng mga hirap na
nararanasan
SIKOLOHIKAL NA REALISMO - Inilalarawan ang internal na buhay o motibo ng tao sa
pagkilos, Halimbawa nito ay ang kanta ni Avril Lavigne na head above water, yung history
nung song is about accepting her death na, she had dieases kasi non and it was said na
severe na sya so yung message nung song is she already accepted her fate to die that
night.
SOSYALISTANG NA REALISMO
Ginabayan ng teoryang Marxismo sa paglalahad ng kalagayan ng lipunang maaaring
mabago tungo sa pagtatayo ng mga lipunang pinamumunuan ng mga anak pawis,
halimbawa ko is yung song nit aylor swift na only the young, yung song kase is about sa
senatorial election nung 2018 sa US and she saw na madaming kabataan yung nagfail na
maisali yung their choice candidate during that election and thru the song she encourage
the young people na wag mawalan ng pag asa kase dadating din yung point na
magkakaron ng pagbabago.
KRITIKAL NA REALISMO
Inilalarawan ang gawain ng isang lipunang burgis upang maipamalas ang mga
aspektong may kapangitan at panlulupig nito. Halimbawa ang dekada sisenta, na likha ni
lualhati bautista. , ay isang nobelang Pilipino na isinatitik ni Lualhati Bautista. Ito ay isang
pagsasalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng isang pamilyang nahagip sa kalagitnaan
ng mga magulong dekada ng 1970. Tinatalakay nito kung paano nakibaka ang isang mag-
anak na nasa gitna ng antas ng lipunan, at kung paano nila hinarap ang mga pagbabago
na nagbigay ng kapangyarihan upang bumangon laban sa pamahalaang Marcos.
Naganap ang sunud-sunod na mga pangyayari matapos ang pagbomba ng Plasa Miranda
noong 1971, ang pagkitil sa Batas ng Habeas Corpus, ang pagpapatupad ng Batas Militar
at ang walang anu-anong pagdakip sa mga bilanggong pampulitika. Nawalan ng
katiwasayan ang mga mamamayan dahil sa paniniil ng rehimeng Marcos.
Ang tunay na layunin ng aklat ay maimulat at buksan ang kamalayan ng bawat Pilipino sa
tunay na sitwasyon ng bawat isa maging ng bansa noong DEKADA '70 o panahon ng
Martial law. Nais ni Bautista na maliwanagan ang isip ng bawat isa ukol sa mga totoong
pangyayari noong panahon iyon. Ninanais din ni Bautista na ipakita sa mga kapwa niya
manunulat na hindi sila dapat matakot na ilabas a ilahathala ang kanilang mga aklat kahit
na ano pa man ang mangyari. Ninanais ni Bautista na sa pamamagitan ng kanyang akda
ay muling maibalik ang kalayaan sa paglalathala ng mga tunay na kahanga- hangang akda

MAHIWAGANG REALISMO
Pinagsanib na pantasya at katotohanan nang may kamalayan. Higit na mahalaga ang
katotohanan kaysa kagandahan, HALIMBAWA NITO ANG BANGKANG PAPEL NA LIKHA
NI Genoveva Edroza- Matute. Ito ay unang nailathala noong 1946. Nailimbag ito sa librong
Piling Maiikling Kuwento.
Ang isyung tinalakay sa kwento ay ang pagkawasak ng pamilya dahil sa gera. Unang
nailathala ang maikling kwentong Bangkang Papel noong 1946, ang taon kung saan
nagkamit ng Pilipinas ang tunay na kalayaan. Ito rin ang unang taon kung saan maaring
maglathala ng mga kwento ang awtor. Bakas sa kwento ang kinimkim na saluobin ng
awtor tungkol sa digmaan noong pinlanong sakupin ng mga Hapon ang Pilipinas.Ang
kwentong ito ay tungkol sa pagbabalik-tanaw ng tagapagsalaysay sa tuwing nakakakita
siya ng mga batang nag papalutang ng bangkang papel.

You might also like