You are on page 1of 6

TEORYANG REALISMO

Nagpapahayag ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad ng buhay.

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksiHan ng may-akda sa kanyang
lipunan SA MAKATOTOHANANG PAMAMARAAN.

Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan

HALIMBAWA NG MGA AKDA

1. AMBO
2.BANGKANG PAPE
L3.MGA IBONG MANDARAGAT
4.MAGANDA PA ANG DAIGDIG
5.DEKADA ‘70

IBA’T IBANG PANGKAT NG PAGSUSURING REALISMO SA PANITIKAN

PINONG (GENTLE) REALISMO


May pagtitimping ilahad ang kadalisayan ng bagay- bagay at iwinawaksi ang anumang
pagmamalabis at kahindik- hindik

SENTIMENTAL NA REALISMO
Mas optimistiko at inilalagay ang pag-asa sa damdamin kaysa kaisipan sa paglutas ng pang araw-
araw na suliranin

SIKOLOHIKAL NA REALISMO
Inilalarawan ang internal na buhay o motibo ng tao sa pagkilos

KRITIKAL NA REALISMO
Inilalarawan ang gawain ng isang lipunang burgis upang maipamalas ang mga aspektong may
kapangitan at panlulupig nito

SOSYALISTANG REALISMO
Ginabayan ng teoryang Marxismo sa paglalahad ng kalagayan ng lipunang maaaring mabago
tungo sa pagtatayo ng mga lipunang pinamumunuan ng mga anak pawis

MAHIWAGANG (MAGIC) REALISMO


Pinagsanib na pantasya at katotohanan nang may kamalayan. Higit na mahalaga ang katotohanan
kaysa kagandahan
AMBO
Isang maikling kuwentong isinulat ni Wilfredo Virtusio. Ito ay tumatalakay sa katiwalian na
siyang dahilan ng paghihirap ng maraming mamamayan. Sinasalamin nito ang kawalang
pakialam ng mga opisyales na walang ibang inatupag kung hindi ang magkamal ng salaping
nagmumula sa paghihirap ng mga taong ang nais lamang ay maibigay ang pangunahing
pangangailangan ng kanilang pamilya.

Bangkang Papel

isinulat ni Genoveva Edroza- Matute. Ito ay unang nailathala noong 1946. Nailimbag ito sa
librong Piling Maiikling Kuwento.

Ang isyung tinalakay sa kwento ay ang pagkawasak ng pamilya dahil sa gera. Unang nailathala
ang maikling kwentong Bangkang Papel noong 1946, ang taon kung saan nagkamit ng Pilipinas
ang tunay na kalayaan. Ito rin ang unang taon kung saan maaring maglathala ng mga kwento ang
awtor. Bakas sa kwento ang kinimkim na saluobin ng awtor tungkol sa digmaan noong
pinlanong sakupin ng mga Hapon ang Pilipinas.Ang kwentong ito ay tungkol sa pagbabalik-
tanaw ng tagapagsalaysay sa tuwing nakakakita siya ng mga batang nag papalutang ng bangkang
papel.
Mga Ibong Mandaragit

Nobela ni Pambansang Alagad ng Sining Amado V. Hernandez, (1969) ITO ay tungkol sa


paghahanap ng makatwirang pagbabago sa sistemang piyudal, at pagnanais ng mga tao na
lumaya mula sa mga makapangyarihang puwersang panlipunang patuloy na nagpapahirap sa
mga dukha.

Maganda pa ang Daigdig

Nobela ni Lazaro Francisco (1955) ITO ay naglalahad sa buhay ni Lino Rivera. Si Lino ay anak
ng magsasaka at dumanas ng pagdurusa sa sistemang piyudal.

Ang Dekada ’70

isang nobelang Pilipino na isinatitik ni Lualhati Bautista. Ito ay isang pagsasalaysay ng mga
pangyayari sa buhay ng isang pamilyang nahagip sa kalagitnaan ng mga magulong dekada ng
1970.

Isang makahulugan ngunit hindi mapanghimagsik na nobelang Pilipino, ang Dekada ’70 ay isa sa
dalawang nagwagi ng mga pangunahing Gantimpalang Palanca noong 1983. Ginawa itong isang
ganap na pelikula ng Star Cinema noong 2003, na kinabidahan nina Christopher de Leon at
Vilma Santos.

https://donamaylimbo.wordpress.com/2015/10/08/teoryang-realismo/
https://prezi.com/m6wzaq7lynfv/teoryang-realismo/

You might also like