You are on page 1of 5

Alegorya Ng Yungib

Ayon kay Plato, tayo ay tulad ng isang tao na nasa loob ng kuweba, naka-tanikala at
nakaharap sa dingding ng yungib. May apoy sa ating likuran at ang tanging nakikita
natin ay mga anino ng mga bagay sa labas ng kuweba. At dahil dito, kakailanganin
nating humulagpos sa tanikala at lumabas ng kuweba upang makita ang katotohanan
tungkol sa mga bagay.Ang larawang ito ang buod ng rasyunalismo ni Plato at ito ay
tinaguriang “Alegorya ng Kuweba.” Ayon kay Plato, ang mga imahe ng mga bagay
na ating nakikita sa mundo ay pawang mga anino lamang ng katotohanan. Ang
tunay na pag-iral ay nasa ‘Mundo ng mga Ideya.’ Ang mga konsepto ng bagay ay
naroroon na sa isipan na natin mula kapanganakan. Kakailanganin lamang nating
gamitin ang ating pangangatwiran upang sila’y matuklasan.

Taliwas naman ang turo ni Aristotle, na kanyang naging estudyante. Ayon kay
Aristotle, ang katotohanan ay ang karanasan sa pamamagitan ng ating mga mata,
tenga, pandamdam, pang-amoy at panlasa. Ang mga ideya ay wala pa sa ating
isip noong tayo’y ipinanganak, taliwas sa turo ng guro niyang si Plato. Ang isip
ng tao ay tinagurian ni Aristotle na ‘Tabula Rasa’ na ang ibig sabihin ay blankong
tableta. At bawat karanasan sa pamamagitan ng ating senses ay isinusulat sa
nasabing tableta. Ang kaisipang ito ay tinawag na empirisismo.Sa paglipas ng mga
taon, mas pinanigan ng mga pilosopo at mga siyentipiko ang empirisismo. Kahit ako ay
palo sa kaisipan ni Aristotle. Ngunit napag-isip-isip ko, bagama’t mali si Plato, may
binuksan siyang pinto sa pagtahak sa mundo ng rasyunalismo – ang pagtingin lampas
sa realidad na ating nakikita.Sa tingin ko’y may punto pareho ang dalawang paham. Sa
aking pananaw, sa aninong tinuran ni Plato, hindi ibig sabihi’y hindi katotohanan ang
ating nakikita kundi may katotohanang mas makapag-papalaya na hindi makikita sa
hugis. Hindi ba’t ang batong ating nakikita ay binubuo ng mga ‘atomos’ na iminungkahi
ng dakilang si Democritus? Hindi ba’t ang materya ay patuloy na mahiwaga sa atin?
Misteryo pa rin ang pinagmumulan ng grabiti at ang particle na mas maliit sa quark ay di
pa rin natutuklasan. Kung titigil tayo sa mga bagay na ating nakikita lamang, wala nang
pag-unlad sa ating agham.Sa ganang akin, ang hugis ng mga bagay na ating nakikita
ay hugis ng kanilang gamit at ito’y buod ng relatibiti, ng ebolusyon ng pakikisalamuha
sa iba pang materya. Alam kong mali ang konsepto ni Plato sa kanyang rasyunalismo
ngunit gusto kong sundan ang kanyang lohika – ang pagtuklas sa mas malawak at
makapagpapalayang na realidad.
Alegorya Ng Yungib ni Plato (Text Analysis)

Ang Alegorya ng Yungib ay isang sanaysay na ginawa ni Plato upang masaksihan


nating mga tao ang hirap o suliranin na ginawa ng tao sa mundo patungo sa liwanag.

Ang punto ng may akda ay nagpapahiwatig siya upang maipakita niya ang isang anyo
na dapat nating mabatid o hindi mabatid tungol sa ating kalikasan. Pinapahiwatig niya
rin na may mga taong naninirahan sa yungib na may lagusan patungo sa liwanag na
sila’y gumagawa ng paraan upang makalabas. Ang punto niya ay nagnanais na
masaksihan ng tao ang kaganapang nangyayari dito sa mundo dahil inaabuso nating
mga tao ang mundo at ginagawa nating isang magulo ang ating pag iisip na sa araw
araw ay nakakaranas tayo ng mga suliranin at problema sa buhay.

Ang napansin kong kakaiba na ginagawa niya ay wala dahil ginawa niya naman ang
sanaysay upang ang mambabasa ay makaunawa sa pangyayari at makapulot ng aral
sa Alegorya ng Yungib . Ang may akda ay gumagawa ng paraan upang ang kanyang
sanaysay ay maihahalintulad sa naging karanasan ng tao , di mapagkaila na sa
paggawa niya nito ay nakaranas din sya ng kadiliman na siya’y tumungo sa
kaliwanagan.

Oo , nakaranas din kasi ako ng mga paghihirap sa buhay at hindi ko ito binalewala
kundi gumawa ako ng solusyon sa tulong ng Panginoon akoy kanyang binangon at
binuksan muli ang puso at tumayo na syang maghahatid sa akin patungo sa liwanag.

Tanong ko lang sa may akda ay :

Una , May karanasan ka din ba sa iyong ginawang sanaysay ?

Pangalawa , Sino ang naging o Ano ang naging inspirasyon mo sa paggawa ng iyong
sanaysay ?

At huli , Sa iyong palagay makakagawa din ba ako ng sanaysay kagaya mo ?

Maganda mong naipahayag ang iyong analisis. Iba iba ang pagkaintindi natin sa akda
ng “Alegorya ng Yungib” dahil na rin sa talinghaga at malalim na mga salita ng may-
akda kaya hindi imposibleng iba ang aking maging pananaw. Ang aking pananaw sa
akda ay ang mga taong nakakulong ay mga taong nabulag sa mga kasinungalingan,
para sa mambabasa parang nasasaktang ang mga tao sa akda ngunit ang mga taong
iyon pala ay walang maramdaman, para na silang manhid , ni sakit ay di nila naramdam
sa pagkakakulong sa kasinungalingan. At ang sinasabi naman ng may-akda na kapag
sila ay lumabas sa kulungang iyon ay makakaramdam sila ng sakit ay dahil ang
katutuhanan ay sadyang hindi palaging nakakapagpasaya maari rin itong makasakit
Limang elemento ng nobela

1. 1. ANG LIMANG ELEMENTO NG NOBELA


2. 2. Tauhan  Binibigyang-buhay ng manunulat sa kaisipan ng mga
mambabasa.  Dapat gumagalaw nang alinsunod sa hinihingi ng tunay na
buhay.
3. 3. Tagpuan  Tumutulong sa pagbibigay ng linaw sa paksa, sa banghay at sa
tauhan.  Hal. : barong-barong sa gilid ng estero maharlikang palasyo ng
hari
4. 4. Banghay  Ito ang salaysay o mga pangyayaring bumubuo sa akda o mga
pangyayaring tungkol sa salaysay.  Balangkas ng mga pangyayari na
inayos at pinag-ugnay ng isip.
5. 5. paraan ng pagsulat ng nobela  Paano sinulat ang nobela .  Maligoy,
mabulaklak o direkta ang pagkakapahayag ng manunulat sa kanyang
pananalita . Makabuluhan ba ang kanyang ginagamit na salita.
6. 6. Haba  Gaano kahaba ang nobela.  Ang haba ng nobela ay naaangkop
rin . Katangian ng kaakit-akit na nobela 1. Mahusay na pagpili ng mga salita.
2. May bahaging masaya. 3. May sariling tatak ng kumatha.
7. 7. MGA KARANIWANG PAKSANG UMIIRAL SA NOBELA
8. 8. Kasaysayang pampag-ibig  Ipinopokus dito ang karanasan sa pag-ibig ng
mga tampok na tauhan.  Ang pangunahing suliranin ay tungkol sa
pagtatagumpay ng pag-ibig ng pangunahing tauhan.  Hal. : Anak na Ligaw
(1972) ni Dr. Fausto Galaman
9. 9. NOBELANG HISTORIKAL  Nakatuon sa maayos na pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayaring naganap sa nakaraan ng isang bansa o lugar ang
banghay sa nobelang ito.
10.10. Nobela ng tauhan  Ang mga pangyayari ay umiikot sa pangunahing
tauhan at iba pang tauhang nakaapekto sa kanyang buhay.  Hal. : Nena at
Neneng ni Valeriano Pena
11.11. Nobela ng pagbabago  Binibigyang diin dito ang layunin ng may-akda
o ang kanyang mga hinahangad na pagbabago sa lipunan at sa pamahalaan.
 Hal. : Noli Me Tangere at El Felibusterismo ni Dr. Jose P. Rizal
12.12. Nobelang pulitikal  Tumatalakay sa isyung pulitikal noong panahon ng
amerikano.  Hal. : Pinaglahuan (1907) ni Faustino Aguilar
13.13. Nobelang moral  Nauuri sa dalawa : a) isang kasaysayan ng babaeng
may madilim na nakaraan ngunit may ginintuang puso. b) Ang katapatan at
pagtataksil ng isang asawa.  Hal. : Ang Tunay na Pag-ibig (1913)
Sampaguita Walang Bango (1918) ni Inigo Ed Regalado
14.14. Nobelang pang-ekonomiya at isyu sa paggawa  Tumatalakay sa isyung
ekonomiya at paggawa.  Hal. : Banaag at Sikat (1905) ni Lope K. Santos
Anak Dalita (1911) ni Patricio Mariano
15.15. Nobelang layunin  Binibigyang-diin ang mga pilosopiya, simulain, mga
balyu sa moralidad at pananaw ng mga pangunahing tauhan.  Ang suliranin
ay nilulutas batay sa pinahihintulutang kaugalian ng lipunan.
16.16. Nobelang makasining  Nagbibigay ng malaking pansin sa mahusay na
pagtalakay at paghahanay ng mga pangyayari at paglalarawan ng mga
tauhan

NOBELA

ay isang mahabang kuwentong piksyonnabinubuo ng iba't ibang kabanata.


Mayroon itong60,000-200,000 salitao 300-1,300 pahina. Noongika-18siglo, naging
istilo nito ang lumangpag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing

literary genre

. Ngayon, ito ay kadalasan may istilongartistikoat isang tiyak na istilo o maraming


tiyak naistilo

NOBELA
Mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mgapangyayari napinaghahabi
sa isang mahusay napagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ayang
pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at nghangarin ng katunggali sa kabila.
isang makasining na pagsasalaysay ng maramingpangyayaring magkasunod at
magkakaugnay. Ang mgapangyayaring ito ay may kanya kanyang tungkuling
ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang
pinakabuod ng nobela.
binubuo ng mga kabanata, maraming tauhan atpangyayari -kinasasangkutan ng
20 higit pang tauhan

You might also like