You are on page 1of 3

Ayon kay Plato, tayo ay tulad ng isang tao na nasa loob ng kuweba, naka-tanikala at nakaharap sa

dingding ng yungib. May apoy sa ating likuran at ang tanging nakikita natin ay mga anino ng mga bagay
sa labas ng kuweba. At dahil dito, kakailanganin nating humulagpos sa tanikala at lumabas ng kuweba
upang makita ang katotohanan tungkol sa mga bagay.

Ang larawang ito ang buod ng rasyunalismo ni Plato at ito ay tinaguriang “Alegorya ng Kuweba.” Ayon
kay Plato, ang mga imahe ng mga bagay na ating nakikita sa mundo ay pawang mga anino lamang ng
katotohanan. Ang tunay na pag-iral ay nasa ‘Mundo ng mga Ideya.’ Ang mga konsepto ng bagay ay
naroroon na sa isipan na natin mula kapanganakan. Kakailanganin lamang nating gamitin ang ating
pangangatwiran upang sila’y matuklasan.

Taliwas naman ang turo ni Aristotle, na kanyang naging estudyante. Ayon kay Aristotle, ang katotohanan
ay ang karanasan sa pamamagitan ng ating mga mata, tenga, pandamdam, pang-amoy at panlasa. Ang
mga ideya ay wala pa sa ating isip noong tayo’y ipinanganak, taliwas sa turo ng guro niyang si Plato. Ang
isip ng tao ay tinagurian ni Aristotle na ‘Tabula Rasa’ na ang ibig sabihin ay blankong tableta. At bawat
karanasan sa pamamagitan ng ating senses ay isinusulat sa nasabing tableta. Ang kaisipang ito ay
tinawag na empirisismo.

Sa paglipas ng mga taon, mas pinanigan ng mga pilosopo at mga siyentipiko ang empirisismo. Kahit ako
ay palo sa kaisipan ni Aristotle. Ngunit napag-isip-isip ko, bagama’t mali si Plato, may binuksan siyang
pinto sa pagtahak sa mundo ng rasyunalismo – ang pagtingin lampas sa realidad na ating nakikita.

Sa tingin ko’y may punto pareho ang dalawang paham. Sa aking pananaw, sa aninong tinuran ni Plato,
hindi ibig sabihi’y hindi katotohanan ang ating nakikita kundi may katotohanang mas makapag-papalaya
na hindi makikita sa hugis. Hindi ba’t ang batong ating nakikita ay binubuo ng mga ‘atomos’ na
iminungkahi ng dakilang si Democritus? Hindi ba’t ang materya ay patuloy na mahiwaga sa atin?
Misteryo pa rin ang pinagmumulan ng grabiti at ang particle na mas maliit sa quark ay di pa rin
natutuklasan. Kung titigil tayo sa mga bagay na ating nakikita lamang, wala nang pag-unlad sa ating
agham.

Sa ganang akin, ang hugis ng mga bagay na ating nakikita ay hugis ng kanilang gamit at ito’y buod ng
relatibiti, ng ebolusyon ng pakikisalamuha sa iba pang materya. Alam kong mali ang konsepto ni Plato sa
kanyang rasyunalismo ngunit gusto kong sundan ang kanyang lohika – ang pagtuklas sa mas malawak at
makapagpapalayang na realidad.

Advertisements
Ang Alegorya ng Yungib ay isang sanaysay na ginawa ni Plato upang masaksihan nating mga tao ang
hirap o suliranin na ginawa ng tao sa mundo patungo sa liwanag.

Ang punto ng may akda ay nagpapahiwatig siya upang maipakita niya ang isang anyo na dapat nating
mabatid o hindi mabatid tungol sa ating kalikasan. Pinapahiwatig niya rin na may mga taong naninirahan
sa yungib na may lagusan patungo sa liwanag na sila’y gumagawa ng paraan upang makalabas. Ang
punto niya ay nagnanais na masaksihan ng tao ang kaganapang nangyayari dito sa mundo dahil inaabuso
nating mga tao ang mundo at ginagawa nating isang magulo ang ating pag iisip na sa araw araw ay
nakakaranas tayo ng mga suliranin at problema sa buhay.

Ang napansin kong kakaiba na ginagawa niya ay wala dahil ginawa niya naman ang sanaysay upang ang
mambabasa ay makaunawa sa pangyayari at makapulot ng aral sa Alegorya ng Yungib . Ang may akda ay
gumagawa ng paraan upang ang kanyang sanaysay ay maihahalintulad sa naging karanasan ng tao , di
mapagkaila na sa paggawa niya nito ay nakaranas din sya ng kadiliman na siya’y tumungo sa
kaliwanagan.

Oo , nakaranas din kasi ako ng mga paghihirap sa buhay at hindi ko ito binalewala kundi gumawa ako ng
solusyon sa tulong ng Panginoon akoy kanyang binangon at binuksan muli ang puso at tumayo na syang
maghahatid sa akin patungo sa liwanag.

Tanong ko lang sa may akda ay :

Una , May karanasan ka din ba sa iyong ginawang sanaysay ?

Pangalawa , Sino ang naging o Ano ang naging inspirasyon mo sa paggawa ng iyong sanaysay ?

At huli , Sa iyong palagay makakagawa din ba ako ng sanaysay kagaya mo ?

Naintindihan ko ng sobra ang iyong analysis. At naunawaan ko ang naging punto ng may-akda. :) Galing!

You might also like