You are on page 1of 20

Philippine Copyright 2016

by

ANGELICUM COLLEGE

Filipino YS 10
First Edition 2016
ISBN 978-971-23-8350-2
Item Number: 93-FI-00009-4

No portion of this book may be copied or reproduced in books,

pamphlets, outlines, or notes–whether printed, mimeographed,
typewritten, photocopied, or in any form–for distribution or sale,
without the written permission of the Publisher and Author/s. The
infringer shall be prosecuted in compliance with copyright, trademark,
patent, and other pertinent laws.

Printed by

Typography & Creative Lithography

84 P. Florentino St., Quezon City, Phils.
Tel. No. 857-77-77
Modyul 64

Nobela

Magandang araw sa iyo mag-aaral. Susubukang muli ng modyul na ito na palawakin ang
iyong kaalaman sa pag-aaral ng nobela, bagama’t alam kong madalas kang magbasa maging
Ingles man o Filipino hayaan mong bigyan ka ng ilang mga kaalaman tungkol dito.

Alam mo ba na ang karaniwang paksa ng nobela ay tungkol sa pag-ibig? Sa pagdaraan ng

mga panahon, ang mga paksa ng mga nobela ay yumayabong at nagiging bahagi nito ang mga
pang-araw-araw na pangyayari sa buhay ng tao. Ang mga realistiko o tunay na pangyayari sa
buhay ay masasalamin sa mga nobela.

Ginagamit ng may akda ang kanyang paksa upang maipakita ang mga realistikong
pangyayari sa isang buhay. Ano ang magiging paksa ng nobela kung walang pinaghuhugutan
ng karanasan ang nobelista? Sa isang realistikong nobelista, karaniwang paksa ang kahirapan.

Kahirapang masasalamin sa pang-araw-araw na buhay ng karaniwang tao. Paano

nakatutulong ang pagbabasa ng nobela sa pagtanggap ng tao sa lagay ng kanyang buhay?
Paano ginagamit ng nobelista ang kanyang nobela upang maunawaan ng tao ang katotohanan
ng buhay?

Sa pagbabasa mo ng modyul na ito at ng nobelang nakapaloob dito, matututunan

mong maging mapanuri sa mga realistikong pangyayari sa buhay ng tao. Malalaman mo ang
nararamdaman ng isang tao kung ilalagay mo ang iyong sarili sa kanyang kinatatayuan. At higit
sa lahat, matututunan mong magbigay ng iyong palagay batay sa nakalahad na katotohanan.

O sige, simulan mo na.

3
Aralin 1

Ano ang nobela? Nagbabasa ka ba nito? Ano ang kaibahan nito sa iba pang anyo ng
panitikan? Mahaba ba ang nobela o maikli lamang? Marami ba itong tagpuan at tauhan? Ito ay
ilan lamang sa mga katanungan na iyong mapag-aaralan sa modyul na ito. Bago mo simulan ang
pag-aaral tungkol sa araling ito ay sagutan mo muna ang inihandang pang-unang pagsusulit.

Pang-unang Pagsusulit

Isulat sa patlang ang salitang tama kung wasto ang ipinahahayag ng pangungusap at
lagyan ng ekis ( ) ang patlang kung mali

___________ 1. Ang Noli Me Tangere ay isang uri ng nobela.

___________ 2. Si Jose Rizal ang nagsimulang magpakilala ng nobela sa mambabasang

Pilipino.

___________ 3. Ang pagbabasa ng nobela ay maaaring matapos sa isang upuan lamang.

___________ 4. May isang tagpuan lamang ang mga pangyayari sa nobela.

___________ 5. Ang nobela ay may layong magbigay ng aral at mapayaman ang karanasan
ng tao ukol sa paglutas sa mga suliranin na kanyang nakakaharap sa pang
araw-araw na buhay.

___________ 6. Ang nobela ay binubuo ng mga kabanata.

___________ 7. Sa nobela, maaaring isang pangyayari lamang tungkol sa pangunahing tauhan

ang paksa.

___________ 8. Ang nobela at maikling kwento ay magkatulad ng banghay.

___________ 9. Maraming kawili-wiling pangyayari ang matatagpuan sa nobela.

___________ 10. Ang tanging layunin ng nobela ay gisingin ang damdaming makabayan ng
mambabasa.

Pagkatapos mong masagot ang pang-unang pagsusulit, kunin ang susi ng kasagutan
at iwasto ang iyong sagot upang malaman mo kung pareho tayo.

Batid ng lahat na pumasok ang nobela sa panitikang Filipino sa panahon ng Kastila. Mula
noon nanatili na itong bahagi ng ating panitikan hanggang sa kasalukuyan. Bagamat may
panahon na ito ay yumabong, at may panahon ding nanamlay. Muli itong sumigla dahil sa
pagtangkilik ng mga mambabasa.

4
Sino sa palagay mo ang nagpakilala ng nobela sa mambabasang
Pilipino?
Maituturing na si Dr. Jose Rizal ang nagsimulang magpakilala
ng nobela sa mga mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng
kanyang dalawang walang kamatayang akdang Noli Me Tangere at
El Filibusterismo. Sa pagdaan ng panahon, nakilala at umunlad ang
nobela. Higit na napapanahon ang paksa at naiba na rin ang estilo ng
paglalahad ng mga pangyayari. Nauso na ang paglalahad na balik-
gunita at di na rin gaanong mabagal at maligoy ang daloy ng mga pangyayaring nakapaloob sa
banghay.

Gawain 1

Ano ang alam mo tungkol sa dalawang nobelang isinulat ni Dr. Jose Rizal? Isulat mo ito sa
loob ng kahon.

Noli Me Tangere El Filibusterismo

Ang dalawang nobela ay tumatalakay sa sakit ng lipunan noong panahon ng Kastila.

Ang kaibahan lang ng dalawa ay mas matapang at agresibo ang pangunahing tauhan sa El
Filibusterismo samantalang ang pangunahing tauhan sa Noli Me Tangere ay edukado at
madiplomasya.

Ano ba ang nobela?

Sa anyong tuluyang panitikan, isa na yata sa pinakamakulay,
pinakamayaman at pinakamakabuluhan ang nobela. Naglalahad ito
ng kawili-wiling mga pangyayari na pinaghabi-habi sa isang mahusay
na pagkakabalangkas. Ang binibigyang-diin ay ang pagtutunggali
ng hangarin ng bayani sa isang dako at hangarin naman ng kanyang
kalaban sa kabilang dako. Ang katunggali ng pangunahing tauhan ay
maaaring ibang tao o kaya’y mga salungat na pangyayari, o sa sarili na
rin niyang ugali at pagkatao.

Ang Nobela ba ay katulad ng maikling kwento?

Ang nobela ay isang akdang tuluyan ngunit higit itong mahaba
kaysa maikling kwento. Kaiba sa maikling kwento, ito’y maraming
tauhan at marami ring pangyayaring maaaring totoo o likhang isip
lamang. Nangangailangan ito ng mahabang panahon ng pagbabasa,
5
sapagkat hindi ito mababasa nang isang upuan lamang. Ang mga bahagi, sangkap, o elemento
ay halos pareho lamang. Ang mga sangkap ng nobela ay ang simula, gitna at wakas. Kasama rin
dito ang sulyap sa suliranin, ang papataas na pangyayari, ang tunggalian, ang kasukdulan na
siyang pinakamataas na pangyayari sa kwento. Ang kakalasan ay nagdurugtong sa kasukdulan
at wakas at ang kalutasan ay karaniwang matatagpuan sa wakas ng kwento.

Gawain 2

Isulat sa loob ng venn diagram ang katangian ng maikling kwento at nobela at ang kanilang
pagkakapareho sa gitna.

Maikling Kwento Nobela

pagkakapareho

Ihambing mo ang iyong sagot sa aking sagot.

Nakita mo ba pagkakaiba at pagkakapareho ang dalawang akda?

Ano ang layunin ng nobela sa kanyang mambabasa?

Ang isang nobela ay may layong lumibang, magturo o magbigay

ng isang aral at mapayaman ang ating karanasan sa pamamagitan
ng paglalahad ng mga pangyayaring tumutugon sa karanasan ng
tao, gumigising sa diwa at damdamin, at nananawagan sa talino at
guniguni.

Ano-ano naman ang uri ng nobela?

Ang nobela ay may dalawang uri.
1. Nobela ng Banghay – isang akdang nasa pagkakabalangkas ng
mga pangyayari ang ikinawiwili ng mga mambabasa.
2. Nobela ng Tauhan – isang akdang nasa hangarin,
pangangailangan at kalagayan ng mga tauhan ang ikinawiwili ng
mambabasa.
Bukod sa mga uri ng nobelang nabanggit, ang akda ay maaari ring
tawaging nobela ng romansa, ng kasaysayan, ng layunin at ng sining.

6
Gawain 3

Magtungo ka sa laybrari. Magsaliksik ng halimbawa ng mga uri ng nobela. Magbigay

lamang ng tigdalawang halimbawa. Maaaring ito ay nasusulat sa Ingles.

Uri ng Nobela Halimbawa

_______________ _________________________________________________
_______________ _________________________________________________
_______________ _________________________________________________
_______________ _________________________________________________

Ipakita mo ang iyong sagot sa guro upang malaman mo kung ang iyong mga sagot
ay wasto.
Ang nobela ay may dalawang mahalagang balangkas. Ito ay ang linear o Kumbensyunal
at Circular o paikot-ikot.

BALANGKAS NG NOBELA
A. Linear o kumbensyunal ang balangkas ng kwento kung ito ay sumusunod sa kaayusang
Simula-Gitna-Wakas. Ito na ang nakagawian ng mga Pilipinong mangunguwento.
Sa balangkas na ito kung minsan, kapag nabasa na ang simula, ang wakas ay halos
napagtatanto mo na ang kwento.
B. Circular naman o paikot-ikot kung sa pamamagitan ng mga pampanitikang tekniko ay
napag-iiba-iba ang kaayusan ng mga bahagi; Gitna- Simula-Wakas o kaya Wakas-Simula-
Gitna, o kung hindi gaanong bihasa ang mambabasa, ay nakalilito sapagkat hindi niya
malaman kung saan pupuno at saan dudulo. Kailangan pag-isipan pa nang husto ang
umpisa ng mga pangyayari hanggang sa tumuloy-tuloy sa wakas.
Alam kong malinaw na sa iyo ang konsepto ng nobela bilang isang akdang pampanitikan.
Maaari mo nang sagutin ang panghuling pagsusulit tungkol dito.

Panghuling Pagsusulit

Isulat sa patlang ang tinutukoy ng pangungusap.

_______1. Ito ay akdang pampanitikan na binubuo ng kawili-wiling mga pangyayari.
_______2. Ito ay isang uri ng nobelang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang
ikinawiwili ng mga mambabasa.
_______3. Ito ang pinakamataas na pangyayari sa banghay ng nobela.
_______4. Ito ang bahaging nagdurugtong sa kasukdulan at wakas ng kwento.
_______5. Ito ay uri ng nobelang nasa hangarin, pangangailangan at kalagayan ng mga tauhan
ang ikinawiwili ng mambabasa.

7
Aralin 2

Pagsusuri sa Nobela

Sa pagbabasa ng nobela, maaaring tingnan ang mga pangyayari ayon sa konseptong

inilalahad ng paksa. Sa pagbabasa ng nobela maaaring maglapat ng iba’t ibang pananaw o
teorya sa pamumuna batay sa mga tiyak na pamantayan o istandard. Bago natin talakayin ang
mga pamantayang ito ay sagutin mo muna ang pang-unang pagsusulit.

Pang-unang Pagsusulit

Isulat sa loob ng bilog ang letrang R kung ang pangungusap ay nagsasabi tungkol sa
pananaw na relismo at letrang E kung tungkol sa pananaw na eksistensyalismo.

1. Binibigyan ng pansin ang magagandang saloobin ng taong nakapaloob sa isang

akdang pampanitikan.

2. Ang teoryang ito ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan.

3. Karaniwan nitong pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng

kahirapan at korapsyon.

4. Binibigyan din ng pansin ang magagandang damdaming taglay ng isang tao.

5. Itinataas din ang karangalan ng tao bilang sentro ng akda.

6. Ipinakikita ang magagandang saloobin ng tao na nakapaloob sa mga tiyak na

pahayag sa akda.

Ihambing ang iyong sagot sa aking sagot. Pareho ba tayo? Kung hindi naman
ay huwag kang mag-alala dahil pag-aaralan mo pa ito.

8
Sa pagsusuri ng nobela gumagamit tayo ng pananaw na Realismo at Eksistensyalismo.

Ano ang realismo?

Ang Realismo ay kumakatawan at sumasalamin sa buhay. Nakatuon ang ganitong

pagsusulat sa pagpapamalas sa mga mambabasa ng ilusyon ng tunay na buhay at
aktuwal na karanasan. Walang romantisasyon ang manunulat sa buhay at sa mga
tauhan, hindi siya nagdaragdag ng drama sa tagpo. May layunin ang realismo na talakayin
ang mga panlipunang problema ng isang tiyak na panahon at lugar. Nilalayon nitong ilantad
sa tapat at malinaw na pamamaraan ang mga nagaganap na piling bahagi ng ating lipunan o
kultura. Mahalagang maunawaan na mas may pagkiling ang realismo sa katotohanan kaysa
kagandahan. Karaniwang tema nito ay kalayaan, katarungan, kahirapan, politikal, katiwalian,
kamangmangan at iba pa.
Halaw sa: PLUMA III: Wika at Panitikan 2012., Phoenix Publishing House Inc. Ailene G. Baisa-Julian et.al p.63

Ano ang
eksistensyalismo?

Ang Eksistensyalismo ay kilusang pangkaisipan. Idinidiin ng eksistensyalismo na ang tao

rin ang nagtatakda ng kanyang katuturan o esensya (essence) sa pamamagitan ng kung paano
siya nabubuhay. Ang indibidwal ang humuhubog ng kanyang sariling kalikasan o katangian sa
pamamagitan ng pagpili ng mga tatahaking landas sa buhay. Ilan pa sa mga pinaniniwalaan ng
eksistensyalismo ay ang pagdidiin sa kalayaan sa pagpili at ang pagpapahalaga sa pananagutan
ng sinuman sa kanyang gawain o resulta ng gawain. Higit sa lahat, ang tao ay malaya at may
kakayahan at ganap na tungkuling likhain at itaguyod ang sarili.
Ngayon, ang nobelang iyong babasahin ay magsisilbing bahagi ng iyong pag-aaral sa
modyul na ito at inaasahang matutugunan ang kasanayan sa pagsusuri ng isang nobela.
Sa ating lipunan, nagkalat ang mga batang lansangan at pulubi. Sila ang mga taong
pinagkaitan ng magandang kapalaran marahil dahil sa kapabayaan ng mga kaanak at magulang
o sa kapabayaan na rin ng sarili.Isang masakit na katotohanan na ang mga taong tulad nila’y
di maganda sa paningin ng iba subalit bahagi sila ng lipunan na ating ginagalawan na dapat
tratuhing kapantay ng iba.
9
Nobela #1

Kunin mo sa iyong guro ang sipi ng mga Akdang Pampanitikan sa Filipino 10 at basahin
ang bahagi ng isang nobela na may pamagat na “Ang Paghuhukom” na isinalin sa Filipino ni
Lualhati Bautista at pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan ukol dito.
Maaari mo ring hanapin sa internet ang nilalaman ng kwentong ito

Naunawaan mo ba ang nobela? Palawakin natin ang iyong kaalaman sa pamamagitan

ng pagsagot sa mga katanungang may kaugnayan sa nobela.

Sagutin ang mga katanungan tungkol sa binasang nobela.

Ano ang maaaring idulot sa buhay ng tao ng mga sumusunod :
1. Pakikipagbarkada
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
2. Pag-inom ng alak
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
3. Paggamit ng ipinagbabawal na gamot
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

4. Pagsusugal
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

5. Pagmamalupit sa kapwa
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Mahusay! Ipagpatuloy mo pa ang iyong pagsagot sa mga tanong.

10
Gawain 1

Lagyan ng bilang 1 – 5 ang tamang antas ng mga sumusunod na salita. Pangatwiranan ang
iyong sagot.
1. Kinukutya - ________________________________
2. Hinahamak - ________________________________
3. Minamata - ________________________________
4. Inaalipusta - ________________________________
5. Minamaliit - ________________________________

_______________________________________________________________________________

Sagutin ang sumusunod na katanungan.

1. Sa iyong palagay, paano mo mabibigyan ng proteksyon ang iyong sarili laban sa
masasamang elemento ng lipunan?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

2. Ano ang iyong maaaring imungkahi sa mga kinauukulan upang maging ligtas ang mga
mamamayan sa anumang oras lalo na kapag nasa labas sila ng kanilang tahanan?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

11
3. Ang mga nangyari ba kay Fak ay karaniwan ng nangyayari o iyong nasasaksihan sa
kasalukuyan? Ano ang iyong gagawin upang makatulong sa kapwa?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

4. Bakit nararapat pahalagahan ng tao ang kanyang kapwa?

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

5. Itala ang mga positibo at negatibong pananaw sa katangian ni Fak at Mai Somsong.
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

6. Paano mo magagamit sa iyong buhay ang mga aral na natutuhan mo sa akdang ito?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

7. Sa iyong palagay may mga ganitong karakter ba sa ating lipunan? Magbigay ng

pagpapatunay
(Fak at Mai Somsong)
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

12
Gawain 3

Buuin ang pahayag. Dugtungan lamang ito ng ayon sa iyong niloloob.

Bilang isang mamamayan, dapat akong

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Natitiyak kang marami kang natutunan sa nobelang iyong binasa.

Gawain 4

Pagsunod-sunurin mo ang mahahalagang pangyayari sa akda. Lagyan mo ng bilang 1-10

ang bawat patlang.

______ a. Pagsasabi ni Fak na ayos lang siya at wala siyang sakit.

______ b. Pagpapagaling ni Fak ng mga sugat na tinamo sa pambubugbog.

______ c. Paggamit kay Fak ng kanyang kanayon bilang halimbawa kung nangangaral sa anak
ang mga magulang.

______ d. Pagkakabit ng elektrisidad sa nayon.

______ e. Pagdating ng modernisasyon sa nayon.

______ f. Pangingibabaw ng matinding takot ni Fak.

______ g. Pag-aalaga at pag-aaruga ni Mai Somsong.

______ h. Pagpapabaya ni Fak sa sarili.

______ i. Pangungutya kay Mai Somsong ng mga tao.

______ j. Panunukso ng mga kabataan kay Fak.

Pareho ba tayo ng sagot? Ipakita mo ang iyong sagot sa guro upang malaman
mo kung pareho tayo ng iniisip.

Maraming paraan ng pagsusuri ng isang nobela. Ano sa palagay mo ang dahilan?

Tama! Ito ay depende sa bumabasa. Maaring magkaiba-iba ang impresyon ng tumitingin
sa kwento sa kaisipang maaaring lumitaw sa akda. Balikan mo ang nobela at suriin
natin ito sa pamamagitan ng pananaw realismo.

13
Sa realismong pananaw, binibigyang-pansin ang paglalarawan sa tao at lipunan at sa mga
pwersang nakapangyayari sa buhay. Ang teksto ay tumatalakay sa suliranin sa mundo at sa
pinag-ugatan nito. Inilalantad ang mga katotohanan sa pamamagitan ng mga paksa at salitang
karaniwan ngunit gumagamit ng matapang kung hindi man mapangahas na paraan.
Malinaw na ipinakita ang kahirapan ng buhay na naging sanhi ng iba’t ibang kinahantungan
ng mga tauhan.
Balikan mo ang iyong binasang nobela at sagutin ang mga katanungan.

Gawain 1

A. Sagutin ang sumusunod na katanungan tungkol sa binasang nobela.

1. Ihambing ang pakikitungo ni Fak sa kwento sa nangyayari sa kasalukuyan.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

2. Magtala ng mga makatotohanang pangyayari sa akda na kinapapalooban ng

katotohanan sa buhay.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

B. Dahil sa kahirapan ng buhay, isa-isahin ang sanhi at bunga ng mga pangyayari upang
magbago ang paningin ng tauhan sa buhay.

Tauhan Sanhi Bunga

1. Fak

2. Mai Somsong

14
Gawain 2

A. Ibigay ang iyong sariling saloobin tungkol sa sumusunod na mga kaisipan. Pangatwiranan.
1. Ang nagmamahal ay nagtitiis makapiling lamang ang iniibig.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

2. Manahimik na lamang sa kaapihang tinanggap kaysa lalo pang mapahamak.

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

3. Tulungan ang kapwa na nangangailangan.

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

B. Sagutin ang katanungan sa loob ng kahon upang maipakita ang kaisipang nakapaloob sa
binasang nobela. Pangatwiranan ang iyong sagot.

Ano sa palagay mo, ang dahilan kung bakit mahalaga sa isang tao
ang kanyang dignidad?

Mahalaga sa bawat tao ang kanyang dignidad sa dahilang

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Naipaliwanag mo ba nang mahusay ang iyong opinyon? Natutuwa ako sapagkat alam
kong lubos ang iyong pagkatuto.

15
Gawain 3

Sinasabi nating dalawa lamang ang uri ng tao sa mundo, isang manloloko at isang
nagpapaloko. Pag-isipang mabuti kung paano ka hindi mapapabilang sa mga ito. Pangatwiran
ang iyong sagot.

1. Bakit hindi ka dapat manloko ng iyong kapwa, lalo na sa mga taong nagtitiwala sa
iyo?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

2. Bakit hindi ka rin dapat lokohin ng iyong kapwa?

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

3. Kung sakaling dumating ang panahong naloko ka nang ‘di sinasadya at naging
napakasakit nito sa iyo, paano mo tatanggapin o ipakikita ang katatagan ng iyong
loob sa ganitong sitwasyon?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

4. Sumasang-ayon ka bang likas sa mga taong mayayaman, may kapangyarihan at

taong may sinasabi sa lipunan ang mang-api sa mahihirap na walang kakayahan sa
buhay o ipagtanggol ang sarili at mahihina? Ipaliwanag ang iyong sagot.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Natapos mo na ba ang mga gawain? Ipa-tsek mo na sa iyong guro ang iyong

sagot.
Pag-aralan mo ang isa pang pananaw na maaaring gamitin sa pagsusuri.

16
Ang pananaw eksistensyalismo

Magtungo ka naman sa pagbasa gamit ang eksistensyalismong pananaw. Ang

eksistensyalismong pananaw, ito ay may layuning ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o
magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo.
Sa teoryang eksistensyalismo, mahalagang makita sa akda ang kalakasan ng paninindigan
ng tauhan. Mahihiwatigan ito sa kanyang kilos, gawi at mga paniniwala. Malaya siya sa kanyang
pagbuo ng desisyon at kung paano niya ito haharapin.

Gawain 4

Sa eksistensyalismong pananaw, ilarawan ang kakayahan ng isang tao na tahakin ang

landas na kanyang nais tahakin. Tulad mo na isang mag-aaral na nasa YS 10, ano ang nais
mong kurso sa kolehiyo? Isulat sa loob ng kahon. Bakit ito ang gusto mong tahaking landas sa
kolehiyo?

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Kung nagawa mo na ang gawain sa araling ito, maaari mo nang gawin ang panghuling
pagsusulit.

17
Panghuling Pagsusulit

Suriin ang nobelang “Maynila sa mga Kuko ng Liwanag” ni Edgardo Reyes, isaalang-alang
ang mga elemento ng teoryang Realismo at Eksistensyalismo sa pamamagitan ng pagbibigay ng
impormasyon sa sumusunod na katanungan.

A. Isa-isahin ang mga impormasyong hinihingi. Ipaliwanag ang naging sagot.

1. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa nobela?

2. Ilarawan ang kauganayan ng tagpuan sa pamagat ng nobela?

3. Iugnay ang nobela sa may-akda. Ano ang kaugnayan ng may-akda sa nobelang

kanyang isinulat.

B. Sagutin ang sumusunod na katanungan ng buong husay:

1. Naging maliwanag ba ang pagkakalahad ng mga tagpo at kaisipan ng akda?

2. Naisaalang-alang ba ang mga kaasalan ng bawat tauhan upang maipabatid ang tema
ng nobela?

3. Nailarawan ba ang larawan ng buhay tulad ng aspekto ng lipunan, gobyerno,

relihiyon at iba pang aspekto?

4. Naging malikhain ba ang may-akda sa paglalahad nito at napakilos ba nito ang

mapaglarong isipan ng mambabasa?

5. Ang balangkas ba ng akda ay mayroong kaisahan?

6. Ilahad ang iyong pangkalahatang impresyon sa akda.

7. Bigyan ng ibang wakas ang bawat tauhan sa akda.

18
Pansariling Ebalwasyon
Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, bilang mag-aaral ay inaasahan kong
naunawaan mo ang aralin. Lagyan ng tsek( ) ang mga kasanayang iyong natutunan at
ekis ( ) sa mga kasanayang nangangailangan ng karagdagang pag-aaral.

Mga Kasanayan Aking Natutunan OO HINDI

1. Nobela
a. Nakilala ko ang kaibahan ng nobela sa iba pang akdang
pampanitikan
b. Nakasuri ako ng isang nobelang nabasa o napanood
gamit ang teoryang eksistensyalismo at realismo
c. Nasuri ko ang nobelang “Maynila sa mga kuko ng
Liwanag” gamit ang teoryang eksistensyalismo at
realismo

Tama bang lahat ang iyong sagot? Kung Oo, binabati kita. Kung marami kang mali,
huwag malungkot. Balikan ang mga maling sagot at itama. Kung natapos mo nang
iwasto ang mga gawain, maaari ka nang humingi ng Pagsusulit sa iyong guro.
Binabati kita!

19
SANGGUNIAN

Badayos, Paquito B. et.al. 2000. Kudyapi Aklat sa Filipino III. Pasig City; Anvil
Publishing House.

Marquez Guimare, Aida et. al. 1999. Daloy ng Diwa III. Meycauayan, Bulacan:
Trinitas Publishing, Inc.

Marquez Guimarie, et.al. 2000. MITHI III. Meycauayan, Bulacan;Trinitas

Publishing, Inc.

Matienzo, Narciso V. 2000. Mabisang Filipino sa Sining ng Pakikipagtalastasan.

Manila; Marren Publishing House Inc.

Mendoza-Lucila, et. Al. 2015. Daluyan, Modyul sa Filipino-Grade 9 (Salig sa Kurikulum ng

K-12, JIMCZYVILLE PUBLICATION

Ortiz, Allan A. et.al. 2003.LIPI III (Batayang Aklat sa Literatura at Gramatika)

Sta. Cruz, Manila; Hope Publishing House.

Reyes, Edgardo M. 1998. Sa Kuko ng Liwanag. Manila; Dela Salle

University Press

Reyes, Maurita A. et..al. Hiyas ng Kayumanggi III. Quezon City; Abiva Publishing
House Inc.

San Juan, 2014. Diwa ng Wika at Panitikan 9 Edisyon K-12, Diwa Learning System Inc.

20

You might also like