You are on page 1of 23

FILIPINO 10

ARALIN 1.6

ANG KUBA NG
NOTRE DAME

Bb. Lorena D. Panganiban


Guro sa Filipino
Nasubukan mo na bang nahusgahan sa iyong pisikal na anyo
kagaya ng mga larawan na iyong nakikita sa itaas?
Bilang isang kabataang nakaranas nito, anong mensahe ang nais mong
sabihin?
LAYUNIN:

Nakikilala ang pagkakaugnay-


Naibibigay ang katangian ng
ugnay ng mga salita ayon sa isang tauhan batay sa
antas o tindi ng kahulugang napakinggang diyalogo.
ipinahahayag nito.
(F10PN-Ig-h-67)
(F10PT-Ig-h-67)

Nasusuri ang binasang kabanata


ng nobela bilang isang akdang
pampanitikan sa pananaw
humanism o alinmang angkop na
pananaw. (F10PB-Ig-h-68)
NOBELA
ay bungang-isip/ katha na nasa anyong prosa, kadalasang halos pang-
aklat ang haba na ang banghay ay inilalahad sa pamamagitan ng mga
tauhan at diyalogo.

Ito’y naglalahad ng isang kawil ng mga kawili- wiling pangyayari na


hinabi sa isang mahusay na pagkakabalangkas.

Pangunahing layunin ng nobela ay lumibang, bagaman sa di-tahasang


paraan, ito’y maaari ring magturo, magtaguyod ng isang pagbabago sa
pamumuhay o sa lipunan, o magbigay ng isang aral
ELEMENTO NG NOBELA
TAUHAN- higit na marami ang tauhan sa nobela kumpara sa maikling kuwento.
Ang mga tauhan dito ay maaaring makilala mula sa pagkabata at
masusubaybayan hanggang sa paglaki.

TAGPUAN- higit na marami rin ang tagpuan sa nobela. Ang panahon at lugar na
pinangyarihan ay maaaaring binubuo ng iba’t ibang bayan o maging bansa.
Gayunpaman, may isang tagpuan na pinakasentro ng mga pangyayari.

BANGHAY- ito ay tumutukoy sa daloy ng kawing-kawing na mga pangyayari.


May panimula, papaunlad na mga pangyayari na magsasalaysay ng tunggalian
ng nobela, kasukdulan at kakalasan na patungo na sa wakas.

TEMA- ito ay paksang diwa na binibigyang diin.

SIMBOLISMO- ito ay maaaring bagay, tao, lugar o pangyayari na kumakatawan


pa sa ibang bagay, tao, lugar o pangyayari.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG NOBELA

1. Sa isang mahusay na nobela, ang mga


tauhan ay hindi may-akda. Sila’y
gumagalaw ng kusa–lumuluha, nalulugod,
nagtataksil, nagtatapat, nang-aapi,
tumatangkilik- alinsunod sa angkin nilang
lakas, mga hangarin, at mga nakapaligid sa
kanila. Ang mga kilos nila’y siyang mga
kilos na hinihingi ng katutubo nilang ugali at
ng mga pangyayaring inilalarawan ng
kumatha.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG NOBELA

2. Ang mga masasaklaw na simulain


ng pagsasalaysay. Ang nobela ay
dapat sumunod sa masasaklaw na
simulain ng pagsasalaysay. Ang
nobela’y may pauna, na tumutugon
sa mga katanungang Sino? Ano?
Kailan? Saan?
Teoryang Humanismo
Sa pags usuri ng mga akda tulad ng nobela, isang mahalagang pamaraan ang
paglalapat ng mga pananaw. Ang teoryang humanismo ay itinatanghal ang
buhay,dignidad, halaga, at karanasan ng bawat nilalang maging ang k arapatan at
tungkulin ng sinuman para linangin at paunlarin ang sariling talino at talento.

Pinaniniwalaan ng humanismo na ang tao ay isang rasyonal na nilikha na may


kakayahang maging makatotohanan at mabuti. Sa madaling salita, ang humanismo ay
naniniwala na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay, ang siyang pinanggagalingan
ng lahat. Mainam tingnan sa sumusunod ang pagsusuri ng panitikan:

a. pagkatao

b. tema ng akda

c. mga pagpapahalagang pantao

d. mga bagay na nakaiimpluwensiya sa pagkatao ng tauhan

e. pamamaraan ng pagbibigay solusyon sa problema


VICTOR-MARIE HUGO
(26 Pebrero 1802 – 22 Mayo 1885)

Siya ay isang Pranses na makata, mandudula, nobelista,


manunulat ng sanaysay, artistang pangbiswal, politiko, aktibistang
pangkarapatan ng tao, at tagapagtaguyod ng kilusang Romantiko
(tagapagtangkilik ng Romantisismo) sa Pransiya.
Sa Pransiya, hindi lamang nakasalalay sa kanyang mga
nobela ang kabantugan sa panitikan ni Hugo, subalit gayundin sa
kanyang pangmakata at dramatikong mga nagawa. Karamihan sa
mga tomo ng panulaan, katulad ng Les Contemplations at La
Légende des siècles ang tinatangkilik ng mga manunuri ng
panitikan, at minsang kinikilala si Hugo bilang pinakadakilang
makatang Pranses. Sa labas ng Pransiya, pinakakilala ang
kanyang mga nobelang Les Misérables at Notre-Dame de Paris
(kilala sa Ingles bilang The Hunchback of Notre Dame o "Ang
Kuba ng Notre Dame").
VICTOR-MARIE HUGO
(26 Pebrero 1802 – 22 Mayo 1885)

Bagamang isang konserbatibong royalista noong


kanyang kabataan, naging isang liberal si Hugo
habang lumilipas ang mga dekada. Naging
tagapagtangkilik siya ng republikanismo, at
nagtatalakay ang kanyang mga gawa ng mga paksang
pampolitika at panglipunan, pati na ng mga gawi sa
sining, noong kanyang panahon.Nakalibing ang
kanyang bangkay sa loob ng Panthéon.
ANG KUBA
NG
NOTRE DAME
ni Victor Hugo

Nobela mula sa France

https://www.youtube.com/watch?
v=vvuFw15YA94
Ayusin ang mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugan. Gamitin ang teknik sa
pagkiklino.

Bilang 1 ang pinakamababa at bilang 4 ang pinakamataas.

Kagunggungan Galit Kinupkop Hapis


Kahangalan Muhi Inalagaan Lungkot
Kabaliwan Poot Tinangkilik Pighati
Kalokokan Ngitngit Kinalinga Lumbay

4
3
2
1
Bakit masayang
masaya si
Quasimodo sa
simula ng
kuwento?
Sa iyong palagay, bakit sa
kabila ng kalupitan ng mga
tao kay Quasimodo ay hindi
pa rin niya nagawang
maging malupit sa mga ito?
Pangatwiranan
Bakit bagama’t may utang na
loob si Quasimodo kay
Claude Frollo ay inihulog pa
rin niya ito sa tore?
Sa iyong palagay, ano ang
nais ipabatid ng may-akda
sa kanyang isinulat na
nobela na may kaugnayan
sa bansang pinagmulan?
Panoorin natin

https://ww
w.youtube
PANGKATANG GAWAIN:

Pamantayan sa Pagmamarka

Nilalaman 10
Presentasyon 10
Hikayat 5
Kabuoan 25
PANGKAT 1 SURING TAUHAN

Ilarawan ang
natatanging
katangian ng mga
tauhan sa
kuwento?
Patunayan
PANGKATANG 2:
Maglahad ng mga pangyayari o bahagi sa nobela na magpapakilala
sa kultura o pagkakilanlan ng bansang pinagmulan ng akda. Itala sa
tsart.

KULTURA O
PANGYAYARI SA AKDA PAGKAKAKILANLAN NG
BANSA
PANGKATANG 3: PAGHAHAMBING

IHAMBING ANG ILANG PANGYAYARI SA NAPANOOD NA DULA SA


MGA PANGYAYARI SA BINASANG KABANATA NG NOBELA.

Ang Kuba ng Notre Dame Napanood na dula


(Pamagat)
Pangyayari 1

Pangyayari 2

Pangyayari 3
Ikaw bilang isang kabataan,
paano mo maipapakita ang
iyong malasakit at
pagmamahal sa iyong
pamilya at kapwa?
Sagutin mo ang Gawain
na isinend na link sa chat
box.

You might also like