Professional Documents
Culture Documents
MAMURI
Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Magbigay ng mga salitang maisasama sa punong
salita upang makabuo ng iba pang kahulugan.
Gawin sa inyong kwaderno.
ULAN
ALAT
Tubig PAMPALIGO
KANAL
Paglinang ng Talasalitaan
BAHAY MATA
KWENTO
Unawain Mo:
Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang ikinagalit ni Thor sa
magsasaka at sa pamilya nito?
Paano sila pinarusahan ni Thor?
2. Bakit nagalit si Thor kay
Skrymir? Ano ang nangyayari
kapag sa galit niya ay hinahampas
niya ng maso si Skymir?
3. Ano-anong paligsahan ang nilahukan
ng mga panauhin sa kaharian ni Utgaro
Loki? llahad ang naging resulta nito.
a. Loki vs Logi
b. Thjalfi vs Hugi
c. Thor vs Cupbearer
4. Ano ang ipinagtapat ni Utgaro-Loki kay
Thor nang sila'y paalis na? Iparinig ito sa
klase. Ilahad ang pangunahing paksa at
ideya batay sa napakinggang usapan ng
mga tauhan.
5. Kung ikaw si Thor at kaniyang mga
kasama, ilarawan ang iyong magiging
damdamin kapag nalaman mong
nalinlang ka sa paligsahan? Bakit?
Alam
mo ba?
MITOLOHIYA
• isang tradisyunal na salaysay na isinilang mula sa
sinapupunan ng kultura ng tradisyong oral?
• Hango sa salitang Griyego na myhtos na ang ibig
sabihin ay kuwento.
• Isang natatanging kuwento na kadalasang
tumatalakay sa kultura, sa mga diyos o bathala at ang
kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga
tao.
• . Maaaring nagsimula ang mitolohiya mula nang
magsimulang magtanong ang tao tungkol sa
pagkakalikha ng mundo at ano ang kanilang
tungkulin dito. Sa pamamagitan ng mitolohiya ay
nabibigyan ng kalinawan ang mga kababalaghang
pangyayari at ang mga nakatatakot na puwersa sa
daigdig tulad ng pagbabago ng panahon, apoy,
kidlat, pagkagutom, pagbaha, at kamatayan.
Bakit mahalaga ang
mitolohiya?
•. Mahalaga ang mitolohiya upang maipaliwanag
ang pagkakalikha ng mundo at mga natural na
pangyayari. Sa mitolohiya rin mababasa ang mga
sinaunang paniniwalang panrelihiyon. Nagtuturo
rin ito ng aral at nagpapaliwanag ng
kasaysayan.Mahalaga rin ito upang maipahayag
ang takot at pag-asa ng sangkatauhan.
Elemento ng mitolohiya?
1. Tauhan
Ang mga tauhan sa mitolohiya ay
mga diyos o diyosa na may taglay
na kakaibang kapangyarihan.
2. Tagpuan
May kaugnayan ang tagpuan
sa kulturang kinabibilangan
at sinauna ang panahon.
3. Banghay
Maaaring ang banghay o mga pangyayari ay tumatalakay sa
sumusunod:
a. maraming kapana-panabik na aksiyon at tunggalian.
b. maaaring tumalakay sa pagkakalikha ng mundo at mga
natural na mga pangyayari .
c. nakatuon sa mga suliranin at paano ito malulutas.
d. ipinapakita ang ugnayan ng tao at ng mga diyos at
diyosa
e.tumatalakay sa pagkakalikha ng mundo, pagbabago ng
panahon at interaksiyong nagaganap sa araw, buwan at
daigdig.
4. Tema
Maaaring ang tema ng mitolohiya ay nakatuon
sa sumusunod:
a. magpaliwanag sa natural na pangyayari
b. pinagmulan ng buhay sa daigdig
c. pag-uugali ng tao
d. mga paniniwalang panrelihiyon
e. katangian at kahinaan ng tauhan
f. mga aral sa buhay
Pagsusuri sa Elemento ng
Mitolohiya
Suriin ang elementong taglay
ng pinanood na mitolohiya sa
pamamagitan ng pagsagot sa
mga tanong sa flow chart.
ELEMENTO NG
MITOLOHIYA
Ilarawan ang taglay na kapangyarihan ni
Thor.
THOR SAMSON
PAGKAKATULAD PAGKAKAIBA
Isang di-pangkaraniwang katangian ng wikang Filipino
ang pagtiyak ng semantic na relasyon ng pandiwa sa
paksa ng pangungusap sa tulong ng iba't ibang
panlapi? Napapaloob ito sa konsepto ng pagpopokus.
Maipopokus o maitutuon ang pandiwa sa tagaganap o
aktor ng kilos, sa layon o gol, gayon din sa
tagatanggap o benepisyari, direksiyon, sanhi o dahilan,
ganapan o lokasyon, gamit o instrumento.
PANDIWA