You are on page 1of 14

MGA TAUHAN

• Placido
Siya ang isang estudyante na mabigat ang loob dahil sa kahihiyang
naranasan niya dahil sa nangyari sa paaralang kanyang
pinapasukan, si Placido ay maihahalintulad sa isang mandirigma na
maaring sugatan ngunit taas noong nakipaglaban, at sa kanyang
matinding kalungkutan naramdaman. Hinayaan na lamang niya ang
kanyang luhang tumulo, sabi nalang niya sa kanyang sarili na
ipakita mo sa kanilang lahat na ikaw ay isang magiting na Pilipino
at ipagmalaki na ikaw ay isang kabataan nan a mayroong sariling
dangal at paninindigan na dapat pangalagaan dahil din sa kanyang
inis ay ayaw na niyang bumalik sa eskwelahan.at naisip niya na
gumawa ng liham sa kanyang ina.
MGA TAUHAN
• Simoun
Ang isang mag aalahas na nakasama ni Isagani ng siya ay
masama ang loob ito ang napaghingahan niya ng sama ng
loob, at natuklasan din ni Isagani ang lihim na gagawing pag
aaklas nina Simoun at mga kasamahan nito.
• Padre Sybila at Don Custodio
Sila naman ang nakita ni Placido sa Fuente del Espana na
nakasakay sa isang karwahe, sininyasan niaya ng kutsero na
ihinto ito ngunit hindi ito inihinto ng kutsero.
MGA TAUHAN
• Kabesang Andang
Ang ina ni Placido, ang naabutan ni Placido sa kanyang
dormitoryo sapagkat gusto niyang supresahin ang kanyang anak
na si Placido. Pinasalubungan niya si Placido ng pinatuyong
tapa, sedang panyo at pera. Ngunit napansin agad niya ang
kalungkutan ng anak at pinayuhan na magtiis at makisama at
magmano sa mga kura at laging tatangon sa anumang ipaguutos
ng mga ito sapagkat para sa kanyan ang mga kura ang
makapangyarihan sila daw ang magpapasya kung magiging
duktor o abugado ka o kung magiging kaaway ka nila.
MGA TAUHAN
• Dalawang paring Agustino
Ang dalawang paring nakita ni Placido sa tindahan ni quiroga n
asana ay susugurin niya kung hindi lamang nag datingan ang
kanilang mga ksamahan na tiyak na tutulong sa dalawa kung sila ay
mapapaaway.

• Isagani, Paulita, Juanito Pelaez at Donya Victorina


Sila ang magkakasamang nakita ni Placido at Simoun na nakasakay
sa magarang karwahe sa Kalye Iris.
MGA TAUHAN
• Gurong mahusay mangastila
Siya ang gurong kinausap ni Simoun tungkol sa gagawin ilang pag
aaklas, siya ang mahusay na guro na binastos ng mga kura na
nakagalit nito ipinatapon siya sa malayong lugar upang magdusa
subalit tinulungan siya ni Simoun.

• Ang pilay na matanda


Isang kastila na napapanig ni Simoun sa kanyan ang kastilang
dating merong napakatipunong katawan ngunit kinainggitan ng
kanyang mga kababayan ipinakulong siya at pinahirapan sa
kulungan.
SULIRANIN
• Ang kabanatang ito ay tumutugon sa suliranin sa silakbo ng mga
damdamin. Tulad na lamang ng kay Placido Penitente na nais
ipabatid sa lahat na ang totoong siya ay isang marangal at
masigasig na mag - aaral. Mga katangian na hindi nakita ng
kanyang mga guro sa ilang taon na niyang pamamalagi sa
unibersidad. Sa kabilang banda, ganito rin ang pakiramdam ni
Simoun. Nais niyang ipaghiganti ang pagkakahiwalay nila ni
Maria Clara. Nais niyang iparamadam sa kura na nag udyok kay
kapitan Tiyago na ipadala si Maria Clara sa kumbento na
nagkamali ito ng pasya at ang pasya na ito ay nakasama ng labis
kay Maria Clara sapagkat nawalan siya ng sigla at ganang
mabuhay. Ang mga
nakakalungkot na pangyayaring narinig mula sa
kumbento ang nagsilbing mitsa upang maghimagsik si
Ibarra sapagkat hindi niya maatim na nahihirapan ang
kanyang minamahal na si Maria Clara. Hanggat maaari
ay ayaw niyang makaramdam ang dlaga ng labis na
lungkot at pag - iisa upang hindi ito makapag isip ng mga
negatibong bagay tulad ng pagkamatay ng ina at pagtutol
ng kura sa kanilang relasyon. Kapwa sila ni Maria Clara
na humuhugot ng lakas sa isa't isa kaya naman batid niya
na kapag sila ay magkahiwalay ay sila ay kapwa mahina
at malungkutin.
ISYUNG PANLIPUNAN
• Sa kabanatang 19 ng El Filibusterismo, binibigyang-diin
ni Jose Rizal ang mga mahahalagang suliranin sa lipunan
na kinakaharap ng mga Pilipino noong panahon ng
kolonyalismo, partikular na ang malawakang katiwalian
sa gobyerno at kakulangan ng katarungan para sa mga
nasa laylayan ng lipunan. Sa pamamagitan ng buhay na
paglalarawan ng mga korap na opisyal, ipinakikita ni
Rizal kung paano ang kakulangan ng integridad at
moralidad sa pamahalaan ay nagpapalala ng kahirapan
at kawalan ng pag-asa sa bansa. Dagdag pa, ipinapakita
rin ng awtor ang
di-pantay na pagtrato sa mayayaman at mahirap sa
sistemang pangkatarungan, kung saan ang mayayaman ay
madaling makabili ng katarungan at makaiwas sa parusa,
samantalang ang mahirap ay walang kakayahang
makapasok sa sistema ng katarungan. Sa pangkalahatan,
ang kabanatang 19 ng nobela ay naglalayong ipakita ang
mga katotohanan sa lipunan na kinakaharap ng mga
Pilipino noong kolonyal na panahon, at nagpapakita kung
paano ang mga katiwaliang sistemang ito ay lalong
nagpapahirap sa mga nasa laylayan ng lipunan.
GINTONG ARAL
• Huwag mag paapekto sa mga suliraning
nararansan,maging matatag sa lahat ng pagsubok na
dumarating sa buhay. Si Pinetente dahil sa dinanas na
pagkapahiya sa kaniyang paarala ay ayaw na niyang
pumasok sa paaralang ito kahit kelan inuna niya ang
galit na kanyang nararamdaman, puro puot at
pagkasuklam ang nasa kanyang isipan, pati mga
nakikita niya sa labas ay gusto niyang saktan.hindi siya
makapag isip ng maayos dahil sa pagkamuhi.
• Laging makinig sa payo ng magulang, dahil ang nais
nila ay mapaganda ang ating kinabukasan, Si Placido
dahil nga sa nagyari sa kanya sa paaralang kanyang
pinapasukan ay ayaw na niyang bumalik dito para mag-
aral gusto na lamang niyang bumalik sa kanilang
probinsya upang tumulong sa kanyang mga magulang,
Ngunit labag ito sa kagustohan ng ina gusto niya na
makapag aral si Placido para sa maganda nitong
kinabukasan sinabi pa nito na may kakausapin siyang
tao upang maayos ang suliranin ng kanyang anak.
• Huwag pairalin ang galit at huwag magpadalus-dalos ng
desisyon dahil sag alit na nararamdaman natin minsan
nakakaisip tayo ng hindi maganda, hindi na natin naiisip
ang mga madadamay na tao sa mga gagawin nating
paghihiganti, sapagkat ang nais na lamang natin ay ang
makaganti sa mga taong may ksalalan sa atin.

You might also like