You are on page 1of 35

El

Filibusterismo
KABANATA 20:
Ang Nagpapalagay
TAUHAN
Don Custodio de Salazar y Sanchez
de Monteredondo
Siya ay mas kilala bilang “Buena Tinta.”
Nakasalalay sa kaniyang mga kamay ang
usapin ukol sa Akademya ng Wikang Kastila.
Si Don Custodio ang pinagkakatiwalaang
lulutas sa suliraning ito na patuloy namang
bumabagabag sa kaniyang isipan.
Ginoong Pasta
Siya ay hiningan ng payo ni Don
Custodio ngunit isang malabong payo
lamang ang kaniyang naibigay sa Don.
Pepay
Isang mananayaw at ang babaeng
kinahuhumalingan ni Don Custodio. Siya ay
humingi ng dalawampu’t limang piso mula
sa Don para sa pampalibing ng kaniyang
aleng namatay. Siya din ay humihingi ng
mga pabor sa Don.
Ben Zayb
Siya ay isang mamahayag sa
pahayagan. Palagi niyang sinasabi sa
madla kung ano ang kaniyang magiging
susunod na artikulo. Siya ay hindi totoo sa
kaniyang mga salita at mahilig gumawa
ng sariling bersiyon ng mga pangyayari at
balita.
TAGPUAN
❖ Tanggapan – Kung saan namalagi si Don Custodio at
masusing pinag-aaralan ang mga papeles at kasulatan na
nakaatas sa kaniya.

❖ Perya sa Quiapo – Ito ay nabanggit sa kabanatang ito. Ito


ang lugar na kung saan pumunta si Don Custodio at
pagkatapos ay sinimulan na niyang muli ang pag-aaral sa
mga kasulatan upang mahanap ang karapat-dapat na
solusyon sa mga suliranin.
❖ Madrid, Espanya – Ito naman ay ang bansa kung saan
bumalik si Don Custodio nang magkasakit siya sa atay. Sa
bansang ito ay walang kumilala at nagbigay sa kaniya ng
mga papuri.

❖ Pilipinas (Maynila) – Sa bansang ito, siya ay nagbalik at


nagkunwaring nagkaroon ng mga magagandang karanasan
sa Madrid, Espanya.
TALASALITAAN
❖ Bantog
Kahulugan:
Pagiging tanyag o kilala ng nakararami.
Halimbawa sa Pangungusap:
Ang obrang ito ay gawa ng isang bantog na pintor.

❖ Di-masusupil
Kahulugan:
Hindi mapipigil, magagapi, o malulupig.
Halimbawa sa Pangungusap:
Ang kaniyang paniniwala ay di-masusupil ng kahit sino.
❖ Ginugol
Kahulugan:
Pinaglaanan ng pansin at oras.
Halimbawa sa Pangungusap:
Ginugol ni Don Custodio ang kaniyang oras sa pag-aaral sa mga papeles
at kasulatan.

❖ Masawata
Kahulugan:
Nangangahulugang pigilan, hadlangan, o harangan.
Halimbawa sa Pangungusap:
Nararapat lamang na masawata ang mga masasamang gawain ni Fe.
❖ Mangutya
Kahulugan:
Nangangahulugang minamaliit, nanglait, o nanghusga.
Halimbawa sa Pangungusap:
Nakagawian na niya ang mangutya sa gawa ng iba.

❖ Nakakagambala
Kahulugan:
Nakakaistorbo o nakakagulo.
Halimbawa sa Pangungusap:
Ang ingay mula sa labas ay nakakagambala sa kaniyang pagtulog.
❖ Nakikini-kinita
Kahulugan:
Ito ay nangangahulugang nagugunita.
Halimbawa sa Pangungusap:
Nakikini-kinita ko na maging maginhawa ang kaniyang paglalakbay.

❖ Panukala
Kahulugan:
Ito ay isang mungkahi o suhestiyon.
Halimbawa sa Pangungusap:
Ito ay ang bantog na panukala ng Paaralang Artes Oficios.
❖ Sumangguni
Kahulugan:
Nangangahulugang magtanong, humingi ng payo, o kumonsulta.
Halimbawa sa Pangungusap:
Si Don Custodio ay sumangguni kay Ginoong Pasta.

❖ Sumuling
Kahulugan:
Ito ay nangangahulugang magpatuloy.
Halimbawa sa Pangungusap:
Saan man sumuling si Don Custodio ay wala siyang makitang palusot.
SIMBOLISMO
❖Pagiging mapagmataas o mayabang
Ito ay mailalarawan kay Don Custodio na nakapangasawa lamang
ng isang mayamang mestiza, nakapunta sa Espanya, nagkaroon lamang
ng mga taong nagtitiwala, at nakakuha ng mga papuri mula sa madla,
ay naging mataas na ang pananaw sa kaniyang sarili. Siya din ay
nagmagaling at naniniwalang may mga taong ipinanganak upang mag-
utos at mayroon namang ipinanganak upang sumunod sa mga utos na
ito. Kaniyang sinabi at ipinahiwatig na ang mga Pilipino ay ipinanganak
upang maging utusan.
❖Kahalagahan ng edukasyon
Ito pa rin ay mailalarawan kay Don Custodio na kung saan siya ay
pinupuri ng mga Pilipino dito sa Pilipinas na kung saan siya ay kinilala
at nakatanggap ng paggalang. Ngunit nang siya ay nagtungo sa ibang
bansa, siya ay walang natanggap na papuri at walang kahit sino ang
kumilala sa kaniya dahil sa kakulangan sa pag-aaral. Siya lamang ay
naging isang pankaraniwang tao sa Madrid, Espanya.
❖Mapagkunwari
Mailalarawan ito kay Don Custodio na nagkunwari nang siya ay
muling nagbalik dito sa bansang Pilipinas. Sinabi niya sa mga
mamamayan na siya ay nagkaroon ng mga magagandang karanasan sa
kaniyang pananatili sa Madrid, Espanya kahit ito pa man ay taliwas sa
totoong nangyari.
❖Pagiging taliwas ng mga sinasabi sa ikinikilos
Ito pa rin ay maaaring mailarawan kay Don Custodio na palaging
nagmamalaki sa kaniyang pagiging isang Katoliko Romano kahit pa man
siya ay hindi kailanman nangungumpisal at hindi naniniwala sa mga
himala. Isa pa, sinabi niyang siya ang amang tagapagtanggol ng mga
Indiyo kahit pa man siya ay naniniwalang ang mga ito ay ipinanganak
lamang upang maging utusan at hindi para mag-utos.
❖Pagkaroon ng praktikal na pag-iisip
Ito ay mailalarawan kay Pepay, isang mananayaw na kung saan
siya ay ang babaeng kinahuhumalingan ni Don Custodio. Ginamit niya
ang kaniyang utak upang hingan ng salapi at maraming pabor si Don
Custodio.
❖Pagiging hindi tapat
Mailalarawan ito kay Don Custodio na kung saan siya ay mayroong
ibang kalaguyo at babaeng kinahuhumalingan kahit siya pa ay mayroong
asawa. Isa pa ay ang pagiging takot, pagtanggap ng mga regalong maituturing
na suhol, at ang madaling maipluwensiyahan ng ibang tao ay nagdudulot ng
abala sa paggawa ng kaniyang trabaho at ng malawakang pagbabago sa
kaniyang pagpapasiya. Ito ay aking maituturing na pagiging hindi tapat
sapagkat siya ang nanunungkulan at nasa posisyon kung kaya’t hindi niya
dapat hayaan ang ibang tao na manipulahin at kontrolin ang kaniyang mga
desisyon sapagkat ito ay nagpapakita ng kawalan ng katapatan sa
sinumpaang obligasyon.
BUOD
Nakasalalay kay Don Custodio ang usapin tungkol sa Akademya ng
Wikang Kastila. Siya ang pinagkatiwalaan at naatasang lumutas sa suliranin
at ito ang patuloy na gumugulo sa kaniyang isip. Nasa loob siya ng tanggapan
at masusing pinag-aaralan ang mga papeles at kasulatan. Saan man siya
sumuling ay wala siyang makitang palusot at siya ang nagigipit. Hindi dapat
balewalain ang kahilingan ng mga mag-aaral subalit nakapangyayari ang
tinig ni Simoun gayundin ang lantarang pagtutol ni Padre Sibyla.

Gaya ng inaasahan ay sumagguni siya kay Ginoong Pasta na nagbigay


ng malabong payo sa kaniya. Nagtanong din si Don Custodio sa mananayaw na
si Pepay subalit wala itong naipayo at sa halip ay hiningan pa siya nito ng
dalawampu’t limang piso para pampalibing ng ale nitong namatay.
Makaraang manggaling ng perya sa Quiapo ay muling hinarap ni Don
Custodio ang pag-aaral ng kasulatan upang hanapan ng karapat-dapat na
solusyon sa suliranin.

Si Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo ay kilala bilang


“Buena Tinta” na ang ibig sabihin ay mapagkakatiwalaan ang bawat sabihin.
Siya’y kumikilos na kailangan munang mailathala sa pahayagan. Nakapag-
asawa siya ng isang mestisang mayaman at sa pamamagitan ng yaman ng
kaniyang asawa ay nakapagnegosyo siya kahit kulang sa edukasyon. Dahil sa
kasipagan at angking talino ay pinuri siya sa paghawak ng anumang
tungkulin.
Sa tulong ng asawa ay nakahawak siya ng tungkulin sa pamahalaan.
Naging kawani at tagapangulo ng kung anu-anong lupong pangasiwaan.
Nagbalik siya sa Espanya nang magkasakit sa atay. Marami ang nalungkot sa
Maynila sapagkat siya ay isang mahalagang tao subalit sa Espanya ay walang
pumansin sa kaniya.

Hinahanap-hanap niya ang mga papuri ngunit wala isa mang kumilala
sa kaniya dahil sa kakulangan ng pinag-aralan. Isang pangkaraniwang tao
lamang siya sa Madrid kahit marami pa siyang suot na brilyante. Sumapi siya
sa samahang liberal dahil sa pagkagalit niya sa mga conservador at parasite,
ito ay ang mga taong mayayaman na mahilig lamang mangutya. Wala pang
isang taon ay nagbalik na siya ng Pilipinas.
Nagkunwari siyang maganda ang naging karanasan sa Madrid. Nagbalik
siya ng Pilipinas na may taglay na sama ng loob sa mga kababayan sa
Espanya. Mula noon ay pinaniwala niya pati ang sariling isa siyang taong
maka-Indiyo. Ipinagpalagay niya ang sariling isang amang tagapagtanggol sa
kabila ng patuloy na paniniwalang ang mga Indiyo ay ipinanganak upang
sumunod at hindi mag-utos sapagkat iyon ang nauukol sa kanila.

Bagama’t kahit kalian ay hindi siya nangungumpisal, ipinagmamalaki


niya ang pagiging isang Katoliko Romano. Hindi siya naniniwala sa anumang
himala at minsang sinasabi rin niya na ang mga prayle ay masamang
kailangan ng bayan at maski sa Papa ay mayroon siyang pag-aalinlangan.
Ipinagmamalaki ni Don Custodio na siya ay isang tunay na Kastila sa
pagsasabing, “Kami man ay nagkakamali at tumanggap nito. Hindi katulad ng
mga Olandes at Ingles na para lamang mapasunod ang bayan ay gumamit ng
kamay na bakal. Ang ipinagkakaloob namin ay ang mapagkanlong na mga
prayle na higit pa sa pamalo ng mga Ingles.”

Lalo siyang sumikat dahil sa mga pahayag na ito at kinilala siya ng mga
prayle sa pamamagitan ng pagbibigay ng aroba ng tsokolate at agad
inihambing ni Ben Zayb ang kaniyang birtud kay Epaminondas. Panay ang
padala ng regalo sa kaniya ng simbahan sapagkat may pangamba ang mga
itong baka kumiling siya sa mga mag-aaral.
Kumuha siya ng mga libro at binasa ang mga malalaking titik na
nakasulat gaya ng Ang Proyektong Panukala, Mga Proyektong Pinigil, Mga
Proyektong Naisakatuparan.

Inilabas na niya ang lahat ng kuwaderno na pinagsulatan ng kaniyang


pasya. Nirebisa niya itong mabuti hanggang sa nakatagpo siya ng solusyon. Ito
ay ang bantog na panukala ng Paaralang Artes Oficios. Natapik niya ng wala
sa sarili ang noo at ang mukha niya’y naging larawan ng isang malaking
tagumpay. Nagtungo siya sa mesa at isinulat sa papel ang nabuong pasya.
PAHIWATIG
❖ Ang mga Pilipino ay napakabilis humanga sa mga banyaga. Mataas ang
ating pagpapalagay sa kanila kahit pa man hindi natin nasusuri at wala
tayong lubos na kaalaman sa kanilang pagkatao at kakayahan.

❖ Naniniwala si Rizal na tayong lahat ay pantay-pantay. Walang pagkakaiba


at hindi nakalalamang ang mga puti sa mga kayumanggi.

❖ May mga taong nanunungkulan ang hindi nararapat sa kanilang mga


hinahawakang posisyon. Ito ay dahil sila ay walang katapatan sa
sinumpaang obligasyon at napakadaling manipulahin at kontrolin ng ibang
tao. Sila din ay kumikiling sa mga taong mayayaman at may
kapangyarihan at hindi sa mga taong ipinaglalaban ang wasto.
❖ Isa pang aral mula sa kabanatang ito ay ang pagtanaw ng utang na loob.
Ito ay dahil si Ben Zayb ay tumanaw ng utang na loob kay Don Custodio
kung kaya’t siya ay panay na nagbibigay ng mga magagandang papuri sa
Don sa kaniyang mga pahayagan. Siya ay tumanaw ng utang na loob sa
lahat ng kabutihang nagawa sa kaniya ni Don Custodio.

❖ Bawat isa sa atin ay mayroong mga kalakasan at kahinaang tinataglay


kung kaya’t wala tayo sa posisyon upang manghusga, manglait, at maging
mapagmataas. Huwag din nating maliitin ang mga kakayahan at talinong
tinataglay ng ating kapuwa lalo pa kung hindi pa natin kilala ang kanilang
tunay na pagkatao.
MGA SANGGUNIAN
❖ https://www.google.com/search?q=don+custodio&rlz=1C1CHBF_enPH808PH810&sxsrf=ALeKk00P372vNpWKqKRVmH1x6VFrsJeZA:162
4295435964&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwij4eGDnKnxAhUULJQKHewDBMkQ_AUoAXoECAEQAw&biw=1366&bih=656#
imgrc=Ia18GiGigfb84M&imgdii=eG8d2vebAAqTJM

❖ https://www.google.com/search?q=don+custodio&rlz=1C1CHBF_enPH808PH810&sxsrf=ALeKk00P372vNpWKqKRVmH1x6VFrsJeZA:162
4295435964&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwij4eGDnKnxAhUULJQKHewDBMkQ_AUoAXoECAEQAw&biw=1366&bih=656#
imgrc=eG8d2vebAAqTJM&imgdii=QQWSWdzPIHgu6M

❖ https://www.google.com/search?q=pepay+el+filibusterismo&tbm=isch&ved=2ahUKEwiShu_qnKnxAhUJ8ZQKHQKiAWYQ2cCegQIABA
A&oq=pepay+&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgQIIxAnMgIIADICCAAyBAgAEEMyBAgAEEMyAggAMgIIADIECAAQQzICCAAyAggAUOYtWOYtYK8_
aABwAHgAgAHPAYgBzwGSAQMyLTGYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=5MjQYJKEC4ni0wSCxIawBg&bih=656&bi
w=1366&rlz=1C1CHBF_enPH808PH810#imgrc=EogenQ8lWrVYhM

❖ https://www.google.com/search?q=ben+zayb&tbm=isch&ved=2ahUKEwjth_7wnKnxAhVxEqYKHemXAVIQ2cCegQIABAA&oq=ben+zayb
&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECCMQJzIKCAAQsQMQgwEQQzICCAAyBAgAEEMyBAgAEEMyAggAMgQIABBDMgQIABBDMgQIABBDMgIIADoFCAAQ
sQM6CAgAELEDEIMBUNaRAljEnAJgz58CaABwAHgAgAHDBIgB1A2SAQswLjIuMi4wLjEuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclie
nt=img&ei=8cjQYK1L8aSYBemvhpAF&bih=656&biw=1366&rlz=1C1CHBF_enPH808PH810#imgrc=5lQAaI4oBMxt2M
MARAMING
SALAMAT

You might also like