You are on page 1of 1

FIL REPORTING

I. MAHALAGANG PANGYAYARI
 SI Placido Penitente ay lumisan ng silid-aralan na malungkot at puno ng pighati ang puso. Sa kanyang
paglisan, napakarami niyang planong naiisip kung paano makapaghihiganti sa mga prayle.
 Ang nanay ni Placido na si Kabesang Andang ay dumating mula pa Batangas upang bisitahin siya at
bigyan siya ng salapi.
 Pansin ni Kabesang Andang na may galit sa puso ang kanyang anak—nakikita niya ito sa mabalasik na
tingin ng anak—kaya naman siya’y naghinagpis nang lubusan.
 Pinaalala ni Kabesang Andang ang pangako niya sa ama ni Placido ngunit hindi pa rin natinag ang galit ng
binate. Kaya naman pinayuhan niya ito na magpasensya at magpakababang-loob na lamang.
 Nang matapos ang sermon ni Kabesang Andang, nagdahilan si Placido, umalis ng bahay, at naglakad-
lakad. Noong nakaramdam siya ng gustom ay nagbalik siya na hindi inaasahang naroroon pa ang
kanyang ina ngunit pagdating niya ay hinintay pala ni Kabesang Andang ang kanyang pagbalik.
 Nagsimulang magbigay ng mungkahi si Kabesang Andang kung paano matatanggal ang galit ng mga
prayle ngunit pinatigil lamang siya ni Placido.
 Noong magpapatuloy muli sa pagsasalita si Kabesang Andang ay lumabas na lamang muli si Placido
hanggang sa Makita niya ang bapor sa daungan na tutungong Hong Kong. Dito niya napagdesisyunan na
nais niyang makapunta sa bansang ito.
 Uuwi na sana si Placido ngunit maganda ang gabi kaya tumungo siya sa Quiapo kung saan niya nakita si
Simoun.
 Sinundan ni Placido ang mag-aalahas. Noong paakyat na ito sa karwahe ay tinawag si ni Placido at
humingi ng tulong upang siya ay makarating sa Hong Kong.
 Pinasama ni Simoun si Placido sa karwahe at tumungo sila sa Kalsada Iris at nang sila ay makababa,
dumaan sila sa mga pasilyong paikot-ikot sa mga gusali, sa mapuputik na daan at iba pang mga daan na
masukal. Namangha si Placido dahil sanay na sanay na si Simoun sa mga lugar na ito.
 Pagdating nila ay may nakausap si SImoun na isang lalaki tungkol sa kanyang mga plano ng rebolusyon at
paghihiganti. Natakot si Placido.
 Bumalik ang dalaw sa maluwang na kalsada sa may paanan ng arabal ng Trozo. Mayroon silang nakitang
isang Kastila na kinausap din ni Simoun tungkol sa kanyang mga plano.
 Sumakay muli ang dalawa sa isang karwahe at tumungo sa Escolta. Makalipas ang dalawang oras ay
umalis na si Placido.
 Malalim ang iniisip ni Simoun dahil ilang araw na lamang ay magsisimula na ang kanyang paghihiganti.
Subalit, binabagabag siya ng kanyang budhi dahil siya rin ay nakokonsensya sa kanyang mga ginawa
upang mapunta sa puntong iyon.
 Habang siya’y nakokonsensya ay naisip niya rin ang kanyang mga mahal sa buhay at ilang taong namatay
dahil sa kasamaan ng mga prayle at naisip niya na hindi na siya maaaring bumalik at umatras.
 Naisip ni Simoun na kailangan ng bayan ang rebolusyong pinagplanuhan niya.
 Kinabukasan, nakinig na si Placido nang may pagpapakumbaba at ngiti sa labi sa pangaral ng kanyang
ina.
II. MAHALAGANG ARAL
 May mga panahon kung saan kailangan nating maging mahinahon at mapagkumbaba ngunit nararapat
lamang itong gawin kung mayroong magandang kalalabasan ang iyong pagtitiis, kung ang resulta nito ay
nakabubuti sa nakararami.
 Sa ating buhay, hindi maiiwasan ang pagsasakripisyo, kahit ng sarili nating moralidad, para sa ikabubuti
ng bayan at ng mga mahal natin sa buhay. Subalit, dapat pa rin nating isipin ang ating mga pagkakamali
at ihingi ito ng tawad dahil kung hindi, ito ay babagabag sa ating kalooban habang buhay.

You might also like