Professional Documents
Culture Documents
Tauhan
Padre Salvi - ayaw makipagsiksikan sa tao dahil mataas ang tingin sa sarili.
Don Custodio - ayaw makipagsiksikan sa tao dahil mataas ang tingin sa sarili.
Quiroga - ang intsik na nagdaos ng hapunan sa taas ng kaniyang tindahan sa daang Escolta.
Señor Gonzales - matabang ginoo na nagsasabi ng kaginhawaan ang pagtatatag ng isang konsulado ng
intsik at pinupuri si Quiroga.
Don Timoteo Pelaez - Ama ni Juanito na ipinaghihiyawan ang paglabas sa kakumpetensiyang mga intsik
na nagpapabagsak sa kaniyang hanapbuhay.
Padre Camorra - Ang kura paroko ng Tiani na mukhang artilyero at kilala rin sa pagiging pilyo sa babae.
Mr. Leeds - nagpapalabas sa isang perya sa Quiapo ng isang pigot na ulo na nakalagay sa isang kahon.
Juanito Pelaez - nakasaksi na labis ang paghangang isinalaysay sa mga kasama ang nakitang palabas ni
Mr.Leeds na siya pa lamang ang nakakakita.
Talasalitaan
Bulalas – pahayag
Consulado – ukol sa gawain ng konsul
Kapighatian – kahirapan, kalungkutan
Konsul – isang tao na ipinag-utos ng pamahalaan na naninirahan sa ibang bansa para maging kinatawan
ng kanyang bansa.
Kopa – goblet
Nakahuhughog – nakasasaid
Nanduduwit – nangunguha
Paghahamok – labanan, away
Piging – handaan, kainan
Pulseras – bracelet
Sikolo – 25 sentimo
Tsampan – kumikislap na alak (Champagne)
Walang kapangi-pangimi – malakas ang loob
Buod
Simbolismo
Pagpapahalaga
Ang negosyo ay siyang nakakatulong upang matustusan ang pangagailangan dahil sa laki ng
maaaring ikita kung napatakbo ng tama. Ngunit hindi talaga maiiwasan na magkaroon ng mga pagduruga
rito na naguudyok upang sumang ayon sa maling sistema. Ang pagnenegosyo ay nangangailangan ng
diskarte, pagiging praktikal at responsable, hindi maaaring napapabayaan at hindi napagplaplanuhan
kung paano tatakbo at mamamalakad ito.
Isyung panlipunan
Pagiging dominante ng mga Intsik sa Pilipinas sa kabila na hindi naman dito ang kanilang
sinilangan. Dahil sa kanilang kahusayan sa pamamalakad ng negosyo, nabibigyam sila ng karapatang
dapat tinatamasa ng mga pilipino.