You are on page 1of 8

KABANATA 13

ANG KLASE SA PISIK


A
MGA TAUHAN
• Padre Millon - ay isang batang Dominikong napabantog
sa Pilosopiya sa Kolehiyo ng San Juan de Letran.
• Juanito Pelaez - mag-aaral na paborito at kinagigiliwan
ng mga prayle, nabibilang sa kilalang angkang may
dugong kastila.
• Placido Penitente - mag-aaral na nawalan ng ganang
mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan.
MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARI

• Ang kabanatang ito ay nagsimula sa paglalarawan ng


silid aralan ng klase sa pisika. Ipinakita rito ang
pagpapahalaga ng mga guro sa mga kagamitan na nasa
loob ng isang aparador na may salamin at nakasusi.
Ang mga gamit na nasa loob ng aparador ay
nagsisilbing tila palamuti lamang sapagkat hindi ito
nagagamit o nahahawakan man lamang ng mga mag
aaral.
• Ang uri ng pagtuturo ni Padre Millon ay nakabatay sa
kung ano ang ipinapakita ng mga mag aaral. Ang una
niyang sinubok ay ang antuking mag aaral. Ngunit dahil
hindi ito nakikinig ay hindi ito nakasagot. Napansin
nito si Juanito na isa kanyang kinagigiliwan sa klase
kaya siya ang sunod na tinawag at tinanong.

• Hindi rin ito nakasagot kaya hinudyatan niya ang


kanyang katabi na si Placido. Tinapakan niya ang paa ni
Placido upang magpadikta at bulungan siya ng sagot.
• Sa katatapak sa paa ni Penitente ay napasigaw ito sa
sakit. Nabaling sa kanya ang atensyon ng propesor
kaya siya ang sunod na pinatayo at tinawag.

• Nang hindi ito makasagot ay tinanong nito ang


kanyang pangalan at saka ininsulto. Nagpasya ang
propesor na bigyan ito ng parusa sa kaniyang
pagdidikta. Kinuha nito ang talaan at ginuhitan ng
dalawampu’t lima para sa pagliban at dagdag na isang
guhit naman para sa hindi pagsagot.
• Hindi na nakatiis pa si Penitente sa ginawagawang
pang-iinsulto at pagpapahiya ng propesor sa buong
klase kaya kaniya itong sinagot.

• Umalis nang walang paalam si Penitente. Natulalala at


natigilan ang buong klase, di nila lahat akalain na
magagawa iyon ni Placido. Nagsermon at nagmura si
Padre Millon hanggang sa tumugtog ang kampanilya,
hudyat na tapos na ang klase. Pumasok ang mga mag-
aaral nang walang nalalaman at umalis sa ganoon ding
kalagayan.
SIMBOLISMO AT NAIS IPAHIWATIG

• Ang mga mag-aaral sa panahong iyon ay hindi


nasisiyahan sa pamamalakad at pamamaraan ng
pagtuturo sa pamantasan. Sila naghain ng kahilingan
upang magkaroon ng pagbabago.
• Ang malaking laboratoryo sa pisika ay inihahanda
lamang sa mga panauhing darating at hindi sa pag-
aaral. Isa ito sa sakit ng ating lipunan, ang
pagpapakitang tao.
PAG-UUGNAY SA KASALUKUYAN
• Isa sa kaugalian noon na maiuugnay parin hanggang
ngayon ang pagiging pakitang tao lalo na kung may
panauhin o bisita na darating, halimbawa nito ay ang
paglalabas ng mga mamahaling kasangkapan upang
masabi lamang na hindi sila nahuhuli sa agos ng
pagbabago.

• Pangalawa ay ang hindi maayos na pagdidisiplina. Kung


minsan ay lumalabis na sa pagdidisiplina ang iba. Kahit
maganda ang intension, kung hindi maganda ang
pamamaraan ay wala rin itong bisa.

You might also like